Ipagpapatuloy ko lang ang pagsasabi-sabi tungkol sa karahasan sa Pilipinas na dulot ng mga baril, loose firearms to be eksak. (Pangangatawan ko na ang pagtalakay sa topic na ito ngayong Enero. May 2 posts pa akong natitira tungkol dito 😀 )
Ayon sa isang statistic, kasama ang Pilipinas sa ranking ng “Worst Countries for Firearms Related Deaths” sa buong mundo. Hindi kasama sa ranking na ito ang mga bansang may kasalukuyang digmaan o giyera na nagaganap.
Death by Firearms Around the World (Source: Forbes.com)
1. El Salvador
2. Jamaica
3. Honduras
4. Guatemala
5. Swaziland
6. Colombia
7. Brazil
8. Panama
9. Mexico
10. Philippines
11. South Africa
12. United States
Mapapansin sa listahang ito na tayo lang ang galing sa Asia at mas mataas pa ang rate natin sa US.
Sa isa pang survey naman na ginawa ng GunPolicy.org, lumilitaw din na mas mataas ang rate ng gun homicide sa Pilipinas kesa sa US.
Bakit ba kahit mga small-time holdaper na nanghoholdap ng mga pobreng pasahero ng dyip ay may baril? Para na lang bang celphone ang baril ngayon? Kapresyo na lang ba ng load ang mga bala ng baril?
Sa Pilipinas, ano ang kasiguruhan natin na hindi tayo malalagay sa ganitong mga pangyayari?
1. pagbagsak ng bala ng baril sa ating bubungan habang tayo ay natutulog
2. matamaan ng bala mula sa nagbabarilang pulis at kawatan sa kalsada
3. mabaril ng isang naghuhuramentadong siraulo sa kalye
4. maging sacrificial hostage ng mga masasamang loob
5. mapagkamalan ng mga gun for hire killers
Halimbawa bang maraming marami na tayong hawak na baril eh bababa na ang tsansa natin na ma-involve sa mga insidenteng nakasaad sa taas? Paano yung mga bata? Dapat na rin ba silang pabaunan ng baril kapag umaalis ng bahay?
Sapat na ang dami ng kolesterol na kinakain natin sa araw-araw para malagay tayo sa bingit ng kamatayan. Hindi na natin kelangan ng mga baril para dumagdag pa dito. Sa mga kinauukulan, sana naman po, mabigyan na natin ito ng pangmatagalan na solusyon.
So, bayolente ba ang mga Pilipino? Mahirap pa rin masabi, dahil naniniwala pa rin akong marami ang peace loving people sa ating mga kababayan.
Pero kung gusto mong maka-meet ng mga bayolente, subukan mong mag-post ng anti-Filipino message sa iyong twitter, facebook, instagram o youtube account.
Recommended Articles:
- Worst Countries For Firearms Related Deaths – Forbes.com
- Illicit gun trade thriving in Philippines – Inquirer.net
- More civilians own guns than military, police – ABS-CBN News
- Gun Crazy Philippines – The Longest Way Home
Categories: Halu-halo
This Blog is great salamat po. nakatulong sa sanaysay na gagawin ko lumawak po Idea ko about karahasan 😀 .
I’m only 15 kaya po medyo konti lang alam kong sitwasyon when it comes karahasan. Thanks again.
Salamat sa feedback, Catherine. Nagagalak akong malaman na may pakinabang pala ‘tong mga pinagsusulat ko dito 🙂
That’s a scary thought… the fact that’s it’s more violent than the US where there are more guns than people.
the rate makes it look like that there is more violence in the philippines than in the US. computation of the rate is number of gun crimes divided by total population multiplied by 100,000. so even if there are more gun crimes in the US, because of its large population compared to the philippines, the rate would be lower…i hope that made sense 😀
sobrang informative ng posts mo. kudos! more pa!
uy, hello ser steno, what an honor naman na pag-aksayahan mo ng oras bisitahin ang blog ko hehe salamat sa compliments, sisipagan ko pa mag-post 🙂
oo, ngayon lang ako nakapaglibot uli sa ibang blog.
at wag mo po kong sine-ser. mas matanda ka po sa ‘kin. haha!
ah ganun ba? okay, nagbibigay galang lang talaga ako sa mga taong kagalang-galang hehe salamat ulit at patuloy kong aabangan ang mga bago mong post 😉
natawa ako sa “kagalang-galang” na part. 😀
aabangan ko rin ang mga post mo.
may extreme personality ang mga Pilipino.. masayahin pero pag binagsag mo ang trip.. away na un.. 🙂 tama ba?
merong balat sibuyas, merong deadma lang…pero marami ang malakas ang loob pag anonymous 😀 at marami nga ang ayaw nababasagan ng trip hehe
Pagkatapos kong magtype ng apat na paragraphs tungkol sa isyu, naalala ko ang sinabi mo, “Pero kung gusto mong maka-meet ng mga bayolente, subukan mong mag-post ng anti-Filipino message sa iyong twitter, facebook, instagram o youtube account.”
Kaya sasabihin ko na lang na hindi bayolente ang mga Pilipino pero kung yun talaga ang totoong holistic situation sa buong bansa o kung yan lang ang gusto kong paniwalaan, ay walang kasiguraduhan lalo na’t ang sa akin ay kurokuro lang naman at hindi statistics na dumaan sa scientific method. 🙂
Sayang naman yung 4 paragraphs na isinulat mo, entitled naman tayo na ipahayag ang ating opinyon basta nasa tamang delivery lang. Huwag mo alalahanin ang mga bayolenteng commenters, mafi-filter sila sa akin hehe
parang ako yung nasa illustration, pag nakukulitan ako sa mga itik na kasama ko sa opis hahaha. pero indi nmn tlga kami bayolente, nagpapaliwanag lang tlga, hehehe.
sa aking palagay, emosyonal man ang Pinoy (lalo na pag may pustahan sa basketbol or boksing), indi tayo likas na bayolente.
kung maging bayolente man, may malalim na dahilan o nagatulak na sirkumstansya…
ahaha, ganyan nga ang iba sa atin, kapag nake-carried away sa paliwanag, nagmumukhang bayolente 😀
Parang journalist ang atake mo sa post na’to, kaibigan, ah! Kumpleto pa sa graphics. Good job! 😉
uy, hello ser adrian, salamat sa pagdalaw…salamat din sa pag-appreciate ng aking post, medyo gloomy at serious kaya nilalagyan na lang ng kolorete hehe 🙂
hangganda ng illustration, hakhak. indi nga galit, hindi… 😉
salamat sa pag-appreciate, ate san 🙂 padalawin mo dito minsan si 35andUp 😀
hello, RP… yor welkam po. ahaha, hamo, sasabihan ko. di kaya makababa ng prestige netong site, pag gano’n, hehe… good day, cheers 🙂
pambihira yang prestige na ‘yan 😀 wish ko lang makamtan ‘yan para sa blog na ‘to…kaya lang baka maging suplado ako nun, wag na lang hehe
ahaha, di ka suplado. at prestigious na ‘tong site mo, naman… hello! 🙂
Katulad ni potsquared, naniniwala akong hindi natural na bayolente ang mga Pilipino… (bagamat nakatala sa kasaysayan na inaway ni Lapu-Lapu ang mga dayuhang bumibisita) …pero simula nang maging abot kamay para sa masa ang internet connection, mas naging marahas tayo. Hindi lamang dahil sa ang internet ay isang masalimuot na lugar para ilabas ang saloobin, kung hindi dahil na rin sa ginagamit na ng nga masasamang loob ang online networks.
naniniwala din akong hindi bayolente ang lahat ng pilipino pero parang marami ang mga balat sibuyas sa atin 😀
naniniwala ako na hindi bayolente ang mga pilipino, natataon lang na ang ating mga mamamayan ay may kakulangan sa “awareness” patungkol sa mga baril. naniniwala din ako na kung tama ang nagagawa ng gobyerno tulad ng pagpapaaral, paospital, magagandang daan at malinis na pasilidad, tiyak ako na magiging maayos din ang pilipinas…
sana nga ngayong 2013 eh lalong umunlad ang ekonomiya ng pilipinas, at mabiyayaan ang maraming pilipino…
baka kapag nabawasan ang kahirapan sa atin eh mabawasan na rin ang karahasan…