Mga Importanteng Paalala sa Paghahanap ng Trabaho sa UAE

united arab emirates

Sobrang dami ng mga Pinoy sa UAE ngayon na naka-Tourist Visa at naghahanap ng trabaho.

At sa sobrang hirap makahanap ng trabaho dahil sa tindi ng kompetisyon, marami sa ating mga kababayan ang kumakagat sa kahit anong offer. Marami ang naniniwala sa mga matatamis na pangako ng mga employer na bandang huli ay hindi naisa-sakatuparan.

May dalawang bagay na dapat niyong pag-ingatan kung kayo ay kasalukuyang nasa UAE at nakikipag-sapalaran. Hindi dapat kagat lang ng kagat sa kung ano ang io-offer dahil mapapaso na ang Tourist Visa niyo.

Sobrang babang pasweldo.

Dahil alam ng mga employers na sobrang hirap maghanap ng trabaho, sinasamantala nila ito. Alam nilang papayag sa kahit magkano na lang ang mga Pinoy wag lang hindi makahanap ng trabaho.

Maraming mga Pinoy ang pumipirma sa kontrata kahit AED 1,800 lang ang sweldo kasama na lahat-lahat dahil sa takot na hindi na makatanggap pa ng ibang offer. (Note: AED 1 is about 13 Php as of Jan. 2016)

Pinakamura na ang AED 650 na bedspace dito sa UAE. Mamamasahe ka pa at siyempre kakain at magpapadala. Ano’ng mapapala mo kung tatanggapin mo ang ganyan kababang offer lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng cost of living sa UAE at bali-balita’y magkakaroon na rin daw ng VAT sa hindi malayong hinaharap?

Mga kumpanyang manggagamit pero hindi ka iha-hire.

May tinatawag na short-term at long-term na Tourist Visa dito sa Dubai.

  • Short-term Visa = 1 Month Validity
  • Long-term Visa = 3 Months Validity

Maraming kumukuha ng long-term visa dahil alam nilang hindi sila agad makakakuha ng trabaho sa loob lamang ng isang buwan.

Pero may mag siniswerte rin na kahit isang buwan pa lang silang nakikipagsapalaran ay nakakakuha agad sila ng trabaho. Ang problema, hindi lahat ng offer ay totoo.

May mga kumpanyang sasabihin sa iyo na mag-training ka muna o magkaroon muna kayo ng trial para makita nila kung magaling ka nga talaga at kung magugustuhan ka nila. Pag sinabi nilang 3 days trial, fair enough. Pero pag sinabihan ka na two weeks ang trial mo, kesyo may sweldo iyan o wala, magduda ka na.

Maraming mga naniwala at pumasok ng dalawang linggo na trial at matapos ang lahat ng kaniyang paghihirap ay sinabihan ng employer na hindi siya kukunin dahil hindi daw siya pasado sa kanilang standards. Dalawang linggo ang nawala sa kaniya na sana ay nagamit niya sa paghahanap ng ibang trabaho.

May kumpanya naman na sasabihan kang saka na lang daw ipo-process ang visa mo. Kapag malapit na mapaso ang current Tourist Visa mo. Kesyo sayang naman daw. Papapasukin ka nila kahit wala ka pang work permit (at bawal ito) at maswerte kung makakatanggap ng sweldo. Yung iba, sinasabihang saka lang sila makakasweldo kapag may visa na sila. Pero wala kang habol dito. Dahil wala kang work permit o visa ay hindi ka maaaring lumapit sa Labor para magreklamo at kayang-kaya ka nilang itanggi.

Sa kasamaang palad, yung iba, hindi na nga nakatanggap ng sweldo, napaso pa ang visa at bandang huli ay hindi rin na-visahan ng employer.

Kaya po para sa mga kababayan nating nasa UAE na kasalukuyang naghahanap ng trabaho, pakatandaan na:

  1. Huwag papayag sa sweldong ibinibigay kung alam niyong hindi makatarungan
  2. Huwag papayag na gamitin ng kumpanya ang inyong Tourist visa. Siguraduhing may work permit o visa bago ka pumasok; o kahit man lang umpisahan na ang pag-process dito.
  3. Huwag papasok hangga’t wala pa kayong napipirmahang offer letter o kontrata. Kailangang may pirma ng HR Manager o kahit sinong Manager ang offer letter niyo at kailangan may kopya kayo.

Maging wise po tayo sa pagtanggap ng trabaho. Oo, mahirap maghanap ng trabaho pero mas mahirap ang pumasok sa trabahong habang panahon mong pagdudusahan.

Advertisements


Categories: OFW Layp

Tags: , , , , , , ,

10 replies

  1. Tanong lang po, mayroon ba kayong idea kung ano at paano ang nature of works ng Enova Fascility Management?
    Salamat ng Marami sa makapagbibigay linaw.

  2. ano pa ang pagkakaiba ng dummy ticket sa totoong ticket ,,pwde ko po bang ipakita sa company ko dto sa qatar ung dummy ticket para bgyan nila ako ng exit?

  3. Gud am po. Pano kung magvivisit visa po ako sa Dubai para maghanap ng work pero po yung tor at diploma hndi ko pa po makuha,hahanapin po ba sakin yun ??ano po bang mga kailangng requirements na hahanapin sakin kapag nag apply ako sa dubai??

  4. Totoo yan.. Naka silent recession ang UAE kaya mas lalong mahirap mag hanap ng trabaho.. Lalo na pag bagong join sa company iniintay lang na mag six months pero di conconfirm.. Kawawa naman ang mga pinoy.. Kaya Alma Moreno talaga.. Dasal dasal lang..

  5. kung 1800 dirham din lang ang kikitain sa isang buwan sa uae, mas mabuti pang mag-stay na lang sa pilipinas. madali lang kitain yun sa mga factory or BPO sa bansa natin ngayon.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: