Tag Archives: solusyon sa problema ng pilipinas

Paggamit ng Internet, Ipagbabawal sa Lahat ng Government Workers

internet surfing while working

Davao City – Ipagbabawal ng bagong administrasyon ang paggamit ng internet sa lahat ng opisina ng gobyerno sa buong bansa.

Ito ang inihayag ng incoming Presidential Spokesman Sal Panelo sa isang late night media conference na ginanap sa Lungsod ng Davao kamakailan.

“Ang oras na binabayaran sa mga empleyado ng gobyerno ay hindi dapat inaaksaya sa pag-iinternet gaya ng Facebook, Twitter, Instagram o kung anu-ano pa. Dapat nilang sulitin ang ibinabayad sa kanila ng taumbayan!”, saad ni Panelo.

Nakuha diumano ng bagong administrasyon ang ideya sa bagong patakaran na ipapatupad ng Singapore sa kanyang mga government offices.

Read: Singapore to cut internet access to government workers

“Makakatulong ng malaki ang bagong kautusang ito sa pagpapabuti ng serbisyo ng mga sangay ng gobyerno sa buong bansa.” pahabol ng incoming spokesman.

*******************************************************

Advisory: Ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.

Advertisements

New Year’s Resolution

Uso pa ba ang New Year’s Resolution? O baka ang mas tamang tanong ay kung uso pa ba ang pagsunod sa iyong New Year’s Resolution?

mga pagbabagong dapat gawin

Sa panahon ngayon, madalas ko na lang na nakikita sa listahan ng mga New Year’s Resolution ay mga #BalikAlindog. Parang iyon na lang ang pinagtutuunan ng pansin  ng mga tao ngayon. Ang mag-gym, magpapayat, maging “in shape” at magkaroon ng healthy living. Wala namang masama lalo na kung para iyan sa ikabubuti ng iyong pisikal na pangangatawan.

Kung saka-sakali naman na maisip mong gumawa ng New Year’s Resolution, bakit hindi ka kaya magsali ng mga bagay na simple ngunit kapaki-pakinabang sa lipunan. Promise, mas madaling matupad ito kaysa sa #BalikAlindog Resolution mo.

Heto ang ilan sa mga bagay na maaari mong isama sa iyong New Year’s Resolution:

1. Maging mabuti sa kalikasan

Narinig mo siguro na kamakailan lang ay nagkaroon ng Climate Summit sa France at hulaan mo kung para saan ang Summit na ito? Obviously, may mga ganitong pagtitipon dahil nakakawindang na ang pagbabago ng klima.

Kung ako sa iyo, siguro ay simulan mo ang pagtulong sa Inang kalikasan bago pa mahuli ang lahat. Simulan sa maliit na bagay tulad ng hindi pagtatapon ng balat ng kendi o upos ng sigarilyo kung saan-saan. At baka gusto mo ding simulan magtanim ng mga halaman sa iyong bakuran. Wag mo na isipin yung mga illegal loggers at nagqu-quarry, ang isipin mo muna ay yung mga bagay na kaya mong gawin.

2. Magkaroon ng Disiplina

Ilang beses (sa buong buhay mo) na tumawid ka sa hindi tamang tawiran?  Huwag mag-deny. Don’t tell a lie. Aminin! Hindi mo mabibilang sa daliri ng kamay mo kung ilang beses iyan.

Ilang beses ka ba sumakay at bumaba sa No Loading and Unloading Zone?

Minsan kailangan pa yata nating bumalik sa pagiging GSP o BSP para maalala kung ano ang ibig sabihin ng Disiplina.

3. Maging halimbawa sa mga kabataan

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. At kung ano ginagawa ng mga matatanda ay tama sa mata ng bata.

4. Bumoto ng Tama

Minsan lang sa anim na taon tayo nagkakaroon ng pagkakataong bumoto ng taong mamumuno sa ating bansa. Siguraduhing tama ang ating magiging desisyon.

5. Bawas-bawasan ang pag-aabang sa FOREVER

Mas magiging produktibo ka kung itutuon mo ang pansin mo sa mga mas makabuluhang bagay tulad ng pag-aaral at pagtatrabaho ng mabuti kaysa sa pag-aantay na iluwa ng langit ang iyong Forever.

6. Bawas-bawasan ang pagiging Bully

Hindi ko na siguro kailangan ipaliwanag pa kung ano ang ibig sabihin ng pambu-bully dito. Cyber Bullying man o  anong klase ng pambu-bully, hindi ito nakakatulong sa ating pag-unlad.

7. Magkaisa para sa mga bagay na ikabubuti ng ating lipunan

Record breaking ang ilang milyong tweets para sa AlDub ano? Ang tindi ng pagkakaisa ng mga Pilipino para sa mga bagay na nakakapagbigay sa kanila ng saya. Hindi ako kumukontra kung AlDub fan man kayo o hindi.  Sana lang  magkaroon din tayo ng ganito katinding pagkakaisa para sa mga napakaraming makabuluhang bagay tulad ng pagtulong sa ating mga kababayan sa panahon ng kalamidad o kaya pagtulong sa ating mga kabataang walang kakayanan mag-aral.

Madali lang di ba? Maliliit na bagay lang.

Happy New Year sa inyong lahat!

Bakit Kailangang Ibalik ang Death Penalty sa Pilipinas

Drugs, gun-for-hire killings, murder, rape, child prostitution, kidnapping, robbery, acts of terrorism at malversation of public funds – ito ang mga lumalalang krimen sa lipunan natin. Ito rin ang mga problemang ipapamana natin sa ating mga anak.

Subalit para sa lahat ng krimen na ito ay may isang kandidatong solusyon. Ito ay ang pagbabalik ng Death Penalty sa Pilipinas.

bitay sa pilipinas

Narito ang ilang mga dahilan kung bakit kailangang ibalik na sa ating bansa ang Death Penalty, now na!

  1. Dahil hindi natatakot sa batas ang mga kriminal
  2. Dahil dumadami ang mga kriminal at nagkukulang ang mga pasilidad para i-contain sila
  3. Dahil nababawasan ang resources ng bansa sa pag-aaruga ng mga kriminal sa kulungan
  4. Dahil nagiging headquarters lang ng mga kriminal ang kulungan
  5. Dahil hindi naman lahat ng kriminal ay nagdudusa kahit nahatulan na
  6. Dahil may mga kriminal na hindi hihinto sa kasamaan habang nabubuhay sila
  7. Dahil lumilikha ng mga bagong kriminal ang mga kriminal
  8. Dahil binabago ng tiyak na kamatayan ang perspektibo ng isang tao (nagsisisi, nagiging banal, tinatanggap ang nagawang pagkakamali, hinahanda ang sarili para sa pagpanaw)
  9. Dahil kahit walang malasakit sa tao ang mga kriminal, may malasakit siya sa sarili niyang buhay (pwede silang mapigilan sa paggawa ng krimen kung alam nilang  tiyak na kamatayan ang magiging parusa sa kanila)
  10. Dahil mapipigilan ng death penalty ang pagdami ng mga vigilante na inilalagay ang batas sa kamay nila

Dapat din syempreng repasuhin agad ang judiciary system natin upang magkaroon ng mabilis, pantay at malinis na paglilitis sa mga krimen.

Maraming ginagawang paraan ang pamahalaan natin para dumami ang mga turista at foreign investment sa Pilipinas. Pero kung ibubuhos lang sana nila ang kanilang puwersa at paggastos ng pera sa pagbabawas ng krimen sa bansa, siguradong dadami ang lokal na negosyo, ang pagdayo ng mga turista at investments sa ating bansa.

Gusto ko na sana tapusin ang post na ito sa pagsuporta sa Death Penalty subalit ang mapait na katotohanan ay hindi magiging epektibo ang Death Penalty sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa.

Sa kasamaang palad, narito ang mga dahilan kung bakit hindi magiging epektibo ang death penalty sa Pilipinas.

  1. Dahil sa corruption sa loob ng PNP
  2. Dahil sa corruption sa loob ng mga kulungan
  3. Dahil sa corruption sa judiciary system (mabagal na proseso at nababayarang mga judges)
  4. Dahil sa corruption ng government officials (lalo na sa LGU level)
  5. Dahil sa kahirapan sa bansa (iaalok ng mga mahihirap kapalit ng pera ang kanilang sarili para akuin ang kasalanan ng mga mayayaman)

Ang dapat gawin ng ating bansa kung ganon ay:

  1. Eradicate corruption sa lahat ng sangay ng Pamahalaan at pribadong sektor
  2. Improve education and basic services para sa mga mamamayan
  3. Impose Death Penalty Law

Pero parang loop, hindi ba? Paano mo mai-eradicate ang corruption kung hindi natatakot sa batas ang mga corrupt? At paano naman sila matatakot kung alam nilang hindi naman sila mapaparusahan?

Kailangang ma-eradicate muna kung ganon ang katiwalian sa lahat ng sektor ng ating lipunan. Pero kung wala nang korapsyon, kailanganin pa kaya natin ang death penalty?

Related articles:

Mga Bagay na Maaaring Gawin ng mga Pilipino Para Maging Kaaya-ayang Manirahan sa Pilipinas

Ito na siguro ang blog post na may pinakamahabang title sa buong kasaysayan ng pagbo-blog 😀 Pwede na ring tongue twister yan. Kapag nabanggit mo ‘yan nang 7 beses na tuluy-tuloy sa loob ng 5 seconds, pwede ka na sumali sa Guiness Book of World Records.

May malasakit ka ba sa Pilipinas? Gusto mo bang maging pinapangarap na paradise ang Pilipinas? Narito ang mga suhestiyon na magagawa natin para sa ating bansa at lupang sinilangan.

1. Bumoto kapag eleksyon, nasa Pilipinas ka man o nasa ibang bansa

2. Huwag ibenta ang iyong boto

3. Humanap ng kandidatong taglay ang magagandang katangian ng mga Pilipino

4. Sumulat sa lokal na Mayor o Kongresman upang ipahayag ang reklamo

5. Sulatan ang mga pambansang pahayagan at mga pampublikong opisyal upang ipalaam ang mga problemang nakakaapekto sa Pilipinas

6. Sumunod sa mga batas trapiko

7. Huwag magbigay ng lagay (bribe)

8. I-ulat ang mga pampublikong opisyal na humihingi ng lagay

9. Magbayad ng buwis

10. Magsalita kapag nakakita ng taong gumagawa ng mali

11. I-report ang krimen na ginawa sa iyo o kapitbahay

12. Bumili ng mga produktong gawa sa Pilipinas

13. Suportahan ang Teatrong Pilipino

14. Manood ng mga makabuluhang pelikulang Pilipino

15. Pag-aralan ang kasaysayan ng bansa

16. Pumunta sa museo

17. Palakihin ang mga mga bata na may pag-ibig sa pagbabasa at pag-aaral

18. Matuto mula sa mga mas nakatatanda sa iyo

19. Pakinggan ang mga nakababata sa iyo

20. Magbigay respeto sa lahat ng tao, iwasang makaperhuwisyo sa kapwa

21. Unawain ang mga taong hindi sumasang-ayon sa iyong paniniwala

22. Magtanim ng puno.

23. Paghiwalayin ang mga basura

24. Mag-recycle

25. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan

26. Magtipid sa tubig.

27. Magtipid sa kuryente

28. Mag-donate sa charity

29. Mag-volunteer sa isang kawang-gawa

30. Mag-trabaho sa Pilipinas

31. ​​Mag-negosyo at lumikha ng trabaho

32. Maging edukado sa mga pinansiyal na bagay

33. Maglakbay sa Pilipinas

34. Ibahagi ang anumang mabuting balita na mayroon tungkol sa Pilipinas

35. Magtrabaho ng mahusay, tapat at may dangal

36. Isiwalat ang anumang anomalyang nalalamann kung nagtatrabaho ka sa Pamahalaan

37. Magbigay malasakit sa mga taong nagtatrabaho para sa iyo

38. Sundin ang Kasambahay law

39. Maging passionate sa iyong mga pangarap

40. Magpursige upang makamit ang iyong pangarap

41. Maniwala ka sa iyong sarili

42. Gawin ang lahat ayon sa iyong kakayahan sa pinaka-etikal at moral na mga pamamaraan

43. Maging huwaran sa iba

44.  Maging isponsor ng isang kapuspalad na kabataan

45. Mag-aral mabuti

46. Huwag mangopya at huwag magpakopya kapag may test

47. Huwag maging parasite sa kaklase, magdala ng sariling gamit

48. Pumila ng maayos, huwag sumingit

49. Turuan ang mga bata na mahalin ang Pilipinas

50. Turuang magtipid ang mga kamag-anak sa Pilipinas kung isa kang OFW

51. Gawing aware ang sarili sa mga nangyayari sa bansa

52. Huwag magsunog ng basura

53. Mag-aral ng responsableng pagmamay-ari ng baril

54. Isuko ang mga baril na walang permit

55. Itapon o iuwi ang sariling basura pagkatapos ng isang kaganapan

56. Magtakip ng bibig kapag umuubo o bumabahing

57. Huwag magalit dahil nagtagumpay ang isang kakilala

58. Sikaping tapusin ang anumang sinimulan

59. Huwag ipagpaliban ang kayang tapusin agad

60. Maging eksakto o maaga sa oras sa lahat ng pagkakataon

61. Huwag masyadong sensitive

62. Ikunsidera ang anumang kritisismong tinatanggap

63. Patuloy na mag-improve sa anumang bagay na ginagawa

64. Iwasang magpakalasing

65. Huwag mag-drugs

66. Igalang ang buhay ng lahat ng tao (pati na ang sa iyo)

67. Irespeto ang mga batas ng bansa

68. Pahalagahan ang sariling dignidad at huwag hayaang mabahiran ang dangal

69. Isabuhay ang iyong pananampalataya

70. Ipagdasal ang Pilipinas

ipagdasal ang pilipinas
ipagdasal ang pilipinas (compassion.com)

Ang listahang ito ay patuloy na dadagdagan…
Ilagay ang iyong suggestion bilang comment sa ibaba.

References:

Kaya Mo Bang Mag-Survive sa Pag-aaral Nang Hindi Nangongopya?

Ang post pong ito ay mula sa ating guest blogger, ang may-akda ng blogsite na Pinay Unlimited. Ayaw n’yang pa-define pero ang masasabi ko po ay may passion s’ya sa kanyang pagsusulat at mararamdaman mo ang kanyang energy sa kanyang mga posts. Makabayan at may prinsipyo pero hindi yung tipong magra-rally sa kalsada at magsusunog ng effigy.

Bukod sa kanyang blog, maaari din siyang i-follow sa Facebook at sa Twitter.

Kasalukuyang nasa kolehiyo ang ating guest blogger at isa ring working student. Ang tema ng post na ito ay inspirational, encouraging, napapanahon at dapat na mabasa ng marami sa ating mga kabataan.

Hindi imposible ang huwag mangopya. Nagtataka tayo bakit naging talamak ang katiwalian sa lipunan natin pero hindi nakapagtataka ito kung sa pagkabata pa lamang ay nagkakakalyo na ang kunsensya natin sa mga bagay na hindi tama.

RP

******************************************************************************
Kaya Mo Bang Mag-Survive sa Pag-aaral Nang Hindi Nangongopya?
by Pinay Unlimited

nangongopyang kabataan
nagsisimula ang kultura ng katiwalian sa ating kabataan…(ehow.com)

Ang sabi nila, may mga bagay sa buhay na mali na pero ginagawa pa rin natin. Tulad na lamang ng pangongopya. Ikaw, nakapangopya ka na ba?

Kung oo, apir tayo. Pero hindi dahil sa tama ito, kung hindi dahil ako rin, nagawa ko rin ito noon. Pero kung sasabihin ko sa iyo na ang huling pagkakataong nakapangopya ako ay noon pang high school, anong magiging reaksyon mo? Siguro iisipin mo hindi na siguro ako nakapagpatuloy ng pag-aaral kaya hanggang H.S. ko lang nagawa iyun. Ngunit mali,nakapagkolehiyo po ako.

Anong nangyari at nagkaroon ng pagbabago sa puso ko? Simple lang, kasi mali. Obvious naman na mali. Kaya nasabi ko sa sarili, “ayaw ko nang magpaanod pa sa maling sistema na ginagawa ng HALOS LAHAT NG TAO.”

Ayun nga, batid naman nating lahat na mali ito, pero bakit marami pa rin sa atin ang gumagawa? Para lang yang bawal na pag-ibig e, alam mo na ngang mali nagpapaanod ka pa 🙂

Kaya heto, bibigyan kita ng ilang benepisyo ng pagtalikod sa mali at masamang gawain ng pangongopya. Kung tapos ka na ng iyong pag-aaral, hindi pa naman huli ang lahat. Dahil kung tatanggapin mong mali ito at ituturo mo ang tama sa ibang tao lalo na sa iyong mga anak ay makakatulong ka pa ring mabago ang popular ngunit masamang sistema na ito.

TATLONG BENEPISYO NG HINDI PANGONGOPYA:

1. Totoong kredito sa iyong nakamit na karangalan.

Aanhin mo ang diploma o ang medalya o ang best in Math o ang pagiging valedictorian at cum laude kung ang katotohanan naman ay nagsusumigaw na hindi mo iyun nakuha dahil sa “sariling pagsusumikap?” Masakit hindi ba? Ngunit iyun ang katotohanan. Kaya ang may karapatan lang magbunyi at magmayabang ng kanilang karangalan ay iyung mga taong “totoong nagsumikap ng 100%.”

2. Integridad at respeto sa sarili.

Hindi ba ang pangongopya ay maihahalintulad na rin sa pagnanakaw at pagsisinungaling? At higit kanino man, ang niloloko mo rito ay ang iyong sarili. Ngunit isipin mo na lang kung hindi ka nangongopya. Ano ang epekto? Magkakaraoon ka ng integridad at respeto sa sarili. Mahirap makamit ang mga iyan. Dahil bago ka magkaroon ng integridad at respeto ay susubukin ka muna at patitibayin ng panahon. Oo, pinaghihirapan iyun. At hindi nakokopya.

3. Pagiging tunay na yaman ng bayan.

Paano kung nakatadhana palang maging susunod na presidente ng Pilipinas ang iyong anak? O huwag na tayong lumayo, paano kung nakatadhana ka palang maging lider ng bansa? Paano mo huhubugin ang iyong sarili? Sa pag-aaral, magiging grade conscious ka ba? Na sa kahit na anong paraan, kailangang perpekto at “mukhang” magaling sa klase?

Paano kung pinili mong patibayin ang iyong puso kaysa sa credentials mo? Sigurado ako, ikaw ang klase ng lider na kailangan ng bansa mo. At kung hindi man sa pulitika ang calling mo, sigurado isa kang yaman kung saan ka man naroroon. Ika nga ni Theodore Roosevelt:

Character is, in the long run, the decisive factor in the life of individuals and of nations alike.

Marahil sasabihin mo sa akin, “mahirap yan, imposible!” Oo, mahirap ito, dahil minsan magtatampo pa ang kaibigan mo at sasabihan ka pang madamot. At marahil, iniisip mo, “ikaw na, the best ka eh.” 🙂 Ngunit alam n’yo, aaminin ko marami rin akong mga maling desisyon sa pag-aaral noong nasa kolehiyo ako (tulad ng pagiging late at hindi pagbibigay ng dedikasyon sa groupworks). Pero pinagsisisihan ko ang mga iyun.

At tunay nga na hindi pa huli ang lahat. ‘Pagkat ngayong taon ay nagbalik akong muli sa pag-aaral (upang muling buuin ang aking pangarap at pagkatao). At kahit hindi birong pagsabayin ang pag-aaral at trabaho ay hindi iyun naging hadlang sa pagpapatuloy ko ng aking nasimulang commitment na HINDI PANGONGOPYA at PAGPAPAKOPYA.

At ngayon, ni-level up ko pa ang aking commitment. Dahil hindi lang basta hindi pangongopya. Bagkus gawin ang lahat ng aking makakaya. Reyalistiko akong tao at batid ko ang mga sakripisyo na dapat kong yakapin (tulad ng puyat at pagod) upang makamit ng mataman ang epektibong pagkatuto.

Kung nagawa ko, magagawa nyo rin. Isipin nyo na lang, sa huli hindi naman mataas na grado at mabangong pangalan ang tunay na magpapasaya sa puso mo. Dahil sa huli, ang pinaka-importante pa rin ay paglago ng pagkatao.

Kaya mo bang maka-survive sa pag-aaral ng hindi nangongopya? OO. KAYA MO.

Kumusta ang Manners Mo sa Trabaho?

Alamin kung may tama kang manners o etiquette sa lugar kung saan ka nagtatrabaho. Basahin ang mga nakalista sa ibaba at itanong sa sarili kung ganito ka ba (Yes or No). Pagkatapos ay tingnan ang kahulugan ng iyong score sa katapusan. Be honest.

pag-uugali sa trabaho

Alin-alin sa mga nasa ibaba ang totoo tungkol sa iyo?
Sagutin ng YES o NO.
  1. Bumabati sa mga tao
  2. Nagso-sorry at nagpapa-salamat
  3. Pinipili ang mga ginagamit na salita (hindi ginagamit ang mga salita sa paninirang-puri, pagbabanta, pagma-maliit ng kapwa, etc.)
  4. Hindi gumagamit ng mga pantawag na hindi angkop sa loob ng kumpanya (hindi ginagamit ang mga pantawag na “Hoy!”, “Psst!”, “Oy!”, o anumang pantawag na lumilibak sa tao)
  5. Hindi nagpapakalat ng pamimintas sa sariling kumpanya (sa ibang tao o sa social media)
  6. Hindi abusado sa mga tinuturuan o mga tine-training na empleyado
  7. Parehong pagtrato sa tao at/o sa trabaho gusto man ito o hindi
  8. Hindi hinahayaang maapektuhan ang trabaho ng pabagu-bagong mood (pakiramdam)
  9. Hindi nagtatrabaho nang marumi ang damit, nanggigitata o nangangamoy
  10. Malinis at maayos na paggamit ng toilet (hindi nag-uuwi ang toilet paper, hindi magastos sa paggamit ng toilet paper, hindi hinahayang magbara ang toilet, hindi hinahayang mahulog ang ihi sa sahig, etc.)
  11. Sinusunod ang rules sa paggamit ng reserved meeting room (nagsisimula at nagtatapos ng meeting sa takdang oras, hindi ginagamit ang parking lot, tv, voice box, projector, etc. nang walang reservation)
  12. Masinop na paggamit ng mga kagamitan ng opisina (hindi magastos sa pag-print, pinapalitan ng kusa kapag nagkulang sa papel ang photocopy machine, inire-report agad kung may problema ang equipment, nag-iingat huwag masira ang mga equipment, etc.)
  13. Sumusunod sa mga patakaran ng pag-iingat sa mga impormasyon patungkol sa kumpanya (hindi nagsisiwalat ng mga impormasyon tungkol sa kumpanya, sa mga produkto nito, sa mga empleyado nito o sa mga customer nito)
  14. Maayos gumamit ng company car (hindi nag-iiwan ng basura sa loob, hindi iniiwang kulang ang gasolina, nag-iingat na huwag masira, mabundol o magasgasan ang sasakyan, hindi ginagamit sa pansariling intensyon ang sasakyan nang walang pahintulot sa mga kinauukulan)
  15. Sumusunod sa mga patakaran ng paggamit sa bodega ng kumpanya (nag-iimbak ng gamit sa ayon sa itinakdang taas, ididispatsa ang mga gamit na lumagpas na sa expiration ng pag-stock sa bodega, sinisikap na huwag umokopa ng maraming espasyo para makagamit din ang iba, etc.)
  16. Masinop at maingat na paggamit sa mga pasilidad ng kumpanya (hindi dinudumihan ang pader, hindi binabasag ang mga salamin, hindi nagdadala ng basurang galing sa labas papunta sa loob ng opisina, hindi hinahayaang may nakakalat na basura kung saan-saan, etc.)
  17. Sumusunod sa patakaran ng kumpanya hinggil sa pagtapon ng basura (waste segregation, paglalagay ng basura sa tamang lalagyan, pag-recycle ng papel, etc.)
  18. Nagpa-paalam sa kinauukulan kung male-late o maga-absent sa trabaho
  19. Kusang sinasagot ang telepono kapag nakita itong nag-ring (hindi nagkukunwaring busy para huwag itong sagutin)
  20. Nagpapaalam sa mga kinauukulan kung male-late o hindi makakadalo sa meeting (naghahanda ng proxy kung kinakailangan)
  21. Nagbibigay ng abiso sa mga kinauukulan kung hindi mami-meet ang deadline ng trabaho
  22. Umaako ng responsibilidad kapag nagka-problema sa ginagawang trabaho at hindi naghahanap ng sisisihin
  23. Nagpapahalaga sa trabaho/responsibilidad na tinanggap (nauunawaan ang pananagutan, nagbibigay malasakit na matapos ang trabaho na may mabuting resulta, nagbibigay ng personal na panukala para sa ikabubuti ng trabaho, etc.)
  24. Hindi ipinapasa sa iba ang trabahong tinanggap at hindi umaako ng papuri sa trabahong ginawa ng ibang tao
  25. Hindi sinasadyang ipagpaliban o gawing mabagal ang pagtapos sa trabaho para makapag-overtime
  26. Hindi nagpapa-login o logout ng company ID sa ibang tao
  27. Inililigpit ang mga gamit at iniiwang malinis ang sariling lugar at paligid pagkatapos ng trabaho
  28. Maingat sa pag-handle ng mga confidential na impormasyon ng kumpanya at ng customer (hindi hinahayaang kalat-kalat ang mga dokumento)
  29. Hindi natutulog sa oras ng trabaho
  30. Hindi nanonood ng porn sa oras ng trabaho
  31. Hindi ginagamit ang telepono ng kumpanya para sa mga personal na tawag na walang kinalaman sa trabaho
  32. Hindi nag-uuwi ng mga office supplies, tools o anumang pag-aari ng kumpanya
  33. May disiplina sa pakikipag-kuwentuhan sa mga katrabaho (hindi inuuna ang pakikipag-istoryahan sa trabaho, hindi labis ang oras na ginagamit sa pakikipagkuwentuhan, hindi malakas tumawa, etc.)
  34. Hindi gumagamit ng celphone para sa personal na dahilan sa oras ng trabaho
  35. Kumakain at nagme-meryenda sa tamang lugar na itinakda ng kumpanya
  36. Hindi nagsu-surf ng internet tungkol sa mga bagay na walang kinalaman sa trabaho
  37. Maingat sa paglalakad sa loob at paligid ng opisina (hindi nakakaistorbo sa trabaho ng iba, hindi gumagawa ng ingay lalo na malapit sa mga meeting room, hindi bumabangga sa mga tao dahil sa paggamit ng celphone, etc.)
  38. Nagtatakip ng bibig kapag umuubo o bumabahing
  39. Pumapayag minsan na huwag mabayaran ng overtime pay para tapusin ang isang trabaho
  40. Bumibili ng sariling office supplies gamit ang sariling pera at hindi ito iri-reimburse sa kumpanya
  41. May conscious na malasakit sa kumpanya para huwag itong bigyan ng masamang reputasyon sa mga customer
  42. Papasok pa rin sa trabaho kahit medyo masama ang pakiramdam para tapusin ang trabaho at ma-meet ang deadline
  43. Nagbe-break sa takdang oras at takdang haba nito (hindi lumalagpas sa dalas at tagal ng itinakdang break ng kumpanya)
  44. Hindi umuuwi ng bahay hangga’t hindi tapos ang trabaho
  45. Pumapasok sa trabaho kahit nakabakasyon kapag pinakiusapan ng boss para gawin ang isang importanteng trabaho
  46. Hindi pumapasok na lasing
  47. Hindi nandadaya sa presyo ng gastos kapag merong iniri-reimburse sa kumpanya (tapat sa presyo ng ginastos sa business trip, biniling office supplies, etc.)
  48. Hindi nagnanakaw ng gamit ng mga katrabaho
  49. Umiihi lamang sa loob ng banyo ng opisina (hindi ginagawang banyo ang bakod ng kumpanya)
  50. Sumusunod sa mga patakaran ng kumpanya sa paninigarilyo ugali (paninigarilyo sa tamang lugar, tamang oras at tamang dami ng beses, pagtatapon ng upos ng sigarilyo sa tamang lugar, etc.)

Bilangin ang dami ng sagot na YES sa mga items na nakasulat sa itaas at tingnan ang evaluation ng iyong puntos sa ibaba.

Ang iyong score at ang kahulugan nito.

0 to 9 Points

Hindi katanggap-tanggap ang iyong ugali. Isa kang parasite na nagkatawang tao. Lumayas ka sa Pilipinas at maghasik ka na lang ng lagim sa ibang bansa. Marami daw vacancies sa China ngayon, ba’t di mo subukan dun?

10 to 39 Points

Marami ka pang pwedeng i-improve sa iyong manners. Maaaring hindi ka pa masyadong sanay sa iyong work environment. Pagsikapan mong matutunan ang iyong trabaho, ang iyong kumpanya at kilalanin ang iyong mga katrabaho. Sa pamamagitan ng tamang pagkilos sa iyong kumpanya at mahusay na pakikitungo sa iyong kapwa manggagawa, mababawasan ang stress mo at ng mga taong nasa paligid mo.

40 to 45 Points

Okay kang empleyado. Meron kang sense ng responsibilidad sa iyong trabaho, may malasakit ka sa kumpanya at may pakikisama sa iyong mga katrabaho. Hindi ka perfect pero may tama kang balanse ng trabaho at personal na buhay. I-print out mo ang score mo dito, ipakita sa iyong boss at humingi ka ng salary increase.

46 to 50 Points

Kahanga-hanga ang iyong work etiquette. Pero sana hindi ka bitter kung marami sa iyong mga katrabaho ang hindi kayang pantayan ang standards mo. Take it easy. Kapag nabaldado ka sa sobrang pagmamalasakit sa iyong trabaho, sandali ka lang papalitan ng iyong kumpanya. Subalit hinding-hindi mo na maibabalik ang nawalang oras sa iba pang mga importanteng bagay sa ating buhay bukod sa trabaho.

Note: Ang mga tanong at score sa itaas ay for reference purposes lamang at walang anumang scientific na basehan.

Kodigo ng Pagkamamamayan at Kagandahang Asal

Kung sinunod lang sana ito ng ating mga ninuno, baka matagal nang 1st world ang Pilipinas at hindi na natin kelangan ng visa sa maraming bansa 😀

Pero baka hindi pa huli ang lahat. Baka kaya pa natin gawin kahit ilan lang sa mga ito.

*******************************************************************************

kodigo ng pagkamamamayan ng pangulong manuel quezon

1. Magtiwala ka sa Poong Maykapal na gumagabay sa kapalaran ng mga tao at mga bansa.

2. Mahalin mo ang iyong bayan sapagkat ito ang iyong tahanan, pinagmumulan ng iyong pagmamahal at bukal ng iyong kaligayahan at pagiging tao. Ang pagtatanggol sa bayan ang pangunahin mong tungkulin. Maging handa sa lahat ng oras na magpakasakit at ialay ang buhay kung kinakailangan.

3. Igalang mo ang Saligang Batas na nagpapahayag ng makapangyarihang kalooban. Itinatag ang Saligang Batas para sa iyong kaligtasan at sariling kapakanan. Sundin ang mga batas at tiyaking sinusunod ito ng lahat ng mamamayan at tumutupad sa kanilang tungkulin ang mga pinuno ng bayan.

4. Kusang magbayad ng mga buwis at maging maluwag sa kalooban ang maagap na pagbabayad nito. Alalahaning ang pagkamamamayan ay hindi lamang mga karapatan ang taglay kung hindi maging mga pananagutan din.

5. Panatilihing malinis ang mga halalan at sumunod sa pasya ng nakararami.

6. Mahalin at igalang ang iyong mga magulang. Paglingkuran mo silang mabuti at pasalamatan.

7. Pahalagahan mo ang iyong karangalan gaya ng pagpapahalaga mo sa iyong buhay. Ang karalitaang may dangal ay higit na mahalaga kaysa sa yamang walang karangalan.

8. Maging matapat sa pag-iisip at sa gawa. Maging makatarungan at mapagkawanggawa, ngunit marangal sa pakikitungo sa kapuwa.

9. Mamuhay nang malinis at walang pag-aaksaya. Huwag maging maluho at mapagkunwari. Maging simple sa pananamit at kumilos nang maayos.

10. Mamuhay na gaya ng inaasahan sa iyo ng marangal na tradisyon ng ating lahi. Igalang ang alaala ng ating mga bayani. Ang kanilang buhay ay halimbawa ng daan tungo sa tungkulin at karangalan.

11. Maging masipag, huwag ikatakot o ikahiya ang pagbabanat ng buto. Ang pagiging masipag ay daan tungo sa isang matatag na kabuhayan at dagdag sa yaman ng bansa.

12. Umasa sa iyong kakayahan sa pag-unlad at kaligayahan. Huwag agad mawawalan ng pag-asa. Magsikap upang makamit ang katuparan ng iyong mga layunin.

13, Gampanang maluwag sa kalooban ang iyong mga tungkulin. Ang gawaing hindi maayos ay higit na masama sa gawaing hindi tinapos. Huwag ipagpabukas ang gawaing maaari mong gawin ngayon.

14. Tumulong sa kagalingan ng iyong pamayanan at palaganapin ang katarungang panlipunan. Hindi ka nabubuhay na nag-iisa kapiling ang iyong mag-anak lamang. Bahagi ka ng isang lipunang pinagkakautangan ng pananagutan.

15. Ugaliin ang pagtangkilik sa sariling atin at sa mga kalakal na gawa rito sa atin.

16. Gamitin at linangin ang ating likas na yaman at pangalagaan ito para sa susunod na salinlahi. Ang mga kayamanang ito ang minana pa natin sa ating mga ninuno. Huwag mong gawing kalakal ang iyong pagkamamamayan.

Pangulong Manuel L. Quezon
Atas ng Tagapagpaganap Blg. 217
Agosto 1939

*******************************************************************************

References:

FOR SALE: The Philippine Islands

philippines for sale

Interested? See details below!

FOR SALE!!!
The Philippine Islands

You have the choice to purchase several groups of islands or the entire archipelago, whichever is suited to your budget.

The archipelago is surrounded by a vast body of water rich in minerals and abundant with aquatic resources. The main land has tropical weather and the climate is warm all year through. The islands are well known for their agricultural and farm produce due to its very favorable weather condition.

A large portion of the country’s population belongs to the working age group and with proper management and compensation, these people can be among the most skilled and competent workers around the globe.

The archipelago’s 7,107 islands, breath-taking beautiful sceneries and wealth of natural resources will not disappoint any potential owner.

Reason for selling the islands is because the country does not know how to manage itself. It has been struggling for almost 70 years now but to no avail. It is just now that the country realized it is time to give up.

GENERAL PROPERTY INFORMATION

LOCATION:
South East Asia; East of Vietnam, North of Indonesia and South of Japan

TOTAL TERRITORIAL AREA:
300,000 sq. km.

PROPERTY TYPE:
Archipelago

SPECIAL FEATURES:
– strategic location for commerce along the Pacific Ocean
– 3 to 5 hours by plane from mainland Asia
– warm, tropical climate throughout the year
– an unbelievable abundance in natural (land and aquatic) resources
– large young population

PRICE:
Negotiable

CONTACT INFORMATION

Contact Numbers:
0912-345-6789 (International: +63-912-345-6789)
Look for Leklek

Email Address:
pilipinasforsale@gmail.com

*** ONLY DIRECT BUYERS MAY INQUIRE ***

Mga Bagay na Hindi ko Naiintindihan sa Pilipinas

Nung pinaplano ko pa lang gawin itong blog na ito ay medyo nag-alala ako na baka puro negative lang ang maisulat ko dito pero nagpapasalamat ako’t hindi nangyari iyon.

Pero dahil hindi masyadong maganda ang linggong ito para sa akin, nakapag-umpisa na akong mag-post ng negative na content (pagtataas ng Philhealth at pagnanakaw ng mga Pilipino sa isang Dutch tourist).

Naumpisahan ko na rin lang, sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito para tapusin ang week na ito sa isa pang negative content na blog post.

————————————————————————————

Bagama’t isa akong Pilipinong lumaki at nabuhay sa Pilipinas ng maraming maraming taon, may mga bagay pa ring hindi ko talaga maintindihan tungkol sa Pilipinas.

Narito ang 10 mga bagay na hindi ko naiintindihan sa Pilipinas (in no particular order).

1. Bakit galit na galit ang mga militanteng aktibista?
Ano ang naitutulong sa mga Pilipino at sa Pilipinas ng pagsusunog nila ng effigy, ng nililikha nilang traffic at ikinakalat nilang basura sa kalsada? Binu-bully tayo ng Tsina pero bakit hindi sila nagsusunog ng bandera ng Tsina o kaya ng picture ni Mao Tse Tung?

2. Bakit yung mga sumusunod sa batas ang pinapahirapan?
Isang magandang idea parati ng mga ahensya ng gobyerno ang: dagdagan ang buwis ng mga empleyado, dagdagan ang binabayaran ng mga OFW, dagdagan ang bayaran ng mga kumukuha ng business permit, dagdagan ang bayad sa airport, etc.

Pero kung tama ba yung pagma-manage sa pera ng mga ahensyang ito eh hindi yata masyadong napag-aaralan. Gaya ng balitang ito: 250,000 OFWs deprived of Philhealth benefits

Lalo lang nitong ine-encourage ang mga tao na maghanap ng loophole at lumabag sa mga ipinapatupad na batas ng pamahalaan. Bakit ‘di muna nila ayusin yung umiiral na sistema bago magpataw ng bagong pagkakagastusan sa mga tao?

3. Bakit may mga nagbubuga pa rin ng maitim na usok na sasakyan?
Kahit merong mga smoke belching tests sa LTO, marami pa ring nagkalat na nagbubuga ng nakakalason na usok sa kalsada. Paano nakakapasa sa test ang mga sasakyang ito?

Tapos dadagdagan nila yung taon ng pag-aaral ng mga estudyante para daw maging competitive tayo. Eh linisin lang natin yung hangin natin eh baka mag-improve ang IQ nating lahat sa Pilipinas eh!

4. Bakit merong “For Registration” na plate number?
Kung yung mga plate number na ngang totoo eh napepeke, ‘yun pa kayang “For Registration”? Eh kahit sino kayang gumawa nun eh.

Hindi ba napakadaling makatakas ng kahit sinong nakagawa ng krimen kung “for registration” ang plate number ng gagamitin nilang sasakyan? Ipagbawal na dapat ang paggamit nito eh. Kung hindi pa registered ang sasakyan, hindi ito dapat gamitin sa kalsada.

5. Bakit gustung gusto nating ginagaya ang ibang bansa?
Yung palabas nila sa tv, yung pananamit nila, yung kanta nila etc., patok na patok sa atin at kinokopya pa natin. Mangongopya na rin lang tayo eh di kopyahin na rin natin yung mga ugali nilang nagiging dahilan ng pag-unlad ng bansa nila. Gaya ng pagsunod sa batas at mahigpit na pagpapatupad dito.

6. Bakit mayaman ang Intsik sa bansa natin?
Bakit si Henry Sy ang pinakamayamang tao sa Pilipinas at hindi si Manny Pangilinan? Bakit hindi Pilipino ang mayayaman sa Pilipinas? Filipino citizen na ba si Henry Sy? Pwede na rin ba tayong maging proud para sa kanya?

7. Bakit masyadong sensitive ang mga Pilipino?
Kahit alam nating may bahid ng katotohan, makikipag-away, makikipaglabasan ng baho, makikipag-debate tayo sa mga negative na sinasabi sa atin.

Pero kahit maipamukha natin sa ibang bansa na mas reject ang bansa nila, hindi nun nababago yung masamang kalagayan ng peace and order, ekonomiya, edukasyon, kalusugan, kalinisan, government service, at iba pa sa bansa natin. Nananatili pa rin yung katotohan na kailangan pa rin ng malawakang improvement sa bansa natin.

8. Bakit may mga problema ang bansa na hindi sinu-solusyunan?
20 years ago, binabaha na yung mga kalsada sa lugar namin. Hanggang ngayon, binabaha pa din! Kapag may buni ka ba sa balat, hahayaan mo lang ito mawala? Hindi ba gagamutin mo ito?

Pero bakit yung gun related violence, hoodlums in uniform, hazing, election violence, maruming inuming tubig, trahedya pag may bagyo, street children at child labor, tagas ng water pipes, sirang mga kalsada, illegal recruiters, mga napuputulan ng daliri ‘pag bagong taon, tinatamaan ng ligaw na bala, kidnapping, carnapping, inefficient garbage disposal system, etc., etc., etc., ay hindi pa rin nagagawan ng pangmatagalang solusyon?

Mga sakit ng lipunan ito na hindi ginagamot.

9. Bakit nagkalat ang mga baril sa isang bansang marami ang nagugutom?
Sa’n nakakakuha ng baril ang mga criminal elements ng lipunan natin? Mas madali na lang ba talaga makakuha ng baril at bala ngayon kesa makahanap ng marangal na trabaho?

10. Bakit may mga Pilipinong galit kunyari sa mga telenovela?
Mumurahin pa nila at lalait-laitin ang mga writer at artista ng telenovela. Isusumpa nila sa kaitaas-taasang langit ang telenovela pero maaasahan mong araw-araw pa rin nila itong susundan at hindi palalagpasin para malaman kung ano ang mga susunod na pangyayari.

Nakaka-high blood. Pwede ba akong sumigaw?

sigaw ng galit

Okay na ‘ko…meron pa pala.

11. Bakit may mga Pilipinong hindi nagre-reklamo sa awtoridad?
Magrereklamo sila sa mga kaanak nila, kaibigan nila, sa mga ka-text nila, mga ka-facebook nila o kaya sa…blog nila! Pero hindi sila magrereklamo dun sa mga merong pwedeng magawa. Hay naku!