Ang Transparency International ay nakabase sa Berlin, Germany. Sinimulan ito nuong 1993 ng iilang mga tao lamang subalit lumawig ito at umabot na ngayon sa mahigit 100 na mga bansa sa buong mundo (kasama ang Pilipinas). Nilalayon nito na maging malaya ang mga bansa mula sa katiwalian ng pamahalaan, negosyo, pribadong sektor ng lipunan at pang-araw-araw na buhay ng mga tao.
Marami na rin itong nakamit na layunin gaya ng pagkakaroon ng international anti-corruption conventions, paglitis sa mga corrupt na lider at pagpapanagot ng mga kumpanya sa kanilang mga tiwaling pamamaraan.
Sa kanilang Taunang Ulat para sa taong 2011 ay nag-iwan ang Transparency International ng mga quotable quotes na masayang i-share (lalo na sa mga pinunong halal natin). Dagdag ding kamalayan ito para sa atin.
Applicable ang mga katagang ito sa lahat ng bansa na dumadanas ng katiwalian sa pamahalaan at sa pribadong sektor ng lipunan.
1. Corruption Never Won an Election Fairly
2. Corruption Loves to Hear Excuses
3. Corruption is Afraid of the Truth
4. Corruption Doesn’t Like to Compete Fairly
5. Corruption Only Has One Business Plan
6. Corruption Only Protects Itself
7. Corruption Thinks Justice Can be Bought
8. Corruption Picks on the Weakest
9. Corruption Only Serves Itself
10. Corruption Doesn’t Think About Tomorrow
Naniniwala ang Transparency International na may katapusan ang pamamayagpag ng katiwalian at nakakita sila ng mas maraming partisipasyon mula sa mga may malasakit na tao sa mga nakalipas na taon.
Para sa kabuuang ulat at kung paano makatulong, narito ang link: TI Annual Report 2011
Categories: Halu-halo
Mainam din itong (TI) kaagapay ng pamahalaan kung talagang susundin para mabawasan hindi man matanggal ang korapsiyon sa ating pamahalaan.
Sabi ng isang kaibigan, saan ba dapat magsimula?
Simple lamang ang sinabi niya. Simulan mo sa mga batang sumisibol.
🙂 ‘Yong takdang aralin ko sayo, paki-antay po. ‘Musta?
Salamat sa muling pagbisita Ser J, ayus lang yung takdang aralin. Hindi naman nagmamadali. Walang pressure basta wag mo lang kakalimutan hehe