Paano Makapunta sa Dubai: Via Agency vs. Visit Visa

Napakaraming Pinoy ang nagnanais makapag-abroad para guminhawa ang buhay. At marami sa kanila ay nagnanais na pumunta ng Dubai.

May dalawang paraan para makarating at makapagtrabaho sa Dubai. Una ay mag-apply sa mga Agency sa Pinas at pangalawa naman ay mag-visit visa na lang papuntang Dubai at doon na maghanap ng trabaho.

Maraming naniniwala na mas madali daw kung magvi-visit visa na lang kaysa kung dadaan ka pa ng agency dahil sobrang tagal daw ng hihintayin mo bago ka pa makaalis ng bansa at madami daw mga papeles na aasikasuhin at babayaran. Bukod diyan ay kailangan mo pang magbayad ng placement fee.

Pero mas madali nga  ba talaga kung magvi-visit visa ka na lang? Pagkumparahin natin.

Paano Makapunta sa Dubai: Via Agency vs. Visit Visa
larawan ng dubai

ang maunlad na syudad ng dubai

Via Agency

Step 1. Application.

Magpapasa kayo ng application sa mga agencies. Minsan mayroon pa silang initial screening at kapag napili ka ay tatawagan ka nila for interview pag dumating na sa Pilipinas yung employer.

Step 2. Selection.

Darating ang employer galing sa Dubai para mag-interview at mamili ng mga i-hihire nila.

  • Kapag hindi ka pumasa, bumalik ka sa Step 1
  • Kapag pumasa ka, usad ka na sa step 3.

Step 3. Formalities.

Contract, Medical, PDOS, POEA, Immigration. Lahat iyan aasikasuhin na ng agency para sa iyo.

Step 4. Fees.

Madalas na gagastusin mo ay yung paglakad lakad ng papeles, pamasahe mga kung ano-anong fees at ang pinakamalaking babayaran mo ay yung placement fee na katumbas ng isang buong buwang sweldo mo.

Sabihin na nating ang sweldo mo sa pinirmahan mong kontrata ay halimbawa Php20,000. Isama na rin natin yung mga maliliit na gastos mo sa paglalakad ng mga papel at mga kung ano-anong fees. Ipagpalagay na nating umabot ang gastos mo sa Php 40,000. O kaya kung talagang napagastos ka, sabihin na nating Php 50,000.

Step 5. Tagal ng paghihintay.

Madalas ang paghihintay ay tatlong buwan lamang dahil sapat na panahon na iyon upang matapos ang mga papeles mo sa Pilipinas at sa Dubai. Minsan tumatagal ang paghihintay sa hanggang anim na buwan depende sa kumpanyang papasukan mo. Madalas kasi tulad ng mga restaurant o hotel na magbubukas pa lang (at isa ka sa napili para maging pioneer staff), naaantala ang pagbubukas dahil sa hindi inaasahang mga pangyayari  sa konstruksyon o kaya mga permit nung establishment.

Pag natapos mo na ang lahat ng steps sa itaas, liipad ka na pa-Dubai na siguradong may trabahong dadatnan at bahay na matutuluyan.

isa pang larawan ng dubai

downtown dubai

Via Visit Visa

Step1. Humanap ng makakapag-issue sa iyo ng visit visa at air ticket.

  1. Agency sa Pilipinas. Pero paano kung peke ito at pine-perahan ka lang?
  2. Kamag-anak sa Dubai. Makakahingi ka ng tulong sa mga kamag-anak mo sa Dubai para kuhanan ka ng mga papeles sa Consulate at matutulungan ka makakuha ng visa at ticket na babayaran mo na lang sa kanila kapag nagkatrabaho ka na.
  3. Kung wala kang kamag-anak pero may kakilala ka, pwede ka pa din makakuha ng visa kaso mas malaki ang tsansa mong makwestyon sa immigration. Kapag nakwestyon ka sa immigration sa araw ng paglipad mo dahil hindi kayo magkamag-anak ng sponsor mo, malaki ang tsansa na ma-offload ka.
    1. Kapag na off-load ka, ipapa-rebook niyo ang iyong ticket at susubok ka ulit.
    2. Kapag nakalusot ka sa immigration, uusad ka na sa Step 2.

Magkano nga ba ang one way ticket mula Pilipinas hanggang Dubai? Sabihin na nating Php20k – 30k++

Step 2. Pagdating mo ng Dubai, bago ka pa maghanap ng trabaho, kailangan mo munang makahanap ng tutuluyan.

  1. Kung may kamag-anak ka o kaibigan o kakilala at close kayo, pwede ka nilang patirahin ng libre hanggang makahanap ka ng trabaho at kaya mo nang magbayad ng upa. Kung hindi kayo close, utang muna ang bayad mo sa upa.
  2. Kung marami kang pera ay pwede kang mag-hotel.
  3. Kung kaunti lang ang baon mo, hindi ka pwedeng maging choosey. Magbe-bedspace ka. Kapag nag-bedspace ka, malamang anim hanggang walo kayong bedspacers sa loob ng isang kwarto. Ang halaga ng upa ay nasa 600 – 800 Dirhams kada buwan na pumapatak na Php 7k – 9k. At maari pang mas tumaas ang upa dahil sa napakabilis na pagtaas ng renta ng mga bahay sa Dubai.

Step 3. Gastusan ang mga pang-araw-araw na pangangailangan. Pagkain. Pamasahe. Panglakwatsa pag nalulungkot at depressed dahil wala ka pang trabaho.

Step 4. I-renew ang visit visa. Ang validity ng visit visa ay isang buwan para sa short term at tatlong buwan para sa long term.

  1. Kapag kumuha ka ng short term visa na (AED 450 = Php 5,500++)
    1. Masyado maiksi ang isang buwan para makahanap ng maganda-gandang trabaho. Kapag nakahanap ka ay swerte ka.
    2. Kapag sa loob ng isang buwan ay hindi ka nakahanap ng trabaho at kailangan mong umexit, go to Step 5.
    3. Kapag malapit na mapaso ang visa mo at nalaman ito ng kumpanya habang iniinterview ka nila, babaratin ka nila dahil alam nilang kakagat ka.
  2. Kapag kumuha ka ng long term visa (AED 1600 = Php 19,600++), masyadong mabigat sa bulsa. Pero sa loob ng tatlong buwan, maari ka na ding makahanap ng trabaho.
    1. Kapag nakahanap ka ng trabaho sa loob ng tatlong buwan ay ok ka na.
    2. Kapag hindi ka pa din nakahanap ng trabaho sa loob ng tatlong buwan at kailangan mo na umexit, go to Step 5.
    3. Kapag may long term visa ka at sa unang buwan pa lang ay natanggap ka na sa trabaho ay suriin mo ang kumpanya dahil baka ginagamit ka lang. Sasabihin sa iyo na sayang naman ang binayad mo sa long term visa mo kaya gamitin niyo na muna at kapag mapapaso na ito ay saka na lang nila ikaw a-applyan ng working visa. MALING-MALI iyan. Kapag nakapagtrabaho ka na sa kanila na gamit ang iyong visa, maswerte ka kapag sinuwelduhan ka nila. Maaaring sabihin nila na training ka pa lang kaya walang sweldo o kaya hindi ka pa pwedeng swelduhan dahil hindi ka pa official staff dahil wala ka pang valid residence visa. Sasabihan ka nila na umexit para maapply nila ang work permit mo sa Dubai pero ang totoo ay hahayaan ka na nilang mabulok sa lugar na inexitan mo.

Step 5. Exit. Ano ba yung pag-exit na ito?

  1. Kapag napaso ang visa mo at kailangan ka ulit issue-han ng bagong visa, kailangan mo munang lumabas ng bansa saglit.
  2. Kapag nakahanap ka ng trabaho at papalitan na nila ng residence visa o work permit ang visit visa mo, may mga kumpanyang kakailanganin ang iyong pag-exit  at may mga kumpanya namang hindi na nangangailangan pang ikaw ay pa-exitin.
  3. Saan ka pwede umexit?
    1. Kish, Iran. Ang flight papuntang Kish ay nagkakahalagang 600-700 Dirhams = Php 7k – 8k. Tapos magtatagal ka pa doon ng mga ilang araw sa Kish kaya kailangan mo umupa ng kwarto sa mga hotel na nagkakahalaga ng 40 dirhams kada araw.
    2. Oman. Sasakay ka ng bus papuntang Oman nanagkakahalaga ng 250 Dirhams = Php 3k++ at mag-aantay ka ng 2 – 3 araw para ma-issue ang visa mo bago ka makabalik ulit ng Dubai.
    3. Kapag umabot ka sa pag-exit, ang susunod na ay Step 6.

Step 6. Habang nasa labas ka ng U.A.E. kailangan ulit mag-apply ng panibagong visa para makapasok ka ng Dubai. Kung tatlong buwang visa ang kukunin mo, panibagong 1600 dirhams na naman iyan.

Step  7.  Kapag nakabalik ka na sa Dubai matapos ang pag exit mo at pagbili ng bagong visa, wag mong kalimutan na tumatakbo din ang upa mo sa bahay kung nag-bedspace ka.

Dahil maraming Pinoy ang palaban, hindi sila umuuwi ng luhaan. Kapag nakabalik na ulit sila ng Dubai galing sa Kish o Oman, fighting! Apply na ulit. Ang masaklap lang minsan kapag baon na sila sa utang, ubos na ang baon at wala ng pera ang pamilya sa Pinas, napipilitan silang patusin na lang ang kahit anong trabahong dumating para lang may pumasok nang pera at hindi na madagdagan pa ang utang.

Maraming hindi nakukuha ang trabahong naaayon sa propesyon nila (hal. IT expert sa Pinas, pagdating sa Dubai ay Office Boy, o Teacher sa Pinas pagdating sa Dubai ay Waitress o Cashier, o Nurse sa Pinas tapos receptionist pagdating sa Dubai).

Marami sa ating mga kababayan ang ganito ang nagiging kalagayan kapag nagvi-visit visa (o minsan mas malala pa) kaya minsan, baon pa din sila sa utang kahit mag-iisang taon na silang nagtatrabaho.

Akala kasi ng lahat, ganun lang kadali ang pagvi-visit visa. Maraming sinuswerte na nakakakuha agad ng trabaho at marami rin ang hindi.

Kung hanggang ngayon ay nagbabasa ka pa din at nagnanais ka na makarating sa Dubai para magtrabaho, pag-isipan mo kung ano ang paraang  pipiliin mo. Agency o Visit Visa.

Note: Madalas at mabilis magbago ng batas ang Dubai pagdating sa mga visit visa (short/long term) kaya po kapag nabasa niyo ito, tingnan ang petsa ng pagkakalathala at ikumpara sa pangkasalukuyang batas ng Dubai.

Advertisements


Categories: OFW Layp

Tags: , , , , , , , ,

171 replies

  1. Magkano ba ang kailangan sahod ng nagtatrabaho sa dubai para makakuha sya ng visit visa para sa isa nyang kamag anak

  2. Bkit awaiting moderation ung comment q

  3. Gud ev po.. .kinuhanan aq ng EMPLOYER Q touriST visa THROUGH TRAVEL AGENCY PAPUNTANG DUBAI..ANG PROBLEMA DI NMAN SILA NKATIRA SA DUBAI SA LEBANON SILA NAKATIRA MAG WORK KZ AQ SA KNILA MGA 5DAYS LNG AQ MAG STAY SA DUBAI TAPOS DDRITSO NA SA LEBANON KZ INAPLYAN NILA AQ WORKING VISA…..MAKKWSTYON VA AQ SA IMMIGRATION DTO SA PINAS?ANUNG POSIBLENG ITANUNG SA AKIN.?ANUNG DOCUMENTS ANG HAHANPN S AKIN?PLZZ PKISAGOT PO NEED LNG TLGA SALAMAT

  4. Hello poh open country poh b sa oman?

  5. hello poyde po ba mag ask uwi po ako ngaung June sa pinas dto po ako sa riyadh tpos vacation ko is 2 month’s
    yung visa ko po sa riyadh is re entry
    kaso po apply po ako ng dubai tourist visa for two weeks, sa dubai ko sana tataposin ang vacation ko, tpos after two weeks balik ulit ako dto sa saudi, tanong ko lang po kung poyde po ba yun?

  6. Hi mag travel ako hongkong baka travel agency ako may kasama ako family ko. Tas punta ako dubai yung kasama ko babalik pinas makakalusot kaya kme sa immigration? Naka travel agency kme papuntang hk then ako lang mag dubai may possible ba ma offload kme?

  7. Good morning , tanong lang po ako sa visa ko po paano po ba ang bilang ng visa yong araw po ba na punta ko dito ang simula nov.11,2016 oh yong nasa ticket po kasi nalilito po ako e 3mos po visa ko nov.11 po flight ko papunta ng uae tapos jan.24,2017 ang uwi ng pinas nakalagay sa ticket po ano po ba ang dapat naming gawin oh sundin.

  8. Hi, dami akong natutunan sa blog na to, dami kasi nag sabi sakin na mag visit visa ako, at meron din nag sabi ng mag-agency. Nakita ko n mas madali sila nkakuha ng trabaho sa tulong ng agency, compare sa visit visa, mage-exit k tlga pag expire n visit visa mo. At may point rin ang blog na to, ako halimbawa graphic artist ako, kahit office boy lng ako or waiter okay nako, hindi mo kailangan ng pumili ng work ayon sa profession or skills mo. Importante makahanap ng legal na trabao s Dubai, saka na maghanap ulit pag nakaipon na.

  9. Hi po..ask lng po sna aq.. Gling npo kz aq ng dubai for 2years dahil sa work ko..nung ntpos n ung contrct ko…bumlik aq dto sa pilipinas. Blak ko po sanang bumalik dun sa dubai. Ok lng po kaya kung mgtotourist visa aq…since d aq pwedeng mgvisit visa dhil wla aqng relatives don?? Di po ba ako mhhirapan mgtourist visa khit gling naq dun??? Sana po mtulungan nio po aq… Thanku po

  10. hi po I was planning to go to dubai and find a job there also but I was just little scared in immigration my plan is I go first in Singapore then when i’m in Singapore I book a flight going to dubai pwede ko po bang gawin un??????

  11. Hi! Ask ko lang.. pwede ko din bang isama ang anak ko sa pag punta sa Dubai? May kamag anak ako at may naghihintay na trabaho saakin doon pero ang problema ko ay kung paano ang proseso para maisama ko ang anak ko.

  12. Pano po kaya hal. Gusto ko makapagtrabaho sa dubai pero wala po ako exprience tulad sa mga pabrika ppwede po ba ako dun?

    • Sir ganyan din ang issue dito sa kapatid ko walang job experience gusto nmin sana mka abroad na sya pagkatapos ng graduation patungo UAE. Sayo Sir ngawa mo ho ba mka punta UAE kahit wla pa job experience at duon nlng mag take job exp.?

  13. okay lang po ba kung yung kamag anak na magsponsor ng visa ay wala sa dubai? nasa australia po? pwede po ba yun

  14. Hello kailangan ko lng po ng suggest. Kasi balak mo mag abroad at sa dubai sana ang gusto ko. Hindi ba pwedeng pumunta dun kahit walang kakilala. Or mas ok na mag agency nalang ? Ang work ko sanang aaplyan dun ay hairdresser .madali lang din kaya matanggap dun? Salamat po..

  15. hello po pag visiting visa po need pa rin ng passport?

  16. Good day po…plano ko po punta ng Dubai through visiting visa at maghanap dun ng work at the same time,,wala po ako kamag anak dun…ano ano.po ba pwede ko gawin? Please I need help…

  17. Hello po gusto ko po pumunta ng Dubai through visiting visa po wala po ako kamag anak dun,,,ano ano po ba pwede ko gawin?

  18. Hi good evening, please bear with me I really need the answers right now.. Im here at KL now, for about 3 months this coming Sept.13. I’m planning to go back in Phi pero after 9days going to DUbai na. Nakapagpabook na ko ng tickets Oct.1 flight ko paManila and Oct.10 to Dubai. This is my concern please sagutin niyo po ako. Natatakot ako maoffload wala akong family sa Dubai friends meron pero hindi rin sila ang sasagot ng tour ko, my travel agency na nagaackso ng visa ko anu po ba need ko kunin sa agency regarding that, para mapatunayan na kaya ko magtour. And One thing po while im staying here in KL nageexit ako going to thailand and balik din agad dto sa Kl to keep my tourist visa alive. Malaki ba ang chance ko maoffload dahil sa mga chop ng passport ko? Valid namn lahat ng yun at dumaan lahat yun sa Malaysian and thailand immigration. Marami po kasi nagsasabi sakim na mabilis pa sa alas kwatro offload ko kapag nkita nilang ganun ang nakalagay sa passport ko please I really need answers ….thank you po
    Please po advice naman kayo

  19. hello po!! me and my husband po are planning to go to dubai this october as tourist visa , may cousin po ung husband ko duon and same surname po sila. his cousin po ung magaayus ng visa nmin dun through agency po duon.. ask ko lang po anu pa po ba ang pwede naming dalhin na supportive documents aside po sa nso birth certificate ng parents nila para hindi offload and aside from that po mas better po ba or mas sure po ba kung pupunta kame ng sg, hk or malaysia para duon magmula puntang dubai?

  20. Planning for visit visa in Dubai this coming October 2016 wala Po ako sponsor Kaya bka mag Transit country Muna ako either sg/Malaysia/Thailand. Anyone planning also to go there message me. Or any advise.thank you

  21. Hello po tourist visa lang po ako,ang employer ko po dati ang nag sponsor at nag invite sakin puntang dubai sa katunayan nga po hawak q na ang visa ko ngaun antay ko lang ticket ko,tapos may bank statement nman po aq tapos ung ticket q daw po roundtrip nman po,so possible po ba na maoffload aq sa immigration?please help nman po…

  22. Hello po tourist visa lang po ako,ang employer ng friend ko nagsponsor sakin tapos cia din ung kumuha ng invitation letter na nagpapatunay na sagot niya lhat ng expenses ko pag nsa dubai ako,tapos ang copy at visa ng friend ko nka atouch din sa papers ko,tpos may bank statement ako posible po ba na ma offload ako?

  23. Hello. I have a confusion about the visit visa. My BF and I are planning to have a 14 days vacation in Dubai and my BF will shoulder everything as he can totally afford even my tickets round trip. The problem is he’s not working in Dubai and not residing there. He’s British, for the fact he doesn’t need to apply for visa for himself because it is like a visa free for him, he decided that he will carry all my expenses to apply a visa. I am still a student and will graduate on March. So is it possible that he can sponsor me? We are willing to purchase tickets in any airlines that can assist our visa like emirates. Please give me any suggestions for this matter. Thank you

  24. Hello po Ma’am..gusto ko pong pumunta sa dubai..Visit visa..or tourist visa..ano po g gagawin ko

  25. Hello sa lahat nais po namin pumunta ng Dubai pero manggagaling kmi ng Thailand ..manila to Thailand then Thailand to Dubai ..sino po gusto sumabay?by this September 1st week ..

  26. Pag visit visa pedi b khit n wala sponsor sayo. At ano mganda process ang dpat gwin. Thank you

  27. Hi my alam po ba kayo na agency na hiring ngaun papuntang ibng bansa khit saang bansa po need ko lng mag aaply thanks poh.

  28. Hi po!may,mga katanungan lng po ako gusto ko lng po maintndihan lahat..gnito po kc meron pong gustong kumuha skn sa Dubai bilang nani, sila po mg issue ng working visa skn ang gusto ko lng po malaman ano po kaya mga dapat Kong asikasuhin n mga papeles at San po kaya ako pdeng makakuha ng medical for abroad first timer po kc ako sa ganito..sana po masagot nio mga katanungan ko..salamat..God bless.

  29. In my opinion kaya mas marami pa rin ang sumusubok ng visit visa dahil mahirap o matagal ng makahanap ng employer sa Dubai via agency madalas ang lugar na binibigay ng mga agency sa mga tao ay papuntang
    Qatar, Riyadh, Jeddah at iba pang lugar sa middle east pero hindi Dubai.

    • Marami din naman agency na papunta Dubai at Abu Dhabi, UAE like CDK agency, Amenri, etc. Mag search ka lang sa workabroad.ph. Yun nga lang swertihan din kung agad kang makakaalis. Depende kase yan sa employer. Yung iba inaabot pa ng tao wala pa din response si employer. Ang kagandahan pag nag agency ka sa Pinas, sure na sure na yung trabaho mo, accommodation, allowance, etc. at meron kang hahabulin na agency pag meron di magandang nangyayari sa yo. Saka madali ka makakalapit ng Phil Embassy kase nga documented OFW ka.

  30. gud day po , 4moths na po ang nanay ko sa dubai , 2 years contract po pinirmahan nyang contract duon , kasamaang palad po pinapauwe na sya dito sa pinas na wala nmang valid reason , tanong ko lang po makatarungan po ba yun ? ,

    • Meron po dito sa Middle East tinatawag na Probationary Period. Pero di naman masyado nasusunod yan, depende pa din sa employer o amo. Meron reason kung bakit gusto pauwiin ang nanay mo, puedeng di satisfied ang amo nya sa work nya or may nakita yung amo nya sa kanya na ayaw ng amo nya, mga ganon reason. Puede din mag iibang bansa na yung amo nya, ex. Pupunta ng US yung amo nya, kaya pinapauwe na sya.
      Kausapin nyo yung agency sa Pinas kung ano talaga ang reason kung bakit pinapauwe na nanay mo. Ang agency ang dapat makipag coordinate sa amo nya.

  31. Ask ko lang po if kukuha po ako ng visit visa papuntang dubai marami po ba requirements at matagal tagal ba bago ko makuha ang visit visa?

  32. Sir/maam, tanong lang po.

    Balak ko po sanang kunin ang wife ko dito sa dubai. 1 and a half years na po akong nag wowork dito. Hindi naman po malaki ang sahod ko. Paano ko po ba siya makukuha?

    Salamat po.

  33. Ako po ay dalawang buwan na dito sa Dubai,ang aking o po ay palautos,gigising po ako ng 6;15 hanggang 10:30 ng Gabi ang aking Gawain tapos pag mag paalam kamo nalalabas tuwing Fri Hindi kami pinapayagan Kong pumayag Man mahigit isang oras lang…Pwedi pa po ba akong lumipat ng amo pagkalipas ng anom na buwan kasi nan dito na ang residence visa ko…payjhan nyo po ako…

    • Madam kung sa tingin nyo po ay naabuso po kayo ng employer nyo ay dapat nyo pong ilapit yan aa consulate. Yung paglipat po ng amo medyo mahirap po yan. Hingi po kayo ng advice sa Consulate.

  34. TAnong ko lang po, kung bawal b ang mga bakla s dubai.?? Tnx

    • sa totoo lang hindi ko po alam kung may rule na ganyan pero sa far marami pong bakla pero po ang alam kong bawal at hinuhuli at kinukulong dito eh yung pag cross-dresser ka

    • Sa totoo lang po, bawal na bawal sa Middle East and Arab countries ang cross-dressers/shemale/ladyboy/transsexuals. Hinuli po nila yon. Pero ang gay na paminta, okay lang basta wag lang mahuli nakikipaghalikan at nakikipagsex sa kapwa lalaki in public. Bawal din pala ang HIV positive sa Middle East and Arab countries. Meron medical exam for Residence permit, so kasama don ang HIV test at Hepa B. If found positive, deported agad yon within 48 hours.

  35. Pano po kung nanay po ng boyfriend ko ang kukuha sakin makakapunta po kaya ako ng Dubai?

  36. Edi mahihirapan po ako maka punta ng Dubai..? Ang kukuha po kasi sakin yung nanay po ng boyfriend ko.. Ano po magandang gawin?

  37. Hi po.. May chance po bang maoffload sa immigration naten kahit father mo na ung mgpprovide ng visit visa mo from dubai?..

  38. May kapatid ako nasa ajman uae bago po pumunta ng dubai ang sabi ung nagrecruit meron na siyang amo Pero packaging Niya doon Wala 2 weeks na siya kinuha Pati cp at passport ung agency bali tourist visa siya ngayon ang sinsabing fee is 13000dhs ano po ang maipapayo niyo dahil nag aalala na Kami ang hirap pang tawagan

  39. Good day, this blog is so helpful. Salamat ng marami. Pero my ilang mga questions lang ako regarding sa mga kapwa Nurses na makaka basa ng post. Balak ko ng mag exit sa pinas this year, dito ako ngayon sa saudi. At pag exit balak ko sanang mag Dubai. Mag tourist visa at doon na mag apply. Doon narin ako kukuha ng exam sana. Is this a good idea? Pa share nmn po ng mga experience ng mga nurses diyan. At kung anong mgandang gawin . Thank you so much po

  40. Tanong ko lang po my pinsan ako sa dubai my certificate employment sya.pabibili ako visa tsaka ticket saknya.ano po hahanapin na documents pag manila to dubai.visit visa?

  41. Pd mgtanung,anu nid requirments pag drecho manila to dubai bukod sa certfcte empoyment kc yun pinsan q andun dubai e.sxa bbli ng visa at ticket ko.ano pa yun requirments na hahanapin?

  42. hello po! my problem is may visit visa n po ako gling s employer k blang housemaid kaso pag un ang prepresent k s imigration cgurago ma aaplod ako, kya ang plan k sana mag php to hk ako and then hk to dubai pwed po b un para nka lusot lbg ako ng php,? pa advise n man po pls, tnx po!

  43. Hi magandang araw po,

    Magtatanong lang po tungkol sa affidavit of support,
    Bale visahan ko ay kapatid ko, magbabakasyon po ako
    At ang plano mag pasabay na kami papunta dito,

    Kailangan pa ba ng affidavit ? Or kahit yung mga requirements
    Lang nito?

    Madaling salamat po

  44. Hi there! im planning to work sa dubai. my friend told me which is bago palang sya naging resident don na iaassist nya ako para makakuha ng visit visa then saka ako maghanap ng work dun. .give me some ideas if pano ba talaga makapag ayos ng visit visa. .

  45. Hi po.. im planning to go to dubai also baka mga katapusan ng march.. daan akong Manila to Hongkong and Hongkong to Dubai. tourist visa lang wala kasi mag sponsor sa akin.. The problem is magisa lng ako aalis pero may maipapakita naman akong papeles sa immigration pero sabi ng mga pinagtanungan ko halos lahat ng babae na first timer daw na ooffload.. need ko sana makahanp ng kasabay man lng..

  46. Hello po mga kabayan,

    Ask ko lang if mainam ba n para makaiwas sa offload is ksama ko ang sponsor ko as kaibigan sabay sa paglipad patungo UAE? Siya ang ng apply sakin ng visa at mg provide ng documents bilang proof na supported ako ng friend ko n haharap sa immigration. Ask ko iintreviewhin padin ba ako sa immigration at ano pa ang need ko? Visit visa lng ako ng 1month for vcation only.

    Thanks in advance sa mga sasagot. 🙂

  47. Good pm po kabayan , pede po ako manghingi ng payo s inio? dahil isa din ako s nag exit ng 2x s kish s isang company s dubai at s di mgndang blita s amin n nagkaroon daw ng trouble system s immigration. kaya isa ako doon n di npasama s employment visa. at un iba n kramihan n nag exit s kish nghhintay din n kgaya ko ng employment visa nkkarecieve cla agad ng employment visa within 4 & 5 days. Samantalang ako nag expect n bbisayan nila daw ako ng 2 or 3 days pero wla prin result at nsa immigration p pinaprocess p dw at hanggang inabot npo ako ng kulang 2 weeks s kish at sabay ssabihin n malaking problema s immigration at kailangan mkauwi ako ng pinas at doon daw nila ako ssent ng employment visa s pinas at maghntay dw ako ng 1 month for employment visa at sabi s nrinig ko s company nmin.. kpg andito n dw un employment visa ko at ako p daw mgprovide ng ticket.. bkit ganun po.. dapat ang company dpat mgprovide ng ticket s akin. at kailangan may mahanap ako n agency at keso mraming proseso daw akong aasikasuhin at bbayaran daw po..

    • Hi Miko,

      May naririnig po kaming issue nga na hindi na daw pinapapasok ng Dubai yung mga galing Kish. http://www.disyerto.com/2016/02/no-uae-visa-for-those-who-exited-kish.html

      Sa kaso niyo po pag pinauwi kayo ng Pinas at ayaw sagutin ng company n’yo ang ticket n’yo, nasa arrangement n’yo na po iyan eh. At kasi pag pinadalhan ka ng employment visa sa Pinas, parang lalabas na direct hire ka. Kapag direct hire ka either maghanap ka ng agency sa Pinas na maglalakad ng mga documents mo o ikaw maglalakad n’yan mag-isa which is mas madugong proseso. Kasi kung lalabas ka ng Pinas na may hawak na employment visa, ang alam ko may mga hahanapin na papers sa’yo sa immigration kaya kelangan mong humanap ng agency na magpapayo sayo ng kung ano ang mga requirements at kung ano ang dapat gawin.

  48. Paano ako makakapunta ng Duvai na wala akong relatives doon? ayoko ng agency?

  49. gudday pu.tatanung q lng pu bka sakaling alm mu..mgkanu pu b ngaun inaabot ang ticket from kuwait to abudabi uae..??ska kailangan q p pu b dun ipdla pasport q para kuhaan aq ng visit visa???

    • ma’am pwede po kayong magcheck ng ticket rates online po sa website ng mga airlines. Etihad Airlines po ang may direct flights to Abu Dhabi.

      Pag visit visa po, kahit passport copy na lang ang ipadala nyo.

      • Hello po.yun pinsan q anjan sa dubai.sabi nya my certificate employment sya.magpapabili ako ng ticket good for 3mnths.ano pa po ba yun possible na hahanapin na requirments bukod sa visa,ticket ,certificate emplyment ng pinsan ko.

  50. Hello guys,

    Ask ko lang po ano po ung requirements for working visa at ano din po ung requirements for business visa. Maraming salamat po sa sasagot!

  51. Idol ganito nangyare saken. Nasa dubai na ako at naka hanap na ng work pero wala pa akong starting date at hndi pa ako vivisahan. .email daw nila ako kung kailan ako babalik sa office… Malapit na mapaso ang visa ko , so nag exit ako pabalik ng pinas…. paano ito? If mag email na sila at vivisahan na nila ako. . Mag visit visa ba ulit ako pabalik ng dubai?

    • Idol bakit sa Pinas ka nag-exit? Medyo mahihirapan ka. Una, hindi ko alam kung sinagot ng company mo ang pag exit mo. Usually kasi ang ginagawa ng ng mga companies, kung vivisahan ka nga talaga nila, sila ang magsasabi sa iyo kung kelan ka eexit at dapat sasagutin nila iyan.

      Hindi ko sure kung ano ba usapan niyo ng company mo. Pero kasi pag navisahan ka nila at nasa Pilipinas ka, andami mong lalakaring papeles sa POEA etc., baka i require ka pa ng pagpapamedical. Kung magvivisit visa ka naman ulit, malamang ikaw gagastos ng ticket at visa mo plus medyo alanganin ka sa immigration…alam mo naman na siguro yun diba?

    • For sure pag dadaan ka sa POEA kelangan mo ng medical and POLO/Philippine Embassy authenticated & verified employment contract from your employer at ang matindi baka hanapan ka pa ng agency. Ang alam ko pag UAE required na ang agency para maprocess yung papers mo sa POEA.

      • Same situtation pala tyo Mars. Dito din ako sa Pinas nag exit since tutukan ang nangyari sakin, Magexpire na visa ko nung nakakita ako ng work. And at the same time, May mga new rules sa UAE. Nag kataon na ayaw ng employer ko na mag process ng employment visa fi sa Oman or Iran ako nag exit. Only Visit visa lang ang ok dun.Nag decide ako na sa Pinas na lang. 1 month na ako last Jan. 5, 2016 at sakto tumawag ang employer na okay na ang Entry at Work permit ko.Okay naman kasi ang Company at sa starting salary ay ok na din sa nag sisimula kaya din sincere sila sa employment application ko. Weekly sila pa ang natwag sakin, kasi baka daw mag back out ako.Kabayan ang HR nila. Ang payo nila sakin, same sa mga staff nila na ganun din ang naging nprocess, mag tour muna sa kalapit na country like Singapore, then from that country dun mo iprint ang visa mo at dun ka na din mag pa book ng ticket going to UAE.

    • Just in case andyan na nga ang Entry at Work Permit mo, isang option dyan is mag tour ka sa SIngapore any Asian Country as Transit Country, then dun mo na lang i-print ang e-Visa mo and mag pa book ng flight going to UAE. It depend sayo kun may makakausp ka ng travel agency na pede dummy lahat except ticket punta Singapore OR legit tour package ka. For example 3 day/ 2 nights Tour package.

  52. Hi maam have a good day pa advice nmn po if my dumating po aq direct visa sa Dubai household service visa po ito. Paano po ang process and anu anu po Mga flat na recuitments.?? Salamat po more power

  53. Hello po sa inyo maam may alam po ba kayung agency na fly now pay later kc gusto kona po kasing magtrabaho sa abroad mam e kapos po sa pera

  54. Hello po mam hingi lang ako inpormasyon sa inyo kc po dto ako.saudi naka 3 years na ako sa amo ko papayag sila mag exit visa ako punta ako sa UAE para mag visit visa gusto ko lang malamn na papaano.mag visit visa ano po ang mga kailangan

    • Hello po. Sa pagkakaalam ko po, kung manggaling po kayo sa Saudi, ang kailangan niyo lang po para makapasok ng UAE ay yung tourist visa niyo at passport. Kung ang tinatanong niyo po ay requirements para makapag-apply ng tourist visa, I advise po na magtanong kayo sa mga Travel Agents.

  55. Hello good morning po, dami po ako napulot na idea/tips sa thread mo mam. matanong ko lang po, alin po ba ang mas okay namin gawin. yung girlfriend ko po sana unang aalis kasi collage grad po sya, Via agency po yung napili namin para sa unang aalis kasi hindi masyado magastos. Kaya lang ako naman po, pano ako makakasunod sa kanya lalo’t hindi kami mag ka apilyido hindi nya ako ma iisyuhan ng visit visa. pero may options po ako na nag lalaro sa utak ko na kung andon na sya pwede ako mag baka sakali mag Tourist sa ibang bansa sa asia then tourist nanaman papuntang dubai. di po kaya hussle yung plano ko? Maraming salamat po sana mabigyan mo ako ng maganda idea or tips at payo. God bless you.
    Sana makita at mareplyan mo tong reply comment ko.

  56. Hi. aNu po kayang magandang agency ang pwede ko aplyan for dubai? Ung legit na po.

  57. Hi Ate, ask ko lang po.. nakakainis na kasi, sobrang tagal na issue yung visa ko naunahan pa ako maka alis nung ibang late na nakapag apply sa kanila. Ang plano po kasi namin mag asawa eh kukunin na lang niya ako next year dahil nga nsa Dubai na sya. Kasal naman kami at kumpleto na kami sa papel, dahil nga naprepare na namin lahat nung nag aapply pa ako sa bulok na agency na napasukan ko. Ang tanong ko lang po, hindi po ba ako mahihirapan kapag nasa immigration na ko? May iba pa bang alternative para hindi ako ma offload kapag paalis na ko? I’m so frustated, please help me guys.

  58. Hello po, yung fiancee ko po 3 years sa uae resident visa, business partner position.
    Hindi kami kasal pwde po kaya ako mag visit visa sa kanya going uae. At may anak po kami dito sa pinas.

    • Sir pwede naman po kayo mag visit visa papunta sa Dubai kahit po hindi kayo kasal. Ang issue lang po ay yung mga papers niyo na baka makwestyon bilang walang patunay na mag-asawa kayo.

      and take note lang po na legally, bawal po tumira magkasama sa Dubai kapag hindi po kasal.

  59. May fiancee po ako sa uae 3 years na po sya doon resident visa po.
    Try po sana namin visit visa . ok lang po ba yun kasi hindi kami kasal.
    Ano po kaya ang dapat gawin may anak po kami isa.

  60. Its very helpful kabayan salamat sa impormasyon.

    Tanong ko na din po balak ko pong kunin ung brother ko sa pinas papunta dto sa dubai.

    Ano po ba ung mga requirements na kelangan ko at kelangan nyang kunin para makuhaan ko sya ng visit visa.

    Pano po ung mga tamang proseso sa paraan din po na mas less gastos din po.

    Salamat po

    • Pinakamadali pong ginagawa ng mga kababayan natin ay magpaprocess sa mga agency kasi po konti na lang diperensya kung kayo maglalakad ng papers, mapapagod pa kayo.

      Hindi ko po kabisado ang requirements ng pagkuha. Maari po kayong magtanong sa mga agency or sa consulate mismo po.

  61. Hi Ma’am. Ask ko lang po if magkakaron ba ng problem kung invite ko next month mother,sister & bestfriend ko for visit visa dito sa Dubai. Nung April 2015 lang po ako nagpunta dito(tourist visa only), tas May po nag start na ko ng work tas July lang na stamp ung residence visa ko sa passport ko..May possibility kaya na maquestion ung capability ko to sponsor them given the fact na wala pa kong 1 year dito sa Dubai??Accountant General poh ung work koh..Thank you poh sa reply..

    • kung ang tanong niyo po ay kung maquequestion kayo dito pag nagapply kayo ng visit visa para sa kanila, wala pa naman po akong narinig na isyung ganyan dito na hindi naisyuhan ng visa ang family mo dahil wala ka pang 1 year dito.

      Kung sa immigration po sa Pinas ang inaalala nyong mangungwestyon sa kanila kapag paalis na sila, hindi po natin masasagot iyan.

  62. Ask ko lng po sir mam .pano pa pag andto ako sa qatar ngayon bibilhan po ako ng visit visa ng kaibigan ko..pwde po ba yun salamat po

  63. Question po, gaano po ba katagal i amend ang visa? And ang sabi din kasi ng agncy ko nagka problema yung trading license ng employer ko, matatagalan pa ba bago ako maka alis?

  64. HI MAM,
    actually mam nung 14 flight ko na. kaya lang naoffload ako dahilan sa 2nd cousin ko na dw yung pinsan ko na totoo nmn,. pero meron pang isang reason kung bakit ako naoffload na sabi ng taga immigration na yung guarantee to support ko ay si agency lang ang nagred ribbon at hindi dw dumaan sa philippine embassy ng dubai? tanong ko lang meron parin bang manglolokong agency sa dubai? na pwdng dinoktor yung guarantee to support ko ksi pinakita sakin ng taga immigration na may pagkakaiba talga sa documents kagaya ng yung orig docs ay yung gold ay maliit e yung akin malaki. yung sa ganun ba mam isang size lang ba? sabi ksi ng pinsan ko ang totoo nga si agency na lahat nagasikaso dahil lahat yun kasama sa binayaran. o kaya nmn si immigration e naghahanap lng ng butas para hindi ako makaalis ng bansa. sa totoo nga kinumpiska nila yung guarantee to support ko. bali ang pangalan po ng agency ay 7 wonders Tourism LLC sana matulungan nyo po ako saaking problema dahil magfflight po ulit ako ng nov 30 salamat po

    • Hello.

      Ito ang mga posibilidad diyan.

      1. Pwedeng dinoktor lang ng agency yan, pero madalang ang ganyang kaso dito. Embassy or Consulate lang talaga dito ang nagrered ribbon at hindi yung agency. Pero kung gaya nga ng sabi mo na malaki ang kaibahan ng itsura niyan kaysa sa iba, then kaduda-duda nga.
      2. Pwedeng totoo naman pagkakared ribbon pero hinanapan ka lang ng butas ng immigration
      3. Pwede rin na totoo yan pero yung sponsor mo na 2nd cousin mo na nakasulat sa documents mo ay hindi mo kaapelyido at hindi ka nakapagprovide ng proof na magpinsan nga talaga kayo. (Kasi tama ba na yung pinsan mo ang nagsponsor sayo?) Mas malaki kasi ang chance na maoofload ka kapag hindi mo kaapelyido yung sponsor mo.

      Magdala ka na lang siguro ng mas kumpletong dokumento at proof na kamaganak mo talaga yung sponsor mo sa susunod mong flight.

      • Hi Ma’am..April 2015 akoh dumating dito sa Dubai..May akoh nakapg start ng work..ang residence visa koh ay na stamp last July 2015 lang..balak kong mag sponsor sa mother,sister at bestfriend koh next month..is there any possibility na ma questioned sa immigration sa Pinas ung capability koh na mag sponsor given the fact na wala pah kong 1 year dito sa Dubai??accountant general ma’am ung nasa visa koh poh..Thanks sa reply..

  65. hi po. Ask ko lang po. Kase asawa ko po nasa u.a.e na 7 months na po dyan. Kukunin po ako dyan 3 months tourist visa po. Ang tanong ko lang po pwd po bang hndi na mag exit kapag 3 months visa ka lang. baka po kase niloloko lang asawa co dun. txbk po.

    • Kung ang tourist visa ninyo ay 3months lang ang validity, natural po na kailangan niyong mag exit ng bansa kapag expired na ito dahil bawal po kayong mag-stay sa Dubai kapag expired po ang visa niyo. Kailangan niyo pong mag exit ng ilang araw para po ma-issue-han kayo ng bagong visa at nang sa ganon ay makapasok ulit kayo ng Dubai at legal na makapag-stay dito.

  66. mam tanong ko lang po nag visit visa ako sa uae nung last march 2014 nkakuha ako ng work as waiter sa abu dhabi pag taoos ko mg exit sa kish nkabalik n ako sa dubai at nan medical na bumagsak ako kc my tb daw ako umuwi ako aug 2014. ngayon magaling n ako sa tb kso ban n daw ako sa dubai ask ko lang kung ano pwede kong gawin or magagawa para mawala ban ko sa dubai sana masagot mo ung problema ko

  67. Ask lang po nandito po ako sa Saudi at balak ko po na kpg natapos n contract ko dto eh pupunta ako ng Dubai pwede kya dto ako sa Saudi mgmumula papunta ng Dubai.

    • Pwede naman po. Kailangan mo lang ng visa para makapasok ng Dubai. Either working visa kung may papasukan ka ng kumpanya o tourist visa.

    • Elow poh.pwd poh magtanung 3days plang poh aq dto sa kuwait.gusto q poh magtransfer sa riyadh.pwd poh ba un.pangit poh kc napuntahan qng amo dto aa kuwait.xaka magkanu poh kea babayaran q sa agency?tnx

  68. Hi Ate, I was really confused. Kasi last July 2015 pa nagsimula iprocess and visa ko papunta jan sa Dubai. Halos araw araw tumatawag ako sa agency para mag follow up ng status ng visa ko, then hanggang sa nagsabi na ako na wiwithdrawhin ko na lang yung mga credentials ko sa agency, dun lang sila nag follow up sa employer ko, and yung response ng main office sa Dubai is dumating na daw yung visa ko last Sep. 7, 2015 pa kaso mali daw ang nailagay na employer kaya kailangan daw ipa amend. So, technically kung pina amend nila yun, more than a month na from now. Gusto ko lang po malaman kung gaano katagal ang process kapag amendment na lang yung visa? Please reply po, I really need your advice po. Thank you in advance

    • Hello.

      Nako, kapag Visa matters o kaya ganyang mga amendment eh yung company P.R.O. dito sa Dubai lang ang makakaalam niyan at sa kanila lang nakasalalay yung bilis o bagal ng proseso. Yung visa, saglit lang talaga yan eh pero yung amendment, hindi natin masasabi. Pasensya na at wala akong pwede maisagot sa tanong mo.

  69. Hello po ask more question. Sa oct.21 po flight ko mag totourist po ako sa UAE . ang sponsor ko po ung pinsan ko First Cousin po . Complete na po Paper ko at may katunayan na magpinsan kame . For 20days lang po ako . Im only 18 years old wala ako work dito sa pinas . Sa idad ko po na 18yearsold . Mahihirapan po pa akong makalusot sa immigration? May paasa ba na ma offload ako kung kamag anak ko naman ang nag sponsor sa akin?

    • Ang totoo, hindi natin masasabi kung ano ang itatanong sa iyo at kung ano ang magiging desisyon ng immigration. Pero kung kumpleto ka naman sa dokumento gaya ng sabi mo, wala naman siguro silang dahilan para i offload ka.

  70. Good day po, mag 2 years palang ako dito uae, bale uwi ako ngayon december at plano ko po pag balik ng january kasama ko na ang kapatid ko sabay kame. kaylangan ko pa po ba ng affidavit of support kung sabay kame sa airport or visa lang ang kaylangan ko? saka ano po ba ang visa dapat iapply visit visa or tourist visa kung mag hahanap sya ng work dito. salamat po

    • Kung sabay kayong babalik, Visa niya lang ang titingnan sa immigration sa Pilipinas at passport niyong dalawa. Hindi sila masyadong mahigpit kung magkaapelyido yung aalis lalo pa kung direct relatives eh. Pero kailangan niyo pa din magsiguro kasi minsan kung ano-ano pa ang tinatanong ng immigration kaya magdala ka na din ng affidavit of support mo, kailangan din syempre ng OEC mo. Kung via Travel Agency ka nag-aaply ng Tourist Visa ng kapatid mo, iga-guide ka nila kung ano pa ang mga dapat mong dalhin.

      Yung long term tourist visa na lang ang kunin mo kung balak niyang maghanap ng work dito dahil valid iyon ng 3months para may enough time siya sa paghahanap ng trabaho.

  71. hi.
    ask ko lang po. pag college undergrad ka po ba ok lng na college credentials nlng iparedribbon mo o nid pa tlga na iparedribbon ang HS credentials?
    thanks in advance po.

  72. Pano po kaya yung sa akin galing po ako ng qatar resigned pero hindi nacancel ang visa ko dahil expect nila na babalik ako.. Pero gusto ko na sa dubai nalang ako mag trabaho. nandito na ako ngayon sa pinas 2 months na anu po kaya ang pwede kong gawin.. Para di ako ma off load.. Please need your help..

  73. Ilang linggo po ba bago magkameron ng working visa sa dubai?bale september 04 2015 po ako na fit to work.sabi ng agency ng inapplyan q waiting for visa na dw po aq.ilang linggo kaya ang processing ng working visa sa dubai? Reply please

    • Nasa Pilipinas ka ba?

      Mabilis lang ma-issue ang working visa dito sa Dubai kung kumpleto ng requirements na ipinasa ang company mo sa labor or immigration. Kaso kung nasa Pilipinas ka, medyo matagal ang proseso kasi may mga paper works na dapat gawin dito at diyan.

      • opo mam, nasa Pilipinas po ako… yun nga din po sabi nya, matatagalan at marami pa nid asikasuhin…ang malaking inaalala ko lang po tlg eh kung paano ako makakalusot sa immigration pag nagtourist ako sa asian country???ung hindi po ako ma-off load po ba yun?

      • Opo dto aq pilipinas,mga ilang buwan po kaya bgo mkuha ang working visa.?complete na po ung requirements q para sa visa.orig .passport,2 passport i.d pic.at medical cert.sb kc agency waiting for visa na dw po aq.ang tanung q lng po kung lang week or month po kaya?

        • nako, walang makapagsasabi kung gaano katagal. Yung release ng visa dito usually 1 week lang kung kumpleto ang dokumento at kung mabilis yung company.

          Kaso dahil na-hire ka dyan sa Pinas, maraming formalities yan at aabutin ka talaga ng ilang buwan. Mas tatagal pa yan kasi next week ilang araw na holiday dito sa Dubai kaya walang mapoprocess.

          Sa experience ko noon, 3months akong nag-antay sa Pilipinas bago ako nakaalis.

          Pero ok lang mag-antay kung pagdating mo naman sa Dubai ay may sure ka nang trabahong aabutan.

  74. hello po.
    meron po offer sken sa dubai, sure work naman na, kaso nga lang one month tourist visa muna, tapos shoulder ko po expense, at dahil wala ako kamag-anak nid ko daw mag cross country sa any asian country e.g. thailand or malaysia…taz from there dun ako padalan ng ticket at visa pa dubai… Question…paano po ba gagawin ko procedure?naguguluhan kc ako? to add, wala po ako permanente trabaho dito pilipinas, isang hamk na house husband lang po…posible b maka go ako as tourist visa… Please do advice me what to do

    • Hello.

      Una sa lahat, kung sure work yan, wala ka dapat gagastusin. Pangalawa, hindi ka dapat mag tourist visa papuntang Dubai. Kung sure work yan, dapat iissuehan ka ng work permit para makapasok ka sa UAE.

      May pinirmahan ka bang kontrata?

      • employment offer pa lang po…kakilala ko naman po kumukuha, yun daw po kc process nila, pero after a month naman po, sila na bahala sa employment visa at wala ako gastos dun. na suggest ko na rin po yan, kaya lng wala po clang direct hiring

        • Nako. Delikado pa rin yan pero kung gusto mo talagang makipagsapalaran at kung gaya ng sabi mo eh kakilala mo yang kukuha sa iyo, eh nasa sa iyo yan.

          Kaso mapapagastos ka niyan at hindi ko talaga irerekomenda yan. Pero nasa sa iyo pa din ang desisyon.

          Kung sabi nila ay pumunta ka sa isang Asian country at dun mo aantayin ang visa mo, ganito gawin mo. Antayin mong ma release na yung electronic copy ng visa at yung ticket mo saka ka pumunta sa Thailand or Malaysia or Singapore depende kung saan ka makakatipid.

          Wag kang aalis na wala ka pang visit visa pa Dubai kasi, pag umalis ka na at nag antay ka sa ibang Asian country, mapapagastos ka sa hotel.

          So maghanap ka ng Travel Agency sa Pilipinas na makakapagbigay sayo ng tour package sa Thailand or Malaysia na may 2 way ticket at hotel kaso yung ticket mo pabalik, hindi mo na marerefund yun.

          Medyo komplikado talaga yung proseso eh.

          • actually nagbigay sya sken ng link ng travel tours, go na po ako sa gastos mam, ang inaalala ko po pag nag tourist ako sa asian country, marami pa daw po hinahanap dun???ano po bang tip para makalusot ako dun? please pahingi po ng advice kung anoi maganda gawin? maraming salamat po sa pagsagot, it really helps me a lot..

            • Usually, kung pupunta ka sa ibang Asian Countries halimbawa na lang ng Thailand, Malaysia or Singapore, wala namang requirements kundi 2 way ticket at hotel booking.

              Kaso sa immigration, medyo tagilid ka pag nagkamali ka ng sagot. Hindi ko alam kung ano ang pwede nilang itanong sayo. Pero usually, itatanong kung anong gagawin mo don, syempre hindi mo sasabihing pupunta ka doon sa Thailand halimbawa, para makapunta ka ng Dubai.

              Usually, walang hahanapin sa iyo, swertihan nga lang na makalusot sa immigration dahil bali-balita ko, yung iba kahit ang intensyon talaga nila ay magTravel lang sa Thailand o Singapore ay na ooffload.

        • Wala na ata direct hiring for skilled workers bound to UAE. Kelangan dumaan ng agency sa Pinas pag skilled worker. Yung direct hiring, for professional positions na lang like accountant, medical doctor, nurse, etc.

          • Bakit walang sinabi dto sa website na to tungkol sa applying Online Job mula U.A.E.?
            ATBP mas mahirap ang Visit Visa sa tingin ko ikumpara sa Agency na direct hiring

  75. anu po ba nag kalimitang itinatanung sa immigration pagdating sa pag visit visa lalo papuntang Dubai ?

  76. good day
    sir /mam
    totoong po bang ang isang owf ay puwede mag uwi ng tv na kahit 50 inch ay wala ng tax na babayaran..
    thanks

  77. hi po ask ko po sana kukunin ko sana pinsan ko from philippines kaso po nakuhang visa ng amo ko working visa pano po ba mag exit sa hongkong yon na lang sana ipapagawa ko sa pinsan ko bali from manila to hongkong tapos hongkong to dubai at ano po mga requirements thank you po

    • Hello May!

      Question lang. Bakit mo siya kailangan pa exit-in kung working visa naman pala ang nakuha niya?

      Kasi kung may working visa siya, legal ang kaniyang pag-alis at hindi siya kwestyonable sa immigration natin sa airport.

      At ang requirements niyan syempre yung visa, passport at ticket ng pinsan mo. at ang alam ko kung direct hire na ganyan kailangan niyo pang dumaan ng POEA for some paper works.

  78. Thanks. Pero maganda talaga kung aalis kang Employment/Working visa na ang hawak mo. Di ka na kelangan mag-exit sa Kish Island at mamoblema sa paghahanap ng work.
    Mahirap mag tourist visa, very risky. From NAIA Immigration to Kish Island, very risky talaga. Okay lang siguro kung may susuporta sa yo ng todo todo sa paghahanap ng work sa Dubai hanggang sa pag exit sa Kish.

    • Totoo po yan. Napaka risky mag visit visa at madami talaga ang hindi pinapalad….at iyon nga ayus lang kung pensionado kang pupunta ng Dubai pero kung bring-your-own-baon ka ay mahirap…

  79. This is helpful.. Thanks 🙂

    • Hello kabayan..ask ko lang po nandto kasi ako ngaun sa SHARJAH UAE…visit visa padin po ako pero sponsor ako.ng ate ko…gusto ko sana makasama ung boyfriend ko. Kaso hnd ko alam kung ivisit visa ko ba sya or agency sa pinas..ang problema kasi sa agency sobra tagal.pag visit visa naman di ko po sigurado kung makakalusot sya sa immigration kasi hnd ko sya masponsor..plsss help me..hindi ko kasi lam panu ggawin..pls response kpo kabayan..slamat

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: