KM3:TINIG (Ibuwal ang mga Pader)

*****************************************************************************
Ipinapauna ko ang paghingi ng paumanhin sa pagiging napaka-Tagalog ko sa sulating ito.
Mangyari kasi’y walang pangingiming inilahok ko ang aking sarili sa patimpalak ng Kainaman kung saan si JKulisap ang may pasimuno.
*****************************************************************************

Mahalagang bagay ang maibahagi ang nilalaman ng ating isip sa mga taong naka-paligid sa atin. Pinapatatag nito ang ugnayan natin sa ating kapwa-tao at nagbibigay sa atin ng mga kaaya-ayang karanasan.

Maraming paraan para maibahagi ang saloobin natin at isang mabisang paraan ay ang paggamit ng ating tinig. Sabi nga nila, “H’wag kang parang tuod, magsalita ka!”.

Sa isang pangkaraniwang tao na walang kapansanan sa pag-iisip, ang pakikibagay at pagsasanay sa sarili sa bagong kapaligiran ay hindi nangangailangan ng napakatagal na panahon. Sapat na ang ilang linggong patuloy na pakikipag-ugnayan sa bagong paligid na kinasadlakan.

Paano naman kung mapasadlak sa isang kapaligiran na may ibang kultura, ibang wika at ibang pamamaraan? Gumulat ang mga ito sa akin nang una akong dumating sa bansang Hapon.

Karamihan sa mga Hapon na aking nakilala ay unang beses pa lamang maka-salamuha ng Pilipino. Subalit nararamdaman ko na mayroon na silang pananaw kung ano ang mga Pilipino ayon sa mga hindi mabuting balita o kuwentong narinig na nila tungkol sa Pilipinas.

Karamihan sa kanila ay hindi nakakapag-Inggles at lalo namang hindi nakakapag-salita ng
Tagalog. Ako naman ay hindi marunong mag-Hapon ng mga panahong iyon.

Gumugol ako ng halos dalawang taon upang matutunan ang kanilang salita, sulat, kultura at pananaw. Nagbigay ito sa akin ng lakas ng loob humarap sa mga Hapon. Hindi man perpekto, nagkaroon ako ng sapat na kakayahan upang makabuo ng makabuluhang relasyon sa ilang mga Hapon na nasa aking paligid.

Naibahagi ko rin sa kanila ang mga mabuting bagay tungkol sa Pilipinas na hindi nila malalaman sa panonood lamang ng mga balita tungkol sa ating bansa.

Kagaya ng mga nakalipas kong isinulat, ang pagsisikap upang lagpasan ang mga hadlang sa ating pag-unlad ay isang kakayahang natututunan.

Nang magawa kong iparinig ang aking tinig sa salitang nauunawaan ng mga Hapon, ibinuwal nito ang mga pader ng hindi pagkakaintindihan at lumikha ng tulay sa pagtatagpo ng magkaibang kultura.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , ,

13 replies

  1. Maraming salamat sa mga tinuran mo Ginoong JKulisap. Isang karangalan para sa akin ang masabihan ng ganito mula sa isang batikang manunulat na kagaya mo. Masayang makibahagi at matuto mula sa mga iba pang Pilipino na may puso sa pagsusulat. Kainaman 🙂

  2. “…Kagaya ng mga nakalipas kong isinulat, ang pagsisikap upang lagpasan ang mga hadlang sa ating pag-unlad ay isang kakayahang natututunan.

    Nang magawa kong iparinig ang aking tinig sa salitang nauunawaan ng mga Hapon, ibinuwal nito ang mga pader ng hindi pagkakaintindihan at lumikha ng tulay sa pagtatagpo ng magkaibang kultura.”

    Hindi ko mapigilang kopyahin ang tinuran mo sa pagtatapos ng iyong akda. Ipinakita nito kung gaano kabuo ang diwa ng iyong sanaysay. Payak na maituturing ang paksa dahil pangkaraniwan subalit naiiba ito dahil nga nandon ang naghuhumiyaw na katotohanan- ang pag-unlad ay isang kakayahang natutunan. Kapag naging maunlad, may puwang upang sa iba naman ay makibahagi. Ito ay simbolo ng paglago ng isang indibidwal saan mang larangan. Kapag natuto na siyang magbukas, tiyak ang maliwanag na bukas na tinatahak.

    Maraming salamat sa pakikiisa sa KM3: Tinig

  3. Natawa ako dito, bro: “H’wag kang parang tuod, magsalita ka!”. Hanep sa banat yan! ;P

    Dalawang taon na na pag-aaral ng salita at kulturang Hapon (and counting maybe?). Very impressive! Hangad ko ang iyong tagumpay! 🙂

    • Salamat sa iyong comment, Adrian. Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa rin naiintindihan ang lahat tungkol sa kanila at nag-aaral pa rin ako. Pero marami din akong hindi pa rin naiintindihan tungkol sa ating mga Pilipino. Salamat sa encouragement 😉

  4. Sugoi!!
    .
    kona message wa,
    Hontou Ni… Zannen Desu Ne 😦

  5. Nakakalungkot isipin na hinuhusgahan ang ating pagkatao sa kung anong baho ang sumingaw. Kahit ipagtanggol mo ang iyong sarili. Hindi sila maniniwala. Ganun pa man, mahalaga’y ang boses at ang iyong tinig. Upang ipagtanggol ang pagkatao’t dangal…

    Mahusay sir! Mabuhay ang mga Pilipino!.. 😀

Trackbacks

  1. KM3: TINIG | Kayumangging Damdamin
  2. KM3: RESULTA | Kayumangging Damdamin
  3. THE VERSATILE BLOGGER AWARD…my award and my nominees « Chilledhoney's Blog

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: