Mas Masaya sa Pilipinas (Part 1 of 4)

Hindi ako expert, hindi rin ako nag-aral sa mga sikat na paaralan ng Maynila (pero nag-aral naman ako sa sikat na paaralan sa probinsya namin, o ha?)

Siguro para sa mga expert at mga matatalinong tao sa likod ng ating pamahalaan eh importanteng importante na mapalago ang turismo sa Pilipinas. Pero para sa isang pangkaraniwang tao na mahilig mag-internet kagaya ko, parang may mas maganda pang dapat i-prioritize at asikasuhin ang ating bansa.

Sariling tanong ko lang naman kung bakit hindi rin gumugugol ng malaking halaga ang ating pamahalaan sa pagpapabuti ng peace at order? Dahil kaya mas mahirap gawin yun?

Sana kung gaano ka-agresibo ang Department of Tourism sa pag-anyaya ng mga dayuhan sa bansa eh ganun din ka-agresibo ang mga awtoridad sa pagpapababa ng karahasan sa bansa natin.

Isa pang bagay na nai-imagine ko sa bansa natin eh para itong babaeng maraming personal na problema. Dinadaan na lang n’ya sa make-up at magandang (o seksing) pananamit ang sarili para makaakit ng mga tao. Pero pag nakilala na s’ya lalo ng taong inakit n’ya eh iiwan din s’ya dahil matutuklasan ang tungkol sa mga personal issues n’ya.

Bakit hindi muna magpa-rehab ang babaeng ito? Pag ayos na s’ya eh totoong magugustuhan na s’ya ng mga tao sa kung sino s’ya. Hindi n’ya siguro ito gagawin dahil mas mahirap gawin yun, mas magastos o nakakatamad gawin.

Hindi pa ako nakapunta sa New Zealand at wala pa akong nakitang advertisement na humihikayat sa mga banyaga na magpunta dun. Pero kung papalarin akong magkamal ng limpak limpak na salapi (sa legal na paraan) eh isa ang New Zealand sa mga bansang una kong pupuntahan para pasyalan.

Ang ganda kasi ng image n’ya. Parang tahimik at maraming magagandang tanawin at masasarap na pagkain. Gaya ng cheese, ice cream, yogurt, lamb chops (punas laway)

Bakit kaya hindi muna i-rehab o i-make over ang bansa natin para gumanda rin ang image natin? Mahirap kaya yun? Imposible kaya? Masyadong matagal? Magastos? Matrabaho? Nakakatamad gawin?

Hmm, gusto ko tuloy makatikim ng Cadbury chocolates…

(Itutuloy…)

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , ,

2 replies

Trackbacks

  1. “Pagpapalago ng Turismo sa Pilipinas” | philippine info.
  2. Paano Mapapaunlad ang Turismo sa Pilipinas – The Pinoy Site

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: