Imagine a World Without Filipinos (Pinoy Version)

Narito ang sulat ng isang Arabyano tungkol sa kahalagahan ng mga Pilipinong manggagawa sa kanilang bansa. Ipinapakita dito ang katangian ng mga Pilipino at pagpapasalamat niya sa ambag ng mga Pilipino sa ekonomiya ng maraming bansa.

Ang sulat na ito ay pinagpasapasahan sa email nuong 2008 onwards at na-copy paste na rin sa iba pang mga blog. Kaya gumawa ako ng exclusive Tagalog version para maging mas intimate ang dating ng mensahe 😀

*******************************************************************************

Imagine a World Without Filipinos
Abdullah Al-Maghlooth | Al-Watan, almaghlooth@alwatan.com.sa
Nilathala: Lunes, Hunyo 16, 2008

philippine embassy saudi arabia

ang Philippine Embassy sa Riyadh, Saudi Arabia (panoramio.com)

Si Muhammad Al-Maghrabi ay naging handicap at nagsara ang kanyang flower and gifts shop na negosyo sa Jeddah pagkatapos na ang kanyang mga manggagawang Pilipino ay nagpilit na umalis at umuwi sa Pilipinas. Sabi niya: “Nang sila’y umalis, naramdaman kong tila ako’y nawalan ng mga braso. Sa sobrang lungkot ko’y nawalan ako ng ganang kumain. “

Pagkatapos nito ay lumipad si Al-Maghrabi patungong Maynila upang humanap ng dalawang Pilipinong maaaring pumalit sa mga trabahador niyang lumisan. Dati, sinubukan niya ang mga manggagawang mula sa ibang lahi subalit hindi siya bumilib sa kanila. “Walang ibang lahi ang maihahanlintulad sa mga Pilipino,” saad niya. Tuwing makakakita ako ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Saudi, napapa-isip ako kung ano kaya ang aming buhay kung wala sila.

Ang Saudi Arabia ay ang may pinakamalaking bilang ng mga manggagawa Pilipino – 1,019,577 – sa labas ng Pilipinas. Noong 2006 lang, ang Kaharian ng Saudi ay nag-recruit ng mahigit 223,000 mga manggagawa mula sa Pilipinas at ang kanilang bilang ay dumadami. Ang mga Pilipino ay hindi lamang gumagawa ng importante at epektibong bahagi sa Kaharian, sila rin ay may iba’t ibang trabaho sa mga bansa sa buong daigdig, kabilang na ang pagiging mga mandaragat. Kilala sila sa kanilang propesyunalismo at at kalidad ng kanilang trabaho.

Walang sinuman dito ang makaka-isip kung paano ang buhay kung walang mga Pilipino, na bumubuo ng halos 20 porsiyento ng mga mandaragat sa buong mundo. Mayroong 1.2 milyong mga Pilipinong sailors.

Kaya kung nagpasya isang araw ang mga Pilipino na tumigil sa pagtatrabaho o mag-strike para sa anumang kadahilanan, sino ang maghahatid ng langis, ng pagkain at mabigat na kagamitan sa buong mundo? Maaari nating maisip ang kalamidad na mangyayari.

Ang katangitangi sa mga Pilipino ay ang kanilang kakayahang magsalita ng napakahusay na Ingles at ang teknikal na kasanayang tinatanggap nila sa maagang yugto ng kanilang edukasyon. Mayroong ilang mga specialized training institutes sa Pilipinas, kabilang na ang mga nagi-i-specialize sa sa engineering at maintenance ng kalsada. Ang background sa kasanayang ito ang nagpapataas sa kanilang kakayahan sa mga mahahalagang bagay na ito.

Kapag binabanggit ang tungkol sa Pilipinas, hindi dapat kalimutan ang mga Pilipinong nurse. Sila ay may 23 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga nars sa buong mundo. Ang Pilipinas ay tahanan ng higit sa 190 kinikilalang mga kolehiyo institutes ng nursing, kung saan may 9000 mga nars na nagtatapos bawat taon. Marami sa mga ito ay nagtatrabaho sa ibang mga bansa tulad ng US, UK, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Kuwait at Singapore.

Si Cathy Ann, 35-taong gulang na Pilipinong nars na nagtatrabaho sa Saudi nitong huling limang taon at bago iyong ay sa Singapore, ang nagsabi na hindi siya nangungulila sa ibang bansa dahil “Ako ay napapalibutan ng aking mga kababayan kahit saan.” Naniniwala si Ann na ang maagang pagsasanay ang nagbibigay-daan sa mga Pilipino upang umangat sa nursing at iba pang mga larangan. Nagsimula siyang mag-aral ng propesyong ito sa edad na apat na taong gulang nang ang kanyang tiyahin, na isang nars, ay isinasama siya sa ospital at sinasabihan siyang panoorin ang trabaho. “Dati ay hinahalik n’ya ako tuwing may matututunan akong bagong bagay. Sa edad na 11, marami na akong kayang gawin. Nagsimula akong gawin ang maraming bagay gaya ng pagsukat sa presyon ng dugo ng aking lolo at pagbibigay ng insulin injections sa aking nanay,” sabi niya.

Ang uri na ito ng maagang sistema ng edukasyon ay kulang sa Saudi. Marami sa aming mga anak ang umaabot sa yugto ng unibersidad na walang ibang natututunan kundi ang mainip.

Ang Pilipinas, na halos hindi mo makita sa mapa, ay isang napaka-epektibong bansa salamat sa kanyang mga mamamayan. May kakayahan itong makaimpluwensiya sa ekonomiya ng buong mundo.

Dapat kaming magbigay-galang sa mga Pilipinong manggagawa, hindi lamang sa pamamagitan ng pag-empleyo sa kanila kundi pati na rin sa pamamagitan ng pag-aaral mula sa kanilang mga mahalagang karanasan.

Dapat kaming matuto at turuan ang aming mga anak sa kung paano magpatakbo at magpanatili ng mga barko at oil tankers, pati na rin ang pagpaplano at nursing at kung paano magkamit ng perpeksiyon sa aming trabaho. Ito ay nararapat gawin upang hindi kami matulad kay Muhammad Al-Maghrabi na nawalan ng interes at ganang kumain dahil nilisan ng mga Pilipinong manggagawa ang kanyang flower shop.

Dapat naming tandaan na kami ay masyadong nakadepende sa mga Pilipinong nasa paligid namin. Maaari kaming mamatay ng isang mabagal na kamatayan kung pinili nilang iwanan kami.

*******************************************************************************

Para sa orihinal na version, i-click ang link sa ibaba.

Source: Imagine a World Without Filipinos (Arab News)

Advertisements


Categories: Forwarded Emails

Tags: , , , , ,

3 replies

  1. May nakita akung lalakeng palaboy sa saudi satingin ko arabo un palagi k syng nakikita n palaboy laboy.ok lang b n binigyan ko sya ng pagkain? Bawal ba sa batas nila iyon????

  2. Hindi talaga matatawaran at maikukumpara sa kahit anumang lahi sa buong mundo ang kalidad at galing sa pagtatrabaho ng mga Pilipino lalo na sa ibang bansa. Sipag, tiyaga at bilis ng pag iisip ang ilan lamang sa mga katangian maipagmamalaki nating mga Pinoy. Nakakatuwang isipin na may mga banyagang nakakapansin at nagbibigay halaga sa mga katangiang ito ng mga Pilipino. Maraming salamat sa inyo! Mabuhay ang mga manggagawang Pinoy sa buong mundo!

    • marami pong bansa ang nakaka-appreciate sa katangian ng mga pilipino. sa kasamaang-palad, hindi pa rin makaangat-angat ang bansa natin dahil sa patuloy na mismanagement ng ating pamahalaan (past and present) sa ating mga mamamayan.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: