Tag Archives: Mas Masaya sa Pilipinas

Hindi Pa Hopeless ang Pilipinas!

Sa lahat ng mga negative na bagay na napapabalita at naririnig natin tungkol sa Pilipinas, minsan parang gusto na nating sumuko at tanggaping wala ng pag-asa ang Pilipinas. Hopeless na kumbaga.

Madalas pa nating marinig sa iba na kapag may hindi magandang bagay silang nakita sa Pilipinas eh “Only in the Philippines!” na kaagad ang hirit kahit hindi pa naman nakikita ang lagay sa ibang bansa.

traffic jam

Madaling isipin na ang Pilipinas na ang worst na bansa pagdating sa kundisyon ng trapiko, sa kawalan ng disiplina, sa klase ng mga tirahan at sa uri ng pag-uugali. Lalo na kung hindi pa natin napupuntahan ang iba’t ibang bansa sa daigdig para makita ang pagkakaiba ng ating bansa sa iba pang mga bansa.

istasyon ng tren

Kaya nga ginawa ko ang mga meme na ito para maipakitang may pareho ring problema ang ibang bansa kagaya ng mga kinaiinisan natin sa Pilipinas. Minsan nga, parang mas malala pa ang sitwasyon sa ibang bansa.

public transportation

Pero s’yempre hindi naman ibig sabihin nito na makuntento na tayo sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa dahil mas malala pa pala ang kundisyon sa ibang bansa. Kailangan pa rin nating i-improve ang kalagayan ng pamumuhay sa ating bansa. Problema na nung ibang bansa kung ayaw nilang mag-improve.

mga apartment

Gusto ko lang ipaabot sa mga meme na ito na bago natin tawagin ang Pilipinas na worst among the worst eh siguraduhin muna nating alam natin ang kalagayan sa ibang bansa. Dahil unfair naman na bansagan natin ang sarili nating bansa nang walang pinagbabasehan kundi ang negatibo nating pananaw sa Pilipinas.

katapatanKaya nga patuloy nating isulong ang mabuting pagbabago sa Pilipinas dahil HINDI PA HOPELESS ANG PILIPINAS.

Advertisements

Pilipinas Bashing

Nakita ko ang post na ito sa tumblr ni engr pot ng walang basagan ng trip at hindi na napigilan ang sariling i-share dito.

Ang original artist ay si Avid Liongoren, isang talented Pinoy Visual Artist. Ang kanyang tumblr account ay matatagpuan dito: http://misteravid.tumblr.com

pamimintas sa pilipinas

Mas Masaya sa Pilipinas (Part 3 of 4)

Tapos meron pang mga kapwa mo Pilipino na unang-unang nanlalait sa Pilipinas. Merong sinabi sa akin yung boss kong Hapon ilang taon na ang nakakalipas, kino-confirm kung totoo bang kumakain ng tao sa Pilipinas.

Ang galing na tanong! “Kumakain ba ng tao sa Pilipinas?” Isang Pilipino daw ang nagsabi sa kanya nito. Ikinuwento yata sa boss ko yung napabalitang pinatay na lalaki at inihalo sa pulutan yung laman nito para maitago sa mga pulis. Matagal ng balita iyon. Ipinaliwanag ko na lang na hindi iyon pangkaraniwang bagay.

Hindi ko pinapaasa ang mga kausap kong banyaga na napakanda ng Pilipinas at walang kasing bait ang mga Pilipino sa buong mundo pero hindi ko na ipinapaalam sa kanila ang mga hindi ko kayang ipagmalaki tungkol sa bansa ko.

Kung magtatanong sila sa akin tungkol sa narinig nilang hindi magandang bagay tungkol sa Pilipinas, binibigyan ko sila ng objective na sagot gaya ng, “Kahit saan namang bansa eh merong holdaper eh.” O kaya, “Ive-verify ko muna yung report, baka naman siyam lang ang nakidnap at hindi sampu, alam nyo naman ang balita, laging exaggerated.”

Hindi ko naging ugali yung pintasan ang bansa natin sa harap ng mga banyaga. Sa kapwa ko lang mga Pilipino ginagawa ang bagay na ‘yun.

(Itutuloy…)

Mas Masaya sa Pilipinas (Part 2 of 4)

Ang pangangailangan na i-rehab ang ating bansa ay hindi problema na lumitaw dahil sa bagong administrasyon.

Matagal na itong dapat ginawa ng mga nakalipas na pinunong hinalal natin. Matagal na nating dapat ginawa ito sa bansa natin (aminin man o hindi, involved tayong mga mamamayan sa prosesong ito).

Ako po ay isang OFW na mahigit 10 taon na ring nagta-trabaho sa Lupain ng Umaangat na Araw (Japan) at umuuwi sa ating bansa tuwing may pagkakataon (na makaipon ng perang napakabilis maubos sa Pilipinas) .

Nakarinig na rin ako ng iba’t ibang mga impression ng mga hapon sa ating bansa.

Merong gustung-gusto ang Pilipinas, merong delikado ang nabuong impression batay sa pagbisita nito sa Pilipinas, merong ni ayaw magtangkang pumunta sa Pilipinas.

Merong mga documentary minsan sa tv na ipinapalabas sa Japan kung saan ipinapakita kung gaano kahirap ang buhay ng ilang tao sa Pilipinas.

Ang Payatas na yata ang naging National Symbol for Poverty ng Pilipinas. Pwede na itong ituro sa paaralan na Pambansang Simbolo ng Kahirapan. Ito kasi lagi ang ipinapakita sa tv kapag kalagayan ng Pilipinas ang topic ng documentary. Yung mga tambak ng basura, mga nagbabasurang bata, pagkain nilang asin lang at kanin.

Kaya nga merong nagtanong na Hapon sa akin dati, “Mahirap bang bansa ang Pilipinas?”. Meron pang nagtanong sa akin, “Ano’ng ginagawa ng pamahalaan para sa mga taong ito?”. Gandang mga tanong, ‘no? Mas mahirap pa sa mga tanong sa Miss Universe contest. Ginugulo ko na lang ang usapan para malimutan nila yung tanong.

Mahirap itatwa ang obvious at nakikita sa national tv ng Japan. Baka pati sa ibang bansa ay ganito din ipino-portray ang Pilipinas kaya hindi natin maitatago ang mga eksena ng kahirapan sa bansa natin.

Meron din namang mga travel shows na ipinapakita ang magagandang beach sa ating bansa at nakaka-engganyo talaga sa mga Hapon na magpunta sa Pilipinas.

Gaya nung katrabaho kong Hapon na gustung gusto ang Boracay, tinanong n’ya rin ako dati, “Bakit ang daming mahirap sa Pilipinas?”

Ano ang nais kong ipaabot sa blog post kong ito? Hindi ko alam, nalimutan ko na. Ayoko na lang i-delete dahil nag-aksaya na ako ng oras sa pag-type nito.

(Itutuloy…)

Mas Masaya sa Pilipinas (Part 1 of 4)

Hindi ako expert, hindi rin ako nag-aral sa mga sikat na paaralan ng Maynila (pero nag-aral naman ako sa sikat na paaralan sa probinsya namin, o ha?)

Siguro para sa mga expert at mga matatalinong tao sa likod ng ating pamahalaan eh importanteng importante na mapalago ang turismo sa Pilipinas. Pero para sa isang pangkaraniwang tao na mahilig mag-internet kagaya ko, parang may mas maganda pang dapat i-prioritize at asikasuhin ang ating bansa.

Sariling tanong ko lang naman kung bakit hindi rin gumugugol ng malaking halaga ang ating pamahalaan sa pagpapabuti ng peace at order? Dahil kaya mas mahirap gawin yun?

Sana kung gaano ka-agresibo ang Department of Tourism sa pag-anyaya ng mga dayuhan sa bansa eh ganun din ka-agresibo ang mga awtoridad sa pagpapababa ng karahasan sa bansa natin.

Isa pang bagay na nai-imagine ko sa bansa natin eh para itong babaeng maraming personal na problema. Dinadaan na lang n’ya sa make-up at magandang (o seksing) pananamit ang sarili para makaakit ng mga tao. Pero pag nakilala na s’ya lalo ng taong inakit n’ya eh iiwan din s’ya dahil matutuklasan ang tungkol sa mga personal issues n’ya.

Bakit hindi muna magpa-rehab ang babaeng ito? Pag ayos na s’ya eh totoong magugustuhan na s’ya ng mga tao sa kung sino s’ya. Hindi n’ya siguro ito gagawin dahil mas mahirap gawin yun, mas magastos o nakakatamad gawin.

Hindi pa ako nakapunta sa New Zealand at wala pa akong nakitang advertisement na humihikayat sa mga banyaga na magpunta dun. Pero kung papalarin akong magkamal ng limpak limpak na salapi (sa legal na paraan) eh isa ang New Zealand sa mga bansang una kong pupuntahan para pasyalan.

Ang ganda kasi ng image n’ya. Parang tahimik at maraming magagandang tanawin at masasarap na pagkain. Gaya ng cheese, ice cream, yogurt, lamb chops (punas laway)

Bakit kaya hindi muna i-rehab o i-make over ang bansa natin para gumanda rin ang image natin? Mahirap kaya yun? Imposible kaya? Masyadong matagal? Magastos? Matrabaho? Nakakatamad gawin?

Hmm, gusto ko tuloy makatikim ng Cadbury chocolates…

(Itutuloy…)