Tag Archives: Hapon

Maligayang Araw ng Kalayaan

Narito ang maikling kasaysayan patungo sa kalayaan ng ating bansa.

1521-1898 (Pamahalaan: Kastila)
Mahigit 300 taon tayong naging kolonya ng Kaharian ng Espanya. Nagsikap ang mga Pilipino na makalaya mula sa pamamahala ng ibang bansa.

1898-1946 (Pamahalaan: Amerikano)
Pagkatapos ibenta sa Amerika, halos 50 years tayong pinamahalaan ng mga Amerikano. Sinikap muli ng ating bansa na makalaya sa panibagong pamahalaan ng dayuhan.

1942-1945 (Pamahalaan: Hapon)
Bagama’t maikli lamang ang pamamahala, nagawang magtatag ng kanilang pamahalaan ang mga Hapon sa Pilipinas. Nagtagumpay din ang ating bansa na makalaya mula sa pamamahala ng mga banyagang ito.

1946-kasalukuyan (Pamahalaan: Pilipino)
Nakamit natin ang pinakamimithing kalayaan. At sa ilalim ng pamamahala ng kapwa Pilipino, marami ang nagpunta sa ibayong dagat.

Ang June 12 na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay sinimulan nung panahon ng Pangulong Macapagal. Bago iyon, ang ating kalayaan ay ipinagdiriwang ng July 4.

Para sa akin, July 4 ang tunay na araw ng ating kalayaan dahil dun pa lang talaga itinatag ang pamahalaang Pilipino. Pero dahil hindi ako KJ at law abiding citizen ako…

Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat.
Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mga Pilipino!

Advertisements

KM3:TINIG (Ibuwal ang mga Pader)

*****************************************************************************
Ipinapauna ko ang paghingi ng paumanhin sa pagiging napaka-Tagalog ko sa sulating ito.
Mangyari kasi’y walang pangingiming inilahok ko ang aking sarili sa patimpalak ng Kainaman kung saan si JKulisap ang may pasimuno.
*****************************************************************************

Mahalagang bagay ang maibahagi ang nilalaman ng ating isip sa mga taong naka-paligid sa atin. Pinapatatag nito ang ugnayan natin sa ating kapwa-tao at nagbibigay sa atin ng mga kaaya-ayang karanasan.

Maraming paraan para maibahagi ang saloobin natin at isang mabisang paraan ay ang paggamit ng ating tinig. Sabi nga nila, “H’wag kang parang tuod, magsalita ka!”.

Sa isang pangkaraniwang tao na walang kapansanan sa pag-iisip, ang pakikibagay at pagsasanay sa sarili sa bagong kapaligiran ay hindi nangangailangan ng napakatagal na panahon. Sapat na ang ilang linggong patuloy na pakikipag-ugnayan sa bagong paligid na kinasadlakan.

Paano naman kung mapasadlak sa isang kapaligiran na may ibang kultura, ibang wika at ibang pamamaraan? Gumulat ang mga ito sa akin nang una akong dumating sa bansang Hapon.

Karamihan sa mga Hapon na aking nakilala ay unang beses pa lamang maka-salamuha ng Pilipino. Subalit nararamdaman ko na mayroon na silang pananaw kung ano ang mga Pilipino ayon sa mga hindi mabuting balita o kuwentong narinig na nila tungkol sa Pilipinas.

Karamihan sa kanila ay hindi nakakapag-Inggles at lalo namang hindi nakakapag-salita ng
Tagalog. Ako naman ay hindi marunong mag-Hapon ng mga panahong iyon.

Gumugol ako ng halos dalawang taon upang matutunan ang kanilang salita, sulat, kultura at pananaw. Nagbigay ito sa akin ng lakas ng loob humarap sa mga Hapon. Hindi man perpekto, nagkaroon ako ng sapat na kakayahan upang makabuo ng makabuluhang relasyon sa ilang mga Hapon na nasa aking paligid.

Naibahagi ko rin sa kanila ang mga mabuting bagay tungkol sa Pilipinas na hindi nila malalaman sa panonood lamang ng mga balita tungkol sa ating bansa.

Kagaya ng mga nakalipas kong isinulat, ang pagsisikap upang lagpasan ang mga hadlang sa ating pag-unlad ay isang kakayahang natututunan.

Nang magawa kong iparinig ang aking tinig sa salitang nauunawaan ng mga Hapon, ibinuwal nito ang mga pader ng hindi pagkakaintindihan at lumikha ng tulay sa pagtatagpo ng magkaibang kultura.

Kulang sa Inspirasyon (Part 2/2)

Gaano kaaga itinuturo sa mga batang Hapon ang magsikap?

Ise-share ko itong Japanese na pambatang kanta na inaawit sa isang popular na children’s show sa Japan. Ang children’s show na ito ay para sa mga pre-schoolers. Kaya 5 years old below ang target audience ng programang ito.

Ang pamagat nito ay “The Boyoyon March”.  Ang “boyoyon” ay sound effect ng paglundag sa Japanese. Parang “boing! boing! boing!” sa English. Parang nagma-martsa ang beat kaya “The Boyoyon March” ang pamagat. Nasa ibaba ang Japanese at Tagalog lyrics.

Narito naman ang youtube link ng kanta: Link (pasensya na, wala akong nakitang magandang kopya)

(Japanese)
Donna taihen na koto ga okitatte
Kimi no ashi no sono shita ni wa,
Totemo totemo joubu na bane ga tsuiterun da ze.
Shitteta?

Oshi-tsubusaresou na sonna toki datte
Guh! to hizakkozou ni yuuki o tame
“Ima da! Stand by, ok!”
Sono toki o matsu no sa

Pyuu raa rii raa kaze ga kimi o yonde iru yo
Pyuu raa rii raa raa ima koso!

Boyoyoyon to sora e tobi-agatte miyou
Hora ano kumo made te ga todokisou

Boyoyoyon to takaku tobi-koete yukou
Niji no fumoto de egao de matteru kimi ga iru

Boyoyoyon to sora e tobi-agatte miyou
Hora ano hoshi sae te ga todokisou

Boyoyoyon to takaku tobi-koete yukou
Hoshi no shizuku wa hajimete no ashita e to tsuzuku

(Tagalog)
Kahit gaano kalaking problema ang mangyari
Sa iyong paa ay may mga malalakas na pakpak
Alam mo ba ‘yun?

Kahit sa oras na parang madudurog ka
Ihanda ang mga tuhod at ipunin ang lakas ng loob
“Ngayon na! Naka-stand by na ako!”
Ang timing na iyon ang hihintayin

Pyuu raa rii raa (tunog ng umiihip na hangin)
Tinatawag ka ng hangin
Pyuu raa rii raa raa
Ngayon na!

Boyoyoyon (sound effect ng paglundag)
Pumaimbulog sa kalangitan
Tingnan mo, abot-kamay ang mga ulap na iyon

Boyoyoyon, lumundag ng pagkataas-taas
Sa paanan ng bahag-hari ikaw ay nakangiting maghihintay

Boyoyoyon, pumaimbulog sa kalangitan
Tingnan mo, abot-kamay kahit ang mga bituing iyon

Boyoyoyon, lumundag ng pagkataas-taas
Ang bulalakaw ay magpapatuloy hanggang sa bagong bukas

Hindi ko na siguro kelangan ipaliwanag ang message ng kanta.

Hindi ko na kelangan sabihin na tungkol ang kanta sa pagsisikap at paghihintay ng tamang oras para sagupain ang mga kinakaharap na balakid papunta sa gustong puntahan.

Kapag sinabi ko pa kasi kung tungkol saan ang message nitong kanta eh dadami lang ang isusulat ko. Eh medyo tinatamad pa mandin akong magsulat ngayon hehe.

Kahit mga pre-schoolers pa lang eh kinakantahan na ng ganito. Kaya kahit sa napakabatang gulang eh natututo na ang batang Hapon na magsikap i-overcome ang mga challenges na kinakaharap n’ya para makarating sa mga goals n’ya.

Matutong mag-bike, matutong magbasa, matutong magtupi, magsintas ng sapatos, etc. Simple lang naman ang goals at challenges ng mga bata. Pero ang conscious na pagsisikap na natututunan nila sa murang edad ay natatandaan at nadadala nila habang lumalaki sila.

Kung magsisikap ay maaabot kahit ang pinaka-malayong bituin. Kelangan din nating mga Pilipino ang ma-inspire at ma-encourage.

Unfortunately, sa ibang mga Hapon, sumusobra sila sa pagsisikap at nasasakripisyo na ang iba pang mga importanteng bagay sa buhay. Pero ibang topic na ‘yon.