Bakit Hindi Ka Dapat Mag-TNT

Gusto mo bang maging OFW? Okay lang yun, wag ka lang mag-TNT.

Marami na akong nabasa at narinig na istorya ng mga TNT (Tago Ng Tago) na OFW. May mga nakilala na rin akong mga TNT sa bansang kinaroroonan ko. Kung mahirap ang buhay ng ilang mga OFW, lalong mahirap ang buhay ng overstaying o undocumented OFW.

Heto ang ilang mga dahilan kung bakit hindi ka dapat mag-TNT sa ibang bansa.

overseas pinoy workers

mga ofw na naga-apply ng owwa membership (presstv.com)

1. Perwisyo ito sa sarili, sa imahe ng mga Pilipino at imahe ng buong Pilipinas

Naghihigpit ang maraming bansa sa pagtanggap ng mga Pilipinong trabahante dahil sa mga kaso ng overstaying o illegal staying na mga Pilipino. Nagiging pangkaraniwan tuloy sa mga dayuhan ang pananaw na marami sa mga Pilipinong nangingibang bansa ay gustong manatili ng illegal sa kanilang bansa.

Gawa nito, lalong nahihirapan ang marami sa ating mga kababayan na makapunta sa ibang bansa. Kahit mamasyal lang, nire-require ng maraming bansa (lalo na yung mga 1st world) na kumuha ng visa ang mga Pilipinong turista.

2. Efficient ang mayayamang bansa sa pagtugis sa mga TNT, matatagpuan ka nila

Kung mayaman ang bansa kung saan gusto mong mag-TNT, malamang ay magaling ang sistema ng kanilang pamahalaan sa paghahanap ng mga overstaying foreigners. Hindi ka makakapagtago ng matagal. At pag natagpuan ka nila ay ipapatupad nila ang full force ng batas sa iyo.

Sa Japan, may isang kaso ng overstaying Filipino couple na 17 taon nanatili ng illegal subalit natukoy pa rin sila at dineport ng mga awtoridad.

3. Kapag nahuli ka, mababa-blacklist ka at mahihirapang makapunta sa ibang bansa

Isa sa mga masaklap na parusa sa mga nahuling overstaying Filipino ay ang risk na ma-ban din sa iba pang mga foreign countries. Lalo n’yang pinapahirap ang kanyang sitwasyon dahil patatalsikin na s’ya sa bansang kinaroroonan n’ya, mawawalan pa ng tiwala ang ibang bansa na tanggapin s’ya dahil sa posibilidad na ulitin n’ya ang overstaying pagkapasok sa ibang bansa.

4. Parati kang may agam-agam at hindi makakilos ng malaya sa bansang kinaroroonan

Ang mga TNT ay laging nag-aalala sa kanilang kalagayan. Pigil lagi ang pagkilos at nililimitahan ang mga activities. Hindi ka makakapunta sa mga mataong lugar dahil matatakot kang may makadiskubre na overstaying ka. Takot kang gumawa ng anumang transaction na maaaring magsiwalat na illegal ang iyong pananatili sa bansa.

Meron akong na-meet na TNT dati na takot na takot lumabas o magpunta sa mga mataong lugar. Nag-lapse na ang kanyang tourist visa at natatakot siyang matagpuan ng mga awtoridad. Sa huli, natakot na rin ang kumukupkop sa kanya dahil baka pati ito ay maparusahan kapag nalaman ng mga awtoridad na sa kanila nakatira ang TNT na Pilipino.

Hindi ko na alam kung nasaan ang TNT na ito ngayon.

5. Madali ka lang i-blackmail ng iyong makaka-away sa bansang kinaroroonan

Kapag may naka-away ka o nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa isang taong nakaka-alam na overstaying ka, hawak ka na n’ya sa leeg. Hindi mo magagawang umalma dahil takot ka na isusumbong ka ng taong ito sa mga awtoridad.

6. Wala kang karapatan sa anumang pribilehiyo

Mahirap mabuhay sa ibang bansa kung hindi ka maka-avail ng mga serbisyo na nangangailangan ng ID. Di ka makakuha ng celphone, di ka makapag-maneho, di ka makagawa ng video rental card, di ka makapagpa-admit sa ospital, at kung anu-ano pa. Liban lang kung merong mga tutulong sa ‘yo para makuha ang mga bagay na ito. Sa legal man o illegal na paraan.

7. Mahirap maghabol sa sinumang maaaring mang-abuso sa iyo

Kapag inagrabyado ka sa ibang bansa; ninakawan ka, sinagasaan ka, binuhusan ka ng kumukulong mantika, o kahit nahulog ka lang mag-isa mula sa tinitirhan mong building eh mahirap humingi ng tulong sa mga awtoridad. Bago pa nila hulhin yung umalipusta sa ‘yo eh ikaw na muna ang ikakaloboso nila kapag nalamang TNT ka.

Mahirap ang buhay sa Pilipinas, kulang sa trabahong may disenteng pasahod, pataas ng pataas ang presyo ng mga bilihin,  parami ng parami ang sinisingil ng gobyerno, at buhay na buhay pa rin ang marami sa mga walang kwentang corrupt government officials na nagnanakaw sa kabang-yaman natin.

Subalit hindi laging solusyon sa kahirapan ang mamuhay sa ibang bansa.

Gawing legal ang lahat ng dokumento. Gawing legal ang pananatili sa ibang bansa. Mahirap na ang buhay, huwag mo nang dagdagan ang pahirap sa sarili, huwag kang mag-TNT.

Related Articles:

Advertisements


Categories: OFW Layp

Tags: , , , , ,

2 replies

  1. mahirap makulong kaya nakakatakot….

Trackbacks

  1. 10 things I learned from the movie: Barcelona: A Love Untold – christian blogs too

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: