New Year’s Resolution

Uso pa ba ang New Year’s Resolution? O baka ang mas tamang tanong ay kung uso pa ba ang pagsunod sa iyong New Year’s Resolution?

mga pagbabagong dapat gawin

Sa panahon ngayon, madalas ko na lang na nakikita sa listahan ng mga New Year’s Resolution ay mga #BalikAlindog. Parang iyon na lang ang pinagtutuunan ng pansin  ng mga tao ngayon. Ang mag-gym, magpapayat, maging “in shape” at magkaroon ng healthy living. Wala namang masama lalo na kung para iyan sa ikabubuti ng iyong pisikal na pangangatawan.

Kung saka-sakali naman na maisip mong gumawa ng New Year’s Resolution, bakit hindi ka kaya magsali ng mga bagay na simple ngunit kapaki-pakinabang sa lipunan. Promise, mas madaling matupad ito kaysa sa #BalikAlindog Resolution mo.

Heto ang ilan sa mga bagay na maaari mong isama sa iyong New Year’s Resolution:

1. Maging mabuti sa kalikasan

Narinig mo siguro na kamakailan lang ay nagkaroon ng Climate Summit sa France at hulaan mo kung para saan ang Summit na ito? Obviously, may mga ganitong pagtitipon dahil nakakawindang na ang pagbabago ng klima.

Kung ako sa iyo, siguro ay simulan mo ang pagtulong sa Inang kalikasan bago pa mahuli ang lahat. Simulan sa maliit na bagay tulad ng hindi pagtatapon ng balat ng kendi o upos ng sigarilyo kung saan-saan. At baka gusto mo ding simulan magtanim ng mga halaman sa iyong bakuran. Wag mo na isipin yung mga illegal loggers at nagqu-quarry, ang isipin mo muna ay yung mga bagay na kaya mong gawin.

2. Magkaroon ng Disiplina

Ilang beses (sa buong buhay mo) na tumawid ka sa hindi tamang tawiran?  Huwag mag-deny. Don’t tell a lie. Aminin! Hindi mo mabibilang sa daliri ng kamay mo kung ilang beses iyan.

Ilang beses ka ba sumakay at bumaba sa No Loading and Unloading Zone?

Minsan kailangan pa yata nating bumalik sa pagiging GSP o BSP para maalala kung ano ang ibig sabihin ng Disiplina.

3. Maging halimbawa sa mga kabataan

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. At kung ano ginagawa ng mga matatanda ay tama sa mata ng bata.

4. Bumoto ng Tama

Minsan lang sa anim na taon tayo nagkakaroon ng pagkakataong bumoto ng taong mamumuno sa ating bansa. Siguraduhing tama ang ating magiging desisyon.

5. Bawas-bawasan ang pag-aabang sa FOREVER

Mas magiging produktibo ka kung itutuon mo ang pansin mo sa mga mas makabuluhang bagay tulad ng pag-aaral at pagtatrabaho ng mabuti kaysa sa pag-aantay na iluwa ng langit ang iyong Forever.

6. Bawas-bawasan ang pagiging Bully

Hindi ko na siguro kailangan ipaliwanag pa kung ano ang ibig sabihin ng pambu-bully dito. Cyber Bullying man o  anong klase ng pambu-bully, hindi ito nakakatulong sa ating pag-unlad.

7. Magkaisa para sa mga bagay na ikabubuti ng ating lipunan

Record breaking ang ilang milyong tweets para sa AlDub ano? Ang tindi ng pagkakaisa ng mga Pilipino para sa mga bagay na nakakapagbigay sa kanila ng saya. Hindi ako kumukontra kung AlDub fan man kayo o hindi.  Sana lang  magkaroon din tayo ng ganito katinding pagkakaisa para sa mga napakaraming makabuluhang bagay tulad ng pagtulong sa ating mga kababayan sa panahon ng kalamidad o kaya pagtulong sa ating mga kabataang walang kakayanan mag-aral.

Madali lang di ba? Maliliit na bagay lang.

Happy New Year sa inyong lahat!

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , ,

5 replies

  1. madaming resolution hindi natutupad kulang kasi sa disiplina..

  2. i think medyo may chance pa ko sa number 1 to 7, yung #BalikAlindog lang ang magiging madugo para sa kin kung sakali. buti na lang di siya kasali sa list 🙂

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: