Sa kasamaang palad, kelangan pa lagi ng isang matinding trahedya para masukat ng ating bansa ang kahandaan natin sa mga hagupit ng kalikasan. At sa mga trahedya ding gaya nito nakikita kung anong uri ng mga mamamayan at Pamahalaan meron tayo.
Natuto na dapat ang Pilipinas sa maraming mga trahedyang nangyari dito nang nakalipas na limang taon, mula sa mga bagyong gaya ni Ondoy, Habagat at Sendong. Pero nangyari pa rin ang trahedya na gawa ng Bagyong Yolanda. Ang pinakamasama pa dito ay ang mga kaganapang nagpalala sa sitwasyon pagkatapos ng pananalanta.
Narito ang mga iskandalong napabalita pagkatapos manalasa ni Yolanda nuong Nobyembre 2013:
- Alitan at sisihan ng Lokal at Pambansang Pamahalaan
- Paggamit ng katagang “storm surge” na hindi naiintindihan ng marami
- Pagbawal sa pagbibilang sa dami ng mga namatay
- Pagdi-delay sa pamimigay ng mga relief goods at pagdurusa ng maraming taong hindi nakatanggap agad ng tulong
- Pag-imbak ng relief goods imbes na ipamigay agad ito at ang pagri-repack ng mga ito kahit na naka-repack na
- Pagkasira ng mga relief goods na hindi ibinigay agad
- Hindi pag-abot sa mga nasalanta ng mga tulong galing sa mga dayuhan
- Pananamantala ng mga pulitiko para maagang mangampanya gamit ang kaban ng bayan sa pamamagitan ng mga relief goods
- Pagbagsak ng relief goods ng ilang helicopters sa mga nasalanta dahil sa kabagalan mag-desisyon sa pagbibigay ng mga ito
Ang dami, ‘di ba? But wait, there’s more. Narito pa ang ibang mga anomalya nung panahon ng Yolanda na gusto nang makalimutan ng Pamahalaan.
- Pagtanggi ng Pamahalaan na i-acknowledge ang dami ng mga namatay sa Yolanda
- Kabagalan sa pagtungo sa kinaroroonan ng mga biktima (mas mabilis pa ang mga newscaster sa Pilipinas at ibang bansa)
- Pagtanggi ng Pamahalaan na may nangyayaring mga anomalya
- Pagfocus ng tulong sa iilang lugar lang na sinalanta ng bagyo
- Kakulangan ng kooperasyon ng National at Local Government
- Napakabagal na pamamahagi ng tulong sa mga biktima
- Below standard materials at overpricing sa pagtatayo ng bunk houses
- Hindi magandang kalagayan ng mga biktima sa mga evacuation center
- Pagtanggi ng Pamahalaan sa mga napansing anomalya ng mga tao at newscaster
- Pagbenta ng mga relief goods galing sa ibang bansa
- Pag-imbak ng pondong pera sa loob ng mga bangko imbes na gamitin para sa mga nasalanta
- Pagkagalit ng Pamahalaan kapag ipinapaalala sa kanila ang mga hindi pa nila nagawa
Sana ang mga susunod na administrasyon ay gumawa na ng tamang paghahanda para huwag nang maulit ang mga bagay na ito.
Hindi man mapigil ang kalikasan sa mga gusto nitong gawin, at least man lang sana eh gawin ng mga ahensya ng ating Pamahalaan ang trabaho nito ng maayos.
At bilang mga mamamayan, dapat din tayong maging responsable sa pagsunod sa abiso ng Pamahalaan patungkol sa mga sakuna at magkaroon ng simpatiya para tumulong sa mga taong sinalanta ng anumang sakuna.
Categories: Komiks
Leave a Reply