Kaya Mo Bang Mag-Survive sa Pag-aaral Nang Hindi Nangongopya?

Ang post pong ito ay mula sa ating guest blogger, ang may-akda ng blogsite na Pinay Unlimited. Ayaw n’yang pa-define pero ang masasabi ko po ay may passion s’ya sa kanyang pagsusulat at mararamdaman mo ang kanyang energy sa kanyang mga posts. Makabayan at may prinsipyo pero hindi yung tipong magra-rally sa kalsada at magsusunog ng effigy.

Bukod sa kanyang blog, maaari din siyang i-follow sa Facebook at sa Twitter.

Kasalukuyang nasa kolehiyo ang ating guest blogger at isa ring working student. Ang tema ng post na ito ay inspirational, encouraging, napapanahon at dapat na mabasa ng marami sa ating mga kabataan.

Hindi imposible ang huwag mangopya. Nagtataka tayo bakit naging talamak ang katiwalian sa lipunan natin pero hindi nakapagtataka ito kung sa pagkabata pa lamang ay nagkakakalyo na ang kunsensya natin sa mga bagay na hindi tama.

RP

******************************************************************************
Kaya Mo Bang Mag-Survive sa Pag-aaral Nang Hindi Nangongopya?
by Pinay Unlimited

nangongopyang kabataan

nagsisimula ang kultura ng katiwalian sa ating kabataan…(ehow.com)

Ang sabi nila, may mga bagay sa buhay na mali na pero ginagawa pa rin natin. Tulad na lamang ng pangongopya. Ikaw, nakapangopya ka na ba?

Kung oo, apir tayo. Pero hindi dahil sa tama ito, kung hindi dahil ako rin, nagawa ko rin ito noon. Pero kung sasabihin ko sa iyo na ang huling pagkakataong nakapangopya ako ay noon pang high school, anong magiging reaksyon mo? Siguro iisipin mo hindi na siguro ako nakapagpatuloy ng pag-aaral kaya hanggang H.S. ko lang nagawa iyun. Ngunit mali,nakapagkolehiyo po ako.

Anong nangyari at nagkaroon ng pagbabago sa puso ko? Simple lang, kasi mali. Obvious naman na mali. Kaya nasabi ko sa sarili, “ayaw ko nang magpaanod pa sa maling sistema na ginagawa ng HALOS LAHAT NG TAO.”

Ayun nga, batid naman nating lahat na mali ito, pero bakit marami pa rin sa atin ang gumagawa? Para lang yang bawal na pag-ibig e, alam mo na ngang mali nagpapaanod ka pa 🙂

Kaya heto, bibigyan kita ng ilang benepisyo ng pagtalikod sa mali at masamang gawain ng pangongopya. Kung tapos ka na ng iyong pag-aaral, hindi pa naman huli ang lahat. Dahil kung tatanggapin mong mali ito at ituturo mo ang tama sa ibang tao lalo na sa iyong mga anak ay makakatulong ka pa ring mabago ang popular ngunit masamang sistema na ito.

TATLONG BENEPISYO NG HINDI PANGONGOPYA:

1. Totoong kredito sa iyong nakamit na karangalan.

Aanhin mo ang diploma o ang medalya o ang best in Math o ang pagiging valedictorian at cum laude kung ang katotohanan naman ay nagsusumigaw na hindi mo iyun nakuha dahil sa “sariling pagsusumikap?” Masakit hindi ba? Ngunit iyun ang katotohanan. Kaya ang may karapatan lang magbunyi at magmayabang ng kanilang karangalan ay iyung mga taong “totoong nagsumikap ng 100%.”

2. Integridad at respeto sa sarili.

Hindi ba ang pangongopya ay maihahalintulad na rin sa pagnanakaw at pagsisinungaling? At higit kanino man, ang niloloko mo rito ay ang iyong sarili. Ngunit isipin mo na lang kung hindi ka nangongopya. Ano ang epekto? Magkakaraoon ka ng integridad at respeto sa sarili. Mahirap makamit ang mga iyan. Dahil bago ka magkaroon ng integridad at respeto ay susubukin ka muna at patitibayin ng panahon. Oo, pinaghihirapan iyun. At hindi nakokopya.

3. Pagiging tunay na yaman ng bayan.

Paano kung nakatadhana palang maging susunod na presidente ng Pilipinas ang iyong anak? O huwag na tayong lumayo, paano kung nakatadhana ka palang maging lider ng bansa? Paano mo huhubugin ang iyong sarili? Sa pag-aaral, magiging grade conscious ka ba? Na sa kahit na anong paraan, kailangang perpekto at “mukhang” magaling sa klase?

Paano kung pinili mong patibayin ang iyong puso kaysa sa credentials mo? Sigurado ako, ikaw ang klase ng lider na kailangan ng bansa mo. At kung hindi man sa pulitika ang calling mo, sigurado isa kang yaman kung saan ka man naroroon. Ika nga ni Theodore Roosevelt:

Character is, in the long run, the decisive factor in the life of individuals and of nations alike.

Marahil sasabihin mo sa akin, “mahirap yan, imposible!” Oo, mahirap ito, dahil minsan magtatampo pa ang kaibigan mo at sasabihan ka pang madamot. At marahil, iniisip mo, “ikaw na, the best ka eh.” 🙂 Ngunit alam n’yo, aaminin ko marami rin akong mga maling desisyon sa pag-aaral noong nasa kolehiyo ako (tulad ng pagiging late at hindi pagbibigay ng dedikasyon sa groupworks). Pero pinagsisisihan ko ang mga iyun.

At tunay nga na hindi pa huli ang lahat. ‘Pagkat ngayong taon ay nagbalik akong muli sa pag-aaral (upang muling buuin ang aking pangarap at pagkatao). At kahit hindi birong pagsabayin ang pag-aaral at trabaho ay hindi iyun naging hadlang sa pagpapatuloy ko ng aking nasimulang commitment na HINDI PANGONGOPYA at PAGPAPAKOPYA.

At ngayon, ni-level up ko pa ang aking commitment. Dahil hindi lang basta hindi pangongopya. Bagkus gawin ang lahat ng aking makakaya. Reyalistiko akong tao at batid ko ang mga sakripisyo na dapat kong yakapin (tulad ng puyat at pagod) upang makamit ng mataman ang epektibong pagkatuto.

Kung nagawa ko, magagawa nyo rin. Isipin nyo na lang, sa huli hindi naman mataas na grado at mabangong pangalan ang tunay na magpapasaya sa puso mo. Dahil sa huli, ang pinaka-importante pa rin ay paglago ng pagkatao.

Kaya mo bang maka-survive sa pag-aaral ng hindi nangongopya? OO. KAYA MO.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , , ,

6 replies

  1. Woohoo! Hindi ‘to imposible talaga. Sang-ayon ako kasi nagagawa ko rin ang hindi mangopya. Yey magbunyii!

    Higit sa lahat, ang hindi pangongopya ang magpapakita na may natutunan ka talaga sa mga leksiyon sa paaralan. 🙂

  2. hindi talaga maganda ang epekto nitong pangongopya sa kabataan. nung nag-aaral pa ako, nafu-frustrate ako sa mga kaklase kong teamwork lagi ang istilo sa pagte-test. may kanya-kanyang puwesto lagi kung paano mapapadali ang pangongopya.

    ang mga patas (meaning, hindi nangongopya) na kumukuha ng test eh laging nalalamangan ng mga mandaraya. with high honors sila, nagdi-dean’s list sila, tumataas ang grades nila with little, to no effort.

    nakakawalang-gana para sa mga estudyanteng gustong maging tapat. ganyan nagiging corrupt ang lipunan natin, sa eskwelahan pa lang, nahahasa na ang kabataan gumawa ng mali.

    sana maglagay ng mga counter-measures ang mga guro para puksain ang kulturang ito sa mga kabataan natin.

Trackbacks

  1. Bakit Hindi Dapat Mangopya sa Klase | The Pinoy Site
  2. Mga Maaaring Gawin ng Guro Para Pigilan ang Pangongopya sa Klase | The Pinoy Site
  3. Paano Makapasa sa Pag-aaral Kahit Hindi Nangongopya

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: