Sinabi na ng NBI na may sindikato ngang nasa likod ng laglag-bala scam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ito ay sa kabila ng pagpipilit ng Pamahalaan na pagtakpan ang anomalyang ito sa ating airport.
worst na, dangerous pa ang tingin ng marami sa ating pambansang paliparan…
Pero hindi lang laglag-bala scam ang dapat pag-ingatan ng mga biyahero sa tuwing mapupunta sa NAIA. Narito ang iba pang mga scam o modus operandi ng mga airport personnel na dapat pag-ingatan ng sinumang biyahero sa nasabing paliparan.
1) Tanim Drugs Scam
Para rin itong laglag-bala scam pero drugs naman ang gamit para i-frame up ang kawawang pasahero para magbayad ito ng suhol o areglo para huwag ma-hassle sa byahe.
2) Overweight Baggage Scam
Sasabihin ng baggage checker na overweight ang bagahe mo at kelangan mong magbayad ng penalty pero kung bibigyan mo siya ng kung magkano ang hinihingi n’ya, aaprubahan n’ya kung ano man ang timbang ng bagahe mo.
3) Offloading Scam
Tatanungin ng immigration officer ng sangkatutak na tanong at sisitahin ang lahat ng documents ng pasahero lalo na kung gipit na ito sa oras. Hindi papayagan ng immigration officer na makaalis ng bansa ang pasahero hangga’t hindi ito nagbibigay ng lagay sa officer.
4) Forced Tip Scam
May mga airport staff na sapilitang “tutulungan” ang pasahero sa pagdadala ng kanyang mga bagahe kahit na hindi naman ito nangangailangan ng tulong. Pagkatapos “tumulong” sa mga bagahe ay maniningil ng napakalaking bayad ang airport staff sa ginawa niyang “pagtulong”.
5) No Choice Transportation Scam
Sa mga pasaherong hindi sanay magbiyahe sa airport, napupuwersa silang gamitin ang mga airport taxi na napakamahal ang bayad. Kahit na maikling distansiya lang ay malakas sumingil ang mga taxi na ito. At ang mga taxi lang na ito ang puwede mong ma-access sa loob ng airport. Walang ibang sasakyan sa loob ng airport ang pinapayagan liban sa mga taxing ito.
6) Over P10,000 Extortion Scam
Ten thousand Philippine pesos (Php10,000) lamang ang maaaring dalhin na pera palabas ng bansang Pilipinas. Bawal ang magdala ng sobra sa halagang ito sa ating mga airport. Kapag nahulihan nito ang sinumang pasahero ay kukumpiskahin ng mga awtoridad ang sobra sa Php10K. Pero isa-suggest ng airport officer na nakakita nito na suhulan na lang siya para payagan niya ang pagdadala ng sobra-sobrang pera ng pasahero.
Karaniwan sa mga madalas mabiktima sa mga scam na ito ay mga balikbayan na umuuwi sa Pilipinas o mga OFW na lumalabas ng bansa.
Narito ang ilang tips kung paano mag-iingat.
- Sumunod sa mga patakaran ng airport (huwag lumabag sa mga rules and regulations)
- Huwag magdala ng anumang bawal sa airport o eroplano
- Siguraduhing kumpleto ang mga dokumento sa pagbyahe
- Mariing tumanggi sa anumang inaalok na hindi kailangan
- Dumating ng 3 to 4 hours bago ang byahe para magkaroon ng oras sa anumang aberya
- Alamin ang mga hotline para sa legal na tulong o reklamo sa mga airport staff o personnel
- Maghanda lagi ng celphone o phonecard na magagamit pantawag sa mga kamag-anak
- Kandaduhan o baluting mabuti ang mga dalang bagahe upang hindi ito masalisihan
- Kung uuwi ng Pilipinas, magpasundo sa kakilala o kamag-anak sa airport
- Use common sense, huwag sunod ng sunod sa sasabihin ng airport personnel, magtanong din kung kinakailangan at kung kwestyonable ang hinihingi o ipinapagawa