Kodigo ng Pagkamamamayan at Kagandahang Asal

Kung sinunod lang sana ito ng ating mga ninuno, baka matagal nang 1st world ang Pilipinas at hindi na natin kelangan ng visa sa maraming bansa 😀

Pero baka hindi pa huli ang lahat. Baka kaya pa natin gawin kahit ilan lang sa mga ito.

*******************************************************************************

kodigo ng pagkamamamayan ng pangulong manuel quezon

1. Magtiwala ka sa Poong Maykapal na gumagabay sa kapalaran ng mga tao at mga bansa.

2. Mahalin mo ang iyong bayan sapagkat ito ang iyong tahanan, pinagmumulan ng iyong pagmamahal at bukal ng iyong kaligayahan at pagiging tao. Ang pagtatanggol sa bayan ang pangunahin mong tungkulin. Maging handa sa lahat ng oras na magpakasakit at ialay ang buhay kung kinakailangan.

3. Igalang mo ang Saligang Batas na nagpapahayag ng makapangyarihang kalooban. Itinatag ang Saligang Batas para sa iyong kaligtasan at sariling kapakanan. Sundin ang mga batas at tiyaking sinusunod ito ng lahat ng mamamayan at tumutupad sa kanilang tungkulin ang mga pinuno ng bayan.

4. Kusang magbayad ng mga buwis at maging maluwag sa kalooban ang maagap na pagbabayad nito. Alalahaning ang pagkamamamayan ay hindi lamang mga karapatan ang taglay kung hindi maging mga pananagutan din.

5. Panatilihing malinis ang mga halalan at sumunod sa pasya ng nakararami.

6. Mahalin at igalang ang iyong mga magulang. Paglingkuran mo silang mabuti at pasalamatan.

7. Pahalagahan mo ang iyong karangalan gaya ng pagpapahalaga mo sa iyong buhay. Ang karalitaang may dangal ay higit na mahalaga kaysa sa yamang walang karangalan.

8. Maging matapat sa pag-iisip at sa gawa. Maging makatarungan at mapagkawanggawa, ngunit marangal sa pakikitungo sa kapuwa.

9. Mamuhay nang malinis at walang pag-aaksaya. Huwag maging maluho at mapagkunwari. Maging simple sa pananamit at kumilos nang maayos.

10. Mamuhay na gaya ng inaasahan sa iyo ng marangal na tradisyon ng ating lahi. Igalang ang alaala ng ating mga bayani. Ang kanilang buhay ay halimbawa ng daan tungo sa tungkulin at karangalan.

11. Maging masipag, huwag ikatakot o ikahiya ang pagbabanat ng buto. Ang pagiging masipag ay daan tungo sa isang matatag na kabuhayan at dagdag sa yaman ng bansa.

12. Umasa sa iyong kakayahan sa pag-unlad at kaligayahan. Huwag agad mawawalan ng pag-asa. Magsikap upang makamit ang katuparan ng iyong mga layunin.

13, Gampanang maluwag sa kalooban ang iyong mga tungkulin. Ang gawaing hindi maayos ay higit na masama sa gawaing hindi tinapos. Huwag ipagpabukas ang gawaing maaari mong gawin ngayon.

14. Tumulong sa kagalingan ng iyong pamayanan at palaganapin ang katarungang panlipunan. Hindi ka nabubuhay na nag-iisa kapiling ang iyong mag-anak lamang. Bahagi ka ng isang lipunang pinagkakautangan ng pananagutan.

15. Ugaliin ang pagtangkilik sa sariling atin at sa mga kalakal na gawa rito sa atin.

16. Gamitin at linangin ang ating likas na yaman at pangalagaan ito para sa susunod na salinlahi. Ang mga kayamanang ito ang minana pa natin sa ating mga ninuno. Huwag mong gawing kalakal ang iyong pagkamamamayan.

Pangulong Manuel L. Quezon
Atas ng Tagapagpaganap Blg. 217
Agosto 1939

*******************************************************************************

References:



Categories: Pilipinas Info

Tags: , , , , ,

1 reply

Trackbacks

  1. Mga Bagay na Maaaring Gawin ng mga Pilipino Para Maging Kaaya-ayang Manirahan sa Pilipinas | The Pinoy Site

Leave a Reply

%d bloggers like this: