Detalyadong International Flight Procedures Para sa NAIA Terminal 1 at 3

Narito ang mga procedures na dadaanan ng mga lilipad sa ibang bansa via Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 at 3. Para hindi ka maligaw at magmukhang walang kamuwang-muwang sa NAIA, inipon ko ang mga impormasyon dito kasama na ang ilang tips para maging gabay sa paggamit ng nasabing airport terminals.

Maaaring first time mo magbyahe sa labas ng bansa, o kaya naman ay balikbayan ka na matagal nang hindi tumutuntong sa NAIA o baka naman matagal ka nang hindi lumalabas ng bansa at nalimutan mo na kung paano dumaan sa proseso ng paglipad via NAIA 1 at 3. Makatulong sana sa iyo ang post na ito.

Para sa iyong future reference kung paano sumakay ng eroplano sa NAIA, i-bookmark, i-save o i-print ang post na ito para madaling mahagilap kapag iyong kinailangan.

At para sa mga sanay na magbyahe, paki-comment na lang po kung merong dapat i-correct sa mga impormasyong nakasulat dito.

Here we go.

naia 1 departure floor 02

departure area ng naia terminal 1

BAGO PUMUNTA SA AIRPORT

  1. Siguraduhing valid ang passport, visa, OEC (kung OFW), boarding pass (plane ticket), e-ticket, listahan ng contact information sa Pilipinas at sa bansang pupuntahan at kung anu-ano pang dokumento na dapat dalhin
  2. Siguraduhing at least 6 months or more na valid ang iyong passport base sa expiration date nito (ipa-renew ito sa lalong madaling panahon kung less than 6 months na itong valid)
  3. Ilagay ang mga dokumento sa bag o hand-carry kung saan madali itong makuha at maitago sa pinaka-convenient at mabilis na paraan
  4. Maghanda ng ballpen na gumagana at ilagay din sa lugar na madaling kunin
  5. Siguraduhing nasa allowable limits ang timbang ng mga bagahe ayon sa rules ng sasakyang airline
  6. Siguraduhing hindi ka nagdadala ng mga bawal na bagay (liquids, sharp objects, maaaring sumabog na bagay, etc.)
  7. Siguraduhin ang petsa at oras ng flight at pumunta at least 3 hours before yung flight
  8. Magdala ng pera (mula PhP5000 pataas) para sa airport fees at emergency purposes
  9. Siguraduhin kung saang airport terminal ka dapat pumunta para sa iyong departure flight
  10. Magdasal para sa ligtas at walang aberyang byahe
naia 3 departure floor 02

naia 3 check-in counters

SA NAIA

  1. Dalhin ang mga bagahe at pumunta sa entrance (pumila)
  2. Ilabas ang passport at boarding pass (plane ticket) o e-ticket
  3. Ipakita ang passport at boarding pass o e-ticket sa guwardiya pagsapit sa entrance
  4. Ipasok sa scanning (x-ray) machine ang mga bagahe
  5. Tumuloy sa loob ng terminal via metal detecting door (katabi lang ng entrance x-ray machine)
  6. Kunin ang mga bagahe paglabas nito sa x-ray machine
  7. Hanapin ang counter para sa sasakyang airline at pumila
  8. Sagutin ang mga tanong ng airline staff tungkol sa iyong mga bagahe
  9. Pagsapit sa airline counter, ibigay ang lahat ng dokumentong hihingin nung staff
  10. Iwan sa staff yun lang luggage para sa check-in at dalhin ang hand-carry luggage
  11. Pagkatapos makumpleto ang proseso ng check-in, kuning lahat sa staff ang iyong mga dokumento
  12. Tumungo sa immigration pero pumila muna at magbayad ng airport terminal fee (550 pesos or 750 pesos)
  13. Tumuloy sa immigration counter pero wag muna pumila
  14. Hanapin ang embarkation card at i-fill-out ito (gamitin ang dalang ballpen dahil laging walang ballpen sa lugar na ito)
  15. Pagkatapos ma-fill-out ang form, pumila papunta sa alinmang immigration staff
  16. Pagsapit sa immigration staff, ibigay ang passport, boarding pass at embarkation card
  17. Pagkatapos sa immigration staff, pumila ulit papunta sa mga x-ray scanning machines
  18. Pagkatapos sa scanning, hanapin ang gate sa sasakyang eroplano (nakasulat ito sa boarding pass)
  19. Pagsapit sa waiting area ng sasakyang eroplano, kelangan mong ipa-manual inspection ang laman ng iyong mga hand carry luggage at magpa-metal detect (sa NAIA 1 lang ito ginagawa, wala nang ganito sa NAIA 3)
  20. Pagkatapos ng manual inspection, maupo at maghintay
  21. Pag natawag na ang mga seat number na pwedeng sumakay, ihanda ang boarding pass
  22. Ibigay ang boarding pass sa airline staff bago tumuloy sa eroplano

CAUTION:

Huwag tumanggap ng anumang bagay na ipinakiusap sa iyo para dalhin at ibigay sa isang taong nakatira sa pupuntahan mong bansa. Ganito ang modus ng mga drug trafficker. HUWAG MAGING DRUG MULE! Please lang.

Mga Babayaran sa Airport

Travel Tax (P500 to P2900)

  • Kung nabili sa ibang bansa ang airplane ticket at Filipino citizen ka pa rin, hiwalay na dapat bayaran ang travel tax bago ka ma-isyuhan ng boarding pass. Ang presyo ay matatagpuan sa mga picture sa Picture Gallery sa ibaba.
  • Para sa mga bumibili ng ticket sa Pilipinas, kasama na ang travel tax sa presyo ng airplane ticket.
  • Ang mga OFW dependents ay merong discount sa travel tax pero kelangan ang OEC ng OFW family member bago ito ma-avail.
  • Libre lang sa travel tax ang mga OFW (na may OEC) at hindi na Filipino citizen na mga Pinoy.

Terminal Fee (P550)

  • Lahat ng International Airport sa Pilipinas ay naniningil nito sa lahat ng pasahero Pinoy man o foreigner. Naging P750 na ito at one time pero ibinaba na lang ulit.
  • Libre lang sa terminal fee ang mga OFW na merong OEC.

Overweight Baggage (depende ang presyo sa airline)

  • Siguraduhing nasa allowable limits ng airline ang dalang bagahe para hindi na magbayad nito.
mga bawal sa baggage

sample ng mga bawal isakay sa eroplano (ana.co.jp)

Mga Bawal Dalhin sa Airport

Mga bawal sa hand-carry

  • liquids (gel, inumin, wet food, toothpaste, etc.)
  • matatalim na bagay (kutsilyo, gunting, cutter, lagare, palakol, etc.)
  • flammables (lighter, spray can, gasolina, granada, flame thrower, etc.)
  • obvious na hindi papayagan (illegal drugs, weapons of mass destruction, bangkay, etc.)

Mga bawal sa checked-in luggage

  • flammables (lighter, spray can, gasolina, granada, flame thrower, etc.)
  • obvious na hindi papayagan (illegal drugs, weapons of mass destruction, bangkay, etc.)

Para sa mas maraming detalye, basahin ito: Mga Bawal Dalhin sa Eroplano

SA LOOB NG EROPLANO

  1. Hanapin ang upuan at ilagay ang mga hand-carry luggage sa pinakamalapit na overhead compartment
  2. Makinig at sumunod sa instructions at iba pang impormasyon mula sa mga cabin attendants
  3. Huwag mahiyang magtanong sa mga cabin attendants kung merong nais malaman
loob ng eroplano

hitsura ng loob ng eroplano (economy lang ang kaya kong sakyan)

Notes:

  • Kung isa kang OFW na nagba-byahe via NAIA Terminal 1, bago pumasok sa terminal para mag-check-in, pumunta muna sa OFW Lounge at ipa-validate ang iyong OEC sa POEA (walang bayad ang pagpapa-validate). Sa mga magbabyahe naman gamit ang Terminal 3, nasa loob ng departure area ang POEA desk na nagba-validate ng OEC.
  • Kung nag-register ka as member nung airline (via internet) ibigay din ang airline member number para mabigyan ng mileage credit para sa iyong flight.
  • Kung ikaw ay balikbayan pero hindi naman categorized as OFW at hindi pa rin permanent resident sa ibang bansa, malamang ay papagbayarin ka muna ng travel tax bago makumpleto ang check-in process para sa iyo.
  • Mas mapapabilis ang check-in process kung magche-check-in ka online 24 hours bago ang scheduled flight. Puntahan lang ang website ng airline na sasakyan. I-check na rin dun kung ano ang mga bawal dalhin at gaano kabigat ang pwedeng dalhin na bagahe.
  • Kung isa kang OFW, ipakita lang ang iyong OEC para hindi na magbayad ng travel tax at customs tax.
  • Walang manual inspection ng hand-carry luggage sa NAIA Terminal 3, ewan lang sa ibang international airport ng Pilipinas. Pero parang sa NAIA Terminal 1 lang ginagawa itong manual inspection ng bagahe sa gate ng sasakyang eroplano.
  • Halos pareho lang ang mga international flight procedures para sa lahat ng airport ng Pilipinas na merong international flights.
  • Sa limpak-limpak na nakukulimbat, este, nalilikom na salapi sa travel tax at airport terminal fees ng ating bansa, kaawa-awa pa rin ang kalagayan ng marami sa ating airport lalo na ang NAIA Terminal 1.

Picture Gallery

Ipatong ang cursor ng mouse sa picture para mabasa ang description nito.

Have a hassle-free, safe and pleasurable trip πŸ™‚

Related Information:

Advertisements


Categories: OFW Layp

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

793 replies

  1. Hi ask ko lang po magkano need na pera papuntang Egypt po for one week po. ty

  2. Bka kc maiwan cxa kc wala cxng ticket ayaw nila mgbook ng 3 yrs old pbaba..

  3. Yung anak q 2 yrs and 1 week pcxa pra sa flyt nun bkit po ba hndi cxa sinama sa ticket sabi po nila sa airport nlng dw insurance pero lampas na po cxa 2 regular na po ba byd nia

  4. Hi po,, ilan kilo po pwede ang bagahe ng isang psahero?

  5. hi good evening po! tanung kulang ooh my mag assise sa airport first-time ko po kc

  6. Hello po first tym ko po mag flight kong sakali papnt dubai… Ganito po direct hire po kasi aq.. Sa dubai po ang agency… Hnhntay ko po ticket at visa from them…. Tanong ko po nu pa po may hahanapin pa po ba requirements … Dito sa NAIA!!???? Pkisagot nmn po plssss

  7. Panu po kong direct hire sa work… Tapos yung ticket galing dun sa bansa n ppsukn. … Meron pa po b babayaran s tax travel at magkanu?

  8. Hi po, ask lang po, if ever po ba nag mag singapore ako pa dubai, makikita po ba ng immigration na may connecting flights ako sa singapore? Baka po ksi ma offload ako pag nalaman nila na mag cross country ako 😦 ok lng po ba na bumili na ng ticket while nasa pinas plng or pag nsa singapore na ko dun plang magpapabook ng flight ko pa dubai? Thanks po

  9. salamat at filiipino ang ginamit mong salita!

  10. Pwede PO na na magdala ng gamot SA Egypt? Pedro PO ba tapdin at tapazole dalhkn doing?

  11. Good day po
    7 pcs iphone
    1pc loptop
    Pwede po kaya ito mag kakasama sa handcarry?
    Tnx

  12. ok lng po b mag p book ang kapatid q n ns dubai s kaibigan nia kc po sya yung may credit card..ano po hihingin niang req. sa kaibigan nia tnx

  13. Kailangan ko pa ba mag pakita ng travel order papunta po kasi ako ng malaysia ngayung december? or ok na ang passport and e ticket?

  14. helo po bago lng po aq sasakay ng eroplano pano aq sasakay gamit ang e-ticket byahe q po puerto princesa to manila balikan

  15. hello poh pwede ba birth ang ipakita ko papuntang butuan nawala kc valid I.d ko

  16. Ano poang kadalasan tinatanong sa may mga 3mos Visit visa po? thanks in adnvance. GBU

  17. Hai po tanong kulang po first tym kung pumonta sa manila maliban sa ticket ano pa po ang kailanggan at wala po akong valid ID voter certificate lang Meron ako pwedi po ba yon pakisagot naman po oh need help lang po

  18. Hi ask q lng po. Mahigpit pa rin ba ang immigration ngaun ? ano po kadalasang itinatanong nila. Thank you. Godbless

  19. Nawawala p.o. ang kapatid nmin 3month na p.o. nakaalis ano p.o. dapat namin gawin

  20. Hi. Tanong ko lang po kung may mga naga-assist don sa airport? First time ko po kasi magtravel.

  21. Hai mam pwd magtanong ahm kailangan paBa nang visa pag pumunta s ibang bansa kaht hnD OFW TYKA KAILNGN pb ng OEC KSI PO ung ticket ko. Binili s ibang bansa kasi going to los angeles po ak ngauNg. Dec 1 then return po ak s pinas dec 13. Pinabook n kci uNg fLiGhT ko nang bf ko s ibaNg banSa. Then ask ko din po hahanapan po paba ak ng visa pag punta ko s. NAIA PLSS FEEDBACK

    • ask ko po makalabas kaya ako ng airport na dalawang buwan lang bakasyon ko dto sa pinas..ngaun pinabalik ako n dating amo ko sa qatar..binilhan n po ako ng tiket..may pasport at qatar id lng meron ako..sana masagot nyo po..tnx

  22. Hello po, first time ko pumunta ng ibang bansa.for vacation for a week lang sana pa vietnam,ako lang mag.isa.ask kopo sana ano po kadalasan tinatanong sa immigration? At how long po yon? nabook napo kasi ticket ko.papayagan kaya nila ako. Salamat po such a big help.

  23. Hello po.residence visa ang dala namin mag ina papuntang dubai.ask q lng po,need pa din ba namin magbayad ng travel tax at terminal fee?at pede po bang ipresent sa immigration ang e-visa at scanned marriage certificate at birth certificate?asawa q po kc ang sponsor namin mag ina.

    • Dalhin nyo lang ang mga iyan,pero ang ipakita nyo lang ay yung kung anu ang sinabe nla na ipakita ninyo.wag nyo na pakita lahat,ipakita nyo lang kung hahanapan kau.yes po,meron pa ring travel tax.

  24. magandang araw po. tanong ko lang po kung pwede ang vape? salamat po.

  25. hi tanung ko lang may ticket na ko pauwi ng pinas andito ko sa dubai ok lang ba umuwi ako kahit di pa expired visit visa ko ?? tsaka ano po mga kailangan na ipakita sa immigration ? tita ko sponsor ko nung nagpunta ako dito sana masagot niyo pls . thankyou

  26. Hi ask ko lang po. Makakaalis po kya ako papuntang UAE kahit 1year na lang valid ung passport ko? VISIT VISA lang po kasi ako. Sana masagot nyo tanong ko. Thanks. Godbless

  27. Departure:Manila-Narita
    Flight number:
    KL1225
    Tue30aug
    Time:20:35
    Boeing737-7001
    Ask q lng ano kilang jan.

  28. Tanung ko lang po pwede ba makasakay nang eriplano kahit wlang valid i.d?? This week na po flight ko..ty

  29. strict po ba ung immigration papuntang Russia?

  30. tanung…lng po sana masagot nyo agad kc kaylangan ko lng po this week pwde po ba ako pumunta ng malaysia na visit visa po ang gagamitin ko kahit kaibigan ko lng at di tunay na kamag’anak ang pupuntahan ko dun di po kaya ako mag’kaproblema at panu po kumuha ng visit visa?????ty

  31. pakisagot naman po plz. need ko lng malaman pwde po ba ako mag’aplay ng visit visa puntang malaysia kahit kaybigan ko lng ang pupuntahan ko at di kamag anak di po kaya ako mag’kaproblema nun…at anu po dapat ko gawin

  32. tanung…lng po sana masagot nyo pwde po ba ako pumunta ng malaysia ng visit visa ang gagamitin ko kahit kaybigan ko lng pupuntahan ko at di kamag anak

  33. Hi.. ask ko lng. Mag tour kami ni boyfriend 5days sa malaysia kami magkikita, sya lahat gagastos sa lahat ng expenses ko. Galing na akong korea for 2yrs working. Kakauwi ko lng last year. Tapos I was studying now again. Maooffload kaya ako nito. At anu ung mga dapat Kong dalhin sa passport, ticketround trip, at hotel reservation at invitation letter nya. Thanks asap.

  34. Good day!bibisaan ko yung best frieng ko papunta dito sa abu dhabi.magbabakasyon po kasi ako ng august.pagblik ko po dito ng september isasabay kona po yung best friend ko dito kasi po tourist lang po sya .ma offload din po ba kaya sya if ako na mismo na nagsponsor sa knya na ksma nya papunta dito.sna po masagot nyo tanung ko.slamt po.

  35. Pwede po bng magdala ng sigarilyo sa airport?

  36. Good day, ask ko lang po kung papaano po kung wala po akong government ID. Ang meron lang po ako ay TIN ID and College ID, makakaalis padin po kaya ako? Kumuha din po ako ng NBI travel abroad at may voter’s certification dahil wala pa din po yung voter’s ID ko and receipt lang po ang meron ako ng driver’s license dahil wala padin po yung plastic card. Ano po kaya ang pwedeng valid ID or supporting documents na pwedeng i- present sa airport thank you very much po in advance. Sana po mag respond kayo sa post ko. I will be leaving on the sencond week of August po ngayong taon. Thank you po again.

  37. Hi good morning Po ask ko lang Po if Anu pa Po bang mga documents Na kailangan ipa Kita para sa migration first time ko Po Kasi flight ko Po ng August 1 going to Korea sna ma Basa nyo Po Ito thanks and God bless Na din Po

  38. Sir ask q lng po kng ano pa ang pwdeng ipakita na documents kc po ang head nmn hnd mgbbgy ng permit to travel kpg hnd bkasyon,bka kc hanapan po aq sa immigration..slmat po,public teacher po kc aq

  39. Sir ask q lng po kng ano pa ang pwdeng ipkita na ibang documents sa immigration in case na mghnp cla ng permit to travel kc po hnd na po pwde mgbgy ng principal ng permit to travel kpag my pasok..public teacher po kc ako..pwde lng po dw sya mgbgy kpg bkasyon,slmt po

  40. pwede ko bang ilagay sa checkef ung swiss army knife ko at pocket knife basta ibabalot ko lang ng maayos

  41. gud evening po..pued po magtanong?? Bukas na po flight namin ng anak ko mag two years old na xa next month.. Pangatlong beses ko na po mag bakasyon sa japan pero first time ko pong isama ung anak ko.. Multiple visa na po gamit ko ngaun..ang tanong ko po ano po hanapin na documents para sa anak koko sa immigration ??? Sana po mabasa nio tong message ko kasi bukas na po flight namin

    • kung may visa na po yung anak ninyo, dalhin na lang po ninyo yung passport nya. magdala na lang din po kayo ng birth certificate just in case hanapin. of course dapat dala rin po ninyo yung boarding ticket at katunayan na binayaran ninyo yung necessary fees ng airport…

  42. Good day po ask q lang po me and my sister is having a tour in hongkong for 5nights and 6 days as gift po mother nmn sa pagpasa ng board exam..pareho po kme walang work mayroon na po kme rt pocket money. Wala po kmi hotel reservation dahil sa boarding house po ng friend kme tutuloy..ma question po kya kme ng Io..?ano pa po kaya pwede nmin dalhing documents.thank u po

  43. This post was very clear and helpful for a dirst time OFW like me. Thank you for the wonderful information.

  44. Hi ask ko lang po , kasi nabasa po yung passport ko nung nakaraan buwan pero wala naman pong nabura then tinatakan naman mg embassy yung passport.ko for visa, wala po bang magiging problem pag dating po sa airport hindi po ba ko ma a to a ?

  45. Hi ask ko lang po. My sister is working in Qatar. Sya po magsponsor sa tour namin sa georgia. 17 years old palang po ako. Traveling alone po, magkikita po kami sa qatar para sa stop over. Ano po mga requirements po na kakailanganin ko para makalabas ng bansa? Thank you po.

  46. Good day po! Minor palang po ako, sabay po kami ng mother ko kukuha ng passport. Pero ako po una magtravel sa kanya. Naka-appoint po kami this coming June 13.
    Eto po yung tanong ko.
    1. Need pa po ba ng affidavit of support and consent kung sabay lang naman po kami kukuha ng passport?
    2. Ano lang po need ko pag alis ng bansa? DSWD clearance lang po ba?

  47. Good morning po,ano po ang dpt kong gwin balak ko po kasi mag tour sa taiwan pangatlong balik ko po kng mkkalusot ako,public teacher po ako..tnanung ko po kc ang principal nmn kng pwde kumuha ng permit to travel ang sb po nya hnd na cla pwde mgbgay kng hnd bkasyon ang alis..so ano po ang pwde kong ipakita na documents sa immigration..thanks po

  48. tanong q lng po mga ilang omega ointment 120ml allowed idala s baggage? thanks

  49. Puide po ba kayang mag dala ng beanch na pamango eroplano.

  50. Hi ask ko lang po, me and my son got a Japan Visa for 90 days of stay. May25-August25 po ang validity. Dapat po ba before August 25 nakabalik na kami sa Pinas? Last week of June pa kasi namin balak umalis. OK lang po ba 1 way ticket lang bilhin namin, kasi di ko rin po alam kung hanggang 90 days or less kami magstay. With guarantor po kami. Baka kasi maooffload kami at isipin ng BIO na mag TNT kami kasi wala kaming return ticket. Thank you πŸ™‚

  51. Gudpm po..tanung ko lang po Bali direct hire po ako sa Bahrain Bali waiting po ako sa working visa na ibibigay nila.. kapag nasend nila sakin ang working visa ko hindi ko na po ba kailangan magpastamp dito sa pinas? Direct na po ba ako pupunta sa airport? Ano po ang ipapakita ko lang sa airport immigration po natin? Salamat.. need ko po ng answer

    • Galing ako ng bahrain direct hired din..pinapadala ng employer mo sa bahrain ang work visa sa alinmang agency dito sa pinas tapos ang agency na dito ang mag asikaso kelangan nila medical mo tapos PDOS at sila na rin magbigay sayo ng ticket at mga ibang papeles tulad ng kontrata at yung visa mo.tapos yun ang dalhin mo sa airport..Good Luck.

  52. Tanong ko lang po Magkano po kaya ang aabuting pamasahe mula pilipinas hanggang Sa spain.

  53. Hi admin, hope you can answer my questions.

    Umalis kasi ako ng pinas ng hindi naka register sa poea and hindi nakapasa sa gamca clinics, meaning nag cross country/illegal exit po ako ng bansa natin.

    Dumating po ako dito sa qatar January 2016 as working visa from my current company, and now okay naman po medical ko at meron na akong qatar resident id.

    Now, first time ko lang po magrregister sa owwa/oec. Ang tanung ko po kung sakali po ba na magresign or ma-cancel / terminate ako dito at pauwian ako ng pinas, mahaharang at qquestion po ba ako airport immigration natin sa pinas dahil sa ginawa ko?

    Salamat po ng marami.

  54. Hollew po sir ma’am tanung ko lang po puwedeng po ba KAMENG mga o.f.w umuwi ng pinas n 3.month nlng ang balance ng aming passport ngunit nag renew Na po kame dito SA ibang bansa.. Ang gusto ko pong malaman ay makaka balik PA po ba kame SA ibang bansa. dahil Na renew Na po namen ang passport namen at umuwe po kame ng bansa hind pa po namen nakukuha ang bagong passport. At 3month nalng ang balance ng passport namen.

  55. hello po. magisa lng po ako babyahe kasama ang 1year old kong anak papuntang uae. wala po akong dalang stroller. pwede po ba magpasama sa loob ng airport para lng magbuhat ng mga gamit hanggang makapagcheckin ng baggage sa terminal 3. kunng oo, paano po? kailang la ng pass? salamat.

  56. Wala aqng boarding pass pero may e-ticket aq. Parehas lng ba yun? O kaylangan pa ng boarding pass. Singapore airline ang flight q.

  57. Ask ko lang po,kailangan paba ng ID papuntang dumaguete?galing dito sa manila..philippine airline po…ang sasakyan ko..at tsaka sa baggage po.magkano po ba ang babayaran …per kilo pag …lampas na po yung .bagahi?

  58. Magandang araw gusto ko pong malaman anonpo bang pwedeng gawin kapag nabigyan ka ng immigration compliance sa immigration offload ba ang ibig sabhin nun? May family vacation kasi kami maari parin bang makalampas ng immigration kung may record na ganun? Please response in my email . Thank you very much

  59. Sir, pwede po b.ang.combine baggage?per traveller 20 kilos kasama ko kasi mga anak ko 1month tourist lang kami.

    • per bagahe po ang bilang ng 20 kg. di po pwedeng gawing 30 or 40 kg yung isang bagahe kahit magkasama pa kayo. pero tingnan po ninyo kung mapapakiusapan ninyo yung airline receptionist kung papayagan kayo.

  60. Hi sir, good eve.magtra’travel poh kc aq sa march 26 papuntang brunei for 11days , wla poh akong trabaho pero galing na ako oman 2012’2014.pero my frend aq duon na bumili ng ticket and hotel booking q pero hindi sya ang sponsor q .my chance poh ba aq mkaalis ng bansa? At ano kaya ang mga 3requirements.slamat po at sna matulungan nyu aq

  61. Pwd po bang mag lagay sa check in baggage ng sabon,toothpaste tsaka mga pagkain kagaya ng biscuit,cerial drinks and coffe na nasa bottle balak ko po kc magdala ilagay ko po sa check in baggage ko.pqd po ba yon please pakisagot nman po tnx.

  62. pwede po ba magdala ng soldering iron at multitester….

  63. Sir pano pala yung may tourist visa nako galing sa employer ko siya nag asikaso sakin maka alis kaya ako wag sana ako ma offload tulong naman po pano gawin ko slmst

  64. Pde po b mgdla ng iv gluta sa international flyt?

  65. Hi maam/sir! Ask po sana ako if sa anong terminal po ba pwede ako kumuha ng plane ticket papuntang dumaguete airport.Sana masagot nyo po ako since ofw po ako at first timer.Salamat and Godbless😊

    • Hi isabel kung papunta ka po dumaguete sa naia t3 po 😊😊😊
      Ingat sa byahe 😊 At ndi ka maliligaw kc malaki sign ng cebu pacific or pal πŸ™‚ hope makatulong.

  66. Hellow po ask ko lng po isasabay/ susunduin ko sana yung asawa ko via visit visa galing na xia dtu cancelled visa xia peru di xia nakakuha ng owwa nia.madali lng po ba kapag kasabay ko xiang aalis merun na po bng naka experience ng gantu maraming salamat po.ako po ang nka perma sa affidavit of support namin.

  67. Kung emailed copy lang po ang visa ng OFW dependents, kasi di na aabot sa flight date ang dating ng original, i-allow po ba sila magboard sa flight nila?

    • panung e-mailed copy lang? wala po bang visa na naka stamp sa passport nia? As for the experience of my wife bound to KSA. chineck lang daw po ng immigration officer ang redribbon n marriage certificate namin den nag go signal na… yung visa kasi sa kanya naka stamp na sa passport pero may dala din xang copy ng visa na issue ng saudi para safe side.

  68. Hallo Po,

    Gusto ko pong magpasalamat sa mga nakakatulong na mensahe para sa aming mga Balikbayan.
    Ang gusto ko po ring Itanong. Meron po bang Money Changer sa loob ng NAIA 1? Or Widraw machine for Visa sa pgpasok ng Airport galing ibng bansa.
    Sana po maisagot nyo ang aking mga katanungan. Maraming Salamat po.

    • gusto ko lng sana mag tanong susunduin ko po ang pamangkin ko sa singapore 3yrs old ano po kaya ang mga hihinging sakin na dokumento salamat po

      Sent from my iPhone

      >

    • meron pong money changer sa loob ng NAIA. pero napakababa ng palit. di ko lang po sigurado yung withdraw machine para sa visa or master card or anupamang credit card…

      • gud am..pde po ba tanong..nawala ticket ng kapatid ko pabalik jeddha ano.po dapat gawin namin pls.reply tnx!!

        • Hello po, may itatanong lang po ako. Yong barkada ko po kasi na singaporian magbabakasyon po this october 2016, ang ko po ay pag bumalik po ba sya sa singapore magbabayad pa ba sya ng travel tax at terminal fee? Sa clark international airport po sya sasakay pabalik ng singapore. Maraming salamat po.

  69. hellow.need an urgen answer po.
    first time ko pong magwork sa US,tapos sabi ng employer ko hindi na daw dapat ako kukuha ng philippine passport kasi po agency na daw po nila ang magprocess ng lahat ng papers ko at kukunan na din ako ng american international passport..totoo po bang wala na akong need iprocess na papeles papuntang US.at kung meron man po,anu-ano po? Advice me po,1st timer po kasi ako.

  70. Hello maam..ask ko lang po kung anong documents ang need namin prepare kasi mag toutourist kmi ng family ko me my husband and my kids sa thailand..ung mom ko sa thailand ang bumili ng ticket…at cxa din mag sponsor sa amin aa accomodation namin sun..ano ano po mga kailangan naminv documents na e present sa immigration?and per head ba magbayad ng tax?kasi yong kids ko 3yrs old and 1yr3months…

  71. Hello

    Need urgent answers po sana

    Panu kung ang visa po e permanent family visa anu po ang required document at need p b ng round trip ticket?

  72. Hello po..may tanung po ako kung anu kylangan ipakita s imigration n mga papers pra s ank ko n magbyahe papauntang hk.tourist lng sila ung tita lng kc nya ang ksama.

  73. hi mam! okey lang po ba doon sa reservation ticket ko na walang middle initial, bale pangalan lang po at apilyedo ko hindi napo ginaya yung passport ko na kumpleto ang middle initial ko wala po ba kayang problema yun sa airport? lthanks…! Mabuhay!

  74. May penalty po ba ang baby kc 4months na sya dito ko pinanganak, pinagawan ko ng japanese passfort, over stay napo ba yun.

  75. Hi tanong ko lng po kung pwede pa rin pumasok ang maghahatid sa loob ng terminal 3 thank you

  76. Ask ko lang po ofw po ako galing italya at nagbayad na po ako ng oec at owwa pero nawala ko po yong owwa card ko resibo lang po hawak at resibo ng oec kailangan pa po ba ang owwa card sa naia immigration?

  77. pag mag isa lng ba mag travel as a tourist sa hong kong pde po ba ako ma offload

  78. Good day po. Ask ko lang po flight ko this coming friday feb 5, 2016. And expiration date po ng passport ko is august 16, 2016. Pwede ko pa po bang gamitin o hindi? Kumuha na po ako ng oec sa bansang pinagwoworkan ko bago ako bumalik ng pinas.

  79. Gud day po! Ask q lang po sna kc po plan nmin ng family q magvacation s singapore ng one week pero po kasi isang po ako ofw, terminal fee n lang po ba ppbyaran q kc wla pa po ako oec, pwede po b yun? Ty po

  80. Very Informative and the details are in layman’s term. A great help for those first time airplane passengers like me. Von Voyage!

  81. hello po gusto ko lang po mag tanong .pjnsn ko po ksi nag book ng ticket ko and nkalimutan nya ko lagyan ng bagahe sa pagbook papunta pero pabalik ng manila meron 20kgs .pwde ko po bang ipasok sa eroplano at ihand carry na lang yung maleta o kelngan ko talaga mag add ng baggage para ichek in yung maleta ?

  82. Hello po ask ko lang if anu mga documents ang need ko kasi ang flight ko is manila to hongkong .. hongkong to jeju island… ask ko lang anu kaya mga documents pwede kong ipakita sa immigration?? Kc my affidavit support lng me meron… passport… wala pa akong visa… 7days lng naman ako sa jeju island…. wala din ako work…. makakapasa kaya ako sa knila?? Sabi kc ng agency ko affidavit support, saka ung receipt na money transfer at picture daw namin ng bf ko.. pls.. answer me… or just message me ghennyo@yahoo.com or search my fb name geneva calingasan austria thanks

  83. good day! ask ko lang po kasi green card holder ako at nasa bakasyon ngayon aalis kmi this month pabalik US.ask ko lang po kung may kailangan pa bang mga papel pagdating sa airport o wala na?salamat po

  84. Hello Sir RP, sana po masagot nyo mga tanong ko. frequent traveller po ako kaso first time ko po magtravel kasama ang aking 7 y/o daughter. Papunta po kami Korea next month. 1. Kailangan ko pa po ba ng travelling clearance from DSWD para sa anak ko (may nabasa po kasi ako na kailangan pa daw, kaya may doubt ako) bukod sa passport, visa at airticket meron pa po ba akong kailangang ihanda na document for Airport Immigration. 2. May travel tax at terminal fee po ba sya at pwede po ba namin i-avail pareho ang OEC original from 2009-2014 (photocopy lang po meron kami for 2015) for less fees. Ngayon ko lang po kasi nalaman about sa oec. Pasensya na po sa abala. Sana po matulungan nyo ako. Salamat po and godbless.

  85. Good day, pwede po ba ako magdala ng isang nipper at puser panlinis sa Kuko saka conditioner na 5bottles? At yun travel tax po magbayad ako uli papunta po ako ng Paris. Di ko n matandaan kung nagbayad ba kami ng asawa ko nung huling lipad namin. Please paki email po ako. Maraming salamat po.

  86. Tanong ko lang po sana kung pwede po magdala ng laptop sa hand cary na bag? wala pong bag yung laptop, ilalagay lang po sa hand cary na bag ng uuwi. At kung ok lang po na maraming dalang gadget ang isang OFW na uuwi? Maraming salamat po!

    • Sorry po sa late reply. Pwede naman pong magdala ng laptop sa handcarry bag ayon sa aming experience, never naman po kami nakwestyon sa paglalagay ng laptop sa aming hand carry bag. About sa “maraming gadget” po, depende po siguro iyan sa dami

  87. hi! Tanong ko lang po. Bawal po ba sa airport naia ang pagdala galing ng ibng bansa ng Laser at scope na ginagamit sa baril? Sana masagot nyo po ito. Mrming slmt:-)

  88. Good day, ofw po ako dito sa shanghai china, plan ko po kasi mag vacation sa pinas ng april 20, 2016 – may 16, 2016 tapos yung working visa ko po ay mag expired ng may 31, 2016. Wala po ba akong magiging problema sa pag kuha ko ng oec pag uwi ko ng pinas kahit malapit na maexpired working visa ko? Thank you po i hope po matulungan nyo po ako sa tanung ko .

  89. ask ko lang poh may ticket nako round trip for 14 days going to macau passport affidavit of support pero wala ko work dto sa pinas tanong ko lang poh malki ba chance na na ma offloaded ako thanks for concern na sasagot

    • kung yung ticket mo ay galing sa travel agency . siguro may chance ka makalabas .

      • Good day, ofw po ako dito sa shanghai china, plan ko po kasi mag vacation sa pinas ng april 20, 2016 – may 16, 2016 tapos yung working visa ko po ay mag expired ng may 31, 2016. Wala po ba akong magiging problema sa pag kuha ko ng oec pag uwi ko ng pinas kahit malapit na maexpired working visa ko? Thank you po i hope po matulungan nyo po ako sa tanung ko

    • Hi.. pwede po mag ask kung may sponsor ka po ano pa mga requirements na meron ka? Wala dn kc aq work dito pero mag tour lang ako bf ko sasagot.. salamat sana masagot niyo po ako: )

    • Hello girl naka alis ka na ba nian?? Na offloaded kaba??

  90. Ask ko lang po pwede po bang maglagay ng 12pcs na perfume sa check in luggage? Gaano po kadami ang pwedeng ilagay

    Salamat po

    • So far po sa experience ko, nakapaglagay naman po ako ng 12pcs na perfume sa check in luggage ko. Pero hindi ko po alam kung meron bang limit sa dami ng perfume na pwede ilagay sa luggage.

  91. Mas maliit po ba ang chance na hindi ma offload kapag sa travel agency kme nagpa book?

    Me and my Bf will travel going to HK, kinakabahan kme kasi wla kming work pareho.. kaya we decided to book nlng thru travel agency.. RT ticket and hotel na, nde nila kme pagiisipan na mag TNT sa HK?

  92. Good day po! ask ko lng po.. sa situation ko po, pnta po ako sa dubai and sponsoran lng po ako ng asawa ko. meron na po akong visa, owwa ng asawa ko, affidavit of support and marriage contract po. may work po ako dto sa pilipinas as front desk officer, 1month lng po ung leave ko. need ko pa po bang magpakita ng leave form sa knila o yung company id lng po as proof na may work po tlga ako dto and hndi po ako magwowork dun?

    Answer me please.

  93. Paano po kunh less than 6 months valid ang passport? Makakapagtravel pa ba?

  94. Gud day po..ask ko lng po kung pwde po.ba mag.uwi ng flat screen tv kasabay sa check.in..balak ko po kc bumili ng t.v dito sa saudi para mas makamura.kaso d ko po alam kung pwde po ba? Ilang inches po ang allowed kung pwde man? may tax po ba.na babayaran sa mga katulad kong ofw..maraming salamat po..

  95. Gud pm po ask ko lang po..e spousal visa po kc ako at working visa..ano po ba ang kuunin ko..cfo o oec? Thanks po

  96. Hello po I just have my fiance visa granted for Australia last Nov. 16 and so far all good nman po travel and personal documents ko. Yun lang po ba susundin ko, at wala na po bang maraming questions sa immigration?

  97. gud pm po. may tanong po ako. kasi nandito ako sa singapore nag tour lang po ako ng two weeks. tapos po uuwi na po ako sa friday. marami po akong dalang souvenier po mga tshirt at toothbrush po.ask ko po pwede po ba yan ma hand carry?or papayagan po ba akong magdala nyan pa balik ng pinas?

    salamat po.

    best regards.

  98. Hi po paano po ba step by step sa terminal3 visit visa po kasi ako first time ko lang din po πŸ™‚ sana matulungn ho ninyo ako πŸ™‚

  99. Pwede po bang magdala ng lotion, toothpaste, wax, shampoo?

  100. Ask ko lang po saan po ba terminal maghihintay ang mga relatives ng OFW na uuwi ng bansa galing Saudi di po kasi alam kung anong terminal nila susunduin e response po asap. Thanks

  101. Good day po! ask ko lng po.. sa situation ko po, pnta po ako sa dubai and sponsoran lng po ako ng asawa ko. meron na po akong visa, owwa ng asawa ko, affidavit of support and marriage contract po. may work po ako dto sa pilipinas as front desk officer, 1month lng po ung leave ko. need ko pa po bang magpakita ng leave form sa knila o yung company id lng po as proof na may work po tlga ako dto and hndi po ako magwowork dun?

    • Hi po may bf po ako na taga Belgium at now nand2 po sya sa pinas. Ang plano nya po sana sa April dalhin ako sa Belgium at magbakasyon po ako dun. Wla nman rin po ako work dito sa pinas. Possible po kaya na madali lang ako nkakapunta dun? First time ko lang rin po ilalabas ng bansa kung sakali. Anu po ba mga kylangan ko requirements ng kung sakali ay mpaghandaan ko na. Thanks po.god bless.

  102. hello po.. pde po ba magtanong? anu po mngyayari kapag di ka sumakay sa plane pero my ticket kna.. Im going to ph pero my nag offer ulit sken na ibang work dto. what will happen to my reserve ticket? i nonotify ba ng airlines ito sa nag pa book ng ticket? thanks for the answer..

  103. pauwi po ako ng pilipinas 15 kilo lang po ang check in lagguge ko sa ticket ko kung magpapadagdag po ako ng 10 hanggang 20kilo 1 linggo bago ang flight ko magkano po kaya ang babayaran ko jeju airline po incheon to manila salamat po.

  104. hi po ofw po aq d2 s taiwan uuwi po aq s december, 9 days po aq s pinas, uuwi po aq pero d p tpos kontrata q, ngaun po pg pblik n po aq dto s taiwan anu po mga kailangan q gwn

  105. Plan po namin pumunta ng Russia ng husband ko, Russian citizens po sya. Ano po requirements kailangan kong dalhin. Housewife lng po ako wla ako khit anong proof of employment. Kinakabahan kasi ako sa offloading na yun. TIA.:)

  106. ..transit passenger po ako sa malaysia airport. may dalawa po ako ticket at connecti g fligjt dw po iyon. from manila to mozambique. mabbigyan po ba ako ng boarding pass sa naia termnal 1 up to my final destination ko po?

    • hindi ko po alam kung paano mag-connecting flight pero ang pagkaka-alam ko po eh kelangan nyong dumaan sa boarding process everytime na may stop-over kayo para sa inyong connecting flight.

      sa pagkaka-alam ko po eh one plane ticket per airplane ang dapat na gamitin ninyo. so isang boarding pass mula manila hanggang malaysia at isa na namang boading pass mula malaysia hanggang mozambique. pero pwedeng mali po ako.

      mas maganda pong mag-inquire sa agency kung saan kayo kumuha ng plane tickets.

  107. good day sir..tanong ko lng po kung magkakaroon ba ng problema sa plane ticket mali yung isang letra ang tamang apelyido Dizon pero nakalagay Dison..wala po ba problema un??thank u

  108. Sir tanung ko lang po kung anu po ang tamang gawin kc may kaibigan ako na gusto pumonta sa malaysia galing po siya ng abu dhabi at matatapus na ang contrata nya ngaun pagkatapus ng contrata nya balak nya mag turiest sa malaysia ..anu po ang tamang gawin ..
    Thank you po

  109. sir saan ako pupunta babalik na ako ng saudi ang eroplano ko saudia airlines saan ako pupunta sa terminal 1 ba or sa terminal 3

  110. Ask q lng po my relatives invite me s africa.i hve passport at visa.ticket dn.s sunday flight qyan ng ang pindla s kn.ok n kya yan

  111. ask ko lng po kung hindi ba aku magkakaroon ng problema po .bale Visit Visa po kasi ako papunta po sa abu dhabi. anu po ba kailangan kung tandaan po .at anu po ba mga kailangan kung dalhin ? tnx po .godbless .

    • wala pong nakaka-alam kung ano ang trip ng immigration officer na kakausap sa inyo. basta come prepared po, emotionally, mentally and physically. dalhin po ninyo lahat ng documents na kaya ninyong dalhin at dumating na maagang maaga para marami kayong oras sakali mang magka-aberya.

  112. Ask ko lng po kung pwde maglagay sa luggage ng 7 pcs na shampoo at lotion, 3 pcs (810ml) na shampoo at 4 pcs (210ml ) na shampoo papunta pong abudhabi.Thank you po sa sasagot.

  113. ask ko lang po anu mga requirments papuntang brunei?

    • marami po, pakitanong na lang po sa brunei immigration office or brunei embassy…

      Embassy in Manila Philippines Brunei

      Address: Embassy of Brunei in Manila
      11th Floor Ayala Wing, BPI Building
      Ayala Avenue Corner Paseo De Roxas 1226
      Makati City, Metro Manila, Philippines

      Telephone number: (+63) 2 816 2836
      Fax number: (+63) 2 891 6646
      E-mail: manila.philippines@mfa.gov.bn

  114. hi, pede po ba magdala ng toothpaste and shampoo provided nakalagay sa check in luggage? thank you.

  115. Pwd po mag tanong pwd po kya mag dala ng stroller ?

  116. Hello po..If residence visa po ba na sponsor ng asawa ko need po bang i present ang original visa sa Phil. immigration or scanned lang?at ano pa po ba ang dapat i present?Thanks Po!

    • kung may original po, mas mabuti na kung original ang ipakita ninyo. basta lahat po ng madadala ninyong documents, dalhin na ninyo. immigration ang nagde-decide kung ano ang gusto nilang makita. magtanong na rin po kayo sa pinakamalapit na immigration office para sigurado.

  117. goodmorning ask ko lang po na offload po kame reason nag closed door na po yung eroplano sa kadahilan sa paulit ulit at pinatagal na tanong ng immigration pero na tatakan na po yung passport namen at nakalagay sa boarding pass pls allowed . tanong ko po kung iinterviewhin pa po ba kame ng immigration sa next flight po namen pls reply po para po mapanatag loob ko kase na trauma po ako sa mga taga immigration

    • ang suggestion ko po ay dumating kayo ng at least 3 to 4 hours before yung flight ninyo. paghandaan ninyong mabuti ang pakikipag-talakayan sa immigration officer na makakaharap ninyo. yung kahit isang oras o dalawang oras ka niya inteviewhin, hindi mauubos ang oras mo kasi sobrang aga mo dumating para sa flight mo.

      iinterviewhin ka pa rin kung sa ibang immigration officer ka mapunta. ikuwento mo na lang sa kanya yung nangyari sa yo dati tapos pakita mo yung tatak na binigay nung naunang immigration staff.

  118. Gud pm ask ko lang po kung wala po ba kami magiging problema ng Ate ko sa immigration kung Japanese Passport holder kami pag nag flight kami? Kinukuha na po kasi kami ng Paapa ko para sa Japan na tumira. Bale sabi nya papadalan nya kami ng mgga papel para mag apply naa ng Japanese Passport dto sa pinas tapos sa January po kami aalis. Sabi po kasi ng iba. Yung iba daw pinagbabayad ng overstay sa pinas. :/ Sana may makaa sagot.

  119. gud pm sir tanong ko lng po kng mag bayad pa un pamangkin ko ng terminal fee at travel tax for visiting po dito sa nagoya

    tnx

  120. Possible po bang makabalik ako dito sa Japan kung uuwi ako ng Dec.24 hanggang January 10, 2016 pero yung Passport ko ay mageexpired na ng June 6, 2016? Kelangan ko kasi bumalik dito ng January 10 para sa work ko. Resident card holder po naman ako dito saJapan.

  121. Ofw ako dto sa Malaysia ..uuwi ako ng pinas at isasama ko ung babaeng papakasalan ko kc dto kami maghohoneymoon.
    Anong requirements?

  122. hi po, punta po kami ng singapore this november kasama ko po misis at anak ko po ,tanong ko lang po kung ano mga documents na ihahanda po namin. salamat po.

  123. Mgfflight po ako as tourist sa india on saturday ano ano po ba unv mga bbydn sa airport.
    Ska un husband ko po indian sya ksma ko sya sa pag flight my mga bbydn padn b sya?

  124. kailangan ko pa po ba ng pocket money? yung boyfriend ko naman po kc will provide my need and my accomodation pag punta ko sa brunei. nabasa ko rin po sa blog na kailangan ng company id? wala po kc akong mapapakitang company id kc wala po akong work.Advice naman po pls. thank you

    • ihanda po ninyo ang lahat ng maihahanda ninyo, including pocket money at anumang id. pwede ka pa rin higpitan ng immigration dahil boyfriend mo lang ang kasama mo. mabuti sana kung mag-asawa na kayo.

      • Thank you po sa reply. Ano po yung ibang documents na hahanapin sakin dahil boyfriend ko po ang pupuntahan ko sa brunei?

        • marami pong hahanapin na documents sa inyo at sa boyfriend ninyo. mag-inquire na lang po kayo sa pinakamalapit na immigration office sa lugar ninyo para sa lahat ng detalye. pero i suggest na huwag na ninyong isali sa usapan yung bf ninyo dahil baka lalo lang kayong hindi makalipad palabas ng bansa.

          • salamat po.. e ano po maganda kong sabihin ano po relasyon ko sa pupuntahan ko pag tinanong nila? di po kaya mas maghihigpit ang immigration officer kung sabihin kong fren ko lang sya?

    • Hellow po..gusto ko po sana makapunta ng malaysia pero tourist lang..maglibot kmi ng anak at ng mama ko..anu po kaya mga requirements na kelangan para makapasok kmi sa immigration..maka2pasok po ba kami khit walang invitation letter??

      • wala naman po kayong dapat maging problema kung pagiging tourist lang talaga ang ipupunta ninyo duon sa malaysia. di rin natin kailangan ng visa sa pagpunta duon. kelangan nyo lang ng plane ticket, passport at perang pambayad sa mga airport fees. mag-ready na lang po kayo ng mga supporting documents na kaya ninyong ihanda (birth certificates, company id, school id, etc.)

        sagutin na lang din po ninyo ng maayos kung ano man yung itatanong ng immigration officer.

  125. Ask ko lang po pwede ba ko magpadala ng crib o stroller kasi may uuwing kamag anak ko dito sa hk galing pinas gusto ko sana bumili ng crib at stroller pwede ba yun icheck in? Salamat po sa reply!

  126. Hi Good day to all. Taga pinas po ako then I’ll take my training in vietnam for 1 week. Pabalik na po ako today but for confirmation do I need to pay travel or terminal fee? Nun nasa pinas ako papunta vietnam nagbayad ako ng 1,600 pesos for travel fee. But pagbalik ba magbabayad din ako? Terminal 3 din un destination ko.

    Thank you guys.

    • hello, mbignacio. i guess nasa pilipinas ka na at alam mo na ang sagot sa tanong mo. di ko alam kung pinagbabayad ng vietnam ang lahat ng pasahero ng travel tax. pero yung airport fee, baka maningil sila. (di ko sigurado, di pa kasi ako nakapunta ng vietnam)

  127. Hi gudam taga pinas po ako, then i’ll go in vietnam for my training only for 1 week. May terminal fee pa po ba need bayaran pabalik na po kasi ako ng pinas today. Thank you.

  128. Hi po sa oman po binili yung ticket ko ask kolang po kung kailangan kopa magbayad ng travel tax sa naia pag alis ko papuntang oman.

  129. Hi po! sa travel agency po ako nag avail ng ticket..hindi ko na po ba talaga kailangan magbayad ng travel tax pag nasa airport na ako? thank u.

  130. hi po good day mag tatanong lang po sana ako firts time ko po mag visit sa bangkok thailand at wala din po ako kakilala dun mag isa lang po ako mag travel itatanong kulang kailang po ba kumuha ng tourist visa kahit 27days lang ako dun at sa tingin nyo po magano ba dapat ang pera na dadalhin mo

  131. Hello good evening.
    Totoo po ba na pinagbabayad na ngayon ng tax ang mga inuuwing chocolates ng mga OFW’s? Hinaharang na daw po sa NAIA pa lang? Please reply asap thank you so much

  132. hi po plano po nmin mgtour s Malaysia nxt month 2nd trip npo nmin to ksma ang mga ank k at mother ko po pro ngaun isasama nmin ang 14yrs old n kpatid ko tatanung ko lng po sna kung kylngan ko png kumuha ng certification Gling s school nya or written consent gling s school n pnpyagan xang wla sa klase within 2weeks n stay nmin s Malaysia..hnd npo kmi kukuha ng dswd travel clearance dhil ksma nman po nmin s trip ang mother nmin

  133. Good day po!

    Pupunta po ako sa Singapore sa December. 20 years old na po ako and by December naghihintay nalang po ako ng board exam result. First time ko po kasi magtravel mag-isa papuntang ibang bansa (first time din makapunta ng ibang bansa). Meron po kasi sa form sa immigration na occupation, ano po ba dapat kong ilagay? Student parin ba? Or none? Baka po kasi pagkamalan akong maghahanap ng trabaho dun. Eh hindi naman. Haha!

    Tska ano po bang mga kadalasang itinatanong ng mga IO? Hindi po ba mared-flag ako? Sabi ng ate ko magbibigay siya ng passport at invitation letter (nandun na address niya daw) para if hingin meron ako mapakita. Meron pa po bang ibang documents na kailangan? May mga nabasa po kasi ako na yung iba kailangan pang iprove na kamag-anak mo yung magspo-sponsor ng trip mo. Or kailangan pa daw ng NSO birth certificate, mga ganun po?

    Wala naman akong dapat ikatakot pero nakaka-kaba po kasi. Mamaya ihold ako or something. First timer kasi e.

    THank you po sa sagot!

    • kung ate mo ang sponsor mo sa travel and stay mo sa singapore, i-prepare mo lahat ng documents na magpapatunay ng relationship ninyo ng ate mo pati na rin yung kakayahan niyang i-finance ang travel mo. mas maraming documents, mas mabuti. pwedeng hindi magamit lahat pero at least ready ka. walang nakaka-alam sa kung ano ang gustong itanong or hingin ng mga immigration officer sa mga travelers. depende iyon sa mood nila sa araw na ‘yun.

  134. Pwede poh ba sa hand carry via cebu pacific ang glutathione box and iv set if nka safe packaging nmn ang syringes..

  135. makakaalis po ba ko kahit 18 years old palang ako my pupuntahan kc ako ung friend ko sagot nya ung lahat ng gastos

  136. Very helpful tips.

    Question lang, pwede po ba magdala ng pabango sa handcarry na 100ml pero spray? D naman sya yung liquid na perfume? Or kailngan ko pang bmli ng mas maliit don?

  137. HI po sir, ask lang po
    1. makakalis ba nang bansa or papayagan ba ng immigration na makaalis kami ng anak ko kahit certificate lang ang nakuha ko sa CFO office, wala iyong cfo sticker sa passport ko?
    2. Hahanapan pa ba ako ng show money , kahit iyong asawa ko ay nasa ireland at naghihintay sa amin sa araw ng fligth namin ng anak ko?

    Salamt po..

    • hello po.

      1. kung may chance pa po kayong makahingi ng cfo sticker, subukan nyo pong humingi. kung hindi kayo bigyan, subukan na lang po ninyo kahit yung certificate lang. kung ayaw tanggapin nung immigration officer, subukan nyong ipaliwanag kung bakit hindi kayo binigyan nung sticker na yun.

      2. kung may proof po kayo na sagot ng mister ninyo ang lahat ng gastos ninyo sa inyong byahe, ihanda po ninyo yun at ipakita sa immigration officer kung sakaling hanapin nya. hindi naman po kayo ire-require na magpakita ng show money kung mapapatunayan ninyong may sasagot sa inyo pagpunta ninyo sa ibang bansa.

  138. Good day po

    Pwede po ba mag dla ng atsara na nklgay sa plastic bottle ng peanut butter at adobong baboy na nsa tupperware at ilalagay sa luggage. Maraming salamat po

  139. Good day po

    Ask lng po ulit.humingi po aq ng documemt sa kua ko un contract nya sa work bka skli kc tanungin aq sa immigration kng anung work ng kua ko.kso 2012 pa un contract nya at sbi nman ng kua pag tnanung aq bat 2012 pa sbhn ko dw na unlimited un.kc duon prin nman sya nag work.okey lng po ba un?

    Need ur feedback tnx po

  140. Hi,
    Tanong ko lng po meron kz kaming flight to auckland via two different airlines. Ung una po is to SG via cebu pac then SG to auckland via Air NZ. Confuse lng po kz ako kung ano dapat ilagay s country of destination s departure card, kung SG or NZ? Since ang boarding pass pa lang na makukuha namin ung s cebu pac to SG and need ulit mag check in dun. Thank you.

  141. >,,,ako lang po mag isa pupunta ng us pitition po ako ng papa ko gusto ko po kasama ung boyfriend ko paano ko po sya mkakasama sa airplane ano po kailangan gusto ko po kase may kasama papunta dun kahit umuwi nalang sya mag isa please sagutin nyu po paano po

  142. Kapag bumili ka ba ng cellphone na mamahalin sa ibang bansa(or iPhone 5s), kailangan po ba ng tax? I mean, sisingilin po ba sila ng tax?

    • i think, oo. lalo na kung mukhang bagung-bago pa sya. kaya bago ka mag-uwi ng gadget sa pilipinas, gamitin mo na muna sya sa kung saang bansa ka man galing. pwede ring itago mo na lang yung gamit na tagung-tago sa loob ng bagahe mo.

  143. Hi Rp!! Its me again! Kmusta po? Im going to travel again po. Next destination nmin ng BF ko (British) ay sa Phuket, Thailand. DUn na kmi magkikita, mejo kaba padin ako khit my stamp na ako bfore from SG. Any advice and tips Rp? Do i need a CFO ba un?
    Hopefully Rp next stop ko Europe na. Thanks a lot Rp!

    • hello again, ms. monica. di naman natin kelangan ng visa sa thailand. at kung hindi ka naman magma-migrate sa thailand, di mo kelangan ng CFO. patunayan mo lang na meron kang resources para sa iyong byahe at hindi ka magti-tnt sa thailand, i’m sure wala kang magiging problema. pero syempre kumpleto ka pa rin dapat sa travel documents (passport, ticket, travel tax, airport fee, etc.)

  144. goodmornng po anu po ba dapat kung kunin first time ko pupunta nang ibang sa us po wala po ako kamag anak dun pupuntahan ko lang boyfriend kung foreigner anu dapat kung kukunin na visa po salamat

  145. Good day. Tanong ko lang kubg sabay ba binabayaran ang Travel tax at terminal fee sa airport? Thank you!

  146. Hello po. Nagavail po ako ng package tour s hongkong online. Ngayong September po yun pero public teacher po kasi ako. Papayagan kaya ako ng immigration na magtour for 4 days lang nman (saturday to tuesday)? Ano pong mga requirements nila pag government employee? First time ko po kasi. Salamat po

    • Hi mam… Para s govt. Employees need natin ng travel order.. Me and my Family Is also going to hk dis oct… Kapareho nyo po kmi na govt. Employee

    • Mam mgdla po kyo ng permit to travel,kc yan po hnanap skn nung end of sept..my mga dala din p aqng certificate of employment,pay slip para sure..ung permit to travel nkalmutan q humingi ang sb skn dpt sa next travel q my dala n aq

      • Hello po, ask ko lng po, flight ko po kc pntang hongkong, govet employee po ako kaso contractual lng po ako (project based) lng po… Nag ask po ako ng travel authority sa DOH Region 1 kaso ang sb hnd dw cla ngiissue ng ganun if hnd ka regular employee… Ano po kaya ang pwede kong gawin? Pls help me po. Sayang naman kc ung tour package nmn kung d ako makakasama dhl lng sa d ako nkakuha ng travel authority .. Mrming slmt po

  147. SIR TANONG KO LANG MAHIGPIT PO BA ANG MGA TAIWANESE AIRPORT PAGDATING SA MGA DADALHIN SA LUGGAGE?

  148. SIR MGANDANG TANGHALI PO PAPUNTA PO AKO SA TAIWAN AS A FACTORY WORKER SABI NILA SIR MAHIGPIT ANG TAIWAN SA MGA BAWAL SA AIRPORT NILA PWEDE PO BA AKONG MAGDALA NG SABON PAMPALIGO..TOOTPASTE 1 SACHET.,.COTTON BUDS.AT MGA ANTI BIOTICS NA MY RESETA NG DOCTOR SAN KO PO BA PWEDENG ILAGAY UN UN LUGGAGE OR HANDCARRY?TNX PO SANA MASAGOT NYO PO ANG MGA QUESTION Q.TNX

  149. Good

    Ask ko lng po sponsor aq ng kuya ko kso ang apelyido na gnamit nya ay un maling spelling ng birth cert nya.at yun nrin ang gnmit nya sa passport nya dnya na pnabgo.
    Example po (casela)un correct
    (Casila) un mali. okey lng po ba na kmuha aq
    Sa abogado ng affidavit of same person pra pag hnanapan ako sa immigration may papakita aq.casela kc gamit ko.bka question ing aq. kapatid ko sya pero iba spelling ng apelyido.paalis nkc aq sa 18.at wla nko work dto sa pinas visit visa lng aq pa.dubai pra maghnap ng work.anu pwede palusot sa immigration?

    Okey lng po ba na ilagay ko rin sa luggage ko un credentials ko.?need ur feedback po plss

  150. Hi po.ask ko lng po kc first tym ko pong lalabas ng bansa pupunta po ako ng HK.for 2 weeks vacation at my invitation po ako from my cousin na nagwowork dun.
    eh nagsara na po kc ung work ko po dto sa pinas this august lng.so currently unemployed po ako. pano po pagtanong sa immigration about my occupation,ano pong sasabihin ko?salamat po.

    • hello po…first time ko po mag travel as immigrant papuntang US..magdadala po kasi ako ng dvd,vcd at cd..mga original naman po ito..matatagalan po ba ako dahil sa pag check nila nito? and one more thing, 3 stops po kasi ako..sa mga lalapagan po ba na airport gaya ng seoul at chicago ay may travel tax at terminal fee din na babayaran? thanks po…

      • sir bernardo, kung di naman po marami at hindi questionable ang contents ng mga cd ninyo wala naman po sigurong magiging problema.

        di pa po ako nakapunta sa seoul at chicago pero mas maganda na pong mag-ready kayo ng pambayad kung sakaling may singilin man ang mga airport na ito…

    • Magandang arw po ah sir first time ko po kc pupuntang hk diz month pero wala akong work kc nilibre lang nman ako ng bf ko paano kong may tatanung sila sa akin anu po ba ang dapat ko sabihin tnx

    • mam leeza, ang maipapayo ko lang po ay sabihin ninyo yung totoo tungkol sa inyong trabaho pero patunayan nyo rin na meron kayong sapat na resources para i-finance ang inyong byahe…

  151. ask qlng po pede po bang magbyahe qng emergency ang batang 15 yrs old mag isa papuntang pilipinas?paso npo ang passport nia.tnx po…

  152. Magandang araw po, nais ko lang itanong kung paano po ang procedures sumakay ng eroplano local lang from naia to kalibo aklan. Maraming maraming salamat po.

    • di pa po ako nakasakay ng naia to aklan pero sa tingin ko ay di gaanong nagkakaiba ang process sa international flights: schedule check, baggage check, documents check, airport fees, go to gate and board the plane

  153. pwede po bang magdala ng teddy bear ung mejo katamtaman na laki…

  154. hi po ako ay isang barbero nais ko pong mag abroad,kung sakali na matnggap ako pano ko mdadala yung mga gamit ko katulad ng gunting,blade at iba pa .pls reply.

  155. Hi po ask q po kung panu ung drect hire…?? Klngan prin po b ng oec??
    Thanks

    • kelangan daw po ng certification galing sa philippine embassy pra di na kumuha ng oec. pero ako po, employment certificate ko lang ang hiningi at nabigyan ako ng oec. direct hire din po ako dati sa ibang bansa.

  156. Bawal din ang tinidor, electrical tape, sa hand carry, yan ang mga nakalimutan kong ilagay s bitbit ko non, even if domestic flight lng un,
    How much more pg international.

  157. Good day sir. Mag tourist po ako papuntang dubai ulit, pero galing nako dun dati at naka pag work pero nag resign din. Balak ko po bumalik at visahan po ako ng asawa ko at gawa na din ng affidavit of support. Anu po ba ang mgandang ipakita sakanila or sabhin para di ma offload. Salamat po

    • mas maganda po eh mag-inquire na kayo sa malapit na immigration office sa inyong lugar…

      • Kung bibisita lang po talaga kayo, magandang may maipakitang proof na may current work kayo sa Pilipinas like company ID, employment certificate (“currently working in the company”) etc.

        – Kabayan na nag-visit visa sa Dubai, pinagmukhang bibisita sa kuya pero for work talaga

  158. Hi wanna ask lang po kasi nasa province po ako at wanna ask sana kung ano po bang ticket dpat ko kunin para same airport po kami ng hubby ko pagsumundo po ako sa kanya.galing po siya sa ibang bansa at gusto ko sana kumuha ng same ticket ng flight nya pauwi dito sa phils at kukuha din ako ng ticket papuntang maynila.ano po ba ang ticket na kukunin ko para sa airport po kami mgkikita?pal po ba or cebu pac?tha nks po

    • kahit cebu pacific po o kaya pal ang airline na gamitin nyo, ayus lang ho. pumupunta po sila sa maynila. alamin nyo lang po kung kelan ang dating ng mister ninyo at kung saan yung eksaktong airport na bababaan nya.

      maghanap po kayo ng flight schedule or mag-inquire kayo sa alinmang airline kung meron sila nung magma-match sa pagdating ng mister ninyo. sabihin nyo po sa kanila kung saan kayo manggagaling, saan kayo papunta, at kung kelan ang gusto ninyong flight.

  159. I am Maria,I just have a question I worked in Abu Dhabi for more than 3 yrs. I resigned last day was 5th of July andΒ  found new job however my old visa was cancelled 16th of July and that time it is going to expire so I needed to go back to Philippines while waiting for new visa from new employer. I received my entry visa last 23rd of July.Β 
    1. Can I book a flight from Manila to Abu Dhabi directly without problem?
    2. What is the validity for entry visa?Β 
    3. I was off loaded last week but same day i lost the requirements list given to me by immigration officer. Can I get another copy?
    4. Can I present copy of UAE entry visa since it was sent only by email

    I will be waiting for your reply.

    Thank you in advance.

    Rose

    • hello, maria or rose. heto ang mga maisasagot ko sa mga tanong mo:

      1. wala ka dapat maging problema kung valid ang mga documents na gagamitin mo sa pag-book ng flight

      2. mas maganda magtanong ka sa embassy ng abu dhabi

      3. punta ka na lang muna siguro sa pinakamalapit na immigration office sa inyo

      4. ang alam ko sa visa is dapat original pero inquire mo na rin sa immigration office na malapit sa inyo

      rp

  160. How much na po as of now yung terminal fee? For adult and children? And how many months ang allowed before expiry for passport pra sa flight. Thank you admin!

    • ganun pa rin po ang pagkaka-alam kong price as of this time. ia-update ko na lang po yung article kapag may nagbago. yung passport po should be more than 6 months sa araw ng flight. pero negotiable, para-paraan na lang…

  161. Hi, Good Morning po, ok lang po ba magdala ako ng cridentials ko such as red ribbon, diploma and tor ko kahit na tourist visa lang po yung visa ko? Papasyalan ko din po ang kapatid ko na nag wwork sa dubai at doon na din po ako ttuloy sa tnutuluyan ng kpatid ko, at the same time try ko luck ko sa paghhnap ng trbaho. May eoc din po ako ng kpatid ko at ipprint ko lang po yung e.ticket na ipinadala nya.

  162. helo goodmorning po pupunta po ako nang usa first time ko po pumunta dun may nag sabi kasi kailangan pa po ba ako iinterview?nang taga immigration or what?un po kasi ang sabi sa akin salamat po

  163. Hi Good evening, first time traveller po ako and i Have a tourist Visa po Going to dubai, my question is visit visa and tourist visa is different po di ba? And i was so cunfused kasi po sabi ung visit visa lang ung kelangan ng affidavit of support and tourist visa is di na need. Kasi i dont have any relatives in dubai, and i just want to expend my absecence of leave in dubai for only 10 days lang naman po. And i already booked for the tickets (Round trip) and the hotels that i can stay in dubai. And as ive read your blogs some of the reply here that they say na if tourist immigration sometimes ask for COE (so i already ask my work here in pinas to provide me also COE and i have COE now) everything is set, but my question is im a tourist visa holder. Do i need to get pa po ba talaga ng Affidavit of Support eh wala naman po talAga ako kamag anak in dubai, i want to experience lang po talaga a vacation in dubai. Please help me po, kasi natatakot akong ma offload sa immigration. Sayang kasi po ung na pay ko na sa ticket and hotel. And di po birong halaga un po. Please help me po. Salamat.

  164. hello po asko ko lang po if hahanapan pa ng return ticket ang anak ko.. kukunin ko po kasi sya sa pinas 4 years old lang po sya.. OFW po ako… possible po ba na hanapa sya ng return ticket… salamat po…

    • sa pagkaka-alam ko po ay hindi na hinahanap ang return ticket. hindi pa po ako hinanapan ng ganun kahit kelan. pag hinanapan kayo, ang sabihin ho ninyo eh hindi pa kayo decided kung kelan ulit babalik sa pilipinas.

  165. Hi..po good pm..madam/ sir..gusto ko malaman kong anong meron kayo na promo ngayon..pls.po paku inform sa amin salamat po..papuntang cebu po..

  166. Good morning po,magttanong lang po sana ako,dati po akong dh,bago po matapos ang contract ko nagappy po ako sa labas as a housekeeper,at natanggap naman ako,umuwi po ako dito sa pinas kasama ang offer letter galing sa company at submitted ko na po sa agency dto sa pinas for legal processing,pagbalik ko po wala po bang magiging problema sa immigration sa airport?

    • basta dumaan na po sa legal processing at na-update ninyo ang lahat ng info ninyo sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan at ma-provide nyo lahat ng required documents (visa, oec, airplane ticket, etc.) sa airport para makalabas ng bansa, wala na po dapat kayong maging problema.

  167. Hello po! First time ko po kasi magtravel magisa ko so gusto ko po malaman if kailangan pa po ng parent consent if mag-tra-travel ako eh 18 yrs/old palang po kasi ako. Dko po kasi ako sure kung okay lang na kahit wala ng parent consent baka kasi di ako payagan sa NAIA kung sakali. Haha.

    Tapos po sa e-ticket po ba kasama na dun yung mga fees na babayaran sa NAIA?

    • di naman kelangan ng parental consent pag nagta-travel ang minor. pero ang mga batang 8 to 11 years old ay pwedeng mag-apply as “unaccompanied minor” para mag-travel mag-isa. hindi mo na ito kelangan kung 18 ka na.

      kung sa pilipinas ka bumili ng ticket, malamang kasama na lahat ng airport fees sa binayaran mo. pero para sigurado, mag-inquire ka sa airline na binilhan mo ng ticket.

  168. hi, gud day po, ask ko lang po kc may visa na po ako ska po mga anak ko valid until march 2016 to canada. ask ko po kung pwede ako mauna tapos susunod po sila sa akin papayagan po ba sila ng airport natin dito. may letter naman po for confirmation of permanent residence. mga anak ko po 10 at mag 5 years old.

    petition po ito ng mother ko nasa canada. kasama rin po ang anak ko.

    salamat po, sana po ay matulungan nyo ako.

    • yung 5 years old na anak po ninyo ay hindi papayagang mag-travel mag-isa. ayon po yata sa aviation rules and regulations, mga batang 8 to 11 years old lamang ang maaaring payagan mag-travel na walang kasamang guardian.

      yung 10 year old ninyong anak ang maaaring makapag-travel mag-isa as “unaccompanied minor”. mag-inquire po kayo sa mga airline tungkol dito.

  169. Hi good day po ask ko lang po,mag tour po kami ng mga friends ko 2 days Macau and 3 days Hong Kong.Ano po isasagot namin sa immigration officer if tinanong kami kung ilang days kami,FYI manila-macau and hong kong-manila ang ticket namin..Hope masagot niyo po ako.salamat

  170. hi po..ask ko lang..kasi po government employee ako and second time ko na pong magpunta ng brunei..ang problema po kasi ngaun eh ung papers ko na authority to travel ay mukhang madis approve kc late nang naipasa ng division office..sa una ko pong byahe dineclare ko n govt.employee ako kasi my papers ako.this time po di ako sure kung mgiging ok papel ko..kung di ko na lng po ideclare na govt.employee ako dis tym..mtatrace po kaya un sa immigration..? nakarecord po kaya ung nature of work dun sa last na pag alis ko? sana po mtulungan nyo ako..natatakot kasi ako n baka ma offload ako..sayang naman po..slamat

    • sa tingin ko po eh walang problema kahit i-declare ninyong goernment employee kayo basta kumpleto kayo sa mga documents na kailangan para makasakay ng eroplano (plane ticket, passport, visa, etc.).

      kung may mga concerns po kayo, mas mabuti sigurong mag-inquire muna kayo sa pinakamalapit na immigration office sa inyo para makasigurado. narito po ang listahan ng mga offices nila: http://www.immigration.gov.ph/index.php/contact-us/other-immigration-offices

      • Hello po, ask ko lng po, flight ko po kc pntang hongkong, govet employee po ako kaso contractual lng po ako (project based) lng po… Nag ask po ako ng travel authority sa DOH Region 1 kaso ang sb hnd dw cla ngiissue ng ganun if hnd ka regular employee… Ano po kaya ang pwede kong gawin? Pls help me po. Sayang naman kc ung tour package nmn kung d ako makakasama dhl lng sa d ako nkakuha ng travel authority .. Mrming slmt po

  171. Tanong ko lang po. Kapag minors na kasama ang mother mag travel, kailangan pa ba ng ID? Domestic flight lang po.

  172. Hi itatanong ko lang po pati po ba 6mos old baby magbabayad ng terminal fee at travel tax? Sna po mtulungan nyo ako. First time po naming mag ina at dependent po kmi. Salamat.

  173. good day po. need ko po sana advice sa gagawin ko.
    im currently working here at SG po as DH , 24years old plang po matatapos po kontrata ko sa April 2016.
    Ang tanong ko po ano po mga requirements papuntang dubai as tourist pag dito SG galing? may 3 po akong pinsan na nandoon ngaun ung isa kakalipad lng nung May .. natatakot po kasi ako umuwi pa pinas bka maoffload ako papuntang dubai..
    ung second question ko po.
    pag hindi po ako payagan ng amo ko diretso sa dubai as tourist at gusto nia tlga sa pinas ako umuwi kasi po hindi kami masyado magkasundo ng babae kong amo baka po may possibility ayaw akong payagan ang naiisip ko po kahit na book n nila ako binilhan ng ticket pauwe pinas pero sasabihin q sa pinsan ko nsa dubai is ibilhan ako ticket the same day ng pag uwe q pinas . Mag no show po ako sa ticket na binili amo ko pauwe pinas. posible kaya po tong iniisip ko?

    thankyou ng marami!
    Godbless

  174. Hi po salamat sa pag share ng mga impormasyon! Ask ko lang po ako ay mga 17 weeks pregnant safe po bang dumaan sa xray machine? Paano po ako makakaiwas na dumaan sa xray baka po mapano ang baby salamat in advance sa sagot.

    • mam belle, sa philippine airports po natin hindi naman kayo ang dadaan sa xray. metal detector lang po ang dadaanan ninyo. yung bagahe lang po ang dadaan sa xray.

      pero hindi ko po alam sa ibang bansa kung dumadaan yung tao sa xray machine. makiusap na lang po kayo sa airport personnel na huwag kayong padaanin sa xray machine kung gumagamit sila ng ganun.

  175. hi ask ko lang po sana if anu po kelangan ko documents para sa tour ko sa sg po natatakot po ako ma offload hindi po kasi ako employed pero may enough money nman po ako para sa tour ko salamat po. solo lng po kasi aqo. salamat po

    • na-discuss na po extensively ang tanong na yan sa comment section natin. pakibasa na lang po. ang basic lang na kailangan mo is passport, airplane ticket at resibo ng mga airport fees. other than that, will depend sa ugali ng immigration officer na makakaharap mo…

  176. Hello everyone!! Anyone knows for an escort service in NAIA?? I was offloaded twice. IO officer gave me requirements stating that the sponsor should be at least 4th degree relative of consanguinity, unfortunately I’m on the 5th degree already. My uncle is my sponsor, first degree cousin of my mom.. 4th degree is only until my mom.. that’s why I badly need an escort. . Feel free to contact me 09179041280.. thank you and A good day to all!:)

  177. Bawal ba icheck in ung 20% trichloroacetic acis peeling solution? Terminal to papuntang honolulu

  178. hi po tanong ko lang po kung may idea kayo sa mga bawal sa eroplano papuntang saudi at ano po ang mga iyon.,

    • depende po sa airline na sasakyan ninyo papunta saudi. pwede nyo po i-check yung mga bawal dalhin sa website ng airline na gagamitin ninyo.

      pero usually, kahit saang eroplano, halos pare-pareho lang ang bawal. paki-check po yung mga nakalistang bawal dun sa article sa itaas.

  179. Nalilito lang po kase ako sa check in baggage ng PAL from phil to hawaii.. Pwede po bang isang luggage lang ang icheck in weighing 40-46 kgs. O dapat dalwang tig 23 kgs? Confused lang po..thanks..

  180. hello po sir. magandang araw po. sa sitwasyon ko po nalilito po talaga ako kung ano gagawin. last year po sana pabalik ko dyan sa pinas, eh kaso di ako pinayagan ng OBY ko kasi buntis na ako ng one month and decided na rin ng husband ko na this december na ako uuwi sa pinas mula dito sa japan ng mag-isa or planung isama ang anak ko . meron na po akong ZAIRYU CARD o yung tinatawag nilang residence card na ang status ko ay spouse of japanese citizen na ibinigay ng immigration of japan sa akin. sabi po ng japan immigration di na daw po ako kelangan ng visa pagbalik ko dito. ang inaalala ko lang po eh yong immigration dyan sa NAIA, kasi po nong last year na pagpunta ko dito sa japan (after our marriage sa pinas),temporary visitor/tourist po ang visa ko at wala po akung CFO na ipinakita (hindi naman po ako hinanapan) . kasama ko yong husband ko papunta dito.tanung ko lang po kung maapektohan or kikilatisin pa rin ba nila ang passport ko na may temporary visitor na tatak o magdedepende sila sa ID na ibinigay sakin ng japan immigration.at kung dadalhin ko yong anak ko na may japanese citizenship pero magkaiba pa kami ng apelyedo kasi ng magpunta ko dito single pa ung passport na ginamit ko hindi pa ako nagpalit ng family name.possible po ba na ma offload kami sa airpot ng anak ko?problema ko lang po jan sa NAIA, ang paglabas ko dito kasama anak ko o mag-isa walang problema, pero pabalik dito hindi ko talaga alam.ano po kayang possibleng documento na hanapin nila kahit may residence card na ako dito.maraming salamat po

    • ipaliwanag po ninyo ng maayos sa immigration yung sitwasyon ninyo. i-explain nyo rin sa immigration officer kung ano yung residence card ng japan. ipa-ammend nyo na rin po yung lahat ng mga documents ninyo para walang conflict sa mga laman nila. mag-inquire na rin po kayo sa immigration office ng pilipinas bago kayo pumunta ng airport para sigurado.

  181. hi plano namin magkakaibigan mag tour sa krabi thailand for 13 days. may passport,roundtrip ticket at invitation letter galing sa friend din namin na nag wowork doon.Ask ko lang kung ano pa kailangan first time namin mag tour graduation gift samin ng parents namin kasi kaka graduate lang namin and natatakot kami ma offload.thanks po

    • subukan nyong mag-inquire sa pinakamalapit na immigration office kung ano pa ang gusto nilang dalhin ninyo. ang importante lang eh mapatunayan ninyong di kayo biktima ng human trafficking or hindi kayo nagbabalak mag-TNT sa thailand.

  182. Hwlo po sir. Valid po ba Phil Health for Domestic flight?

  183. hello sir ask ko lng po sir kung ano po required na tv size na wala pong tax?salamat po

    • wala po akong alam na limit sa size tungkol sa tax, basta mapatunayan lang ninyong sa inyo yung dadalhin ninyong tv, ok na. pagmukhain nyo ring luma at hindi brand new.

      siguraduhin na lang po ninyong allowable yung size nya sa baggage size limit ng airline na sasakyan ninyo.

  184. Tanong ko lang po. Nakabili na po ako ng ticket round trip papuntang Japan. Magbabakasyon lang po. Ako lang po magisa kasi walang gustong sumama. 4 days lang po ako. Meron na po akong Hotel Reservation. Ano pa po bang dapat kung dalhin sa airport? Hanapan po ba ako ng documents or id’s?

    • wala na po dpat kayong dalhing ibang id pero baka mapatapat kayo sa maarteng immigration officer kaya mas mabuti nang magdala kayo ng supporting documents gaya ng employment certificate or company id. or anupamang madadala ninyong katibayan na pwede kayong mag-travel sa japan at hindi kayo magti-TNT duon. ipakita lang ninyo kapag hiningi sa inyo.

      • sir, last march pupunta sana ang kapatid ko sa malaysia for tour kasi mgholy week gift nya sa sarili nya with complete docs and ids and everything tour package and hotel kung matatapat sa maarteng immigration officer walang konsiderasyon, maooffload po talaga, anu pa bang kailangan dalhin o sabihin pra lang mapatunayan na hindi ka mg TNT dun o legal ka, sabi ng kakilala ko sa airport ngppbayd dw un wtf! mawawala lahat ng ginastos mo buti kung irerefund nila hindi naman di ba, so tapat tapat lng po ang swerte ate so gudluck and pray πŸ˜€

  185. Ilang kilo po ang pwedeng ilaman pag maleta?

    • depende po kung saan kayo papunta, aling airline ang gamit ninyo, at ano ang category ng seat ninyo (economy, business or 1st class). check nyo po sa customer service ng airline na gagamitin ninyo.

  186. hello po, first time lang po kasi nmin magttravel ng kapatid ko sa hongkong tanong ko lang po bukod sa passport,id,itinerary and hotel booking ,2-way ticket and show money ano pa pong other supporting documents yung kailangan?at iba pang possible questions samin sa immigration

    graduation gift po kasi samin to bale shoulder po ng mother nmin expenses

    • subukan nyo pong magdala ng katunayan na nagtatrabaho yung mother ninyo sa hongkong or anumang katunayan ng source of funds. ipakita nyo lang yun kapag hinanap sa inyo.

      yung sa immigration, walang nakaka-alam sa mga eksaktong tanong na ibibigay nila. minsan, depende sa mood nila, wala silang itatanong.

      kaya kung magtanong man sila, sagutin na lang ninyo ng maayos kung ano yung itatanong nila. karaniwan, tungkol lang naman ito sa byahe ninyo.

  187. hello mag kano po kya ang terminal fee at tax na babayaran ko mag tour po sa singapore ng 14 days invited po ako ng pinsan ko dun at online ko po nabili yung tiket.at unempolyed po ako hindi kaya magkaproblema sa immigration dto po palabas ng bansa ..salamat

  188. me empleyado kami sa japan pilipino sya emergency lang na pauwiin sya dito kaso 3 days lang eh ma eexpire na yun passport nya less than six months paano po ba gagawin namin

    • depende po kung gaano na lang kaikli ang natitira sa validity ng passport nya. minsan pinagbibigyan ng mga immigration yung mga less than six months ang passport basta maganda ang dahilan. pinayagan na rin po ako dati na mag-travel sa japan kahit less than six months na ang validity ng passport ko.

      pwede nyo rin po subukan yung ginagawa nung iba, magpapa-renew sila ng passport sa philippine embassy sa japan pero hihingi sila ng katunayan na nagpapa-renew sila ng passport. subukan nyang makiusap na huwag muna i-surrender yung luma nyang passport dahil magta-travel sya.

      kung isu-surrender nya yung passport nya, baka kailanganin nyang humingi ng special exit and entrance permit sa philippine embassy atsaka sa japanese immigration office. matrabaho po yun.

      maganda rin hong mag-inquire sa philippine embassy sa japan atsaka sa immigration office ng pilipinas.

    • hello po. my ask lang po aq. pupunta po kami ng family ko sa HK. hndi po kmi aware sa validity ng passport ay 6 mos. yung passport po ng hubby ko po is valid gang july 2015. naka book na po kmi ng May 23-25. sa tingin nyo po papayagn makaali ang hubby ko? anu po dpat namin dalin para mapayagan syang makasama sa amin? thank you in adavnce.=)

      • magpa-renew po ng passport yung mister ninyo sa pinakamalapit na DFA ofis at wag nya isurrender yung passport nya. dalhin nya sa airport yung malapit nang ma-expire na passport tsaka yung resibo sa passport renewal.

  189. Question ko lng po sa ticket na napurchased online.. ngconfirm na po kc airline sa payment ko at may email na ako nareceive sa kanila.. ask ko lang if need ko ba iprint yung inemail or pwede ipakita lng yung from my cellphone.
    thanks a lot

  190. Hi Sir RP,

    Sa airport fee and travel tax, may discount po ba ang senior citizen?

    Regards,

  191. Hello, tanong ko lang po, noong nakaraang linggo po ay ginusto ko po sanang mag tour sa Singapore, company sponsored po itong tour na ito, all expenses sinagot po ng kumpanyang pinatatrabahuhan ko sa ngayon. Ang naging problema ko po is twice po akong na offload, unang beses hinahanapan nila ako ng kulang na documents like Hotel reservation at itinerary ng tour which is hindi na iprovide ng company ko ng first time ko nag try. Second time, bumalik po ako after 5 days, na offload nanaman po ako, hinahanapan nila ako ng napakaraming requirements like ITR for the last year, Payslip, SSS contribution at Philhealth contribution ng kumpanya para dito sa tour ko. Balak ko pong hindi na ito ituloy at magpatulong nalang sa kamag anak ko sa Abu Dhabi upang doon ako mabigyan ng tour, bale ang lalabas po ay sya ang mag ssponsor sa akin sa pagpunta sa Abu Dhabi. Sa tingin po ba ninyo ay magkakaroon ako ng problema sa immigration dahil na offload ako twice to Singapore at this time I am going to Abu Dhabi with complete documents naman po? Salamat po in advance.

    • Additional comment ko lang po sa case ko, ito po ang mga dala kong documents noong nag try ako mag tour sa Singapore.

      SEC Registration ng sponsoring company
      ID from the sponsoring company
      Certificate of Employment
      Certificate of Incentives
      Hotel Reservation to Singapore
      Singapore Tour complete itinerary
      Passport
      Boarding Pass
      Plane Itinerary

      • Sa totoo lang, sobrang laki ng nawala sa company ko at saakin sa pagpapabalik balik ng immigration saakin, pero binigyan pa rin ako ng company ko ng isa pang chance, to find a relative abroad and ask them to be my sponsor as a front, pero company pa rin mag hahandle ng expenses. Sa tingin nyo po ba magkakaroon pa rin ako ng problema dito? Noong na offload po ako nang first time, nag inquire na rin po ako sa relative ko sa Abu Dhabi at ikinuha na rin po nya ako ng visit visa ng Abu Dhabi. Since na offload nanaman nga po ako second attempt to Singapore, no choice na po ako kung’di magpatulong nalang sa relative ko sa Abu Dhabi.

        • Naiinis na lang talaga kami sa immigration kasi non-refundable lahat at non-rebookable ang tour, ticket, maliban sa hotel reservation ko which is 50% cancellation fee. Umabot na rin around 30k ang nasasayang.

    • hello, sir peter. parang harassment na ho yang ginawa sa inyo ng immigration. wla na po sila sa katwiran. baka gusto lang ho mangotong nung immigration officer sa inyo kaya kayo pinahirapan ng ganyan.

      mas maganda po sigurong mag-reklamo kayo sa immigration office tungkol sa kaso ninyo. dahil baka i-offload lang kayo ulit sa bagong idea na gusto ninyong gawin.

      check nyo po ang website na nasa baba at mag-inquire sa pinakamalapit na immigration office. kung natatandaan po ninyo yung pangalan nung immigration officer, mas magandang i-report na rin ninyo ang taong ito.

      narito po ang website:
      http://www.immigration.gov.ph/index.php/contact-us/other-immigration-offices

      • Mag report nalang po siguro ako bukas, wala po ata office ngayon kasi hapon na at Sunday pa. Pero hindi ko na po ma-alala ang pangalan ng immigration officer na ayaw akong payagang mag-board, pero natatandaan ko ang pangalan nang unang immigration officer na nag turo saakin para magpunta sa pangalawang officer.

  192. Hi po, paano po sa Terminal 2 po kasi ako may babayaran pa po ba pagpasok ko po doon visit visa lang po ako please help. TY.

  193. Hello po,tanong ko lang kung allowed magdala ng e-cigarette sa eroplano?first time kong sumakay ng eroplano. Thanks

  194. hellow po..magkikita po kami ng asawa ko sa macau.may passport at eticket na po ako vice versa.ask ko lang po kung ano pa kailangan ko dalhin na documentd na kailangan ipakita sa airport.unemployed po ako.walang bank account.nag aalala lang ako bka hanapan ako financial support ng pag stay ko don.pls reply.God bless po

    • wala naman po sigurong magiging problema sa inyo dahil mister nyo naman po ang sumusuporta sa inyo. subukan nyo pong magdala ng kopya ng certificate of employment or company id ng mister ninyo for backup. ipakita lang po ninyo kapag hiningi. sagutin nyo lang po ng maayos kung ano man ang itanong ng immigration officer.

  195. good eve po..kapag tourist k lng going broad ok lng khit may problem sa teeth? o chinecheck p dn un? hehe,,ang weird ng question ko po ..pki answer n lng po..thanks..

  196. Hello po, mag tatravel po mama Ko from us to Philippines first time po Nya. Ano po ba mga dapat nyang bayaran Kung permanent resident po sya sa U.S. At ano po ang mga form na dapat Nya e fill out Kung pwede po makita sa image mga form kasi po first time Nya at Hindi sya gaanong marunong sa English. Salamat po

  197. pinapayagan po b n lumabas ng bansa ang mga minorde idad n walang kasamang magulang.ano po b ang mga requirements n kailangan nilang dalhin.?

    • Hello sir RP,
      Good evening po..
      Marami po ako concerns tungkol sa pag ttourist ko po going to dubai po. (1st timer)
      * nag wwork po husband ko dun 2 months na and he wants na magpunta po ako dun as tourist….
      * bukod po sa ticket visa na ipapadala sa akin ano pa po ba kelangan ko ipakita sa immigration? Para po hndi ako ma deny?
      ( ipapaayos nya po kasi sa agency yung sa ticket visa ko po)
      * ano po ba usually tinatanong ng mga taga IO kapag husband ang nag invite na mag tourist po ako duon..?
      * nag resign na po kasi ako august last year. Hahanapan parin po ba nila ako ng company ID kahit mag ttourist lng ako sa dubai? Para masiguro po nila na babalik pa ako ng pinas?
      * ok lng ba magdala mg malaking maleta? Kahit tourist lng? ( kasi baka po iinspect pa nila) any suggestion po sa mga baguhan lang na mag ttour po.
      Thank u sir rp hoping for your feedback regarding my concerns thanks po

      • sinagot na po ang tanong na ‘to dito, paki-check na lang po sa mga comment.

        kelangan nyo pong dalhin lahat ng katibayan na inimbitahan kayo ng inyong mister at mag-ready kayo ng inyong itinerary. magpakita po kayo ng school id ng mga anak ninyo parang ebidensya na uuwi pa kayo para sa mga anak ninyo (ipakita lang po ninyo kapag hiningi).

        wala pong nakaka-alam kung ano ang itatanong ng mga immigration officer. kanya-kanya po sila ng trip. merong matanong, merong hindi. merong mahigpit, merong maluwag. maghanda na lang po kayo ng maisasagot sa mga posible nilang itanong tungkol sa byahe ninyo.

        ok lang po kahit na malaking maleta ang dala ninyo basta hindi sosobra sa allowable limit ng airline na sasakyan ninyo. ihanda na rin po ninyong ma-inspect ang bagahe ninyo kaya wag kayong magdala ng anumang bawal.

    • hindi po pinapayagang lumabas ng bansa ang mga menor de edad. paki-check po ito: http://www.cfo.gov.ph/

  198. Hi, My friend is from Australia and he will be visiting the Philippines. We are assuming that he doesn’t need a visa as long as his stay is not more than 30 days. His flights have multiple stops, does he need to check-in during his layovers or can he go directly to check-in for the next domestic flight?

    • if your friend has an australian citizenship, he will not need a visa during his short visit to the philippines. about checking in procedures, i am sure you will be guided accordingly once you get to the airport…

  199. Hello po.former ofw po ako sa Thailand for 5 years na po. March 28 ,2015 po ako umuwi sa pinas. Every year ,ako po ay umuwi to pinas for a vacation. Pero nwpag blik ko sa pinas,wla na kong visa kc nag expire na po xa…Babalik po ako to Thailabnd using a tourist visa. Mag ka problema po ba ako pag blik ko doon with tourist visa?

    • hindi naman po yata kelangan ng visa kapag pupunta tayo sa thailand or other south east asian countries. kaya walang problema kung mag-tour kayo sa thailand kahit na dati kayong ofw duon…

      • Good afternoon po. Ask ko lang po kung kailangan ng show money papuntang Thailand. Magkano po kunga kailangan? Yung hotel accomodation ko po ay nakapangalan sa friend ko, ok lang po ba yon?

        • hindi naman po kelangan ng show money basta mapatunayan ninyong kaya ninyong sustentuhan ang stay ninyo sa thailand. pwede kayong magpakita ng proof of employment. ipakita lang po ninyo kapag hiningi. di naman po ito hinihinigi sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.

  200. Ask ko lang po okay lang po b na ang ticket nmin is manila macau vice versa tpos ang hotel booking namin is hongkong? Ndi b magiging questionable to? Salmat po sa sasagot

  201. Hi sir RP,

    Punta po sana akong Japan, may 15days Tourist visa na po ako pero yung nalagay ko dun sa itinerary sa agency is 3days lang. Pano po if na.change yung gusto kong flight. Magiging 14days na? Tatanungin at hahanapan po ba ako ng accommodation papers sa immigration officer before boarding the plane?

    Glad if you could help. Thanks.

    • maaari po kayong hanapan ng accommodation papers pero pwede ring hindi. depende po sa trip ng immigration officer na mapapatapat sa inyo. ipaliwanag na lang po ninyo ng maayos kung ano ang nangyari sa sitwasyon ninyo at magdala ng lahat ng backup documents na kaya ninyong madala.

  202. hi po πŸ™‚ ask ko lang, paano ang gagawin ko or my dapat pa ba ako gawin? i’ll be going to singapore, nag pabook ako ng ticket gamit ang old passport ko, na malapit na magexpire, pero waiting na ko sa pinarenew ko passport, yung bago kong passport na ang gagamitin ko nmn bago ako umalis. may dapat ba ako ayusin pa or gawin pagdating ko sa airport?
    another question po, employed ako dito, at magbbkasyon dun for 16 days birthday month ko kasi, kakailanganin ko pb ang COE, or employee’s I.d. lang ok na sa immigration, ?
    thank u πŸ™‚

    • basta dalhin po ninyo yung old and new passport ninyo on the day of your flight at ipaliwanag sa immigration officer kung ano ang nangyari. magdala na rin kayo ng company id and/or COE kung makakapagdala kayo as proof lang na may trabaho kayo sa pilipinas…

  203. hello po RP, nabasa ko lahat ng post dito…punta po ako ng thailand this coming april 26, as a tourist…may passport, round trip ticket,at invitation letter na nka red ribbon from thai embassy, relatives ang nag invite sa akin na mag tour doon 5 days lang naman,…at ang aking show money 25k, tama na po ba yan? sa bahay ng relative ako titira, pero hindi kami magka tulad ng apelyido kasi relatives kami in my mother side, kulang paba ang requirements ko…pleasereply po….takot akong ma offload..

  204. hello, ask lang po ako if need ng travel tax from narita-cebu at cebu-narita, japanese ung passport.

  205. Your blog is helpful… Thank you

  206. hello poh ask q lng poh.kz poh ang anak q pohbalak q poh papasukin s brunei.7years old plang poh xa.den ikukuha q n poh xa ng student visa.bale poh pag pupunta n poh xa ng brunei bf q poh ang susundo s knia d2 s pinas.kc poh nsa brunei n poh aq at d q xa masusundo.ndi poh b xa ma question ng IO qng bat xa ang susundo at saka anu poh b hahanapin nila n reqs. kapag student visa.plz reply poh.

  207. Good morning po….ask q lang po ung kapatid q ofw sa qatar dec.po end contract nya magbabakasyon poxa dto pinas ng dec.pero bago po xa magbakasyon irerenew nya po contract nya ano po kailangan papers pag bumalik uli xa ng qatar.thank you.sana po makareply kau.:)

  208. Hello,magtotourist kasi ako sa hongkong by may,alone,first timer syempre,prang gift ko na sa srili ko,.meron na akong passport,itin,e-ticket,company i.d,.tanong ko lng need ko pa po ba ng CFO?ano po ba ibig sabihin nyan?,xerox lng po ng leave form lng po maddala ko,matagal po ksi magrequest ng Coe sa compny ko,valid n kaya yun??ano pa po kya possible reqs. Ng IO sa mga magtotourist na katulad ko at first timer pa..Big help please reply..thank you

    • para lang po sa mga magta-travel sa mga magma-migrate sa ibang bansa ang CFO. o kaya eh yung mga pupunta sa ibang bansa na sponsored ng kanilang kabiyak or kasintahan.

      dala na lang po kayo ng company id kasama yung photocopy ng leave form together po with all documents na prepared na ninyo. sa tingin ko po eh okay na yan. sagutin na lang po ninyo ng maayos kung ano yung mga itatanong ng immigration officer.

  209. Tanung q lang po kung ok lang ba magdala ng pabango sa check in luggage galing overseas. Thanks in advance god bless po

  210. Ask q lng po kng anu pa ang kelangan nilang documents pag nasa naia 3 na po aq my ticket na po for roundtrip my visa na rin po aq for tour sa taiwan 14days po yun,at pwde po ba kaya mgdala ng insulin at syringe kasi po diabetic po aq,pero my medical certificate nmn po aq bgy ng doctor at ang ggmitin q lng po ay bag pack pwde po ba kayang ilagay dun..salamat po

    • pwede po magdala ng insulin at syringe basta magdala rin po kayo ng sulat mula sa duktor ninyo (parang reseta na kelangan ninyo ng insulin). kung wala po kayong sulat galing sa duktor, itago na lang po ninyo sa malaking bagahe yung insulin at syringe.

      yung mga documents pong kailangan ninyo is passport with visa, boarding pass (or eticket), invitation letters (kung meron) atsaka certificate of employment sa pilipinas as backup document kung biglang kailanganin…

  211. ask ko LNG po pupunta akong Australia sponsor bf ko nang visa sa akin ano po need ko requirements para sa visa ko at sa pag punta ko po dun salamat

  212. Hi rp,

    Quick question lang po.

    Uuwi ako ngayong april with my foreign wife at anak ko both polish passport. Ako po filipino passport pero may resident card ako from uk.hindi ako ofw. Wala naman cgurong magiging problema pag lalabas na ako ng pinas. Hindi ko naman kailangan ng oec or anything. Thank u

  213. Hi Admin RP! Boarding na rin ako. tuloy na po ang aking Europe tour! ☺Salamuch sa response sa aking mga comments. God Bless and more power to you! ☺

  214. Good afternoon my tanung Lang po ako bukas po flight ko manila-hong kong-jeju.ang mga dala ko Lang documents is passport e-tickets n round trip at id .ako n po ba un or my mga hahanapin p skin n kulang.ano p po mga kylangan ko.?

    • di ko po alam kung ano yung purpose ninyo sa pagbyahe pero kung tourist po at kayo ang bumili ng sarili ninyong ticket eh ok na sa tingin ko ang documents ninyo.

      ang jeju po ba ay korea? di ko po alam kung kelangan natin ng visa dun. maganda pong siguraduhin nyo muna kung kelangan ng visa sa jeju or hindi.

      • Tourist Lang po ako 5 days stay.
        Pop s Korea po un hindi n dw po kylangan ng visa Kasi s jeju island Lang nmn ako pupunta.
        Ok n po kaya ung passport,I’d,at eticket Lang Meron ako.wala n po b ibang hahanapin skin?

        • sa tingin ko ok na yun. sagutin mo na lang ng maayos kung ano yung itatanong nung immigration officer πŸ™‚

          • Tanong lang po.. I just came back from my final exit from Saudi Arabia, paglabas ko ng immigration, He asked me kung lalabas pa ako ulit.. and i politely answered, maybe hindi nah . . One and a half decade is enough.. and I asked , why? He told me that I need a clearance , and i again asked why and how.. he replied that there is a name similar with mine having a record or something .. Now , I wanted to go on tour the travel agency with complete booking and everything to relax further before personally establishing a small business..
            My questions are .. ano ba ang clearance na yun ? Kailangan ko ba yun as a tourist to , lessen the hassle bah ..?

  215. Magandang Araw po, first time ko po umalis at mag sa labas ng bansa, this may po pa punta po kame ng Thailand, passport at ticket lang po dala, aply pa ba ako visa kasi 5 Days lang ako, anu po ba yung proseso pag dating ko sa thailand airport? Salamat po/.

    • hindi po natin kelangan ng visa kapag magtu-tour sa thailand. pero yung process po sa thailand ay hindi ko po alam.

      pero malamang kagaya rin sya ng ibang mga bansa.

      1. lapag sa airport
      2. punta sa immigration
      3. kunin ang mga bagahe
      4. daan sa customs
      5. lumabas ng airport

      sa tingin ko po yan ang procedure pero marami pong info nyan sa internet. i’m sure po na makakakita kayo ng detalyadong guide sa paglapag sa thailand.

  216. Hi sir. May questions po ako. Ill be traveling tomorrow papuntang singapore. Bali ang itin ko tlga e mnl-sin, sin-auh, auh-mnl. Mag tourist ako both SG and Abu Dhabi. Eto po questions ko. πŸ™‚

    1. Ung tito na family friend namin ung tumulong sakin. Issurprise ko kasi ung papa ko sa birthday ko kaya hnd ako nagpa apply ng visit visa sa kanya. May nicontact kaming agency. They processed my visa, sent via email in pdf format dahil kulang na sa oras dahil ngyng holy week. Ang advise ng agency, book ako pa SG or other country na walang visa tas from there papuntang UAE. Alam nyo po ba kung anong documents ang need ng immigration sa SG pag papunta nko ng UAE? At okay lang kaya ung visa na print out lang?

    2. Ang nibook ko sa singapore e 5days, ang gagamitin ko lang po dun e 1day lang kasi mjo magastos din sa SG. Employed ako pero wala akong coe dahil matagal kmuha ng coe sa company ko. Meron ako company id lang. Pwede na po kaya un?

    3. hahanapin po kaya ng immigration sa sg ung outbound flight itin ko? Makikita kasi nila na roundtrip tlga ko at ang balik ko dapat sa manila matagal pa.

    4. Alam nyo po ba kung magkano ung tax na need ko bayaran sa sg pag pounta nko ng abu dhbi?

    5. Ang nka lagay po sa e-visa ko ang sponsor e “flowers tourism”. hnd nakalagay ung name ng guarantor. Need ko pa ba idisclose ung name ng guarantor, which is ung tito ko.

    Sorry po sa mahabang post. medyo kinabahan lang ako kasi bukas na flight ko. Thank you po sa magiging reply! πŸ™‚

    • hello, piw. unfortunately, lahat ng tanong mo tungkol sa singapore airport at singapore immigration ay hindi ko alam ang sagot. sana meron tayong reader na makasagot sa tanong mo.

      pero mas mabuti pa kung tumawag ka sa singapore airport at immigration para makakuha ka ng mabilis at siguradong sagot. lalo na nga’t bukas na flight mo.

      tungkol sa balak mong gawin na pumunta ng abu dhabi via singapore at kakulangan ng documents mo, medyo parang malaking sapalaran ang gusto mong gawin.

      subukan mo na lang sagutin lahat ng itatanong ng immigration officer sa iyo at gawin ang anumang instructions nya sa ‘yo. dumating ka ng maagang maaga sa airport at mag-check-in as soon as possible para marami kang extra time para lakarin anumang documents na hingin sa yo.

      magdala ka rin ng maraming pera. ihanda mo na rin ang loob mo sa anumang maging resulta sa immigration screening.

  217. Good pm ano ano papo need sa immig here sa pinas if meron nang working visa from dubai,passport and eticket? Baka po may iba pa clang pakuhain sakin ? hirap na ma offload

  218. hi po, ask ko lang need pa ba ng id yung anak ko 5 yrs old?
    papunta kme palawan from manila..
    thanks !

  219. Hi.Npakalaking help ng blog mu,tnx..
    btw,puedng mgtanung?
    I was offloaded kc last March 29th(going to Bangkok for a tour & meet my bf)I am female,alone,20yr old and I told them I juz graduated highschool(showed them my student ID) at graduation gift xken un.
    it was a terrible experience,and got traumatized on facing IO Fontejo on Terminal 2.
    My bnigay lang cla requirements pra nxt time dw dalhn ko ung req. so I can board.
    Ask ko lng,plan nmin ng bf ko(28yrs.old,hk national) n xa hk nlang aq mgtour xa May,where he can get authenticated affidavit of support ek ek.

    1.Need ko pa dn va icomply ung req.kht d na aq xa Bangkok pupnta at ksama ko na ung bf ko in departing?

    2.Mkikita va nla xa system ung offloading reason xken kht xa ibang terminal aq pmunta?

    3.kelangan ko pa dn va kmuha ng CFO kht kxma ko ung bf ko?

    4.Kelangan va xabihin ko na nagwowork aq freelance (like Odesk) ,kya ko magprovide ng Certificate of Employment but wala aqong company ID at ITR.
    ang inilagay ko kc before ay student aq,madedetect va nila un?

    Sori if madami aq0ng tanung.Its like IO’s are juz looking for a loophole so I cant board.xana po msagot neu pls.
    If hndi po magwork,my agency po va kau na marerefer to provide escort?
    auko npo kc ulit maoffload,ang laki n ng gnastos ng bf ko xamantalang guxto nia lng tlga aq mkapasyal xa ibang bansa to make me happy 😦

    • Hi Admin RP! bigyan ko lang po ng tip si Miss Abhie, mukhang hindi pa po yata nya nababasa yung post ko dito recently. ☺

      Miss Abhie makabubuti po na umattend kayo ng CFO seminar para mabigyan po kayo ng certificate. Mahirap talaga intindihin ang mga taga Immigration pero required na po talaga ang cfo sa mga maga-abroad lalo na kung kayo ay may boyfriend/girlfriend o ang magi-sponsor sa inyo ay foreigner o kamaganak na nakabase sa ibang bansa. Ito kasi ang magsisilbing “e-pass” mo kasama ng iyong ticket o visa kung meron man.

      Bukod sa CFO, may hiningi pa bang Affidavit of support sa iyo? kung wala, okay lang.

      Yung sinasabi mo namang “escorting”, naku I suggest po na wag mo gagawin ang bagay na yan. siguro nga maraming nakakalusot na mga may escort sa immigration, pero kung gusto mo maging maayos at legal ang pag alis mo ng bansa, gawin mo nalang po yung requirements na hinihingi sayo ng IO. Honestly, marami na rin akong na-interview regarding sa mga nagpapa-escort at umi-escort sa NAIA, kadalasan sila pa ang napapahamak.

      • Hi sir, goodday, tumwag ako sa hotline ng BOI but they havent told me bout CFo, im going to SG this thurs na eh, first time, british bf ko nagshoulder lhat.

      • Hi TomOdy tnx sa answer mu.
        kaso hindi mu ata binasa ng maayus ung tanung ko..ksama ko bf ko na pupunta sa HK,that means we are both here in the Philippines at sabay na kaming aalis.
        Ask ko lang,if saasabihin ko ba na may work aq (self-employed/freelancer) anu dpat ipakita ko?

        • We conducted an interview last time sa CFO office sa Quirino kasabay ng seminar na ginawa ko and according to them, CFO is required para sa mga immigrant, sa mga may fiancΓ© na foreigner or foreign national na magi-sponsor ng travel expenses ng isang passenger kahit ito ay tourist. That’s the reason why kung bakit ako umattend ng seminar coz the immigration told me about it during that time na inoffload nila ako even though I have all the necessary docs. Tourist lang din ang purpose ko to Europe at hindi immigrant. Kaya nakakapagtaka din na sinasabi naman ngayon ng mga taga BOI na hindi required ang CFO na yan. That means hindi malinaw ang panukala nilang pagkuha ng cfo, aattend ng seminar at magbabayad ng worth 400 pesos just for the small piece of cfo certificate. Ang daming nao-offload kada araw na isa yan sa requirement na hinihingi nila.

          Maganda nga din na tumawag kayo sa BOI office para alamin kung required kayo na kumuha ng cfo..or depende ito sa bansang pupuntahan nyo….or depende sa IO na makakatapat nyo. Base sa mga nababasa ko sa post nyo, parang may weather attidude nga ang mga taga BOI. Dala ng climate change.

          Miss Abhie dun po sa tanong mo if need mo pa ng cert of employment etc., para sa akin po, mas mabuti po na dalhin nyo nalang din kung ano yung posibleng hanapin sa inyo. Sabi ko nga, hindi pare-pareho magtanong ang mga IO. Maigi na din po yung handa. Pero opinion ko lang ito. Baka may mas magandang suggestion si admin RP. Binabahagi ko lang po ang experience ko dito at konting tips.

          Good luck po sa inyong byahe. Baka magkasabay-sabay pa tayo on April 3 sa T3.

          • Hi, uu nga bkit sila ganun.. two of my friends going to SG and JP with same status of mine doesnt asked for CFO ng BOI.. please pray for me ha. Salamat.

      • salamat ulit sa pag-share ng info TomOdy…

        • Hi Admin RP! thank you din po pala sa pag post nung experiemce ko sa blog mo. Writer ako pero parang nahiya ako ng konte hehe. God bless po. πŸ™‚

      • Hello Miss TomOdy. I just wanna know if is it really a must to have a CFO even if the person I’m going to visit is my boyfriend hindi pa fiance? I’ll be travelling to australia kasi next month. Natatakot lang ako ma offload and it’s my first time kasi mag travel abroad. Hopefully my time ka. Thank you!

    • Hi abhie! Im going to sg tomorrow. Natakot nmn ako sa post mo, sabi skin ng immigration CFO is not required for tourist, kaya nwala kaba ko, im so sorry for what happened to you, please pray for me:)

    • hello, ms. abhie. based po sa experience ng ating mga readers at ng personal experience ko na rin, iba-iba ang treatment ng mga immigration officers sa bawat byahero which is tama rin naman dahil iba-iba ang case natin. kaya lang, iba-iba rin ang ugali ng mga immigration officer at pag napatapat tayo sa tinotopak na immigration officer, eh kailangan nating humanda talaga.

      dito nga po pumasapasok yung dapat nating dalhin ang anumang supporting documents na pwede nating dalhin.

      para sa iyong mga tanong:

      1. baka hindi mo na kelangan ang requirements na hinihingi nila dahil kasama mo ang bf mo. pero hindi pa naman kayo mag-asawa kaya baka magka-problema dun.

      2. yes, makikita nila sa system na na-offload ka dati. nire-record nila yun.

      3. baka hindi mo na kelangan ng cfo dahil tourist lang naman at hindi ka naman magtatagal sa hk, sabi mo. pero depende ulit ito sa immigration officer.

      4. baka hindi nila i-honor yung freelancer. hinahanap yung certificate of employment bilang katibayan na babalik ka pa sa pilipinas dahil may trabaho ka dito at hindi ka magti-TNT sa ibang bansa.

      5. para lang sa mga VIP yung escort service…

      although sa tingin ko eh wala ka nang magiging problema ngayon dahil kasama mo na ang sponsor mo, mas maganda pa ring i-kunsulta mo ang lahat-lahat ng mga concerns mo sa pinakamalapit na immigration office sa lugar ninyo. paki-check ang website na ito para sa contact numbers ng mga offices ng BOI.

      wag mo silang tantanan hangga’t hindi ka nabibigyan ng satisfactory na sagot: http://www.immigration.gov.ph/index.php/contact-us/other-immigration-offices

      and kung makakahanap ka ng oras para maikuwento ang iyong adventure sa immigration, marami kang matutulungan sa ating mga readers na meron ding kaparehong concerns na gaya ng sa ‘yo…

    • Hi Abhie, did you made it through?

  220. VISA APROVAL

    Paano po kapag nagterminate ka ng contract 3 times na sa Hong Kong pero with good release letter naman lahat from my previous employers. Magkakaron ba ng problema yun sa pag approve ng VISA? Salamat!

  221. Kapag CONNECTING FLIGHT po ba from Legazpi to NAIA terminal 3, kailangang pa bang kunin ang bagahe at magcheckin ulit? Or hindi na?

    • ang alam ko po eh sila na ang bahala sa bagahe ninyo pero dadaan pa kayo sa reception desk sa naia 3 then, magtutungo na kayo sa gate ng inyong eroplano sa naia 3. pero mas maganda po kung tanong ninyo dun sa customer service ng airline na sasakyan ninyo.

  222. di nmn po sya pare pareho pede po b sa maleta ilagay yung cp?d po b bwal yung battery dun sa maleta..thnks poh

  223. Ask lang po kung magiging problema ba sa immigration kung none working spouse ako pero nailagay po ng nagprocess ng visa ko sa profession ko sales executive? Magttourist lang po ako or 3 months ksma baby ko. Pls response po thanks and God bless u

    • kung makakabalik po kayo sa nag-process ng visa ninyo, subukan po ninyong ipa-correct. baka hanapan kayo ng certificate of employment or anumang proof of employment eh maaaberya ang byahe ninyo. hindi naman po kayo papakinggan ng immigration kahit na sabihin ninyong hindi ninyo kasalanan.

      subukan po ninyong bumalik dun sa visa processing at mahinahong ipaliwanag sa officer na may posibilidad na ma-question kayo ng immigration kapag hindi tama yung naka-declare sa visa ninyo.

      • Dnclare daw po kasi nila yun kc need daw may previous job. Sa tingin nyo po sir ikuconsider ng immig kapag sinabi ko pong prev. Job ko yun and hindi natapos na contract kc nagfocus aq sa baby ko and ung husband ko nag work abroad..pls help po tnx po

        • mas maganda po siguro kung mag-inquire na po kayo diretso sa immigration. di ko lang po alam kung nakabukas pa sila ngayon. baka sa monday na magbukas ang ofis nila.

          andito po ang listahan ng mga offices nila pati yung contact number. subukan po ninyo mag-inquire sa pinakamalapit na ofis sa inyo: http://www.immigration.gov.ph/index.php/contact-us/other-immigration-offices

          maraming instances po na magkaiba ang sinasabi ng ibang government agencies at ng immigration…

          • Ok po thank u po, isa pa po palang tanong iaallow po ba nila na mkapagdala ko ng food at water para sa bby ko?

            • opo, basta sabihin po ninyong para sa baby yung mga dala ninyong pagkain at tubig. pero dapat po talagang para sa baby. kasi meron akong kasama dati, bagoong ang dala nya, tapos sabi nya para sa baby daw. pinagbawalan din syang dalhin yung bagoong.

              • Ok thank u so mch for the info po. Nku my nkalimutn po aqng itanong ,, ppayagan po b ko mag web check in khit my kasama akong baby? Anu p0 b pagkakaiba kung sa airport mgcheck in at kung nka web check in? May pyment fee po ba?.tnx God bless

              • mas ok po yung web check-in. pa-prioritize pa nila kayo pagdating sa airport. no need for extra payment whatsoever. added convenience lang. i suggest po yung web check-in 24hours before your flight.

      • HEllo sir… Regarding po sa coe na sinasabi nyo po..
        Ang COE po dba nakkuha kapag nag resign k n po? Pano po kapag matagal ka na po nag resign let say last aug 2014 po then mag ttravel ka this month of may.. I vvalid po ba nila yung COE na nakuha mo po after ur resignation? Thanks po

  224. ask ko lng po kung pwede mgdala ng gadgets ng more than 5..thnks poh..

    • pwede po pero kung pare-pareho silang ipad-mini or pare-parehong digicam or pare-parehong laptop, etc. eh baka masita kayo sa custom. kung pare-pareho sila, itago po ninyo yung iba sa luggage para di na kayo ma-hassle…

  225. panu po ba malalaman kung blacklisted ka sa poea. May bond contract po kasi aq sa isang construction industry dati pero nabayaran q nmn po na ito.. Pero hindi ko pa po naccheck kung naalis na po ba nila q sa blacklisted sa POEA.

  226. Hi rp I want to ask, oec original po ba ang kaylangan para maka avail ng discount sa pag bayad ng travel tax? May 2 po akong kapatid na nasa abroad.. nag travel ako last time 1620php ang binawasan ko.. This year mag travel ulit ako.. gusto ko sana mka avail ng discount sa travel tax.. help po.. thanks

  227. Ask ko lg po kg anu po ang dadalhin ko na document bakasyon kasi kami ng husband ko sa pinas on may hindi pa ako citizen dito sa us anu po ba ang kailangan ko na document salamat po.

    • kung filipino citizen po kayo, kelangan nyo lang ng passport pauwi sa pilipinas. kapag pabalik sa US, magdala po kayo ng pambayad sa travel tax at terminal fee. magdala rin ho kayo ng mga documents na nagpapatunay na naninirahan kayo sa US…

  228. Hello po sir gud afternun po
    mag tatanung lng po ako kasi po 1st time ko po pumunta sa japan at my visa na po ako 15 days po ..and nag pa garantor lng din po kasi ako sa boyfrend ko po papuntang japan at sya po ang bumili ng ticket papunta po dun at pabalik po dito sa pinas gamit po credit card nya..
    and problema ko po is may kailangan po bang documents ipakita sa japan immgration bago po makapasok sa japan
    pasensya na po need lng po information kasi 1st time ko lng po maka punta sa japan

    • kung may visa na po kayo, ang alam ko po eh wala na kayong ibang kelangang document na dapat ipakita sa airport. di nyo na kelangang dalhin ulit yung mga documents na pinakita ninyo nung kumukuha kayo ng visa. kelangan nyo na lang bale ng passport (na may visa), plane tickets tsaka pambayad ng mga airport fees (kung hindi pa kasama sa binayaran ng bf ninyo).

      di ko lang po alam kung hahanapin pa sa inyo yung credit card ng bf ninyo. maganda na rin sigurong mag-prepare kayo ng kopya ng credit card ng bf ninyo or kahit yung resibo na binayaran nya yung airplane ticket ninyo. wag nyo pong ipakita kung hindi hinahanap. at wag nyo ring ibigay kahit na hingin (pwedeng magamit yung credit card ng bf ninyo pag ibigay ninyo ang kopya sa ibang tao)…

      • PERMISSION TO POST SIR RP. Just want to share lang my experience as a tourist. Sa mga kababayan po natin na nagnanais na mag-tour abroad, make sure po na mayroon kayong authenticated affidavit of support and letter of invitation from a member of your family, relatives man, friends or partner especially kapag foreign partner po na nasa bansang gusto nyong puntahan. And this documents are also certified by the Philippine Embassy. Manggagaling po ito sa taong magi-sponsor sa inyo. Kadalasan po ay kinakailangan pang umattend ng CFO Seminar.(Commission on Filipinos Overseas. For details, you can visit their website: http://www.cfo.gov.ph)

        Alam naman po ng lahat na sobrang higpit ng immigration natin lalo na sa mga outbound passengers. Nakaka-tense nga kapag nasa pila ka na at nakikita mo kung paano nila usisain ang isang passenger. Mabusisi ang immigration lalo na at first timer ka and you’re travelling alone. Hahanapan ka nila ng mga documents na magpapatunay na ikaw ay magto-tour lamang sa bansang pupuntahan mo at hindi magtatrabaho.

        In my case po, I admit na naranasan ko ang pinaka-kinatatakutan ng mga passengers. I was offloaded, 3 weeks ago. Even though I have all the documents,ticket, visa, bank account minus cfo seminar and english translation ng letter of invitation from a friend na nag-invite sa akin sa europe. Masakit sa pandinig kapag sinabihan ka ng IO na “Hindi ka makakaalis ngayon..” It was a horrible and unforgettable experience na yata..Isipin nalang po natin yung panahon at pera na ginugol natin para sa pangarap natin makapag-bakasyon man lang sa ibang bansa. we understand naman na ang #1 reason ng mga taga Immigration is to protect us and to avoid human trafficking kapag nasa ibang bansa ka na. Kaya lang minsan, sa dami ng nao-offload, 40-50 passengers kada araw po iyon sa mga terminal, kahit na may kumpletong documents, mas madalas na nagiging unreasonable sila.

        After completing the documents na hinihingi sa akin ng immigration, I rebooked my flight. Of couse, once na nagpa-rebook ka,dagdag po sa gastos yun kasama na ang paga-asikaso ng mga documents na hinihingi nila sayo.

        Sa mga kababayan po natin, if you think po na may paga-alinlangan pa kayo sa magiging byahe nyo kahit na may ticket at visa pa kayo, just make sure na rin po na may supporting docs kayo na ipapakita kapag hinanapan kayo ng mga taga BI. Tama po si Admin RP, you must be prepared bago kayo magtungo sa airport dahil hindi nyo po gugustuhin na maranasang ma-offload.

        Take note pa, mahal din po ang taxi sa NAIA kapag napabalik ka ng wala sa oras, so make sure po na meron ka paring extra money. Yung Peso ang currency at hindi pa napapalitan ng dollar. Kaya nga sabi ko, worst experience ever po talaga ang nangyari sa akin at hindi po ito nakakatuwang bagay. Ang lakas pa maka-stress, depress at makapamayat ng ganitong experience. πŸ™‚

        That’s all po! Sana makatulong itong munti kong payo at tips sa inyo. Thank you in advanced po Sir RP. Malaking bagay po itong Blog nyo sa lahat ng mga kababayan natin na nagnanais mag abroad. God bless and more power! πŸ™‚

      • hello po.. papunta po ako singapore nxt week pinapapunta po ako ng husband ko duon since di nmn sya makauwi dahil sa work nya.. may maging problema pa kaya ako sa immigration eto po yung 3rd time na pupunta ako dun. saka babalik nmn po talaga ako kc may mga anak ako na maiiwan dito pinas at nagaaral din ako sa college.. thank you po.. godbless

        • kung dati na po kayong nakapunta sa singapore, wala na po kayong problema. pero kahit hindi pa, di naman natin kelangan ng visa dun at nandun pa mister ninyo. magdala na lang po kayo ng supplemental documents gaya ng school id ninyo or yung id ng mister ninyo at kopya ng marriage certificate ninyo. pero ipakita lang ninyo kapag tinanong nung immigration officer.

    • Hello po sir gud afternun po
      mag tatanung lng po ako kasi po 1st time ko po pumunta sa japan at my visa na po ako 15 days po ..and nag pa garantor lng din po kasi ako sa boyfrend ko po papuntang japan at sya po ang bumili ng ticket papunta po dun at pabalik po dito sa pinas gamit po credit card nya..
      and problema ko po is may kailangan po bang documents ipakita sa japan immgration bago po makapasok sa japan
      pasensya na po need lng po information kasi 1st time ko lng po maka punta sa japan

  229. Hi po sir. Ako po ay second time na mag tratravel yung first po kasama pa namin si tita, but first im 12 years old but in our up-comming flight (2nd) kasama ko lang po si ate which is 13 years old, sabi po saamin ni mama mi lang daw dalawa ni ate pupunta dun ehh paano po kung di namin alam gagawin or mawala po kami doon sa air port then more worst is maiwan kami ng plane kasi po yung trip namin is may stop over sa h.k then we will change plane what are going to do when we reach h.k, where are we suppose to go then what are the important things to bring for “MINOR” travelers.. thanks for cooperation please make your reply clear and organized whish you to answer all thank you very much…

    • hello, ethan. ganito ang gawin n’yo ng ate mo. ask kayo ng tulong sa isang adult family or relative. patawagin ninyo yung adult na yun sa airline na gagamitin ninyo. mag-inquire kayo tungkol sa assistance for travelling minors. yung airline ang magga-guide sa inyo sa inyong byahe.

      merong maghihintay na airline staff na maga-assist sa inyo sa bawat airport na pupuntahan ninyo. yun ang alam ko sa travelling minors.

      magdala rin kayo ng global roaming celphone para makontak kayo at maka-contact kayo sa iba’t-ibang tao sa iba’t ibang bansa.

  230. hi sir RP….Isa ako OFW, finish contract n ako at uwi n ng bansa. Mgtour po ako sa Thailand. Once finish contract it means wla n ako trabaho. Ano po mga support documents n pwede ko ipresent to prove my means po ako to travel at babalik po tlg ako ng bansa.

  231. Hi poh sir tanong ko lng poh kung pwede
    Poh bang gamitin ung philhealth id Ko kc poh wala akong ibang id eh… Local flyt lng nman poh…

  232. Tanung ko lang po, kung pwede dalhin ang pang Blood pressure na digital at ang emergency light.
    uuwi po kasi ako ngayong holy week. Bandang Mindanao lang po ang pupuntahan ko.

  233. hi po RP, ask ko lang po f need pa ng itr certificate at bank statement (certificate)… mag travel po kc at china at business visa (M) ang dala ko, my invitation letter na po ako from company dun at nkaindicate dun na lahat ng expences ko doon pati air ticket ay sasagutin nila… at wla po ako maipakita na bank certificate… 2nd week ng april po ang alis ko, hnd po kaya ako maoffload?

    • kung may visa at invitation letter na po kayo, okay na po yun. sagutin na lang po ninyo ng maayos yung mga tanong ng immigration officer. magdala na lang po kayo ng supplemental documents, just in case, gaya ng employment certificate, company id, itinerary, etc. na magpapatunay na totoo yung business trip ninyo at hindi gawa-gawa lang…

      • hi unemployed na po kasi ako..kaka endo ko lng po last month.. bale invited po ako dun kasi want nila mag karoon ng branch here sa pinas… wla na po kaya silang hahanapin sa immigration? tnx in advance po

  234. Hi Sir,
    its nice to read about your blog. ask ko lang about my trip this coming May 3 going to Bangkok,Thailand. Ang bibili kasi ng plane ticket ko is my friend based in Shanghai,China he is a US citizen and Working there. Magkikita lang kami sa Bangkok. Magpapabook sya ng plane ticke thru online at gagamitin niya ang credit card niya to purchase. Kailangan ko ba ng copy of passport niya at credit card kasi sya ang sasagot lahat ng expenses ko going to Thailand. Need ba yun ng IO ? Thank You

    • pwedeng hindi na yun hanapin pero as supplemental document, mas mabuti na yung meron kang kopya ng passport at credit card ng friend mo (kung papayag siya). depende sa mood ng immigration officer kung papahirapan ka pa o hindi kaya mas mabuti na yung sumobra ang dalang documents kesa kulang.

  235. Good pm. Gagawan na lng daw ako workig visa ng boss ko (in dubai)instead of tourist visa kc mahirap na baka ma offload,

    ano2 po ba ang naka attach sa working visa at kelangan po ba original ang ibigay sakin ng boss ko para makapasa here sa naia immig. Direct hire po kc un,

    pupunta pa po ba ako nun ng poea ? Or once na makuha ko na ang working visa ko sa boss ko, derecho nko sa flight ko

  236. Hi po.
    I’m travelling to Japan to see the cherry blossoms this March 26 – April 8 (14days), departure via NAIA Terminal 3. I have already acquired my tourist visa (no guarantor or inviter in Japan) and it states “Temporary Visitor” and is allowed to stay for 15 days. I have my return tickets and a revised itinerary. Anu po ang mga documents na dapat dalhin sa Immigration? need pa po ba ng Certificate of Employment kung pupunta ka lng dun as tourist?
    Thanks so much!

    – Lei Anne

  237. Totoo ba na pag magpagawa ng working visa sa dubai 150k ang bayad?

    • hindi ko po alam kung pwedeng magpagawa ng working visa ang mga empleyado. kumpanya po ang gumagawa nun. sindikato lang po siguro yung nagsasabing gagawa sila ng working visa para sa inyo. i suggest po to stay away sa mga ganitong scam.

  238. Good morning sir. Tanong Ko lang po saan Ko ilalagay ang gadgets ko sa luggage ba or handcarry? Saan ba ang mas secure? Dubai to manila

  239. Ilang days processing ng working visa sa dubai? Need na kc ako dun ng boss ko asap

  240. Hi good day po! Im going to SG this coming holy week for five days, British BF ko po nag purchased ng round trip ticket ko thru e-ticket, anu po ang requirements na kelangan ni immigration and questions? Meron na akong hotel reservation, copy ng passport nya at copy ng credit card na ginamit, sa akin nmn po ticket,passport, goverment id and company id ko po. Thank you in advance! God bless!

    • kung kumpleto po ang documents ninyo (passport, ticket, at iba pang id), yakang-yaka ninyong sagutin yung mga tanong ng immigration. simple lang ang mga tanong (gaya ng purpose at itinerary), sagutin n’yo lang ng maayos at ng totoo…

      • Thank you! Itinerary? Kelangan po bang detalyado ang ssbhin ko kung ano po ang gagawin nmin within five days? Salamat ha. God bless!

      • Kelangan ko pa po ba ng certificate of employment? Im a private employee nag file lang ako ng leave. Thank you so much.. baka po my advice ka pa kung wat p mga papers needed nila.. salamat ng marami..

        • kung may hawak kayong working visa, kelangan ninyo ng certificate of employment. dalhin ninyo yun sa poea at humingi kayo ng OEC… siguradong sisitahin kayo ng immigration pag nakita yung working visa ninyo.

          • Wala po ako any visa.

          • Hi, wala po ako tourist visa, five days lng nmn po ako sa SG, kelangan ko p po ba ng COE? Ung itinerary ba need na nakaprint? O verbal lng po? THanks so much..

            • wala kang ibang kailangan kundi passport lang atsaka eticket or actual plane ticket kung hawak mo na atsaka pambayad ng terminal fee…

              no need to print yung itinerary…

            • pero kung hindi mahirap kumuha ng certificate of employment eh manghingi na kayo sa company ninyo. supplemental document lang kung sakaling masyadong suspetyoso yung immigration staff at ayaw maniwalang babalik pa kayo ng pilipinas…

              pero sa tingin ko wala namang problema kahit walang coe lalo na dala mo naman company id mo…

              • SAlamat ha.. okay nmn na lahat ng papers ko.. nabbother lang ako sir sa company id ko, kasi im a contractual employee, kaya sa id ko my expiration(then renew lang ulit ako sa agency ko, 4years nko sa knila) magexpired id ko sa june22, and hindi nagbbgay agency ko kapag currently employed pa ng COE eh,(pero nkiusap ako)
                so sir, un lng ung kinbbhala ko as of now ung company id ko, okay lang ba magdala ndin ako ng payslip ko wayback 2011 pra maprove na mtagal nko sa agency ko? Any suggestions? Salamat ng marami..

              • wala pong problema kahit sobra-sobra ang dala n’yong documents. mas mabuti na yung marami kayong supplemental backup kapag tinarayan kayo ng immigration officer. payslips, id’s, employment certification, house and lot title, business ownership title, bank account copies, etc. hindi naman po ito madalas hingin sa lahat ng mga pasahero kaya lang maselan yung ibang immigration kapag mukhang magti-tnt yung pasaherong papunta sa ibang bansa.

                basta’t mahusay po at consistent at confident ang inyong sagot sa mga tanong. at wala naman kayong itinatagong balak gawing mali at kumpleto yung basic documents ninyo (plane ticket, passport, airport fees) eh wala pong dahilan yung immigration na harangin kayo.

  241. Print copy lng ng visit visa ang dala ko. Papayagan ba yun sa naia t3? Sinend lng kc yun ng boss ko via email sbi ng boss ko maka2 alis daw ako khit print copy lng visit visa ko? At pagdating ba dun sa terminal ng dubai, may babayarN pba ako? Need ur response asap

    • may nag-comment na po ng ganyan sa isa sa mga readers natin. okay lang daw po kahit photocopy or scanned copy ng visa na pinrint. tinatanggap daw po ng poea. baka tanggapin din ng immigration.

      ipaliwanag na lang ninyo sa immigration staff kung bakit printed copy ang dala n’yong visa. di pa po ako nakapunta ng dubai pero ang alam ko po eh walang binabayarang fee pag nag-arrive sa anumang airport sa alinmang bansa.

  242. Bukod sa terminal fee may iba pa bang babayaran kapag tourist visa ang dala ko? Reply asap

    • pasensiya na po kung hindi ko kayo masagot ASAP. blog po ito, hindi 24/7 poea customer desk support…

      anyway, kung tourist po ang visa ninyo, kelangan ninyo magbayad ng travel tax (bukod pa sa terminal fee). kung sosobra ang timbang at dami ng dala ninyong bagahe, kelangan din po ninyong bayaran yun ng extra.

      pakibasa po yung article na nakasulat sa taas tungkol sa mga babayaran sa airport…

      • Oops im sorry for that. Madami po kc akong nababasa about sa offload, ganito po kc..
        Nag email sakin boss ko ng visit visa then pina print ko po un, pero visa lng walang any supporting papers, kc po pag nakarating ako dun sa dubai magwowork ako dun sa boss ko.
        E dba pag tourist visa dala,kelangan di ka mahahlata na magwowork ka pla dun. Ano po ang best way para makalusot ako sa immig here sa pinas . ayaw ho kc ako gawan ng emloymnt visa ng boss ko kc matagal daw ma process un at isa pa nabigyan nya nako ng tourist visa. Tia sa sagot

        • di ko po alam kung nagawa na ito ng employer ninyo dati at nakalusot pero pwede po kayong makipagsapalaran. ayusin na lang po ninyo yung pakikipag-usap sa immigration officer para hindi kayo ma-offload…

          ihanda na lang po ninyo ang inyong sarili kung sakaling maharang kayo sa immigration…

  243. Hello, this blog is a big help lalo na sa mga first time traveler katulad ko. I’m leaving this week going to Croatia and all important documents and stuffs are already set, except sa ticket ko na binili ng sponsor ko sa kanilang travel agent. Correct me if I’m wrong sir, kasi ang alam ko ay puede ko itong kunin sa mga ticket office na mayroon dito sa Makati or sa NAIA3. Please give me the best advise sir on how to get the ticket na walang sobrang hassle. Thanks a lot and more power.

    • ang pinaka-hassle free na alam ko po is mag-print-out po kayo ng e-ticket. yun po ang dalhin ninyo sa araw ng inyong flight together with your documents.

      maa-access po ninyo yung eticket several ways: via website nung agency na binilhan ng ticket, via website nung airline or kung ipapadala ng sponsor ninyo yung eticket via email.

    • Awesome! Thanks! God bless. ☺

  244. hello Sir, my babayaran pa po ba ako nito(travel tax o terminal fee) online po kasi bumili kapatid ko, hindi ko po alam kung kasama na po dun lahat.. at pwede po ba magdala ng mga sabon toothbrush mga ganun po…thank you Sir… bukas na po flight ko.. kabado hehe,sana hindi pumalpak

    • kung sa pilipinas po binili yung ticket, kasama na po dun yung travel tax. kung sa ibang bansa binili yung ticket, di pa kasama.

      pero yung terminal fee, babayaran po ninyo whether sa ibang bansa man or sa pilipinas binili yung ticket.

      pwede rin magdala ng sabon, toothbrush, etc. basta hindi mga kino-consider na dangerous goods. pakibasa po yung article na nakasulat sa taas…

  245. kaylanganpaba ng viSA SA HONGKONG kung mag tour lng

  246. magkaiba po ba ang terminal fee at travel tax

  247. Hello po! I have a visa na from hong kong and nakalagay po dun na “Good for a single journey to HK valid for presentation on or before 03-06-15” medyo confused po ako ano po ba meaning nyan kasi po balak ko na pumunta sa HK this March para asikasuhin HK ID ko then balik ng pinas sa April para naman sa kasal namin after that saka po kami babalik HK ok lang po ba yun in & out ng HK?

    • hello po. ayon po sa mga nagalugad ko sa internet, validity daw po ng visa yung nakasulat na petsa. pwede kayong pumasok at lumabas ng hongkong hanggang sa araw lang ng petsang nakasulat sa visa. hindi na po ito magagamit kapag lumagpas na ang nakasulat na petsa…

      so valid po bale ang visa ninyo hanggang June 3, 2015 at pwede kayong pumasok at lumabas ng bansa hanggang sa araw ng petsang iyon. pero para mas sigurado, mag-inquire na rin po kayo sa immigration or embassy ng hongkong (or china) para sigurado…

  248. Sir, yung Sis ko po bumili ng ticket online’ sa LA po ako pupunta, e nakita ko po yung ticket ko :: SEATS: check in required” so paano ko po malalaman kung anung number yung uupuan ko? sasabihin ba nila dun? thank you…

  249. ahh makikta ko ba gate nung eroplanong sskyan ko

  250. Hi first time ko ksi bumyahe ask ko Lng ung waiting area ba dun separate o halo halo ksi papunta ako dubai so my mga nkasulat na dun na waiting area pra sa gntong flight..thanka

  251. hello po, i just want to ask if need ko pa mag take ulit ng PDOS? Nakapag take na po kasi ako last 2011 papuntang SG 1yr aq dun after ng contract umuwi nako dito sa pinas nung 2012..tas naun nadirect hire po ako sa SG at naaproved na ang pass ko.. puwede po ba renew lang ng OEC na new employer?

    Paano po ako makakakuha ng OEC kung direct hire po aq sa singapore? And gaano po kaya katagal yon?..salamat po

  252. Hi. Papuntang kuwait ako at may kaibgan na nagtratrabaho doon. Gusto nya kong magdala ng 5 na kaha ng sigarilyo. Pwede po ang ang ganun karami? Additional question po, pwede po bang magdala ng maraming gmot tuald ng nebulizer, nebules, at 300 assorted tablets? Mahal daw po kc doon. Salamat po

  253. Hello po! Hahanapin po ba sa immigration ang original copy ng entry permit ko for residence visa going to abu dhabi or pwede na po ung scanned copy? Thanks!

    • Rp ask lng po. Pag ba 2x ka naoffload pde ka pa bang mak aalis sa 3rd attempt mo?

    • @meandmyexpressions, sa poea po tinatanggap daw yung photocopy ng visa, kaya baka tanggapin din ng immigration yung scanned copy ng entry permit ninyo. paliwanag nyo na lang po ng maayos kung bakit di ninyo dala yung original copy…

      • ask ko naman po. bukod po ba sa entry permit visa sa abu dhabi may iba pa po bang hihingiin? Kailangan pa po ba dumaan sa poea pra kumuha ng mga papeles? 1st time ko po pumunta ng abu dhabi, kailangn ko po ba mag PDOS?

        • ipinagtanong ko po ang kaso ninyo at heto po ang nakuha kong sagot:

          Kung tourist o visit visa ang hawak ninyo ay di na ninyo kelangan mag-PDOS. Ang kelangan ninyong papers para makalagpas sa immigration (Pinas), usually ay yung documents ng kamag-anak na pupuntahan ninyo doon, may pinapa red ribbon na documents na katunayan na in-invite kayo ng inyong kamag-anak na mag visit sa Abu Dhabi. Paglapag naman ninyo sa UAE, usually ang tinitingnan lang daw po ay yung Permit or Visa ninyo and passport. Wala daw pong masyadong issue sa immigration sa UAE.

          Kung may work permit naman daw po kayo at nakuha ninyo ito via pag-aapply sa agency sa Pinas, iga-guide daw po kayo kung anong gagawin. Ang agency na rin daw po ang magsasabi sa inyo kung kelan dapat mag-PDOS at actually sila (agency) din daw po dapat ang kumuha ng mga dokumentong kelangan ninyong dalhin.

          Kung direct hire naman daw po kayo at pinadala ng company ninyo sa Abu Dhabi ang work permit ninyo, medyo marami-rami daw po ang kelangang lakarin sa Pinas. Sure po na kelangan ninyong mag-PDOS at kelangan ninyong magpa-Medical. Kung ganito daw po ang kaso ninyo, kelangan na ninyong magpunta sa POEA at alamin sa kanila kung ano ang talagang mga requirements.

    • Hello. Siguro nasa Abu Dhabi ka na. πŸ™‚ Puede ko ba malaman anong mga papeles ang hinanap sa iyo sa immigration? Salamat po and God bless

  254. hello po magkano po ba ang pamasahe papuntang tagbilaran bohol? hindi pa po kasi ako nakakapagtravel sa eroplano

  255. gud evening po,ask ko lng po kung pede pako mag travel ng back and fort from japan to manila kahit ma eexpire na ung passport ko ng july,kelangan ko kc sunduin ang anak ko sa pinas ngaung march,,3 days lng ako sa pinas kc di pede ko mag absent ng matagal sa work

    • ang rule po eh dapat valid within 6 months ang passport ninyo sa petsa ng flight ninyo. technically, kelangan nyo na po ipa-renew yung passport ninyo.

      pero kung gusto po ninyong makipagsapalaran, subukan po ninyong magbyahe kahit mae-expire na ang passport ninyo. baka sakaling walang makapansin.

  256. Hello po gud day! Tanong ko lng po, ano po ba ang babasehan ang Eligibility po ba o ang visa na nka tatak na po sa passport? Ganito po kc un ang eligibility ng asawa ko is ma eexpire sa feb 25, tpos sa 27 pa dating nya dto sa jpan.. Tpos un sa visa nmn nya sa May pa ma eexpire.. Alin po ba ang babasehan, ung eligibility o ung sa visa?pahelp nmn po..

    • di na po kelangan yung eligibility kung meron nang visa ang mister ninyo. yung visa na ang susundin.

      • Bkit po ung cousin in law ko po na question dun sa nagoya airport tinanong xa sa tga immigration sa airport bkit dw po delayed xa ng 1day.. Tpos cnabi dw sa kanya na palalampasin dw po nila un pro sa susunod d na raw pde… Un po ung sabi ng tga immigration sa airport ng nagoya… D ko po kc maintindihan kung d na po kailangan ung eligibility bkit pa po c nag ku’question?

        • hindi ko po alam kung ano yung naging problema dun sa cousin in law ninyo pero ayon sa japanese immigration rules, ang coe ay for visa application purposes only. hindi po ito permit para makapasok sa japan. (link)

          at ang mga required na kumuha ng visa gamit ang coe ay ang mga taong nakasaad sa listahan na ito: link2

          so, visa po ang pinagbabatayan sa pagpasok sa japan at hindi coe. pero para mas makasigurado, mag-inquire na rin po kayo sa pinakamalapit na immigration ofis sa lugar ninyo. kahit by phone call po, sinasagot nila ang mga inquiry.

  257. Gud pm po Mr RP.. May itatanong LNG po sana Ako,, isa na po akong Egyptian citizen at Ako po ay ngbabalak mgbakasyon sa pinas,, since citizen na po Ako dto sa Egypt Hindi na po Ako required na mg visa pa.. Ang tanong ko po ay Hindi ba Ako mgkaka problema sa immigration stin Dahl wala na Ako visa pbalik dto sa Egypt?.. Bka po kc hanapan Ako sa immigration airport ?.. Tnx po.

    • ituturing na po kayong foreigner sa pilipinas. kelangan ninyo ng mga dokumentong magpapatunay na egyptian citizen na kayo bago makapasok at makalabas ng pilipinas.

      check nyo rin po kung kelangan ninyo ng visa para makapasok sa pilipinas at kung ilang araw kayo pwede mag-stay dito.

      • May philippine passport pa po Ako at bagong renew LNG din po eto dto sa Cairo,, . Kong yun po ba ang gagamitin ko wala po bang problema?..maroon nmn po akong certificate na ngpapatunay ng Egyptian citizen sapat n po kaya iyon katibayan PRA makabalik Ako dto sa egypt ?.. Pasensya n po Kong matanong salamat po

        • pasensya na po, hindi ko po alam ang sagot dyan. masyado na pong kumplikado para sa powers ko. kung dual citizen po kayo, mas magandang magtanong kayo sa philippine embassy sa egypt.

          • Dual citizen po Ako pero d pa Ako ng apply ng Egyptian passport,, kya ang gagamitin ko pg uwi ay phil passport,, wala nmn po akong magiging prob dto sa Cairo immigration airport, ,,ang iniisip ko LNG dyn stin bka tanungin Ako bkit wala visa,, eh Hindi ko na daw kelangan mg visa dhl ng a po citizen na Ako dto, yn ang sabi skin dto ng immigration .. Ngtanong na din Ako dto sa embahada d DW nila alam .

            • lol, ang galing naman ng embahada natin dyan. bakit hindi nila alam?

              dalhin na lang ho ninyo ang lahat ng documents na magpapatunay sa citizenship ninyo. ipaliwanag na lang po ninyo ng mahinahon yung sitwasyon ninyo sa immigration officer na kakausap sa inyo.

              pero malamang eh i-require nila kayong magbayad ng travel tax bukod pa sa terminal fee as exit permit para makabalik sa egypt.

              • Mga masusungit pa ang I bang staff ng phil embassy dto,, anyway maraming salamat po at mabuhay po kau.

              • marami sa mga government employees natin ang ayaw magtrabaho at gusto lang eh magpasarap sa buwis ng mga pilipino. mga pesteng bwiset!

                gudluck na lang po at hindi sana kayo masyadong mahirapan sa sitwasyon ninyo. maging mahinahon na lang po kayo sa pagpapaliwanag para hindi kayo pag-initan at mahirapang makabalik sa egypt.

  258. helo po d2 po ako dubai now uuwi po kc ako dis april pwd ko po ba ilagay ibyahe sa eroplano khit n anong airlines ang remote control car pra sa anak ko at mga relo ang lagayan nya po ay lata pwd po ba yon pkitulong nman po.slamat

    • wala pong problema magdala ng laruan, wag lang yung mga realistic na baril or espada or kutsilyo or anumang replica ng weapons na nakakasakit. bukod po dun, kahit na anong laruan ay pwedeng dalhin pero hindi ko po alam kung sa LAHAT ng airlines (di ko pa po nasasakyan ang lahat ng airlines)…

      check nyo po yung website ng airlines na sasakyan ninyo para sa mga pwede at hindi pwedeng dalhin. tawagan nyo rin po yung customer service nila tungkol sa iba pang detalye para makasigurado.

  259. Hi Po ask KO lang po Kong pwede po ba sabhin Kong purpose papntang Dubai ang pag papagamot KO po kc my psoriasis po psoriatic .kc po my nag sponsor po sakin papntang Dubai my ante .sister ng father ko po .its my first time to travel in Dubai .at wala po ako now work nag resign na po ako sa work kc po sabi ng doctor KO .dala KO po laht ng medical records KO at recita KO galing sa hospital ng pinanggalingan KO.
    Tourist visa po ang visa ko.

    Sana po masagot u mga katanungan ko salamt po
    God bless u po
    Sir or madam.

    • ano po yung dahilan ng tita ninyo sa pag-sponsor sa visa ninyo? maganda po siguro na idagdag n’yo ring dahilan yun para sa mga purpose ninyo sa pagbisita sa dubai. sikapin po ninyong maging consistent sa inyong mga sagot para hindi kayo pagdudahan ng immigration officer.

  260. Ask q lng puh…ofw puh aq sa dubai. 1stme q puh umuwi.. makakablik pa puh ba aq dubai qng nwala puh pas4rt at ticket q dto pinas.. paanu puh dapt qng gawin…
    please help puh

  261. Isa akong OFW with working visa sa Brazil. Before ma-expired ang Visa my company in Brazil applied for extension na may resibo at kasulatan na pwede ako bumalik sa Brazil. Since OFW ako so need ko ng OEC kaso hindi naman maintindihan ng Assesor sa POEA kung ano yun extension na Visa dapat daw valid pa yun visa ko minimum 6 months para maprocess yun OEC. Sa immigration ng Brazil wala problema kahit ilan beses ako bumalik basta ipakita ko kang yun resibo ng extend yun Visa ko. So,kung ayaw ako bigyan ng OEC pwede ba ako magbayad ng lang ng Travel Tax at Terminal fee para makabalik sa Brazil. Mandatory ba ang OEC sa isang OFW na may working visa bago ka makaalis ng bansa?Salamat.

    • unfortunately po, mandatory ang OEC sa mga ofw. and hindi ka palulusutin ng immigration pag nakita niyang working visa ka kesehodang 30 minutes na lang eh lilipad na ang eroplanong sasakyan mo. kahit na nagbayad ka pa ng travel tax.

      kung first time nyong ofw, baka pagbigyan nila kayo pero kung returning ofw, di na kayo palulusutin kung walang OEC.

      subukan nyong pumunta ulit sa POEA at magpakita ng katibayang nilalakad na yung extension ng visa ninyo. ipaliwanag ninyo sa POEA yung sitwasyon at hingi kayo ng advise sa kanila kung ano dapat nyong gawin para makaalis ng bansa kung ayaw nila kayong bigyan ng OEC.

      mahinahon po kayong makipag-usap sa kanila at huwag makipag-away kahit na masarap na silang buntalin sa mukha sa hindi nila pag-intindi sa inyo.

      subukan nyo rin po yung ibang POEA ofis at baka sakaling may makaunawa sa sitwasyon ninyo.

  262. Gudeve po, ask ko lng po kung madali lng hanapin ung gate na pupuntahan namin papunta sa italy,? Sa hongkong po ang stop over n nmin? Salamat po.

  263. makakaalis po ba papuntang japan khit po wla po ako certificate ng cfo..? may tiket na po kc ako sbi po kc ng kakilala ko kailangan daw po un kapag may asawa kang foreigner..

  264. Tanong ko lang po dmting na po ang visa ko and 2yrs contract kaso magexpire n yung passport ko sa oct. Panu po un?

    • kung pebrero, marso or abril po ang flight ninyo, may 6 months pang valid ang passport ninyo. kaya walang problema. sa ibang bansa na lang kayo magpa-renew ng inyong passport.

      pero kung sa mayo or lagpas pa ang flight ninyo, ipa-renew na po ninyo yung passport ninyo bago yung flight ninyo paalis ng bansa (pagsapit ng abril pwede na)…

  265. Good day fist time ko po aalis as OFW sa Micronesia. Direct hire ako. I have my employment contract and Entry permit, I have a C1 transit visa sa passport ko. My itinerary is Guam then to Pohnpei Micronesia. Kailangan ko po ba kumuha ng OEC? or magbayad na lang ako ng terminal fee at travel tax fee?

    • basta hindi po working visa ang makikitang visa sa inyo ng immigration officer, hindi kayo hahanapan ng OEC. pero dahil trabaho ang ipupunta ninyo sa ibang bansa, baka hanapan kayo ng OEC (kung mahigpit yung immigration officer).

      mag-check-in po kayo ng maaga para kung sakaling pakuhanin kayo ng OEC eh may extra time kayo. dahil first time nyo, baka pwede kayo kumuha ng OEC sa OFW lounge sa NAIA terminal mismo.

  266. Sir.. OFW for ako from abu dhabi..at uuwi ng pinas ngaung buwan ok lang po ba mag dala ng 50 inches na tv wala po bang babayaran? Thanks

  267. Bawal po ba yung may punit sa passport kahit maliit lang? May punit po kasi yung passport ko dahil dun inistapler ng embassy yung papers ko. Please answer po asap thanks!

  268. Sir, first time KO din.. Sa US naman po.. Yung sister KO po kc bibili ng ticket sa states..online po siya bibili.. Paanu po yun,. Hinde KO hawak yung ticket KO.sabi sa luob daw ng NAIA bast a ipakita KO lang passport KO..:-) thank you

    • i-print out po ninyo yung e-ticket ninyo bilang katibayan na bayad na ang eroplanong sasakyan ninyo at dalhin ninyo yung printed e-ticket (kasama yung passport) sa airport. bibigyan kayo ng boarding pass dun sa airline counter…

  269. Good evening po. ask ko LNg po mkakauwi ba ako ng pinas kht expired na visa ko? Please help me..andito ako ngayon sa U.S.. nagfile n kme ng permit to travel kaso matagal p bgo yata mlaman result. thanks po!

    • mam melody, hindi ko po alam. mas maganda po kung dyan sa us immigration kayo magtanong kung papayagan nila kayong umuwi ng pilipinas kahit expired ang visa.

      sa pilipinas naman po eh walang problema kung valid yung mga documents ninyo gaya ng passport. filipino citizen pa naman kayo kaya tatanggapin kayo ng airport sa pilipinas.

  270. Hello po goodevening ask ko lng po kasi papuntang akong sg dis feb bali ppdalhan lng po ako ng tita ko invitation nbsa ko dn po kc na ttnungin aq kung kaanu2 ko ung ppuntahan ko ..bali pinsan buo po ng nnay ko kaya nging tita ko ok lng po b un kht 2nd degree na..and knyri nklgay sa ticket ko 4days aq mgstay pero ang ggwin ko po pg dting ko sa airport ng sg ndi na q aalis ng airport dhil ang ttoo po papunta aqung dubai and gnmit ko lng ung sg pra ndi aq mhrapan sa immig pg ng direct aq sa dubai..bali po may ticket ndn aq padubai ??thank in advance po

    • wala naman po tayong kinakailangan na visa papuntang singapore. sagutin na lang po ninyo ng maayos yung immigration at sana mag-work ang inyong plano…

    • mostly mga inooffload na pasahero e ung mga papunta ng HK, SG and KL. Alam na ng mga IO na yan ang transit points to dubai and other places.
      Kung tourist ka lang talaga, there’s nothing to be worried about basta meron kang ippresent na documents and consistent ka sa mga sagot mo if nainvite ka for secondary interview.

      Pero if you plan on looking for a job in dubai instead of touring, e di goodluck nalang sayo. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sobrang higpit ng immigration at kahit ung mga totoong magttour lang e hindi pinapayagang makalabas.

  271. hi poh..ask q lng poh first time q lng poh mgtourist sa brunei..pero dti n poh aq ngwork dun 3 months lng aq dun at ngresign aq..nung aug 20 poh aq dumating..ngaun poh mgtourist nman aq.pinapupunta poh z q ng bf q dun..14days lng poh aq.sa 23 n poh flight q.aju poh b hinhanap ng IO n reqs.ung poh bng sponsor ltter at invation letter hinhanap p nila pti ung roun3p ticket..kc poh my pinadala nman poh bf q n mga sponsor lttr.ingtation..kso poh bka poh d daw makaabot s pag alis q kc poh sav s fedex dun..mdedelay daw gwa ng pagdting ni pope..

    panu poh un..ok lng poh b n ipaprint q nlng ung mga un pra my mapakita q s knila..kc ini pina scan nia muna un bgo ipdala s fed ex..tska nid p poh b ng show money..plz poh pkireply bgo sana q umalis.tnx poh

  272. hi poh..ask q lng poh anu ung mga kailangan q ibgay s IO sa mgtourist aq 14 days poh.23 poh kc flight q puntang brunei..my sponsor lettr poh aq.my ticket n din aq pabalik..kaso ndi poh original..ok lng poh b n khit ing pinaprint lng ibgay q s IO?

    • hindi pa po ako nakapunta ng brunei, pero hindi naman daw kelangan ng visa para sa tourist witihin 14 days. kaya i-ready nyo na lang ho lahat ng documents gaya ng passport pati na yung sponsor letter.

      yung airline ticket, bibigyan po kayo sa airline counter. bibigyan nila kayo ng printed boarding plane ticket. yun yung ipakita ninyo sa immigration officer.

  273. Hi to all here… I just wanna ask po what are the documents needed in Immigration counter for filipinos who travel as aupair in Norway? I heard a couple of hearsays na..pag dating sa Immigration counter…kahit complete na lahat ng documents they will ask for something more…they don’t mind about your flight kung hindi ka makasakay. Hope to hear your response πŸ™‚ thanks πŸ™‚

    • totoo po yan, makaka-encounter po kayo ng mga airport staff na walang pakialam kung ano’ng oras ng flight ninyo. idadahilan pa nila yung rules at regulations daw na itinakda ng batas. pero kapag binigyan mo sila ng 500 pesos or 1000 pesos, nakahanda silang kalimutan ang batas na yun.

      mahirap po malaman kung ano ang maiisipang hingin sa inyo ng immigration officer lalo na kung gusto lang niyang makadelihensya sa inyo. ang mabuti po ninyong gawin eh mag-over prepare na lang kayo ng documents. isipin po ninyo kung ano pa sa tingin ninyo ang mga pwedeng hingin sa inyo pertaining sa bansang pupuntahan ninyo at sa visa na taglay ninyo. kung hindi po satisfied ang immigration officer, wag po kayo makipag-argue at pag-iinitan lang kayo lalo ng mga salot na yun. pakiusapan nyo na lang po sila nang mabuti. tsaka nyo na lang i-post sa facebook ang kawalang-hiyaan nila.

      pero kung nasa lugar po sila at kayo ang hindi nag-comply, ibang usapan na ‘yun…

  274. hello po RP gandang gabi po may ask lang po sana ako kapag nag ayos po ba ako ng papers ko kailangan po tama lahat ng spelling ng name ko may problem po kasi sa last name ko TREMUTCHA yan po ang tamang spelling ng last name ko pero ang nakalagay sa birth certificate ko TRIMUCHA may fiance po ako na nasa washington pinapaayos na nya sa akin ang mga papers ko ano po ba dapat kong gawin firts time ko lang po kasi eii wala po talaga ako kaalam alam sa ganitong bagay..wait ko po ang sagot nyo maraming salamat po RP god bless po

    • either po na sundin na lang ninyo yung nasa birth certificate ninyo or dumaan kayo sa masalimuot na proseso ng pagpapalit ng apelyido sa tama nitong spelling. kelangan nyo po humanap ng abogado para matulungan kayo sa legal process. kelangan nyo din magbayad ng anunsyo sa dyaryo para ipaalam sa publiko na nagpalit kayo ng apelyido. maraming oras, proseso at pondo ang kelangan sa pagsasa-ayos ng birth certificate 😦