Tag Archives: OFW

Maligayang 2013 sa Ating Lahat!

Hello kaPinoy. Isang maligayang bagong taon sa iyo. Ang tagal kong hindi nakapag-update ng blog na ito. Napasarap masyado sa bakasyon.

Umuwi ako sa Pilipinas for 2 weeks at nakalimutan kong may blog pala ako hehe joke. Hirap lang talaga makapag-update kapag bakasyon mode. Paumanhin sa mga hindi ko na-replyan agad sa comment at hindi ko nabisitang post for the nagdaang weeks.

Medyo bangag pa ako sa bakasyon kasama ang aking mag-ina at mga kaanak. Pakiramdam ko’y wala pa ako sa aking sarili at hindi makapaniwalang nasa ibang bansa na naman pala ang aking katawan. (Ang puso’t isipan ko’y nasa Pilipinas lagi.)

Naghahanap na nga ako ng raket, este mapagkakakitaan sa Pilipinas para makapag-retire na ako sa pagiging OFW at nang makapiling ko na lagi ang aking pamilya.

balikbayan goods from pinas
hindi maaaring kalimutan magbaon ng pinoy goods pagkatapos magbakasyon sa atin

Syempre hindi maaaring mawala ang mga baong wet at dry goods mula sa Pilipinas pagkatapos ng bakasyon. Sa tingin ko minsan eh dapat bawas-bawasan ko ang pinagbibili ko dahil bumibigat ang karga ko dahil sa mga ito. Pakiwari ko’y magkaka-hernia ako sa pagbubuhat ng mga bagahe ko.

Pero nakakatulong ako sa ekonomiya ng Pilipinas kaya ayus lang. Gawan ko na lang ng paraan pag nadisgrasya ang pinanggagalingan ng testosterone hormones ko.

Ang kaugalian na magbaon ng goods mula sa sariling bansa ay hindi unique sa mga Pilipino. May alam akong mga Amerkano, Indian, Korean, Australian at iba pang lahi na kahit nasa ibang bansa ay sadyang nagtatabi ng pagkain o anumang goods mula sa kanilang sariling bayan. Mahirap talaga mapahiwalay sa nakasanayan (lasa, entertainment, kemikals atbp.).

Sa tuwing umuuwi din ako ay marami akong pinapansin sa paligid. Ilan sa mga napansin ko ngayong bakasyon ang mga sumusunod:

  1. Mabilis ang immigration process sa airport para sa mga arriving passengers
  2. Malinis na ang banyo sa arrival area ng airport
  3. Kahit saan mapadpad sa syudad, may makakainan
  4. Napakaraming naglipanang “For Registration” na sasakyang tumatakbo sa kalsada
  5. Mahilig pa rin magsipag-hi beam ang maraming mga sasakyan sa gabi
  6. Marami sa mga pagkaing pang-holiday ang masama sa puso
  7. Marami na ang naglipanang campaign materials sa mga pader, bubong at poste
  8. Kakaunti na lamang ang nagpapaputok sa amin (matipid na, ligtas pa)
  9. Halos lahat ng mga kaibigan ko ay nasa ibang bansa na
  10. May mga bagay na mas magastos pa sa Pilipinas kesa presyo ng ibang bansa

Marami rin akong nakuhang mga bagong idea para sa future posts ng blog na ito. Kelangan ko lang ay oras at concentration 😀

Masaganang pagpapala sa ating lahat ngayong 2013!

Advertisements

Pasko sa Nobyembre

Napakadalang kong mag-post ng tungkol sa aking sarili sa blog na ito. Dahil wala naman kasi akong maiku-kuwentong interesting tungkol sa akin. Isa pa, hindi naman tungkol sa akin ang tema ng blog na ito.

Pero para maiba ng konti, magse-share muna ako ngayon ng mga walang kwentang bagay tungkol sa akin 😉

Okay, heto na…

Hindi ako masyado mahilig sa mga gadgets. Marami sa ating mga kababayan ang tech savvy at hindi napag-iiwanan sa technology. Pero masasabi kong hindi ako isa sa kanila hehe. Ang pangunahing dahilan nito ay ang aking pagiging matipid (/makunat/kuripot).

drawing table
heto lang ang aking mga gadget…lahat luma pa 😀

Wala sa picture ang libre kong nakuhang 2009 model ipod at ang 2005 model low res digicam na gamit kong pam-picture 🙂 Regalo naman ng misis ko sa akin ang digital drawing pad kaya hindi ko na ito kinailangang bilhin.

Ang mga gadget ko, basta gumagana pa, hindi ko papalitan. Gusto kong sinasagad ang mga gamit hanggang sa makakaya ng kanyang kapasidad. Kahit wala na s’ya sa uso at halata na ang katandaan, basta nagagawa pa n’ya ang trabaho n’ya, hindi s’ya mapapalitan.

isang package
uy, may dumating na package…ano kaya ang laman?

At ang mga gadget para sa akin ay dapat pagaanin ang buhay ko. Kung walang masyadong maitutulong sa akin, hindi ko s’ya papansinin. Kaya nga wala akong mga game consoles.

Pero ang mga nagsipagsulputang mga computer tablet ay may hatid na kakaiba at kaakit-akit na alindog sa aking mga mata. Lalo na ang mga iba’t ibang bagay na kaya nilang gawin.

holy wireless connection, batman! it’s the iPad mini!

Matagal ko rin pinag-isipan kung bibili ako ng computer tablet. Kasi, mukha nga silang kapaki-pakinabang, ang mahal-mahal naman ng kanilang byuti. Eh ako pa naman ay isang dakilang OFW na kumakain ng mura pero expired na pagkain makapag-remit lang regularly sa mga umaasa sa akin.

ahahaaayyy!!! iPad mini nga!

Nang malaman ko ang tungkol sa Kindle, Nexus at iPad mini, naisip kong may chance pa pala ako magkaroong ng mga tablet na ‘to. Mas mura sila ng konti dahil mas maliit sila.

Hindi ko natatandaan kung kelan ko ibinili ang sarili ko ng regalo. Hindi ko pa yata nagawa iyon sa tanang buhay ko hehe pero ayos lang. Nahihiram ko naman ang mga regalong ibinibigay ko sa mga mahal ko sa buhay haha 😀

Sa madaling sabi, bumili ako ng iPad mini. Advanced Christmas gift ko sa aking sarili. Kaya ng dumating ang package sa bahay, feeling ko eh Pasko na ngayong Nobyembre.

Pinili ko ang iPad mini dahil pamilyar na ako sa ipod. At maraming libreng apps sa Apple ang nae-enjoy ng anak ko. Mas malamang kasi na sa anak ko rin mapupunta ang gadget na ito kalaunan hahaha 😀

Anyway, narito ang mga nakita kong maganda sa iPad mini:

  1. mabilis na pag-access sa internet
  2. magandang resolution ng monitor
  3. magaan ang timbang
  4. manipis ang katawan
  5. malakas ang volume
  6. malaking sukat ng monitor screen
  7. mahabang battery life

Isang da best na gusto ko sa iPad mini ay ang size nito. Ang size nito ay hindi masyadong malaki at hindi masyadong maliit. Tamang tama ang sukat n’ya sa pagbabasa. At lahat ng gusto kong basahin ay nababasa ko dito. Libre pa nga kung minsan! Wuhoo!

Kanino Nagsimula?

Ang corruption (bow) o “katiwalian” sa Tagalog ay isang bagay na alam na alam nating mga Pilipino na nasa paligid natin. Para itong hangin na hindi man natin nakikita ay nararamdaman naman natin.

Para rin itong kabag sa tiyan na kapag lumabas ay hindi man natin makita, naaamoy naman ito at tunay namang nakaka-apekto sa ating lahat (lalo pa kung ikaw at ang nagbuga nito ay nasa loob ng elevator).

Alam na alam natin ang salitang “katiwalian”. Nakakasawa na nga eh. Ang kamalayan (awareness) ng mga Pilipino sa katiwalian ay sapat na upang huwag ipaliwanag kung ano ito.

Malawak ang saklaw ng corruption sa ating lipunan. Karaniwang ina-associate ang salitang “tiwali” sa mga taong may kinalaman sa pamahalaan o yung mga may katungkulan sa gobyerno.

Pero kung iisipin, marami sa hanay nating mga mamamayan ang gumagawa ng katiwalian ngunit hindi ito ibinabalita, binabatikos o iniimbestigahan. Sa kasamaang palad, ilan sa mga dapat na ituring at tawaging “tiwali” sa mga nararanasan natin sa araw-araw nating buhay ay tinanggap ng bahagi ng ating lipunan.

Ilan sa mga matatawag na katiwaliang na-encounter ko na at maaaring naranasan mo na rin ng first-hand:

1. Titser na mahilig magbigay ng report, lecture o project sa mga estudyante dahil tinatamad siyang magturo. Yun bang tipong mag-uumpisa at matatapos ang klase na hindi s’ya makikitang aalis sa kanyang kinauupuan.

2. Mga kaklaseng nangongopya ng eksamen at makakakuha pa ng mas mataas na grade kesa sa ‘kin. Yung iba, nabibigyan pa ng achievement awards dahil dito.

3. Mga pasaherong hindi nagbabayad ng pamasahe.

4. Mga tsuper na hindi nagsosoli ng sukli sa bayad.

5. Government employees na magaspang ang ugali, hindi maayos ang trabaho at maagang magsiuwi. Pupunta ka sa city hall, 4 pm pa lang, wala na yung in-charge sa nilalakad mo.

6. Katrabahong nagfa-file ng overtime para gawin yung trabahong ‘di nila ginagawa sa oras ng trabaho. O kaya, mga katrabahong nag-uuwi ng ilang mga office supply ng opisina.

7. Mga nagkukumpuni ng electrical appliances na ibabalik ang ipinaayos mo pero may kulang na o pinalitan na ng mas inferior ang pyesa sa loob.

8. Home owners association o school organization na hindi makapagpaliwanag ng maayos kung saan napupunta ang pondo.

9. Foreman o karpintero na nagpupuslit ng construction materials sa ipinapagawa sa kanila.

10. Mga empleyado sa post office na kumukuha ng mga padala.

11. Nangongotong na airport staff. Para ‘wag magbayad ng overweight baggage, bigyan lang sila ng tig-500 pesos, okay na. Di na baleng hindi makalipad ang eroplano sa bigat ng karga.

12. Mga kamag-anak na nakahandang manloko sa kaanak na OFW para lang makakuha ng mas maraming pera.

At maraming marami pang iba.

Ano kayang uri ng bansa ang maaasahan natin kung marami ng tiwali sa gobyerno, marami pang tiwali sa mga nasasakupan nito?

Ang 10 million US dollar (foreign bank account) question eh sa’n nagsimula ang katiwalian?

Nagsimula ba ito sa Pamahalaan, mula sa mga matataas na tao at kumalat na lang sa baba papunta sa ating mga pangkaraniwang mamamayan?

O nagsimula kaya ito sa ating mga pangkaraniwang mamamayan at ang mga tiwaling pinuno natin ay bunga lang ng kung anong lipunan meron tayo?

Para itong tanong na ano ang nauna, itlog o manok? Kung saan man ito nagsimula ay hindi na mahalaga, ang dapat gawin ngayon ay makapag-ambag tayo sa gaano mang kaliit na paraan para huminto na ito sa pagkalat.

Ikaw, naranasan mo na rin bang mabiktima ng katiwalian?

OFW PhilHealth Mas Mamahalan Pa

Isa na namang classic na paraan ng panggagatas sa mga OFW: sapilitang pagpapabayad ng pinalaking Philhealth Contribution.

“With the deferment of the new premium rate, OFWs need only to pay P1,200.00 as annual payment for 2012. The new rate of P2,400.00 per year will take effect January 1, 2013,” Banzon said.

Narito ang buong pahayag: Philhealth Premium Increase for OFWs

Mag-illegal settling na lang kaya ako? Magkakaroon pa ako ng libreng bahay at lupa.

Cost of Decent Living (Part 1/4)

Ang hirap pala talagang mahiwalay sa pamilya lalo na maliit pa ang anak. Pero maraming mga OFW na magulang ang umaabot ng napakaraming taon malayo sa kanilang pamilya para lang makapag-provide. Yung iba, masaya ang ending, yung iba malungkot.

Sa mga pagkakataong nami-miss ko ang aking pamilya eh naiisip ko kung dapat na ba akong bumalik sa Pilipinas for good.

Isang malaking balakid sa desisyong umuwi ng maraming OFW na magulang ay ang sagot sa tanong na ito:

“Makakakita pa ba ako ng stable job na bubuhay sa aking pamilya sa edad kong ito?”

Nangangailangan pa ng improvement ang kalagayang pangkaligtasan natin sa Pilipinas. Ganun na rin yung uri ng serbisyo sa maraming lugar sa ating bansa (mapa-pribado o pampubliko).

Bagama’t wala akong magagawa sa peace and order ng ating bansa, sa tingin ko ay kaya kong masanay sa uri ng serbisyo sa Pilipinas. Basta ‘wag lang akong mag-expect at mag-demand masyado, hindi ako maii-stress.

Ang kelangan ko lang gawan ng paraan ay makahanap ng mapagkakakitaan sa Pilipinas na makapagbibigay ng disenteng pamumuhay sa aking mga mahal sa buhay.

Kaya naisip kong i-estimate ang cost of decent living sa Pilipinas.

(Itutuloy…)