
ang reyna ng pick-up lines (teammanilalifestyle.com)
Sikat na ulit si Madam Miriam Defensor Santiago. Parang kahit na ano’ng comment ang sabihin n’ya ngayon eh umaalingaw sa traditional media (dyaryo, radyo, tv) at social media.
Sikat na “ulit”? Bakit merong “ulit”?
Kasi dati nang sikat si Senator Santiago. Para sa kaalaman ng mga kapapanganak lang nitong nakalipas na 1990’s kagaya ko (lol, joke) at nangangarap ngayon na maging Pangulo ng Pilipinas ang iniidolo nilang senadora, huli na kayo sa idea.
1992 Presidential Elections

1992 presidential convention (miriam.com.ph)
Kumandidato sa Presidential elections nuong 1992 si Senator Santiago. Hindi pa naiimbento nuon ang social media (at malinaw pa ang mata ng mga tao) pero sikat na sikat na nuon pa man ang senadora.
Marami sa mga pre-election surveys nuon ang pinangunahan ng senadora bilang paboritong kandidato sa pagiging Pangulo.
Maging sa mga mock elections na ginanap nuon sa mga paaralan (kasama na dito ang paaralan namin nung hayskul pa ‘ko) ay s’ya rin ang nananalo. Popular si Madam partikular sa mga kabataang estudyante nuon pa man at bagamat matatas magsalita sa wikang Inggles ay popular din ang senadora sa mga masa.
Mabilis na na-promote mula sa pagiging Immigration chief papuntang Secretary ng Agrarian Reform si Senator Santiago. Ipinakita niya sa kanyang pamamalakad ang kanyang kakayahan na baguhin ang sistema. Napansin iyon ng mga tao kung kaya’t gayun na lamang ang bilis ng kanyang pagsikat at pagdami ng suporta para sa kanyang kandidaturya bilang Pangulo ng bansa.
Inaasahan ng marami na s’ya na ang susunod na Pangulo pagkatapos ng term ng dating Pangulong Cory Aquino. Si Senator Miriam Santiago ay isang force that needed to be reckoned with; palaban, matalino at mataas ang pinag-aralan. Sa kasamaang palad ay hindi s’ya ang ininderso ng dating Pangulong Aquino.

campaign motorcade (miriam.com.ph)
Sa kasagsagan ng eleksyon nagsimula ang smear campaign sa pagitan ng mga kandidato sa pagka-Pangulo (taktikang paboritong gamitin hanggang sa panahon natin ngayon).
Tinawag na “Brenda” ang senadora (short for “brain damage”) at “Luna” (short for “lunatic”) dahil sa sobra n’yang galing magsalita na hindi na s’ya naiintindihan ng mga mabababaw na mag-isip na pulitiko.
Pagkatapos ng matagal na pamamayagpag ng senadora sa no.1 spot sa mga pre-election survey ay biglang bumagsak ang kanyang rating sa no.3 sa huling survey bago ang 1992 Presidential elections. Maging sa mga unang araw ng bilangan ng boto, kitang-kita ang pangunguna ng senadora sa mga kalaban nito.
At dumating ang mga brownouts.
Sa pagkagulat (at pagkadismaya) ng marami, si Fidel V. Ramos ang idineklarang Pangulo ng bansa nuong June 30, 1992. Naghabol ng recount sa Commission on Elections ang senadora at pinaratangan ang dating Pangulong Ramos na nandaya sa eleksyon pero walang nangyari.
Hanggang ngayon ay naniniwala pa rin ang senadora na s’ya ay dinaya subalit tinanggap na ang katotohanang wala na s’yang magagawa pa tungkol dito.
Pagbabagong Anyo
Paglipas ng ilang taon ay parang wrestling superstar na nagbago ang character ni Madam Santiago. Mula sa pagiging bida, nagkaroon din ng panahon na naging tila kontrabida ang senadora sa mata ng mga tao (parang si Undertaker lang, minsan bida, minsan kontrabida).
Ang senadora ay naging taga-suporta ng dating Pangulong Erap nuong linilitis ang huli para ma-impeach dahil sa kaso ng plunder. Isa si Madam sa mga hindi pumayag na mabuksan ang envelope na naging mitsa ng tinatawag na Edsa People Power 2.
Minsan nang sinabi ng senadora na “I will jump headfirst from a helicopter in Luneta if Estrada gets removed from power.” at nang mangyari nga ito ay sinabi lang n’ya na “I was only joking. Hahahaha!”.
Isa ring masugid na taga-suporta ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si Senator Santiago partikular nuong 2004 elections.
Isa rin ang senadora sa tatlong senador na nag-acquit kay dating Chief Justice Renato Corona.
Isang bagay ang mapapansin nating consistent sa karakter ni Senator Santiago ay hindi nawala ang kanyang pagiging taklesa. Nagbibigay s’ya ng hilakbot sa mga kapwa senador kapag tumatayo s’ya sa pulpito ng Senado at humawak na ng microphone.
Binanggit dati ng senadora na palabas lang lahat ang ipinapakita ng mga taong nasa pulitika. Ibinulgar n’ya rin ang marangyang pamumuhay ng mga pulitiko, inaway n’ya ang mga dati n’yang kakampi at tinawag na “Pinky” ang dating senador na si Ping Lacson.
Oo nga pala, pinapag-harakiri n’ya rin si Sen. Juan Ponce Enrile.
Gusto lang siguro talaga ng mga tao na nakikita lagi sa balita si Madam Santiago kaya nananatili s’yang senadora for a total of 18 years na pagsapit ng 2016 (hindi s’ya senador nuong 2001 to 2004).
Ang Pagbabalik ng Dati nang Sikat
Sa mga nakalipas na ilang buwan na ito ng 2013 ay tila nagbabalik ang “bida” persona ng senadora.
Ang mga maaangas n’yang comment, ang mga maka-masa n’yang jokes, ang mga patutsada n’ya sa mga kapwa pulitiko, at ang pagkastigong ibinibigay n’ya sa iba’t ibang tao sa panahon ng senate court hearings ang nag-aangat na naman sa estado ng senadora bilang paboritong pulitiko ng mga Pilipino.
Sa ngayon ay malapit nang umabot sa isang milyon ang followers sa Facebook at lumagpas na sa kalahating milyon ang followers sa Twitter ng senadora.
Kelan lang ay napabalitang dinumog ng maraming tao si Madam Santiago sa isang mall upang makapagpa-selfie na para bang showbiz celebrity star ang senadora.
Presidential Elections 2016
Sa muling pagsikat ng senadora, marami na naman ang ini-entertain ang idea nang pagkandidato ni Madam Santiago bilang kasunod na Pangulo ng bansa.
So, ano ang tsansang kumandidato nga ulit ang senadora sa pagka-Pangulo?
Maliit. Malabo. Malapit sa imposible.
Bakit?
1. Due to health reasons
Ang senadora ngayon ay nasa gulang na 68 years old at pagsapit ng 2016, siya ay magiging 71 years old na. Kasalukuyan s’yang naggagamot para sa kanyang high blood pressure at bone marrow aplasia. Bukod pa dito ang kanyang lung cancer. Hindi magiging mabuti ang idudulot ng pangangampanya sa kanyang katawan.
At kung sakaling manalo man s’ya, malaking parusa ang mga problema ng Pilipinas kapag iniatang ito sa kanya.
2. Retirement sa pulitika
Ipinahayag na ng senadora ang interes nito na magbitiw sa pulitika at gampanan ang tungkulin nito bilang isa sa mga judge sa International Crime Court sa loob ng siyam (9) na taon (btw, siya ang kauna-unahang Pilipinong Judge para sa ICC). Subalit kamakailan lang ay ipinahayag ng Senadora na hindi na niya tatanggapin ang posisyon sa ICC.
3. Alaala ng nakaraan
Babalik lang ang mga alaala ng pagkabigo n’yang manalo sa pagiging Pangulo nuong 1992 at 1998 at malamang ay ayaw na n’yang sariwain pa ito.
Pero ano malay natin? Baka magbago pa isip n’ya.
Pero malamang ay hindi na.
2015 October Update: Miriam Considers Running for President
Si Senator Miriam Santiago ay ipinanganak nuong June 15, 1945 sa Iloilo, nagtapos ng Bachelor of Laws degree sa UP Diliman (with flying colors syempre), nag-attend din s’ya ng mga kurso sa mga sikat na unibersidad sa ibang bansa gaya ng Harvard, Oxford, Stanford at Cambridge.
Nagpakasal kay Narciso Santiago, at may apat na anak.
Si Senator Santiago ang may pinakamaraming isinusulat at isinusumiteng mga panukalang batas sa lahat ng mga kasalukuyang senador ng Pilipinas. Siya ang may-akda ng Anti-Epal bill.
- Miriam Defensor Santiago (Wikipedia)
- Philippine Presidential Election, 1992
- Power Failures Slow Philippine Vote Count
- Miriam might run for President
- Sen. Miriam Jokes Collection
Categories: Halu-halo
sino po author nito? thanks
who is the writer of this please? i need it on my thesis project regarding the presidential candidacy kasi . I nee it po tomorrow . Para po di makasuhan ng plagiarism need ko pong imention kung saan ko po nakuha ang source. Please reply po as soon as possible po na mabasa mo po thanks. this is my fb account juliet_alexis123@yahoo.com please reply. Gracias!
just site this website as your source, juliet. wala ka nang problema 🙂
Go madam sen. Mds isa ako sa maraming pilipino naghangad din ng pagbabago kaya kikilos rin ako para sa laban mo.
will support her> I love madam Miriam
meron po kaming assignment ngaun tungkol sa mga pick-up lines ni Sen. Santiago. kami po ay OBTEC students na sinasanay para sa mga senior highschool sa 2018… idol ko po sya hehehe i love you ma’am pick-up.
Pwede ka nang mag-apply as press relation officer ni Senador Santiago. 🙂
madam miriam mabuhay po kau..kau po ay matapang mag bulgar ng katiwalian mag ladtad ng katutuhanan saludo po ako saiyo..god bless..
you enlighten me..i admire her so much
Reblogged this on caloiskie80's Blog.
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10151857624478952&set=a.10150256775123952.335286.542573951&type=1&theater
Bata pa lang ako pero idol ko na talaga siya 🙂
yes, i will! For madam sen. santiago!
Galing nito RP!
Ganitong ganito nga ang alam ko about her. My folks voted for her at sobrang dismayado nung natalo siya for presidency pero sanay na yata kami sa ganyang sitwasyon. Yung binoboto namin, di nananalo. 😀
Galing ng pagkakasulat nito. Good job, bro!
Fan din ako ni Senator Miriam. In fact, nabanggit ko nga ang paghanga ko sa kanya sa blog post kong ito >> http://seekersportal.wordpress.com/2013/11/07/3-classic-insights-from-napoles-senate-face-off/
this is a good read RP.. naalala ko nga ang pagtakbo niya bilang presidente noon…
if she can really change the system in phil. gov’t den all d way i’ll campaign and vote for her
gusto kong tumakbo sya ulit sana…actually noong 1992 election sya naman dapat ang nanalo kaya lang npakaliwanag pa sa sikat ng araw na dinaya sya…isa syang taong may salita at gawa kayang tumibag ng pader sa senado sana tumakbo siya ulit…
Correction po, Si Sen. Mirriam po ang kauna-unahang Asian na naluklok sa ICC
You forgot to mention too na isa sya sa mga abogado ng late President Marcos.Pinakamagaling na abogado during his term.Sa palagay ko hindi na sya tatakbo pang muli.mas ok na yung nasa House of Senate sya mas masaya,mas maingay.Hindi na siguro kakayanin ng health nya.
correction… hindi siya naging abugado ni President Marcos… she was one of the speech writers as requested by then Pres. Marcos… She was the RTC judge who contradicted the martial law ruling on the cases against Lino Brocka, Behn Cervantes et al…& they were freed from detention.
yes ako jan,pag yan tumakbo may tulog sila lahat jan….
Patas ang pagkakasulat. sana lahat ng journalist ganyan.
Si Miriam Defensor Santiago… ang isa sa aking pinakahinahangaan na babae.
I appreciate this post RP 🙂
galing sir. 🙂 idol ko rin sya. kung tatakbo ulit sya, iboboto ko sya as president 🙂
hello, RP… fair ang pagka-discuss mo, kapatid. mahusay… gusto ko ang touch na naniniwala pa rin syang sya ang nanalo noong 1992 election. may di nailagay na detail though, – yong namatay ang ikalawa nyang anak and that helped her be elected back to Senate, ahaha. yon… minor: Senate lang po tawag, hoho
(re: upper and lower house of Congress). kaway-kaway, happy weekend 🙂
wow, ang bilis mo magbasa, ate san. salamat sa correction, edited na po 😀