Kelangan Natin ng Kontrol

Gun control…kelangan natin ng gun control. Total gun ban man o mas pinaigting na gun control.

Meron akong bayaw na naholdap sa jeep. Tinutukan s’ya ng baril kaya hindi s’ya nakapalag. Buti na lang nakuhanan lang s’ya ng celphone at walang nangyaring masama sa kanya pero ilang araw s’yang nasa state of shock pagkatapos ng insidenteng iyon.

Sa loob ng jeep. Mantakin mo ‘yon. Sa loob ng jeep?
Eh wala namang mayamang sumasakay ng jeep ah.
Kahit sa halagang 150 pesos yata eh pwede na ikamatay kung hindi ito ibibigay.

Kung sanang kutsilyo ang gamit ng mga kawatan eh madali pa silang matatakbuhan o pwede rin silang labanan kung mabilis ka sa kung fu.

Pero kapag baril ang hawak nila, sila ang hari.

Hindi ko pa rin alam kung paanong nangyari na mas madali magkaroon ng baril sa ating bansa na marami ang nagsasabing mahirap sila, nagugutom at walang pinagkakakitaan.

Ang alam ko ay nangangailangan pa rin ng pera para makakuha ng baril at hindi naman libre sa set ang mga bala. So, bakit marami ang may hawak na baril?

Walang may baril sa aming pamilya at last akong nakahawak ng baril ay nuong batang bata pa ako nang ipahawak ng aming kapitbahay ang kanyang 0.38 yata yun na baril sa akin.

Mabuti na lang at hindi ko ipinutok sa ulo n’ya ‘yung baril sa pag-aakalang laruan lang ito. Ngayon ko lang naisip kung gaano ka-reckless ang ginawa n’yang iyon.

Kaya kung magkakaroon man ng total gun ban ay hindi apektado ang aking pamilya. Dahil wala nga kaming pag-aaring baril in the first place.  Mula’t mula pa ay delikado na kami sa mga taong may legal o illegal na pag-aaring baril.

At sa tingin ko ay marami din ang mga katulad namin na pamilyang uunahin pang bumili ng pagkain kesa bumili ng mga baril at mga bala nito.

israel houses

dapat yata ang mga bahay sa pilipinas ay igaya sa mga bahay sa israel para walang tumagos na bala sa loob ng bahay (ginoogle na picture)

Marami ang tutol sa total gun ban lalo na yung nagkaroon na ng first hand encounter sa karahasan na laganap sa paligid natin.

Sinasabi ng ilan na hindi sagot ang total gun ban sa problema ng krimen. Na ang mga kriminal ay hahanap at hahanap pa rin ng ibang paraan para makapaghasik ng lagim, may baril man o wala.

Eh para saan pa yung total gun ban na ipinapatupad kapag election period?
Ano ba ang layunin ng patakarang ito? Hindi ba para pababain ang krimen?

Kung parati na lang walang silbi ang katwiran natin sa mga patakarang gustong ipatupad, mas mabuti kayang huwag na lang magpatupad ng kahit na anong batas ang ating pamahalaan?

Meron pang mga nagsasabi na kulang pa ang baril kaya nangyayari ang mga karahasang ito. Kung sakali bang bibigyan natin ang lahat ng mga tao ng access sa baril ay magiging ligtas na tayo at ang ating mga mahal sa buhay sa karahasan at pinsalang dulot ng mga baril?

Kaya kung matagumpay na maipapatupad ang gun ban sa election period, sana ipatupad na lang ito sa mas mahabang panahon. Mga 3 months before and after ng election. Bale 6 months na total gun ban sa buong Pilipinas every 3 years. O kaya, 1 entire year of total gun ban every election year.

Idagdag na rin yung total gun ban tuwing December at January.

Sa laganap na loose firearms, ang kaligtasan ng lahat ay hindi sigurado, law abiding citizen ka man, maimpluwensyang tao man, kahit na nga yung mga kawatan mismo.

Okay, everybody, repeat after me…

Walang saysay ang umasenso sa Pilipinas kung buhay natin ang kapalit nito
(Walang saysay ang umasenso sa Pilipinas kung buhay natin ang kapalit nito)

What’s fun sa Pilipinas kung lagi tayong may agam-agam sa ating kaligtasan
(What’s fun sa Pilipinas kung lagi tayong may agam-agam sa ating kaligtasan)

Walang kabuluhan ang humikayat ng mga dayuhang bumisita sa atin kung hindi na nga natin masiguro ang kaligtasan natin sa Pilipinas eh iisipin pa natin ang kanilang kaligtasan
(Ang haba naman…)

Recommended Blog Articles:

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , ,

25 replies

  1. Napag-alaman ko sa aking katrabahong tubong Cebu at isang gun enthusiast na napakaraming requirements bago magkaroon ng legal na baril… pero nandiyan lang ang Danao sa cebu para magprovide ng mga murang illegal na backyard made na baril… hehe

  2. Thanks!
    Uhm, favor? Pwedeng pa log na din dun sa guestbook ko?
    SALAMAT!

  3. Lumaki ako sa lugar na ang baril ay makikita at mahahawakan mo araw araw… ngunit kahit ito ay abot kamay, ang disiplinang itinuro ng ama, kung di nararapat sa katayuan at di alam ang tamang gamit, huwag kumapit…Ang mga baril na nakikita ay gagamitin lamang kung kailangang sumalba ng buhay at di para kumitil ng walang humpay…salamat sa pagkilala sa aking panulat kapatid 🙂

  4. Tama ka ser dito tungkol sa mga holdaper sa dyip. At ang nakakalungkot pa, kahit meron ng gun ban, ang dami paring nagpapaputok. Anong akala nila sa buhay ng tao, pusa? maraming buhay? computer game? pwedeng ireset pag namatay? Tsk. Nakakalungkot lang.

  5. hello, RP… hayaan mong magsalita ako rine from a slightly different perspective, ‘ika nga… 🙂

    the question of gun control in Third World countries has always been looked upon as problematic. for one, the issue rests upon the state’s capacity to enforce the laws. fundamentally speaking, it is the state alone and its designated agencies (armed forces) that have the right to bear arms and to exact obedience from lawless elements and doing so in observance of correct (and humane) procedures.

    but Third World governments have been known to be weak in law enforcement and domestic politics is usually characterized by the so-called guns, goons and gold. private armies are rampant; loose firearms are common (mga sundalo at pulis daw mismo ang nagpapalabas, sabi) and; armed criminals and trigger-happy ordinary citizens prowl the premises, endangering pedestrian lives and peace of homes.

    thus, the rich fear for their wealth and safety and engage (armed) bodyguards, the middle class fear for their homes, children and jobs and therefore apply for licensed guns and, ordinary folks avail of loose firearms from the black market, seeing that a lot of people seem to be armed and that they must also have some measure of protection – in a society that appears as though “every man for himself.”

    thus, the big picture would look as though a significant number of people are armed – and the rest who are not – shiver in fear, live with caution and pray in earnest for daily safety… the issue of security of lives and pursuits is actually two-pronged – the actual and the perceived. it can be said – security does not rest on the number of guns or the efficacy of arms on the arsenal, but on the feeling of the citizens that they are protected – enough to go about their business of daily living and building their children’s future.

    do we feel safe? that seems to be the question. what must the state do to strengthen law enforcement in a society that is long-perceived to be unequal, unjust and at times, lawless? what must the citizens ask its government – to grant more gun permits or to curb the proliferation of loose arms and to strengthen and professionalize its armed agencies? neither of these options can be accomplished easily in the short-term. but both the state and the citizens must see eye-to-eye on the urgency of the problem and the need to allay the fears of most of its constituents.

    ayon lamang po – bow. alter-ego ito ng lola mo. sana’y di ka matakot, pati ang readers mo, hehe. 😉 if may untoward and violent reaction sa comment, just please hit delete and consider i didn’t say anything. have a good week, RP 🙂 🙂

    • hello, ate san…bago ang lahat, hayaan mo muna akong isara ang aking panga, ikurap ang aking mga mata at punasan ang tumutulong dugo mula sa aking ilong…(after 5 minutes) okay na ‘ko…

      isinangguni ko rin muna sa aking mga translators ang dapat kong reply para hindi ako magmukhang katatawanan dito sa aking blog 😀 sang-ayon ako sa iyong mga binanggit dito. ang pinaka-gusto ko sa iyong comment ay yung pagtatanong na “do we feel safe?”. dahil pagkatapos nga ng lahat ng batas o aksyon na maaaring gawin para sa ating bansa eh kaya na ba nating sagutin ang katanungan na “ligtas ba tayo?”. parang yung laging tanong din sa akin ng mga foreigner na gusto pumasyal sa pilipinas, “ligtas ba sa inyo?”

      ang tanong na ito ang magiging tunay na sukatan kung may peace and order na nga ba sa ating bansa. maraming salamat, ate san sa komentong ito. pero dapat yata yung isang username mo ang ginamit mo para dito 😀 hehe gandang gabi…

      • hihihi. talagang binalinguyngoy? pasensya po. hindi ko na uulitin, peksman. akala ko, di mo ‘to ipa-publish…

        natuwa ako sa after 5 mins, okey na, haha. medyo dami pa atang ipon sa usapang security and defense, pangnosebleed, patatawarin…. salamat at gandang gabi, RP. 🙂

  6. Uhm, yung blog ko?
    Sa mywapblog.com kasi nasa General Category yun. Kaso mukhang wala nun sa iyong kapit-bloggers kaya ibinibigay ko na sa’yo ang desisyon regarding diyan. Bahala ka na kung sa’ng banda mo yan ilagay. Haha.. 🙂

  7. Yep! Dapat tayong maging alerto palagi..
    Wag tayong aasa sa gobyerno ng husto. Hindi saklaw ng kapangyarihan nito ang pagtuon ng pansin sa bawat isa sa atin. Hindi tayo mapoprotektahan sa lahat ng oras. Kaya ang kaukulang pag-iingat ay dapat na isabuhay ng bawat isa. 🙂
    God bless us all.

    • Hindi nga natin dapat iasa ang lahat sa pamahalaan, pero wag sana nila gawing excuse yun para wag pagbutihin ang trabaho nila…

      Saang category ko ba dapat ilagay ang link sa iyong blog? 😉

      • Hay naku!
        Kakapatupad pa lang ng Gun Ban, naglipana nanaman mga Gun Men!
        Kani-kanina nga lang eh may napatay nanaman. Mayor pa man din. Doon sa may QC naganap yung pananambang. Taga Isabela daw. Mayor Erlinda Domingo ata pangalan. Kawawang mayora. 😦
        haysst! It’s more Gun in the Philippines!!

  8. Oo talaga. Pero diba Gun Enthusiast ang ating Presidente? Paano kung nasusulsulan siya ng kanyang mga cronies na wag paigtingin ang ganyang batas? Ano na mangyayari sa atin ngayon? Hay buhay…ingat-ingat na lang..:)

  9. Parang di na yata masusulosyunan ang problemang yan dito sa Pinas. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng pagiging HARI kapag may baril? Lalo na kung lasing o sadyang gago lang..(sorry sa word)..
    Palagi na lang may mga insidenteng ganyan. Dokumentado man o hindi, ang tanging masasabi ko lang ay ang pagkakaroon ng ganitong armas ay nagbibigay ng feeling of security at power sa nagmamay-ari o sa may hawak (kung illegally acquired)..

  10. sana nga matuto tayong mga pinoy sa mga batas natin sa pinas..

  11. Kung sana ay responsable ang mga humahawak ng baril. Disiplinado at alam kung para saan ang tamang paggamit nito. Nakakatakot sa atin, adik , lasenggo, tambay sa kanto akalain mong meron ding hawak ng baril. Tama, may takot sumakay ng fx at jeep baka ng dahil sa konting halaga (maaaring di sila makonte dahil konti lang ang bitbit mo) sumabog ang utak at mapagtripan ng biro nilang kailan man di masisikmura at ikakatuwa ng kahit sino…

    *ganoon pala mga bahay dito di basta tatagusan ng bala… 🙂 pero kung sharpnels ng artillery shell di tumatagos sa pader.. Pwede nga… Elo po.

    • hello froggy, nakakatakot talaga ngayon lalo na sa mga kalungsuran…parang walang lugar na hindi ka maaaring mabiktima ng karahasan sa anumang paraan, lalo pa nga at parang celphone na yata ang mga baril ngayon, kahit sino pwedeng magkaroon.

      pero okay talaga ang mga bahay sa israel, parang matatag din sya laban sa mga bagyo, papagawa ako ng bahay sa pilipinas ganyang ang design hehe joke

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: