Interview with an OFW

Ang post na ito ay pagsilip sa buhay ng isang kababayan nating nagtatrabaho sa Dubai.

karanasan ng isang ofw

Nakakuwentuhan ko ang isang kababayang tawagin na lang nating Ate A at kinamusta ko ang kaniyang kalagayan.

Si Ate A ay nagtatrabaho sa isang cleaning company. Pinapadala sila Ate A sa mga bahay o kaya opisina upang maglinis.

Ilang taon na kayo sa Dubai?
3 years na. 2 years ako sa unang kumpanya kong napasukan tapos isang taon na rin dito sa pangalawa.

Ok naman ba ang kumpanyang napasukan niyo?
Hindi. Gusto na nga namin umalis. Ang dami sa ‘ming ilang beses na nag-resign pero ayaw payagan kaya inaantay na lang namin lahat na matapos ang kontrata.

Teka, bakit hindi ok?
Mababa na pasweldo wala pa silang pakialam sa mga empleyado. 1000 (Php 12k++) Dirhams lang sweldo namin eh.

Paanong wala silang pakialam?
Tulad niyan, yung isa naming kasamahan na naglinis ng bahay, nakagat ng aso nung kliyente. Warat nga tshirt no’n nung umuwi. Umaga pa lang tumawag na siya sa office namin na nakagat siya ng aso at gusto niya magpunta sa ospital. Sinabihan ba naman siya nung mga taga-opisina na tapusin muna yung trabaho niya. Umaga yun nung makagat ng aso ah, tapos gabi na naisugod sa ospital. Isang araw lang siyang pinagpahinga tapos pinapasok na naman sa trabaho.

Grabe naman yata iyan. Wala naman yata silang awa.
Oo. Yung isa naman naming kasama naoperahan kasi may bukol sa may bandang leeg. Matapos ang isang buwan nagkaroon na naman siya ng bukol sa may bandang balakang na naman. Gusto na niya umuwi kasi pag nagpa-opera na naman siya dito, may bayad na. Isang beses lang libre ang operasyon. Ayaw siyang pauwiin pero ayaw din naman nila sagutin yung operasyon.

Nako. Health issues na yan ayaw pa nilang pauwiin. Tapos ayaw din naman nilang sagutin yung operasyon.
Wala nga silang pakialam eh. Minsan naman nirereklamo namin yung ibang kliyenteng Arabo kasi binabastos kami. Pero sabi nila di pwede mabawasan yung mga kliyente. Wala pa naman daw nangyayaring masama kaya ok lang daw ‘yun. Wala pa ba yun eh mina-manyak na kami? Mag-aantay pa ba sila na may mangyari sa amin?

Maiba tayo, nagkakasya naman ba yung sweldo niyo? Nakakapagpadala pa kayo sa Pilipinas?
Nakakapagpadala naman. Saka nagpa-part time kami. Pag natatapos ang duty ko ng alas-singko ng hapon, nagpa-part time pa ako hanggang alas-nwebe o alas-diyes. Depende kung may mapagpa-partime-an. Pag day-off din namin pinipilit naming makakuha ng part time. Sayang eh.

Kahit araw ng pahinga niyo talagang naglalagari pa kayo. Magkano naman po ang kinikita niyo sa pagpapart time?
35-40 Dirhams (Php 450 – 500 ++) kada oras. Madalas kada bahay 2-3 hours. Buti nga yung iba naming pinagpa-partime-an mababait. Binibigyan kami ng mga pagkain saka mga gamit na naipapadala namin sa Pinas. Minsan mga lumang damit at laruan ng mga bata. Sakto kasi madami na akong pamangkin. May pang-puno sa kahon.

Edi patang-pata kayo niyan pag-uwi?
Oo. Gabi na ko nakakauwi tapos kinabukasan maaga na naman. Pasalamat nga lang ako kasi yung ibang part time ko, nagdidilig lang ako ng halaman. Dun lang ako nakakapagpahinga ng kaunti.

Pero ganun talaga. Kesa naman umuwi ako ng Pinas wala naman mangyayari sa akin.

********************************************************************

Note: Ang mga inilahad sa itaas ay hango sa isang impormal na panayam sa isang kababayang nakadaupang palad ng may-akda dito sa Dubai.

Advertisements


Categories: OFW Layp

Tags: , , , , ,

6 replies

  1. Mataas pa nga yang 1000 (12K++ Php). Dito sa Saudi meron pang sumasahod ng 600 SR (7K++ Php). Ganyan na mga bigayan ngayon kase maraming kakumpetensya. Kung ganyan din ang offer, mas mabuti pa sa Pinas na lang. Ang magandang magabroad yung mga registered nurses with experience lalo na kung mapunta sa government hospitals. Mataas talaga ang offer kumpara kung mag-nurse sa Pinas pero kung low-skilled worker din mas mabuti pa sa Pinas na lang magtrabaho.

  2. may ilang pangyayare n iba ang nkasulat n sweldo s kontrata pero ang usapan nla verbally ay mas mbaba s nklgay s kontrata,,ano po kyang pdeng gawin s mga ganung incident.di na mkaatras ang aplikante dhl mlapit n xa umalis bgo mlman n gnun lng pla sswelduhin nya at huli n pra magback out xa..s kontrata minimum wage ang nklgay n sweldo ng ofw pero s papel lng un.tulad s oman 160omani rial ang nklgy s papel n pnpirmahan pero ang sahod lng n mttnggap ay 120omani rial..sna po ay mtulungan nyo kami.

  3. nice post ..congratsssssssss

    My blog related to health and fitness. i hope my blog also may be useful to you.
    https://healthnfitlifes.wordpress.com/

  4. unfortunately, hindi na natitinag sa ganitong mga kuwento ang mga government officials natin…

Trackbacks

  1. Dear VP Binay – aysabaw

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: