Kanino Nagsimula?

Ang corruption (bow) o “katiwalian” sa Tagalog ay isang bagay na alam na alam nating mga Pilipino na nasa paligid natin. Para itong hangin na hindi man natin nakikita ay nararamdaman naman natin.

Para rin itong kabag sa tiyan na kapag lumabas ay hindi man natin makita, naaamoy naman ito at tunay namang nakaka-apekto sa ating lahat (lalo pa kung ikaw at ang nagbuga nito ay nasa loob ng elevator).

Alam na alam natin ang salitang “katiwalian”. Nakakasawa na nga eh. Ang kamalayan (awareness) ng mga Pilipino sa katiwalian ay sapat na upang huwag ipaliwanag kung ano ito.

Malawak ang saklaw ng corruption sa ating lipunan. Karaniwang ina-associate ang salitang “tiwali” sa mga taong may kinalaman sa pamahalaan o yung mga may katungkulan sa gobyerno.

Pero kung iisipin, marami sa hanay nating mga mamamayan ang gumagawa ng katiwalian ngunit hindi ito ibinabalita, binabatikos o iniimbestigahan. Sa kasamaang palad, ilan sa mga dapat na ituring at tawaging “tiwali” sa mga nararanasan natin sa araw-araw nating buhay ay tinanggap ng bahagi ng ating lipunan.

Ilan sa mga matatawag na katiwaliang na-encounter ko na at maaaring naranasan mo na rin ng first-hand:

1. Titser na mahilig magbigay ng report, lecture o project sa mga estudyante dahil tinatamad siyang magturo. Yun bang tipong mag-uumpisa at matatapos ang klase na hindi s’ya makikitang aalis sa kanyang kinauupuan.

2. Mga kaklaseng nangongopya ng eksamen at makakakuha pa ng mas mataas na grade kesa sa ‘kin. Yung iba, nabibigyan pa ng achievement awards dahil dito.

3. Mga pasaherong hindi nagbabayad ng pamasahe.

4. Mga tsuper na hindi nagsosoli ng sukli sa bayad.

5. Government employees na magaspang ang ugali, hindi maayos ang trabaho at maagang magsiuwi. Pupunta ka sa city hall, 4 pm pa lang, wala na yung in-charge sa nilalakad mo.

6. Katrabahong nagfa-file ng overtime para gawin yung trabahong ‘di nila ginagawa sa oras ng trabaho. O kaya, mga katrabahong nag-uuwi ng ilang mga office supply ng opisina.

7. Mga nagkukumpuni ng electrical appliances na ibabalik ang ipinaayos mo pero may kulang na o pinalitan na ng mas inferior ang pyesa sa loob.

8. Home owners association o school organization na hindi makapagpaliwanag ng maayos kung saan napupunta ang pondo.

9. Foreman o karpintero na nagpupuslit ng construction materials sa ipinapagawa sa kanila.

10. Mga empleyado sa post office na kumukuha ng mga padala.

11. Nangongotong na airport staff. Para ‘wag magbayad ng overweight baggage, bigyan lang sila ng tig-500 pesos, okay na. Di na baleng hindi makalipad ang eroplano sa bigat ng karga.

12. Mga kamag-anak na nakahandang manloko sa kaanak na OFW para lang makakuha ng mas maraming pera.

At maraming marami pang iba.

Ano kayang uri ng bansa ang maaasahan natin kung marami ng tiwali sa gobyerno, marami pang tiwali sa mga nasasakupan nito?

Ang 10 million US dollar (foreign bank account) question eh sa’n nagsimula ang katiwalian?

Nagsimula ba ito sa Pamahalaan, mula sa mga matataas na tao at kumalat na lang sa baba papunta sa ating mga pangkaraniwang mamamayan?

O nagsimula kaya ito sa ating mga pangkaraniwang mamamayan at ang mga tiwaling pinuno natin ay bunga lang ng kung anong lipunan meron tayo?

Para itong tanong na ano ang nauna, itlog o manok? Kung saan man ito nagsimula ay hindi na mahalaga, ang dapat gawin ngayon ay makapag-ambag tayo sa gaano mang kaliit na paraan para huminto na ito sa pagkalat.

Ikaw, naranasan mo na rin bang mabiktima ng katiwalian?

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , , , , , ,

10 replies

  1. Ako tiwali ako. Anak ako ng kaisipang tiwali. Iminulat ako na ang pagiging tiwali ay nasa paligid ligid lamang. Sabi mo nga parang utot.

    Nasa utak at dugo ang pagiging tiwali, eh kung magkaganun may paraan para hindi na nga pakalatin ‘yan. Unti-unti tayong mag-iisip ng hindi katiwalian.

    🙂

  2. kung bubusisiin ko ang bawat bagay na nangyari sa akin, marahil nga ay di ko maiiwasang matagpuan ang mga bagay na may bahid ng katiwalian, para bagang karaniwan na rin ito sa mundong ating gnagalawan,

    • Salamat sa pagdaan Ginoong Manul-nulat. Malungkot man pero ito nga ang katotohanan sa maraming mahirap na bansa.

      Pero marami pa ring bansa sa daigdig kung saan ang katiwalian ay hindi pangkaraniwang parte ng buhay ng tao. Ipapakita ko ito sa mga susunod kong post.

  3. pa share po ako ng isang kathang napapanahon sa iyong mga inilahad. sa akin pong pananaw at hinuha, nagsisimula ang katiwalian sa tatlong bagay:

    1) ay ang tinatawag na “intentions” – maraming kahulugan, isa rito ang paghahangad ng isang tao na magkamal ng maraming salapi, o di kaya, isang mataas na katungkulan sa pwestong ninanais, o di kaya maari ito’y isang paghihiganti. ilan lamang iyan sa mga halimbawa ng intensyon, na maaring magdulot ng katiwalian.
    2) ay ang tinatawag na “conspiracy” – naku uso ito para maisakatuparan ang isang planong katiwaalan, nasisiguro kong hinding-hindi magtatagumpay ang isang tiwaling manggagawa kung wala siyang kakuntsaba, kaya’t ito ay isa sa mahalagang elementong pinagmumulan ng katiwalian.
    at ng kahulihan ay ang:
    3) ay ang tinatawag na “execution” – ay paraan kung paano isasakatuparan ang katiwalian. magsasama-sama ang dalawang unang elemento kasama ang huli at mabubuo ang tinatawag na “graft practices”.

    ayun magkakaroon ng isang matagumpay na katiwalian.

    Ginoo handog ko sa iyo ang aking maiikling 4 na kabanata na sana’y pumukaw sa iyong kalooban, narito ang unang bahagi.

    http://25pesocupnoodles.wordpress.com/2012/03/01/kinang-ng-kalikasan-o-masukal-na-kagubatan-2/

    sana ay iyong mabisita ang lahat ng kabanata.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: