Lahat Gagawin sa Kapakanan ng Sining

Advisory: Ang post na ito ay hindi angkop sa mga nakababatang mambabasa. Patnubay ng magulang ay kailangan. Winarningan na kayo. Wag matigas ang ulo.

—————————————————————————

Hanggang saan ang gagawin ng isang alagad “kuno” ng sining upang ipahayag ang kanyang pagiging malikhain? Nabasa ko ang isang nakakahindik na balita sa Japan Today kaninang tanghali at naalala ko ang iskandalosong art exhibit ni Medeo Cruz sa CCP nung nakaraang taon.

Heto ang unang mga bahagi ng balita:

Police are investigating whether a man who cooked his own severed genitals and served them to five paying diners committed a crime, investigators said Tuesday.

Mao Sugiyama had his pe*** and tes****** surgically removed in March and kept them frozen for two months before cooking them at a public event in May.

Diners each paid 20,000 yen for a portion.

Narito ang link sa buong balita: Police investigate man who cooked his own genitals

Sa mga ayaw mag-click sa link, heto ang summary:

Isang lalaking pintor na itinuturing ang kanyang sarili na walang kasarian, ang nagpasyang ipatanggal ang kanyang reproductive organs, itabi ito at iluto sa isang event upang magpakalat ng kamalayan tungkol sa kung anu-anong mga bagay na may kinalaman sa kasarian.

At may mga nagbayad na “customer” upang kainin ito!

Ang ka-weirduhang ito ng mga “artist” at “followers” ay walang pinipiling kasarian, edad o nasyonalidad. Excuse me, magsusuka lang ako sandali.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , , ,

4 replies

  1. Ang lawak talaga ng sining. Kahit ano, saan at sino kaya nitong saklawin. Walang hangganan, walang limitasyon, walang tama at walang mali.

    Ang paniniwalaan ko na lamang ay kung alin ‘yong kung saan mapapatango ako at hindi mapapa-ewwwww.

    Kakaiba sa mambabasa si Mao pero isa pa rin siyang alagad ng sining. Matapang para ipatanggal ang tit* at baya* pero…oo may pero …ay artist pala siya. Gulo ko eh.

    Sana ginawa niyang medyum yong baya* niya sa kaniyang painting..pinatuyo..kaya lang pinatikim..pero..pero artist siya eh.

    Hahahaa. Diyan ka na nga RP.

    • Wahahaha! Salamat sa comment Ser J. Gumulong ako at lumuha sa katatawa sa iyong comment.

      Subalit patawarin mo sana ako sa pag-edit sa maseselang bahagi ng iyong comment. Hindi sya pumasa sa self-regulatory board. Kill me now na lang po. Patawad po.

      • Walang kaso iyon. Ito’y iyo. Subalit wala akong intensiyon na lumikha ng magliligaw sa mambabasa mo sa paggamit ko ng “maseselang bahagi” dahil ang turing ko sa mga salitang ito ay pangkaraniwan gaya ng braso, leeg, alak-alakan, singit, dibdib at iba pang kauri nito. Hehehehe. Ayaw ko din namang gumamit ng salitang upo,saging para mailarawan ang “maselang” bahagi ng tao. Unfair iyon. Hahahaha.

        Diyan ka na ulit RP. Nga pala bigyan mo ako ng topic na nais kong isulat para sa site mo. Huwag maseselang bahagi ha, baka puro asterisks ang mabasa ng readers mo. Kill me now na lang po. Tnt

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: