Category Archives: Komiks

Komik Istrip 002: Kinababaliwan ng Kababaihan

Ang okay siguro kung merong magbibigay sa ‘yo ng kahit anong kahilingan mo ‘no? Pero ‘wag kang masyado excited. Mas maganda kung isipin mo muna mabuti yung hihilingin mo. Baka iba yung maging interpretation nung magbibigay ng wish mo eh.

kinababaliwan ng mga kababaihan

Advertisements

Komik Istrip 001

Dahil malapit na ang eleksyon, narito ang isang handog na komik strip…

pinoy joke election

Please vote wisely 🙂

Ang mga Iskandalo ni Yolanda

yolanda anomalies
click to enlarge…

Sa kasamaang palad, kelangan pa lagi ng isang matinding trahedya para masukat ng ating bansa ang kahandaan natin sa mga hagupit ng kalikasan. At sa mga trahedya ding gaya nito nakikita kung anong uri ng mga mamamayan at Pamahalaan meron tayo.

Natuto na dapat ang Pilipinas sa maraming mga trahedyang nangyari dito nang nakalipas na limang taon, mula sa mga bagyong gaya ni Ondoy, Habagat at Sendong. Pero nangyari pa rin ang trahedya na gawa ng Bagyong Yolanda. Ang pinakamasama pa dito ay ang mga kaganapang nagpalala sa sitwasyon pagkatapos ng pananalanta.

Narito ang mga iskandalong napabalita pagkatapos manalasa ni Yolanda nuong Nobyembre 2013:
  • Alitan at sisihan ng Lokal at Pambansang Pamahalaan

sisihan ng mga pamahalaan

  • Paggamit ng katagang “storm surge” na hindi naiintindihan ng marami

storm surge

  • Pagbawal sa pagbibilang sa dami ng mga namatay

dead count

  • Pagdi-delay sa pamimigay ng mga relief goods at pagdurusa ng maraming taong hindi nakatanggap agad ng tulong

delay sa pamimigay

  • Pag-imbak ng relief goods imbes na ipamigay agad ito at ang pagri-repack ng mga ito kahit na naka-repack na

repacking operation

  • Pagkasira ng mga relief goods na hindi ibinigay agad

nabubulok na goods

  • Hindi pag-abot sa mga nasalanta ng mga tulong galing sa mga dayuhan

tulong ibayong dagat

  • Pananamantala ng mga pulitiko para maagang mangampanya gamit ang kaban ng bayan sa pamamagitan ng mga relief goods

binay relief goods

  • Pagbagsak ng relief goods ng ilang helicopters sa mga nasalanta dahil sa kabagalan mag-desisyon sa pagbibigay ng mga ito

hulog ng langit

Ang dami, ‘di ba? But wait, there’s more. Narito pa ang ibang mga anomalya nung panahon ng Yolanda na gusto nang makalimutan ng Pamahalaan.

  1. Pagtanggi ng Pamahalaan na i-acknowledge ang dami ng mga namatay sa Yolanda
  2. Kabagalan sa pagtungo sa kinaroroonan ng mga biktima (mas mabilis pa ang mga newscaster sa Pilipinas at ibang bansa)
  3. Pagtanggi ng Pamahalaan na may nangyayaring mga anomalya
  4. Pagfocus ng tulong sa iilang lugar lang na sinalanta ng bagyo
  5. Kakulangan ng kooperasyon ng National at Local Government
  6. Napakabagal na pamamahagi ng tulong sa mga biktima
  7. Below standard materials at overpricing sa pagtatayo ng bunk houses
  8. Hindi magandang kalagayan ng mga biktima sa mga evacuation center
  9. Pagtanggi ng Pamahalaan sa mga napansing anomalya ng mga tao at newscaster
  10. Pagbenta ng mga relief goods galing sa ibang bansa
  11. Pag-imbak ng pondong pera sa loob ng mga bangko imbes na gamitin para sa mga nasalanta
  12. Pagkagalit ng Pamahalaan kapag ipinapaalala sa kanila ang mga hindi pa nila nagawa

Sana ang mga susunod na administrasyon ay gumawa na ng tamang paghahanda para huwag nang maulit ang mga bagay na ito.

Hindi man mapigil ang kalikasan sa mga gusto nitong gawin, at least man lang sana eh gawin ng mga ahensya ng ating Pamahalaan ang trabaho nito ng maayos.

At bilang mga mamamayan, dapat din tayong maging responsable sa pagsunod sa abiso ng Pamahalaan patungkol sa mga sakuna at magkaroon ng simpatiya para tumulong sa mga taong sinalanta ng anumang sakuna.

Huwag Silang Kalimutan

Hanggang ngayon, marami pa rin sa ating mga kababayan na nabiktima ng mga kalamidad nang nakalipas na taon ang hindi pa rin nakakabalik sa kanilang normal na pamumuhay.

Huwag natin silang kalimutan ngayong Pasko at bumilis pa sana lalo ang rehabilitasyon ng pamahalaan sa kanilang lugar.

I-share ang Kapaskuhan.

pasko para sa lahat

Mga Sintomas na Isa Kang Komunista

 

palatandaan ng komunista

Kapag may napansin ka sa mga sumusunod na sintomas, malamang ay may tendencies ka na maging komunista.

1. May urge kang mag-rally at magsunog ng effigy ng kung sino man ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas o ng bansang Amerika tuwing napapanood mo ang sinuman sa kanila sa tv.

2. Naniniwala kang ang pagbabago ay makakamit lamang sa marahas na pamamaraan.

3. Gustung-gusto mong binabasa ang mga accomplishments nina Stalin, Lenin, Marx at Mao.

4. May poster ka ni Mao Tse Tung sa iyong kwarto.

5. Miyembro ka ng mga organisyon na sumusuporta sa mga makakaliwang grupo ( sa iyong komunidad o sa social media).

6. Nae-excite ka sa prospect na manirahan ng matagal sa kabundukan.

7. Naaawa ka kay Jose Maria Sison dahil nasa Netherlands siya at hindi masamahan ang kanyang mga taga-suporta na nasa bundok at namumuhay na salat sa lahat ng pangangailangan habang ipinaglalaban ang mga ideyalismo na siya ang nagpasimula.

Paano Sumagot ng Mali

Paano ba sumagot ng mali? Alamin natin mula sa ating mga kagalang-galang na punong hinalal. Kids, wag na wag n’yo itong gagayahin 😀

Paano Sumagot ng Mali

Ang Hirap Lumakad sa Tuwid na Daan

tuwid na daanPinagsisisihan na kaya ng Pangulong Aquino na “Tuwid na Daan” ang ginamit n’yang tema para sa kanyang administrasyon?

Habang maraming Pilipino sa loob at labas ng bansa ang hindi na makapaghintay sa maraming magandang pagbabago sa Pilipinas, marami pa rin sa mga taong may kapangyarihan para gawin ito ang hindi interesadong magbago.

Sa paggamit ng tag na “Tuwid na Daan”, lalo lang pinabigat ng administrasyon ang pressure na ide-deliver nito ang mga pangako nitong malawakang paglilinis sa katiwalian sa bansa.

Isang bansang naghahangad ng pagbabago, isang Pangulo na nangako ng pagbabago, at mga kleptomaniac sa Gobyerno na gagawin ang lahat para walang magbago…ilang libong taon pa kaya aabutin ang labanang ito?

Gaano man kaliit, gawin natin ang ating magagawa bilang mga Pilipino para makalakad sa tuwid na daan.

Maligayang Araw ng mga Tatay

I don’t always post anything on a Sunday but when I do, it’s probably Easter Sunday, Mother’s Day or Father’s Day hehe. Pero wala akong ginawa para sa nakalipas na Easter at Mother’s Day kaya magpo-post ako ng Father’s Day Special blog post ngayon.

So heto na…

Maligayang Araw ng mga Tatay!!!

…sa ating mga ama at sa lahat ng merong ama.

Bilang mga ama, maraming tao sa aming paligid ang may kanya-kanyang pananaw sa amin kung paano namin ginagampanan ang aming responsibilidad sa aming mga anak.

Heto ang pananaw ng iba’t ibang tao tungkol sa akin.

1. Tingin ng aking mga kaibigan sa akin…

ulirang ama
ulirang ama…

2. Tingin ng aking mga magulang sa akin…

overprotective parent
overprotective na magulang…

3. Tingin ng aking anak sa akin…

paboritong laruan
paboritong laruan…

4. Tingin ko sa aking sarili…

kahit ano ibibigay
kayang magbigay ng kahit anong kahilingan…

5. Tingin ng aking misis sa akin…

parelax-relax lang
parelax-relax lang…

6. Pero sa totoong buhay, ako ay isang…

overseas parent
distant overseas parent…

Matuto Kang Lumandi

Advisory: Paumanhin sa mga gals, for the boys muna ang aking post ngayon pero pwede n’yo itong i-forward o i-share sa mga kilala n’yong lalake. (Kung sa tingin n’yo useful 🙂 )

Ang post na ito ay dini-dedicate ko sa lahat ng mga batchmates kong lalake na single pa rin hanggang ngayon.

********************************************************************************
********************************************************************************

matuto kang lumandi

Pare ko, pasensya na sa sasabihin ko.
Wala akong intensyong makipag-basag-ulo.

Naalala ko lang kasi…
Araw na naman pala ng mga puso at…

at…

…single ka pa rin.

Pero alam ko naman, cool ka lang ‘di ba?
So what, ‘di ba?
Eh ano ngayon, ‘di ba?

Matagal ka ng single at hindi ka na affected.

Gastos lang ang lovelife.
Marami ka pang dapat gawin na mas importante.
Ine-enjoy mo pa ang blessedness ng singlehood.

Tama. Tama ka d’yan.

Napansin ko pala, kumpara 10 years ago, padami yata ng padami ang mga magagandang kadalagahan sa atin. Napansin mo rin ba? Hindi? Talaga?

Mas marunong na sila mag-ayos ng sarili.
Mas marunong na sila magdala ng fashionable na damit.

At hindi lang sila magaganda, may mga pinag-aralan at may trabaho pa. Pero sa estado mo ngayon, alam ko naman hindi mo masyadong iniisip ‘yan. Darating din ang soul mate mo sa tamang pagkakataon, ‘di ba?

Sabi nga pala sa isang 2012 estimate ng gender ratio eh hindi naglalayo ang dami ng mga lalake at babae kaya hindi natin masasabing merong kakulangan sa dami ng mga Pilipina. (Source 1, Source 2)

Pero sa kabila ng pagkalat ng mga available at eligible bachelorettes, marami pa ring gaya mo na nasa tamang edad na (35 years old above) ang single pa rin hanggang ngayon.

Hindi ka naman bading.
May hitsura ka naman.
May maganda ka namang trabaho.
Interesting ka naman pag nakilala.
Mabait ka naman at maginoo.

So, ano ba ang problema? Oo nga pala, wala namang problema…

Pero ito ba ang uso ngayon? Magpakatandang binata? Magpaka-All by Myself?

Hindi ko naman tinatawaran ang dahilan mo sa pagiging single at alam ko namang maraming pwede at valid na dahilan para maging single ang isang middle aged na lalake. Walang sinuman ang maaaring humusga sa dahilan mong iyon.

Pero dahil pakialamero lang talaga ako (sa mga taong may malasakit ako) eh pwede ko bang ibahagi ang aking hamak na opinyon? Ano? Sigurado kang ayaw mong malaman?

Ganito kasi ‘yun eh, meron kasi akong suspetsang isa pang dahilan sa pagiging single mo.

Katamaran…

Tamad ka, kaya single ka pa rin.

Ops, ops, sandali lang, ibaba mo muna ‘yang hawak mong pamalo. Sabi na sa ‘yo ‘di ako naghahanap ng away eh. Nagse-share lang ako ng opinyon.

Alam mo, sa tingin ko kasi, marami sa mga matinong kalalakihan na kagaya mo ang tinatamad.

Tinatamad manligaw.
Tinatamad sumubok.
Tinatamad mag-isip ng approach.
Tinatamad gumastos.

Pero higit sa lahat, tinatamad lumandi.

Tama, lumandi.
Kelangang lumandi ang isang tandang para maka-bingwit ng inaheng manok.
Kelangang lumandi ang lalaking pusa para maka-score sa babaeng pusa.

Pero ang tinutukoy ko eh ‘yung pantaong landi.
Hindi landing panghayop.
Landi na pang-disenteng lalake.
Let me elaborate.

Tingnan natin ang pagkakaiba ng disenteng lalake na tamad kumerengkeng at ng disenteng lalake na marunong lumandi…

sample ng hindi malandi

Kita mo naman ang resulta ‘di ba? Dahil sa katamaran, tinatapos mo yung lahat ng tsansa na inilalatag ng tadhana para sa ‘yo.

Pero tingnan natin ang ibang metodolohiya. Subukan mong lumandi ng konti…

sample ng malandi

Nakuha mo ba ‘yung gusto kong sabihin?

So kung ikaw na isang disenteng lalake ay nagtataka kung bakit pumapatol ang mga matinong babae sa mga may asawa na, sa mga total jerk, o sa mga chickboy-chikboyang sons of satan (term na gamit ni Manix Abrera) eh baka dahil isa ka na rin sa mga may kasalanan.

Kung marami lang sanang disenteng lalake kagaya mo ang magsisipag na manligaw sa mga matitinong kababaihan ng ating bayan eh di hindi sana napariwara ng landas ang maraming kadalagahan sa ating bansa.

Ayon, nasisi ka pa tuloy.

So, bilang unsolicited advice mula sa isang pakialamerong nagmamalasakit, bakit ‘di mo subukan lumandi?

Matuto kang lumandi.
Yung disenteng landi.
Yung pantaong landi.

Huwag mo namang landiin lahat ng kababaihang makita mo.
Hayop lang ang gumagawa nu’n.

Landiin mo lang yung special someone na hindi mo magagawang lokohin.

Tandaan mo, pare…ANG TUNAY NA LALAKI, MARUNONG LUMANDI.

David and Venus #8

Komiks muna…
Parang may nagji-jeling-jeling yata…

david and venus 8

Sa Inyo na ang Lahat

Tapos na ang undas kaya’t it’s officially the Christmas Season na, WUHOOO! Pero walang kinalaman sa kapaskuhan ang blog post na ito hehe, masyado pa maaga para dun.

Isang mahalagang usapin na kasalukuyang umaapekto sa buhay ng napakaraming Pilipino ang sinimulan ng isang pangyayaring naganap kamakailan lamang. Mayroong mga nalungkot, may mga nainis at meron din namang mga nagalak sa pangyayaring nabanggit.

Subalit, parang na-reincarnate yata ang magsing-irog na si Daniel at Katerina, kung kaya’t malamang magka-part 2 pa ang tele-nobelang naging bahagi ng maraming tahanang Pilipino. Kung magkagayon, patutunayan lang ng ABS-CBN na ang istoryang ito ay…walang hanggan 🙂

hitler ng germanygenghis khan ng mongolia

king george v ng inglatera

galactus ng marvel
si galactus ay isang comic book character na pag-aari ng marvel comics

julia montes and coco martin

David and Venus #7

Huwat??? Meron pa pala neto?! 😀

As usual, paki-click na lang po para sa mas malinaw na image…

si david at si venus