Drugs, gun-for-hire killings, murder, rape, child prostitution, kidnapping, robbery, acts of terrorism at malversation of public funds – ito ang mga lumalalang krimen sa lipunan natin. Ito rin ang mga problemang ipapamana natin sa ating mga anak.
Subalit para sa lahat ng krimen na ito ay may isang kandidatong solusyon. Ito ay ang pagbabalik ng Death Penalty sa Pilipinas.
Narito ang ilang mga dahilan kung bakit kailangang ibalik na sa ating bansa ang Death Penalty, now na!
- Dahil hindi natatakot sa batas ang mga kriminal
- Dahil dumadami ang mga kriminal at nagkukulang ang mga pasilidad para i-contain sila
- Dahil nababawasan ang resources ng bansa sa pag-aaruga ng mga kriminal sa kulungan
- Dahil nagiging headquarters lang ng mga kriminal ang kulungan
- Dahil hindi naman lahat ng kriminal ay nagdudusa kahit nahatulan na
- Dahil may mga kriminal na hindi hihinto sa kasamaan habang nabubuhay sila
- Dahil lumilikha ng mga bagong kriminal ang mga kriminal
- Dahil binabago ng tiyak na kamatayan ang perspektibo ng isang tao (nagsisisi, nagiging banal, tinatanggap ang nagawang pagkakamali, hinahanda ang sarili para sa pagpanaw)
- Dahil kahit walang malasakit sa tao ang mga kriminal, may malasakit siya sa sarili niyang buhay (pwede silang mapigilan sa paggawa ng krimen kung alam nilang tiyak na kamatayan ang magiging parusa sa kanila)
- Dahil mapipigilan ng death penalty ang pagdami ng mga vigilante na inilalagay ang batas sa kamay nila
Dapat din syempreng repasuhin agad ang judiciary system natin upang magkaroon ng mabilis, pantay at malinis na paglilitis sa mga krimen.
Maraming ginagawang paraan ang pamahalaan natin para dumami ang mga turista at foreign investment sa Pilipinas. Pero kung ibubuhos lang sana nila ang kanilang puwersa at paggastos ng pera sa pagbabawas ng krimen sa bansa, siguradong dadami ang lokal na negosyo, ang pagdayo ng mga turista at investments sa ating bansa.
Gusto ko na sana tapusin ang post na ito sa pagsuporta sa Death Penalty subalit ang mapait na katotohanan ay hindi magiging epektibo ang Death Penalty sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa.
Sa kasamaang palad, narito ang mga dahilan kung bakit hindi magiging epektibo ang death penalty sa Pilipinas.
- Dahil sa corruption sa loob ng PNP
- Dahil sa corruption sa loob ng mga kulungan
- Dahil sa corruption sa judiciary system (mabagal na proseso at nababayarang mga judges)
- Dahil sa corruption ng government officials (lalo na sa LGU level)
- Dahil sa kahirapan sa bansa (iaalok ng mga mahihirap kapalit ng pera ang kanilang sarili para akuin ang kasalanan ng mga mayayaman)
Ang dapat gawin ng ating bansa kung ganon ay:
- Eradicate corruption sa lahat ng sangay ng Pamahalaan at pribadong sektor
- Improve education and basic services para sa mga mamamayan
- Impose Death Penalty Law
Pero parang loop, hindi ba? Paano mo mai-eradicate ang corruption kung hindi natatakot sa batas ang mga corrupt? At paano naman sila matatakot kung alam nilang hindi naman sila mapaparusahan?
Kailangang ma-eradicate muna kung ganon ang katiwalian sa lahat ng sektor ng ating lipunan. Pero kung wala nang korapsyon, kailanganin pa kaya natin ang death penalty?
Related articles:
- Timeline of death penalty in the Philippines
- Crimes and the death penalty
- Capital punishment in the Philippines
Categories: Halu-halo
Death penalty is not the key to reduce the criminals in our country.
pano ka nakakasiguro dyan ang death penalty ang magpapababa ng criminal rate dito sa pilipinas
hindi po binanggit sa artikulo na siguradong death penalty ang magpapababa ng criminal state sa pilipinas…
Simple solution, keep away from illegal drugs and nobody will be killed. If you deal with illegal drugs be prepared to suffer the consequences…many poor people survive doing the right thing and work hard to earn a living and they are still alive….
e kung kayo naman ang mag karoon ng kasalanan? at patawan kayo ng death penalty? sang ayon prin kayo?
pano kung patayin ng isang kriminal ang pinakamamahal mo? o kaya’y kamag-anak mo? hindi ka parin ba sasang-ayon sa death penalty?
Death Penalty ang sagot sa kahirapan ng Pilipinas… nang mabawasan ba kamo ang mga unemployed na masasamang tao na wala namang naimbag sa lipunan ng Pilipinas.Puna pa nang puna sa gobyerno eh wala namang magawa.
Hindi ako sumasang ayon na muling ibalik ang nasabing Death Penalty sa ating bansa, sapagkat hindi ang kamatayan ng isang taong nagkasala sa mata ng batas ay ang kanyang buhay ang dapat kabayaran, Sa halip na death penalty ang pagtuunan ng pansin, kalampagin ang Philippine National Police at mga local na pamahalaan sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tutukan ang pagresolba sa mga krimen. Kung maaaresto agad ang mga kriminal buhay man o patay asahan na ito ang pinaka-instrumento upang bumaba ang bilang ng kriminalidad sa bansa lalo na sa Metro Manila. Kahit pa may parusang kamatayan sa bansa pero kung hindi naman mabilis ang pag-aresto sa mga criminal, wala rin itong bisa. Bukod dito, dapat pabilisin ang proseso sa mga korte upang mahatulan at maparusahan agad ang mga kriminal. Kung susuriin, mas masahol pa nga sa parusang kamatayan ang mabilanggo ng habambuhay dahil sa hirap ng kalagayan sa mga kulungan maliban na lang sa mga mayayaman na nakakapamuhay sa loob na masarap pa rin ang buhay. kapag ang isang tao ay nahatulan nang mali at naparusahan ng kamatayan, hindi na maibabalik ang buhay nito samantalang kung habambuhay na pagkabilanggo ay maaring makalaya. Hindi pa perpekto ang justice system sa bansa kaya hindi puwede ang death penalty.
sangayon ako sa death penlty para mapagbayaran ng mga criminal ang kanilang kasalanann
ANG DEATH PENALTY AY SUSI NG KAPAYAPAAN SA BANSA BAWAT TAO AY DESIPLINAHIN NYA ANG KANYANG SARILI,, LALO PAG GAWIN SA HARAP NG PUBLIKO ANG EXECUTION,,,
Nag-aala pusong mamon kasi ang mga may kapangyarihan upang makuha ang simpatya ng taong bayang bayan -_- Dapat talagang ibalik ang death penalty sa Pilipinas upang magkaroon naman ng disiplina ang bawat isa sa atin.
Sa amin ang daming adik at halos lantaran ang bentahan ng droga. Uso rin ang akyat-bahay. Ang hirap matulog sa gabi, lalu na hindi mo alam takbo ng utak ng mga adik.
Sang ayon din ako dyan dahil wala na talagang takot yung mga kriminal ngayon. Pero nga….parang ang hirap ipatupad (agad) haay kalungkot lang
oo nga eh kung puspusan lang sanang pupuksain ng pamahalaan ang kriminalidad sa bansa, baka matagal na tayong naging 1st world country 😀