Turismo

Bilib ako sa optimism ng Department of Tourism (DoT). Malupet ang misyon nilang ibenta ang Pilipinas (figuratively speaking) sa buong mundo pero hindi sila umaatras. Palaban sila.

Sa kabi-kabilang batikos at pagpuna sa mga idea ng DoT, sumuko na dapat ang mga miyembro nito at inamin sa kanilang mga sarili na nag-aksaya lang sila ng panahon at pera.

Pero andyan pa rin sila at ipinagpipilitang maganda sa Pilipinas at mas masaya dito kesa kahit na anong bansa sa mundo.

Paano kaya nila nagagawa ‘yun?

Wala akong idea sa kung paano nila napapanatili ang mataas na level ng positiveness at determinasyon nila, pero kung naging staff siguro ako ng DoT (at pinangakuan ng pagkalaki-laking sweldo) para i-promote ang bansa, ganito ang mga gagawin ko para ma-motivate:

1. Tuwing gigising sa umaga, uulit-ulitin kong sambitin ang mga katagang:
“Maganda sa Pilipinas”, “The Best ang Pilipinas”, “Ang SAYA SAYA sa Pilipinas”

2. Hindi ako magbabasa, manonood o makikinig ng balita (kahit 10sec flash report, bawal!)

3. Manonood ako araw-araw ng mga video footage ng magagandang beach sa Pilipinas

4. Titira ako malapit sa office para hindi marami ang makita kong mga tanawin sa kalsada araw-araw

5. Mga kapwa ko lang staff sa DoT ang kakaibiganin ko para makaiwas sa discouragement

6. Bago matulog sa gabi, uulit-ulitin kong sambitin ang mga katagang:
“Maganda sa Pilipinas”, “The Best ang Pilipinas”, “Ang SAYA SAYA sa Pilipinas”

7. Magbabakasyon once a month sa isang mayamang bansa at mag-imagine na Pilipinas ‘yun

Yun siguro ang mga gagawin ko.

Kasi para maging successful ako sa pag-promote ng anumang produkto, dapat kumbinsido rin ang sarili ko na totoo ang mga sinasabi ko. Kung alam kong hindi totoo ang mga sasabihin ko, kelangan ko munang i-brain wash ang utak ko.

Humahanga ako sa determinasyon ng Department of Tourism at sa lahat ng efforts nito. Panahon lang ang magsasabi kung ano’ng magiging resulta ng kanilang mga pagsisikap.

Pero para sa akin at sa iba na rin sigurong mga Pilipino, ang pag-aatas ng Pamahalaan sa DoT na humikayat ng maraming turista sa ating bansa ay kagaya nung drawing sa itaas: isang problemadong owner ng kainan na nag-uutos sa inupahang seksing promoter na maghakot ng customer.



Categories: Halu-halo

Tags: , ,

6 replies

  1. *buntong hininga ng malalim*

  2. Reblogged this on The Pinoy Site and commented:

    Repost repost din kapag walang time 😀 Paano napapanatili ng Department of Tourism ang mataas na level ng confidence nito na masaya mamasyal sa Pilipinas sa kabila ng mga internal problems ng bansa? Here are the ways. (Originally posted on April 2012)

Trackbacks

  1. One Year Old na ang The Pinoy Site! | The Pinoy Site
  2. “Pagpapalago ng Turismo sa Pilipinas” | philippine info.
  3. Paano Mapapaunlad ang Turismo sa Pilipinas – The Pinoy Site
  4. One Year Old na ang The Pinoy Site! - The Pinoy Site

Leave a Reply

%d bloggers like this: