Home » Earth Day 2024: Mga Maaaring Gawin Para Makatulong kay Mother Earth

Earth Day 2024: Mga Maaaring Gawin Para Makatulong kay Mother Earth

Ang Earth Day ay ipinagdiriwang tuwing Abril upang talakayin ang mga isyu tungkol sa kalikasan, climate change at kung ano ang magagawa natin upang makatulong kay Mother Earth.

Photo by Fateme Alaie on Unsplash

Ang kauna-unahang selebrasyon ng Earth Day ay ginanap noong ika-22 ng Abril, taong 1970 sa pangunguna ng mga nagtatag ng EARTHDAY.ORG Mula noon, taon-taon ng pinagdiriwang ang Earth Day upang maipalaganap ang kilusang ito saa loob at labas ng Amerika.

Ang tema ng Earth Day ngayong taong 2024 ay Planet Vs. Plastic. Layunin ng kilusan na mabawasan ng 60% ang single-use plastic pagdating ng taong 2040, ipangalap ang kaalaman tungkol sa panganib sa kalusugan na dulot ng plastic, isulong ang UN Treaty tungkol sa polusyong dala ng plastic at ihinto na ang fast fashion.

Ano nga ba ang single-use plastic at bakit kailangang mabawasan ang paggamit dito?

Ang single-use plastic ay mga bagay na gawa sa plastic na isahang beses lang gagamitin o kaya ay saglit lang gagamitin at itatapon na agad. Halimbawa nito ang mga plastic bag, plastic straw, food packaging, coffee stirrers, bote ng softdrinks o tubig, toothbrush, toothpaste tubes at shampoo sachets.

Kadalasang nauuwi ang mga single-use plastic na ito sa karagatan bukod sa mga landfill. Dahil hindi ito natutunaw kahit ilang libong taon pa. Ang mga basurang plastic sa karagatan ay madalas nakakain ng mga pagong na nag-aakalang jellyfish ang mga ito. Gayundin sa mga malalaking isda at balyena na siya naman nilang ikinamamatay dahil hindi naman ito natutunaw sa kanilang tiyan.

Fish trapped in a plastic bag. Drastic results of single-use plastic.
Fish trapped in plastic.
Photo by Naja Bertolt Jensen on Unsplash

The amount of plastic on Earth now outweighs all land and sea creatures currently alive.
Plastic has also been found in the guts of creatures living deep in the ocean and even in human placentas.
Conventional plastic can take anywhere from 20 to 500 years to decompose, with the average supermarket bag needing around 20 years and a plastic bottle around 450 years.
While some plastic can be recycled, globally only about 9% is.
~ BBC News

Ngayong Earth Day 2024, hindi pa huli ang lahat upang magsimulang tulungan si Mother Earth para abutan pa siya ng mga susunod na henerasyon. Kahit gaano man kaliit ang kontribusyon ng bawat indibidwal ay magiging malaki kung maraming indibidwal ang gagawa nito. 

Narito ang limang maaari mong gawin upang makatulong sa pagsalba kay Mother Earth ngayong Earth Day 2024:

1. Huwag nang gumamit ng single-use plastic. 

Humanap ng alternatibong produkto para maiwasan ang paggamit ng single-use plastic. Narito ang ilang mga altertnatibo:

  • Plastic straw ~ stainless straw 
  • Plastic toothbrush ~ wooden toothbrush. 
  • Shampoo na nasa sachet ~ shampoo bars na gawa ng mga lokal na suppliers
  • Plastic bag ~ eco bag

2. Reuse. Reduce. Recycle.

Kung hindi talaga maiiwasang gumamit ng plastic, sapagkat nakakalungkot man isipin, halos lahat ng produktong mabibili sa pamilihan ay nakabalot sa plastic, subukang mag-reuse at mag-recycle. Halimbawa’y gawing paso ang mga nagamit nang plastic na bote ng softdrinks at tubig. Gawing sisidlan ng mga maliliit na gamit sa bahay ang mga plastic food container.

3. Suportahan ang mga Lokal na Suppliers at Small Business

Kapag sumuporta tayo sa ating mga lokal na suppliers ay hindi lang tayo nakakatulong sa ekonomiya ng ating komunidad kundi nakakatulong din tayo sa pagbabawas sa polusyon. Kadalasan sa mga small businesses ay eco-friendly at sustainable hindi tulad ng mga malalaking kumpanya na walang habas ang pag-manufacture ng mga produktong may plastik.

4. Huwag Suportahan ang Fast Fashion

Ang Fast Fashion na nauso kamakailan lang ay ang mass production o maramihang paggawa ng mga damit na mukhang fashionable pero hindi matibay dahil binebenta sa murang halaga. Ang fast fashion ay may malaking epekto sa kalikasan at gayun din sa karapatang pantao. Inaabuso nila ang mga komunidad sa mga mahihirap na bansa. Minsan pa ay gumagamit ng mga menor de edad para magtrabaho sa napakababang halaga upang maibenta ang mga damit sa mababang halaga rin.

At dahil hindi naman matibay ang mga damit, madali itong masira, at madali ding itinatapon. Kaya lahat ng ito ay nauuwi sa mga landfills at sa karagatan. 

Imbes na suportahan ang ‘fast fashion’ ay bumili ng mga damit na matitibay na magagamit nang ilang taon. Suportahan ang mga local na suppliers na nagtataguyod ng slow fashion at sustainable clothing.

Quality over quantity.

5. Tumulong sa Mga Organisasyong Nagsusulong na Iligtas si Mother Earth

Humanap ng mga organisasyon sa inyong komunidad na nag-oorganisa ng mga activities tulad ng tree planting, reef clean-up (kung kayo ay makapit sa karagatan) at community cleaning. Kung ayaw niyo naman tumulong physically, may mga organisasyon naman na maaari ninyong tulungan financially katulad ng pag Sponsor ng Turtle Nest, pagsali sa Immersion Programmes sa Coral Reef and Rainforest Conservation Project, at marami pang iba.

6. Turuan ang mga Bata (pati na rin ang mga Matatanda)

Pinakamahalaga ang maituro sa mga bata kung ano ang kasalukuyang kalagayan ni Mother Earth at kung ano ang dapat nilang gawin para matulungan ito. Simulan sa mga simpleng bagay tulad ng:

~ huwag magtapon ng basura kung saan-saan
~ huwag mag-aksaya ng tubig
~ magtanim
~ mag-recycle

Maganda na habang bata pa lamang ay magkaroon na sila ng pundasyon sa kanilang isip kung ano ang dapat at hindi dapat gawin para makatulong sa kalikasan. Ang pundasyong ito ang magsisilbing gabay nila hanggang sa kanilang paglaki para sila ay maging conscious sa environmental issues gaya ng polusyon at climate change.

Ngayong Earth Day, at sa araw-araw, tulungan natin si Mother Earth na makapag-recuperate sa pamamagitan ng maliliit na hakbang tungo sa pagbabago.

Photo by Amy Shamblen on Unsplash

Leave a Reply

Discover more from The Pinoy Site

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading