Mga Bagay na Hindi ko Naiintindihan sa Pilipinas

Nung pinaplano ko pa lang gawin itong blog na ito ay medyo nag-alala ako na baka puro negative lang ang maisulat ko dito pero nagpapasalamat ako’t hindi nangyari iyon.

Pero dahil hindi masyadong maganda ang linggong ito para sa akin, nakapag-umpisa na akong mag-post ng negative na content (pagtataas ng Philhealth at pagnanakaw ng mga Pilipino sa isang Dutch tourist).

Naumpisahan ko na rin lang, sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito para tapusin ang week na ito sa isa pang negative content na blog post.

————————————————————————————

Bagama’t isa akong Pilipinong lumaki at nabuhay sa Pilipinas ng maraming maraming taon, may mga bagay pa ring hindi ko talaga maintindihan tungkol sa Pilipinas.

Narito ang 10 mga bagay na hindi ko naiintindihan sa Pilipinas (in no particular order).

1. Bakit galit na galit ang mga militanteng aktibista?
Ano ang naitutulong sa mga Pilipino at sa Pilipinas ng pagsusunog nila ng effigy, ng nililikha nilang traffic at ikinakalat nilang basura sa kalsada? Binu-bully tayo ng Tsina pero bakit hindi sila nagsusunog ng bandera ng Tsina o kaya ng picture ni Mao Tse Tung?

2. Bakit yung mga sumusunod sa batas ang pinapahirapan?
Isang magandang idea parati ng mga ahensya ng gobyerno ang: dagdagan ang buwis ng mga empleyado, dagdagan ang binabayaran ng mga OFW, dagdagan ang bayaran ng mga kumukuha ng business permit, dagdagan ang bayad sa airport, etc.

Pero kung tama ba yung pagma-manage sa pera ng mga ahensyang ito eh hindi yata masyadong napag-aaralan. Gaya ng balitang ito: 250,000 OFWs deprived of Philhealth benefits

Lalo lang nitong ine-encourage ang mga tao na maghanap ng loophole at lumabag sa mga ipinapatupad na batas ng pamahalaan. Bakit ‘di muna nila ayusin yung umiiral na sistema bago magpataw ng bagong pagkakagastusan sa mga tao?

3. Bakit may mga nagbubuga pa rin ng maitim na usok na sasakyan?
Kahit merong mga smoke belching tests sa LTO, marami pa ring nagkalat na nagbubuga ng nakakalason na usok sa kalsada. Paano nakakapasa sa test ang mga sasakyang ito?

Tapos dadagdagan nila yung taon ng pag-aaral ng mga estudyante para daw maging competitive tayo. Eh linisin lang natin yung hangin natin eh baka mag-improve ang IQ nating lahat sa Pilipinas eh!

4. Bakit merong “For Registration” na plate number?
Kung yung mga plate number na ngang totoo eh napepeke, ‘yun pa kayang “For Registration”? Eh kahit sino kayang gumawa nun eh.

Hindi ba napakadaling makatakas ng kahit sinong nakagawa ng krimen kung “for registration” ang plate number ng gagamitin nilang sasakyan? Ipagbawal na dapat ang paggamit nito eh. Kung hindi pa registered ang sasakyan, hindi ito dapat gamitin sa kalsada.

5. Bakit gustung gusto nating ginagaya ang ibang bansa?
Yung palabas nila sa tv, yung pananamit nila, yung kanta nila etc., patok na patok sa atin at kinokopya pa natin. Mangongopya na rin lang tayo eh di kopyahin na rin natin yung mga ugali nilang nagiging dahilan ng pag-unlad ng bansa nila. Gaya ng pagsunod sa batas at mahigpit na pagpapatupad dito.

6. Bakit mayaman ang Intsik sa bansa natin?
Bakit si Henry Sy ang pinakamayamang tao sa Pilipinas at hindi si Manny Pangilinan? Bakit hindi Pilipino ang mayayaman sa Pilipinas? Filipino citizen na ba si Henry Sy? Pwede na rin ba tayong maging proud para sa kanya?

7. Bakit masyadong sensitive ang mga Pilipino?
Kahit alam nating may bahid ng katotohan, makikipag-away, makikipaglabasan ng baho, makikipag-debate tayo sa mga negative na sinasabi sa atin.

Pero kahit maipamukha natin sa ibang bansa na mas reject ang bansa nila, hindi nun nababago yung masamang kalagayan ng peace and order, ekonomiya, edukasyon, kalusugan, kalinisan, government service, at iba pa sa bansa natin. Nananatili pa rin yung katotohan na kailangan pa rin ng malawakang improvement sa bansa natin.

8. Bakit may mga problema ang bansa na hindi sinu-solusyunan?
20 years ago, binabaha na yung mga kalsada sa lugar namin. Hanggang ngayon, binabaha pa din! Kapag may buni ka ba sa balat, hahayaan mo lang ito mawala? Hindi ba gagamutin mo ito?

Pero bakit yung gun related violence, hoodlums in uniform, hazing, election violence, maruming inuming tubig, trahedya pag may bagyo, street children at child labor, tagas ng water pipes, sirang mga kalsada, illegal recruiters, mga napuputulan ng daliri ‘pag bagong taon, tinatamaan ng ligaw na bala, kidnapping, carnapping, inefficient garbage disposal system, etc., etc., etc., ay hindi pa rin nagagawan ng pangmatagalang solusyon?

Mga sakit ng lipunan ito na hindi ginagamot.

9. Bakit nagkalat ang mga baril sa isang bansang marami ang nagugutom?
Sa’n nakakakuha ng baril ang mga criminal elements ng lipunan natin? Mas madali na lang ba talaga makakuha ng baril at bala ngayon kesa makahanap ng marangal na trabaho?

10. Bakit may mga Pilipinong galit kunyari sa mga telenovela?
Mumurahin pa nila at lalait-laitin ang mga writer at artista ng telenovela. Isusumpa nila sa kaitaas-taasang langit ang telenovela pero maaasahan mong araw-araw pa rin nila itong susundan at hindi palalagpasin para malaman kung ano ang mga susunod na pangyayari.

Nakaka-high blood. Pwede ba akong sumigaw?

sigaw ng galit

Okay na ‘ko…meron pa pala.

11. Bakit may mga Pilipinong hindi nagre-reklamo sa awtoridad?
Magrereklamo sila sa mga kaanak nila, kaibigan nila, sa mga ka-text nila, mga ka-facebook nila o kaya sa…blog nila! Pero hindi sila magrereklamo dun sa mga merong pwedeng magawa. Hay naku!

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , , , , , , ,

15 replies

  1. maraming salamat sa pagsagot sa katanungan ni Marky………

    yun rin sana ang itatanong ko……

    takdang aralin namin yan eh……

    you’re a big help……….

    and I like your blog………..

    nakakapagpukaw ng damdamin tungkol sa ating mahal na bansa..

    SALAMAT uli………..

  2. bkit walang re-eleksyon sa pilipinas?
    pls.answer…tnks

    • hello marky, salamat sa pagbisita dito, assignment n’yo ba ito? sinubukan kong maghanap ng sagot at ito ang nakita ko…

      ayon sa Omnibus Election Code ng Pilipinas, meron nang mga itinalagang probisyon ang ating pamahalaan para hindi mangailangan ng re-election. ang mga probisyong ito ay ang mga sumusunod:

      Mula sa Article 1
      Section 6. Failure of election
      Section 7. Call of Special Election
      Section 11. Failure to Assume Office
      Section 12. Disqualifications

      makikita ang mga detalye nila dito: Omnibus Election Code of the Philippines

  3. Marami akong hindi maintindihan sa pilipinas..lalo na sa batas.. o sadyang ayaw nilang ipaintindi hehehehe..
    mas maigi siguro kung ang gagawing televised investigation eh nasa tagalog, hindi naman kase lahat nakakaintindi ng english..

  4. Bakit mayaman si Henry Sy, dahil dindaya niya ang mga mangagawang Filipino, mga empleyado ng SM ay puro CONTRACTUAL, maliit ang sweldo at walang mga benipisyo.

    • salamat sa pagbisita at pag-iwan ng comment AntiPharisee, nalaman ko rin mula sa isang kaibigan (na may pwesto sa SM) na napakalaki ng sinisingil sa mga tenant ng stall at marami pang extrang binabayaran kapag nagkapwesto ka sa loob ng mall…

  5. 1. Bakit mas mayaman ang intsik sa ating bansa? Kasi walang batas ang Pilipinas sa mga foreign investors, kaya sinasamantala nila ang resources natin. Dito sa middle east, mahigpit ang batas sa mga foreign investors, kaya di sila nakakagawa ng mga kalokohan.

    2. Bakit sensitibo ang mga Pilipino? Kasi marami sa ating mga Pilipino di marunong tumanggap ng pagkakamali.

  6. magulo nga… pero isa sa mga tanong ko rin ay yung “bakit sensitive ang mga pinoy?”… totoo naman ang observations ng ibang lahi sa atin, kahit tayo nakikita natin, pero parang bulag tayong di ito pinapansin at kinukutya rin natin ang mga bumabatikos sa atin. Grow up people! If you’re not part of the solution, you’re probably part of the problem.

    bagamat marami kang napuna at hanggang ngayon di pa rin maintindihan sa Pilipinas, be proud kasi you have outgrown all of it. Nagawa mong imulat ang mga mata mo at tanggapin sa sarili mo na bagamat matagal pa bago magkasolusyon ang mga ito, mag-umpisa man lang sayo ang pagbabago. Nawa makita yun ng mga kababayan natin! 🙂

    • Hello Bebekoh. Salamat sa pagdaan at pag-iwan ng comment. Tama ka sa tinuran mong “If you’re not part of the solution, you’re probably part of the problem.”

      Kahit simpleng mga bagay lang kagaya ng pagtatapon ng basura sa tamang lugar at pagsunod sa mga pinaka-simpleng batas ng syudad na kinaroroonan natin ay malaking bagay na para sa bansa natin. Lalo pa kung marami tayong gagawa nito.

  7. Ang gaganda ng mga iniwan mong katanungan sa mga bagay na hindi natin naiintindihan sa Pilipinas? Nandiyan naman ang sagot, actually pwede akong magsulat ng kasagutan diyan pero sapat na marahil kung ano ang ating obeserbasyon ay siya na ring kasagutan. Marahil hindi lamang naman tayo ang nakararanas nito sa kanilang bansa.

    Kung sana, nabibili sa botika ang disiplina, nauutang ang kalawakan ng pang-unawa at kaalaman. Disin sana tayo lahat mainam ang pamumuhay. Sa kabilang banda, itong mga nakikita nating hindi mabuti ay nagiging instrumento para tayo’y makapagsulat at magmulat.

    Marahil ang tunay na pagmamahal nga sa isang bayan ay hindi lamang mamamahalin ‘yong kung ano lamang ang mabuti at pipiliting itanggi ang hindi kaaya-aya. Sana lamang, umuunlad tayong pasulong kaysa sa paurong bilang bansa. Maganda iyon di ba?

    • Salamat muli sa isang makahulugang comment ser J. Alamat talaga kayo. Hangga’t hindi tayo umaamin sa mga kahinaan natin at nagdedesisyon na harapin ang mga ito ONCE AND FOR ALL (utang na loob) eh sa tingin ko, wala tayong makikitang pasulong na pag-unlad.

      Mahal ko din ang Pilipinas all warts and all pero sana dumating yung araw na mabawasan na yung matatagal na nating problema para mabawasan na rin yung mga ganitong uri ng blog site hehe 😀

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: