Ipatupad ng Maayos ang Batas

Nagrereklamo na ang misis ko sa mga pinagpopo-post ko kaya tatapusin ko na ang topic na ito para magbigay daan sa mas magaang mga tema 😀 Medyo nakaka-depress na nga ang topic na ito kaya ira-wrap up ko na.

**************************************************************************

May kilala akong Amerkano na naninirahan sa Japan (isang gunless society) at tinanong ko s’ya bakit maraming baril sa Amerika. Sabi n’ya ito raw ay karapatan nila at isinasaad ng kanilang konstitusyon.

Tinanong ko naman s’ya ano ang masasabi n’ya sa Japan. Safe daw dito at hindi daw dapat i-introduce ang mga baril sa lipunan ng mga Hapon.

Medyo naiintindihan ko kung bakit n’ya nasabi iyon. Iba’t ibang kultura, iba’t ibang approach. Hindi lahat ng uubra sa isang bansa ay uubra sa ibang bansa.

Guns and Abortion

armahan ba pati baby…
(blogs.post-gazette.com)

Malimit na katwiran ng mga Amerkano sa pag-aari ng baril ay…

1. hindi sagot ang gun control sa pagsugpo ng krimen
2. damihan pa lalo ang baril sa lipunan upang bumaba ang krimen
3. hindi baril ang pumapatay kundi yung taong may hawak nito
4. nakasaad sa konstitusyon ang karapatang armahan ang sarili

Pero hindi naman komo Amerkano sila eh gagayahin na lang natin lahat ng ginagawa nila kahit na sabihin pang best friend natin sila forever.

Si Robin ba eh nagsuot ng de-sungay na maskara kagaya ni Batman?
Si Ernie ba eh tumatawa kagaya ni Bert?
Si Ningning ba eh nagpagupit ng buhok kagaya nung kay Gingging?

Pwede naman yatang hindi na natin gayahin ang argumento ng mga Amerkano sa kanilang mga baril. Hindi naman sinasabi sa konstitusyon natin na may right to bear arms tayo at hindi rin naman lahat eh can afford bumili ng baril sa atin.

Merong mga gun laws ang Pilipinas, pero bakit hindi ito ipinapatupad ng maayos? “Maayos” na ang ibig sabihin eh walang pipiliing lugar, tao, sitwasyon, oras, araw o buwan kung kelan ito ipapatupad. Malaki ang maitutulong sa pagbaba ng karahasang dulot ng baril sa ating bansa kung magagawa ito ng mga awtoridad.

Mga kasalukuyang batas na umiiral patungkol sa mga baril:

Tapos may mga panukala pang dagdag na batas patungkol sa mga baril:

Tadtarin man natin ng batas ang bansa natin, wala ring mangyayari kung hindi ito maipapatupad ng maayos. Bakit hindi sila magpanukala ng batas na magpaparusa ng mabigat sa mga hindi nagpapatupad ng batas?

no to gun violence

lahat tayo ayaw sa gun violence…
(www.ctvnews.ca)

Meron ding mga gun control laws ang Singapore at Japan at mahigpit nila itong ipinapatupad kaya’t may resultang nakikita at napapakinabangan ang mga mamamayan sa mga batas na ito.

Hindi pa natatapos ang series ng posts kong ito eh may mga karahasan at kriminalidad na namang nangyari sa Pilipinas na involved ang mga baril (kahit merong umiiral na gun ban).

Magandang balita na maraming nahuli ang mga pulis sa mga lumabag ng umiiral na gun ban pero malungkot lang tanggapin na marami pa rin ang gustong sumuway at lumusot sa mga batas natin.

Para sa akin ay kelangan ng seryosong pagpapatupad at pagpapasunod sa batas ang dapat gawin para bumaba ang karahasang dulot ng mga baril sa ating bansa.

At bago ko tuluyang isara ang temang ito (sa ngayon) ay iiwanan ko lang ang mga last thoughts ko:

1. hindi man sagot ang gun control para tuluyang sugpuin ang kriminalidad, magagawa nitong paliitin ang pinsalang maaaring likhain ng mga masasamang loob

2. kelangan i-exhaust ang lahat ng paraan para huwag mapasakamay ng mga kriminal at may diperensya sa pag-iisip ang mga mapaminsalang baril o anumang sandata

3. dapat parusahan ng mabigat ang mga hindi nagpapatupad ng batas

Related Blog Posts/Articles:

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , , , , , , ,

12 replies

  1. hello po… magha-hi lang po. hope your week is going on fine, kapatid. regards at papakabait – tayo, hehehe. 🙂 kaway-kaway…

  2. Never ever follow the gun culture of America……. it’s an abomination !

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: