Problemang Pinas: Wapakels!

pasaway na mga bus

isang dahilan ng matinding traffic ay ang kawalang pakialam ng mga driver ng mga bus…

Isang problemang humihila sa Pilipinas pababa ay ang pagiging “Wapakels” o walang pake o walang pakialam ng maraming Pilipino. Sa English, ito ay tinatawag na indifference.

Maraming bagay sa ating paligid makikita ang kawalang pakialam ng mga Pilipino: walang pakialam sa kalat, walang pakialam sa dumadaan, walang pakialam sa naghihintay, walang pakialam sa katabi, walang pakialam sa tumatawid, walang pakialam sa tumutulong tubig, walang pakialam sa natutulog, etc.

At yung ugali nating walang pakialam, dalang-dala rin ng ating Pamahalaan. Walang pakialam sa mga OFW, walang pakialam sa mga pumipila dahil sa dispalinghadong serbisyo, walang pakialam kung marami na ang nagagalit, walang pakialam kung marami na ang nagrereklamo, walang pakialam kung may namamatay, etc.

Sa kasamaang palad, yung mga bagay na dapat pakialaman, ayaw nating pakialaman. Pero yung mga ‘di natin dapat pakialaman, yun pa ang gustung-gusto nating pakialaman.

Ngayong 2016, at eleksiyon na ulit, sino man ang manalong mga bagong pinuno, magkaroon na sana tayo ng pakialam sa mga mahahalagang bagay na nakakaapekto sa ‘ting lahat.

Magbago na tayo, Pilipinas!



Categories: Problemang Pinas

Tags: , , , ,

2 replies

  1. It looks like there won’t be any changes. I hear that guy Duterte is going to win.

    • that’s what i heard too. and I guess, he’s a good candidate, i prefer him over others. I hope there will be changes.

Leave a Reply

%d bloggers like this: