Kulang sa Inspirasyon (Part 2/2)

Gaano kaaga itinuturo sa mga batang Hapon ang magsikap?

Ise-share ko itong Japanese na pambatang kanta na inaawit sa isang popular na children’s show sa Japan. Ang children’s show na ito ay para sa mga pre-schoolers. Kaya 5 years old below ang target audience ng programang ito.

Ang pamagat nito ay “The Boyoyon March”.  Ang “boyoyon” ay sound effect ng paglundag sa Japanese. Parang “boing! boing! boing!” sa English. Parang nagma-martsa ang beat kaya “The Boyoyon March” ang pamagat. Nasa ibaba ang Japanese at Tagalog lyrics.

Narito naman ang youtube link ng kanta: Link (pasensya na, wala akong nakitang magandang kopya)

(Japanese)
Donna taihen na koto ga okitatte
Kimi no ashi no sono shita ni wa,
Totemo totemo joubu na bane ga tsuiterun da ze.
Shitteta?

Oshi-tsubusaresou na sonna toki datte
Guh! to hizakkozou ni yuuki o tame
“Ima da! Stand by, ok!”
Sono toki o matsu no sa

Pyuu raa rii raa kaze ga kimi o yonde iru yo
Pyuu raa rii raa raa ima koso!

Boyoyoyon to sora e tobi-agatte miyou
Hora ano kumo made te ga todokisou

Boyoyoyon to takaku tobi-koete yukou
Niji no fumoto de egao de matteru kimi ga iru

Boyoyoyon to sora e tobi-agatte miyou
Hora ano hoshi sae te ga todokisou

Boyoyoyon to takaku tobi-koete yukou
Hoshi no shizuku wa hajimete no ashita e to tsuzuku

(Tagalog)
Kahit gaano kalaking problema ang mangyari
Sa iyong paa ay may mga malalakas na pakpak
Alam mo ba ‘yun?

Kahit sa oras na parang madudurog ka
Ihanda ang mga tuhod at ipunin ang lakas ng loob
“Ngayon na! Naka-stand by na ako!”
Ang timing na iyon ang hihintayin

Pyuu raa rii raa (tunog ng umiihip na hangin)
Tinatawag ka ng hangin
Pyuu raa rii raa raa
Ngayon na!

Boyoyoyon (sound effect ng paglundag)
Pumaimbulog sa kalangitan
Tingnan mo, abot-kamay ang mga ulap na iyon

Boyoyoyon, lumundag ng pagkataas-taas
Sa paanan ng bahag-hari ikaw ay nakangiting maghihintay

Boyoyoyon, pumaimbulog sa kalangitan
Tingnan mo, abot-kamay kahit ang mga bituing iyon

Boyoyoyon, lumundag ng pagkataas-taas
Ang bulalakaw ay magpapatuloy hanggang sa bagong bukas

Hindi ko na siguro kelangan ipaliwanag ang message ng kanta.

Hindi ko na kelangan sabihin na tungkol ang kanta sa pagsisikap at paghihintay ng tamang oras para sagupain ang mga kinakaharap na balakid papunta sa gustong puntahan.

Kapag sinabi ko pa kasi kung tungkol saan ang message nitong kanta eh dadami lang ang isusulat ko. Eh medyo tinatamad pa mandin akong magsulat ngayon hehe.

Kahit mga pre-schoolers pa lang eh kinakantahan na ng ganito. Kaya kahit sa napakabatang gulang eh natututo na ang batang Hapon na magsikap i-overcome ang mga challenges na kinakaharap n’ya para makarating sa mga goals n’ya.

Matutong mag-bike, matutong magbasa, matutong magtupi, magsintas ng sapatos, etc. Simple lang naman ang goals at challenges ng mga bata. Pero ang conscious na pagsisikap na natututunan nila sa murang edad ay natatandaan at nadadala nila habang lumalaki sila.

Kung magsisikap ay maaabot kahit ang pinaka-malayong bituin. Kelangan din nating mga Pilipino ang ma-inspire at ma-encourage.

Unfortunately, sa ibang mga Hapon, sumusobra sila sa pagsisikap at nasasakripisyo na ang iba pang mga importanteng bagay sa buhay. Pero ibang topic na ‘yon.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , ,

6 replies

  1. Ang lalim ng pinanggagalingan ng pagmamahal mo sa bayan.. Isa kang tunay na bayani.. Mabuhay ang mga OFW na katulad mo.. Madami na din akong nakasalamuha na mga OFW, napakaraming kwento, pero madalas kagaya mo naimpluwensyahan na sila ng ibang kultura. Ang iba naghahangad na sana matulad tayo sa bansang kinasadlakan nila na maunlad, ang iba aman, kung laitin nila ang Pilipinas parang hindi sila mga pilipino, parang kadiri ang bansa natin.. Hay ang tao nga naman. Pero grabe napapahanga mo ako… 🙂

    • salamat sa mga magagandang salita, mam binky 🙂 nahiya naman ako, gusto ko lang i-share yung mga magagandang bagay na napansin at natutunan ko sa ibang bansa na sa tingin ko eh magiging kapaki-pakinabang din para sa atin…

      • Tama lang naman.. Ang mga tulad mo ang kailangan ng bansa natin.. Wag ka nga lang tatakbo sa politiko baka ma corrupt ang pag-iisip mo.. Kung pakapag mam ka naman…

        • haha, pasensya na. sige binky na lang 😀 magalang talaga kasi ako lalo na sa mga taong kagalang-galang…

          naku, ano naman kayang masamang hangin ang iihip sa akin para pumasok sa pulitika? hindi naman halang ang aking bituka, este, ang pangarap ko lang ay makasama ko na ang aking mag-ina, mamuhay ng tahimik, at makakain sa jollibee once a week hehe

          • Alam mo bang minsan binalak ko na pumasok sa politika, sa paghahangad ko na mabago ang sistema? Pero suntok sa buwan un.. Pera pera lang ang katapat at kung wala ka pera nuisance candidate ka..

            • wow, talaga? isa ka ring bayani, binky 😀

              bagamat magandang hanapbuhay ang pulitika sa ating bansa, mahirap nga kung wala kang pondo…ganyan ang naging problema nung nag-iisang naglakas loob na kumalaban kay congresswoman GMA sa pampanga nung 2010 election, wala na syang pondo, hindi pa sya sikat, ang meron lang s’ya ay yung hangarin na magkaroon ng pagbabago.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: