Tag Archives: problemang lipunan

Boboto Ka Ba?

Uy, musta na?
Ganda ng t-shirt mo ah.
Binili mo?

Hindi?
Gawa mo?
Ang galing ah.

S’ya ba yung President mo?

Ah oo nga.
Nakita ko nga sa newsfeed ko.

Grabe, todo suporta ka talaga sa kandidato mo ha.
Bilib ako sa ‘yo.
Wala akong tyaga sa ganyan eh.

Oo, yung selfie mo dun sa miting de avance n’ya, nakita ko nga.

Kuntodo attire ka nga eh, may banderitas, may pamaypay, may t-shirt, bag, bandana, etc.

Kala ko kung sinong international singer yung inattendan mong concert eh miting de avance pala.

Comments? Ah oo nabasa ko nga yun.
Yung nakipag-away ka dun sa nag-bash sa kandidato mo?
Haha angas mo nga eh!

Ano’ng oras nga pala punta mo sa presinto para bumoto?
Ah eh, sasabay na sana ako eh para may kasama ako sa pagboto sa Monday.

Ah, nag-volunteer ka para poll watcher kaya maaga kang pupunta sa presinto?

Ah okay sige, boboto ka na rin ba sa oras na ‘yun?
Hindi?
Bakit?

Hindi ka nakapagpa-rehistro?
Teka, ‘di ba one year yung palugit dun?

Hindi ka nakapunta dahil busy?
One year kang busy?

So, ibig mong sabihin, hindi ka boboto para sa kandidato mo?
‘Di mo naman alam na kakandidato pala s’ya?
So, kasalanan nung kandidato mo yung di mo pagpapa-rehistro?

Alam mo bang sa pamamagitan lang ng boto pwede manalo ang kandidato mo?

Oo nga, malaking bagay din yung nakakapagbigay ka ng suporta at kampanya para sa kandidato mo pero kung kayong lahat na supporters n’ya eh hindi naman pala mga registered voters eh ano’ng sense nun?

Paano ninyo masisiguradong mananalo ang kandidato ninyo kung ‘di n’yo naman pala s’ya kayang iboto?

Hinahangaan kita sa alab mong ikampanya nang libre ang kandidato mo pero mas matutuwa siguro ang kandidato mo kung maiboboto mo s’ya.

Oo, pwede ngang mahikayat mong bumoto sa kandidato mo ang ibang mga registered voters pero sa case ko, hindi effective ang kampanya ninyo.

Kasi registered voter ako at boboto ako sa Lunes.
Pero hindi kandidato mo ang iboboto ko.

mga kandidato sa pagka-pangulo 2016
may kandidato ka nga, kung di mo naman maiboto…nonsense!
Advertisements

Bayolente ba ang mga Pilipino?

Ipagpapatuloy ko lang ang pagsasabi-sabi tungkol sa karahasan sa Pilipinas na dulot ng mga baril, loose firearms to be eksak. (Pangangatawan ko na ang pagtalakay sa topic na ito ngayong Enero. May 2 posts pa akong natitira tungkol dito 😀 )

Ayon sa isang statistic, kasama ang Pilipinas sa ranking ng “Worst Countries for Firearms Related Deaths” sa buong mundo. Hindi kasama sa ranking na ito ang mga bansang may kasalukuyang digmaan o giyera na nagaganap.

Death by Firearms Around the World (Source: Forbes.com)
1. El Salvador
2. Jamaica
3. Honduras
4. Guatemala
5. Swaziland
6. Colombia
7. Brazil
8. Panama
9. Mexico
10. Philippines
11. South Africa
12. United States

Mapapansin sa listahang ito na tayo lang ang galing sa Asia at mas mataas pa ang rate natin sa US.

Sa isa pang survey naman na ginawa ng GunPolicy.org, lumilitaw din na mas mataas ang rate ng gun homicide sa Pilipinas kesa sa US.

gunpolicyorg chart

Bakit ba kahit mga small-time holdaper na nanghoholdap ng mga pobreng pasahero ng dyip ay may baril? Para na lang bang celphone ang baril ngayon? Kapresyo na lang ba ng load ang mga bala ng baril?

Sa Pilipinas, ano ang kasiguruhan natin na hindi tayo malalagay sa ganitong mga pangyayari?

1. pagbagsak ng bala ng baril sa ating bubungan habang tayo ay natutulog
2. matamaan ng bala mula sa nagbabarilang pulis at kawatan sa kalsada
3. mabaril ng isang naghuhuramentadong siraulo sa kalye
4. maging sacrificial hostage ng mga masasamang loob
5. mapagkamalan ng mga gun for hire killers

Halimbawa bang maraming marami na tayong hawak na baril eh bababa na ang tsansa natin na ma-involve sa mga insidenteng nakasaad sa taas? Paano yung mga bata? Dapat na rin ba silang pabaunan ng baril kapag umaalis ng bahay?

Sapat na ang dami ng kolesterol na kinakain natin sa araw-araw para malagay tayo sa bingit ng kamatayan. Hindi na natin kelangan ng mga baril para dumagdag pa dito. Sa mga kinauukulan, sana naman po, mabigyan na natin ito ng pangmatagalan na solusyon.

So, bayolente ba ang mga Pilipino? Mahirap pa rin masabi, dahil naniniwala pa rin akong marami ang peace loving people sa ating mga kababayan.

Pero kung gusto mong maka-meet ng mga bayolente, subukan mong mag-post ng anti-Filipino message sa iyong twitter, facebook, instagram o youtube account.

hindi galit

Recommended Articles:

State of the Nation Address 2012

state of the nation address 2012
Photo Source: Official Gazette of the Philippines

It’s that time of the year na naman ng taunang tradisyon ng pagsusunog ng effigy at pag-exercise ng muscles ng mga anti-riot police.

Tiningnan ko ang ilang mga news website para malaman kung ano ang reaksyon ng mga tao sa pinaka-latest na State of the Nation Address mula sa ating Pangulo at ako’y medyo nagulat sa na-obserbahan.

Marami pa rin ang tumutuligsa sa pamahalaan at sa Pangulo. Pero napansin ko na mas marami ang mga sumusuporta at nagtatanggol kay Pnoy. Nagpahayag din ng paghanga ang ilang mga tao sa mga binanggit ng Pangulo. Hindi pa ako nakakita ng ganito karaming pagpapahayag ng suporta sa kasalukuyang Pangulo ng ating bansa sa buong panahon ng aking pagiging Pilipino.

Isa sa tatlong bagay lamang ang maaaring maging ibig sabihin nito:

1. Umupa ng mga Pilipinong computer hackers ang Malakanyang para magpahayag ng suporta sa  Pangulo…araw-araw…oras-oras…sa iba’t ibang user names…sa iba’t ibang site

2. Parami na ng parami ang nabe-brain wash ng Pangulo na totoo ang mga sinasabi n’ya

3. Nakikita ng mga Pilipino na may sense ang bagong sistema at may magagandang pagbabago talaga silang nararamdaman

Gusto kong maniwala sa ikatlong bilang. Pero kung ano man ang dahilan ng tila paglaganap ng positibong pananaw sa ating bansa, naniniwala pa rin ako na may mga problema ang Pilipinas na kahit hindi iasa sa Pangulo ay magagawang bawasan o solusyunan ng pangkaraniwang Pilipino.

Ilan sa mga naging “best friends forever” nang problema ng Pilipinas na maaari nating mabawasan o mapagaan ay inilista ko sa ibaba (of course, hindi pa ito ang kumpletong listahan):

1.  baha dahil sa mga baradong drainage system
2.  mapanghing mga pader
3.  unsafe standards (nahuhulog na bus sa bangin, factory accidents, sinasagasaan na tao)
4.  tagas ng mga water pipes sa kalsada
5.  maruming ilog
6.   hazing
7.   abuso sa kalikasan (illegal logging, dynamite fishing)
8.   palakasan, padrino, kaanak, utang na loob system para matanggap sa trabaho
9.   street children at child labor
10. pagsuway sa traffic rules
11. gun related violence
12. water shortage dahil sa illegal na koneksyon ng tubig
13. power shortage dahil sa illegal na koneksyon ng kuryente
14. paggamit ng mga madayang timbangan
15. pagtangkilik sa mga carnap na sasakyan
16. paghahanda ng maruruming pagkain sa mga kainan
17. pagpapabaya sa trabaho (lalo na kung nakadestino sa water dam control)
18. nadidisgrasya pag new year (napuputukan at tinatamaan ng ligaw na bala)
19. dispalinghadong garbage disposal/recycling system
20. basag-ulo o patayan sa mga kasiyahan
21. maruming hangin (sasakyang nagbubuga ng usok, mga nagsusunog ng effigy)
22. illegal o undocumented ofw’s
23. pagboto sa mga political dynasties

May batas nang mga nilikha bilang sagot sa mga problemang nakalista sa itaas. Ipatupad man ito ng maayos o hindi, ang pagsunod natin sa mga batas na ito ay isang malaking bagay na maia-ambag natin sa pagsulong ng ating bansa.

Habang patuloy na nagma-mature ang ating bansa, pasasaan ba’t makakamit din natin ang “closure” sa maraming bagay na matagal na nating inirereklamo, ipinagpapalibang asikasuhin at patuloy na humihila sa atin pababa.

Sana nga lang kapag nangyari iyon ay buhay pa tayo para ma-enjoy ang Pilipinas na once and for all ay tunay nang malaya.

Link sa State of the Nation Address ng Pangulo: 3rd State of the Nation Address