Inuubos ang Negosyante sa Pilipinas

Exaggerated siguro pero totoo po ‘yan. Bukod sa mga journalists, parang inuubos na rin ang mga negosyante sa Pilipinas. Sa mga balitang sinusubaybayan ko, tila yata araw-araw eh may mga negosyanteng pinapatay.

negosyante sa pilipinas 1

Narinig mo na siguro yung sinasabi ng ilang mga financial advisors na hindi ka yayaman kung namamasukan ka lang. Ini-encourage nila ang mga tao na mag-negosyo at maging sarili nilang amo.

Magandang payo ito lalo na sa kalagayan ng Pilipinas ngayon na mataas ang unemployment rate.

Ang mga negosyante ay nakakabawas sa kumpetisyon ng mga naghahanap ng trabaho. At ang mga successful na negosyante naman eh nakakalikha pa ng mga bagong trabaho para i-hire ang mga taong naghahanap ng mapapasukan.

negosyante sa pilipinas 2

Bukod sa mga company employees na sapilitang nagbabayad ng buwis, isa din ang mga negosyante sa bumubuhay sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa kontribusyon nito sa pagdagdag ng trabaho, pagpapadaloy ng pera sa merkado, at sa mga binabayarang buwis ng mga entrepreneur.

Imagine, hindi ka nag-migrate sa ibang bansa. Nagsikap kang itaguyod at palaguin ang iyong negosyo para guminhawa ang iyong buhay at ng iyong mga mahal sa buhay. Nakakatulong ka sa ekonomiya at sa mga umaasa sa iyong negosyo. Pero sa kasamaang palad, papatayin ka lang ng mga:

  • karibal mong negosyante
  • salot na kriminal na magnanakaw
  • naiinggit sa tagumpay mo

Ang uri ng peace and order na meron sa ating bansa ay nangangailangan ng malaking improvement para sustentuhan ang anumang economic breakthroughs na sinasabing nakakamit natin.

negosyante sa pilipinas 3

Pag-isipan sanang mabuti at gastusan ng malaki ng ating Pamahalaan ang pagpapanatili ng kaligtasan hindi lang ng mga negosyante kundi pati ng mga pangkaraniwang mamamayan.

Ilan siguro sa mga pwedeng gawin ay ang mga sumusunod:

1. 24 hour police visibility
2. maraming malinaw na CCTV camera
3. paghihigpit ng pagbabantay ng mga guard sa mga subdivision at all times
4. pagpapataw ng mabigat na parusa sa mga mamamatay-tao
5. entrapment operations sa mga gun-for-hire killers
6. pondo para sa malaking pabuya at proteksyon sa mga witness o informants
7. mahigpit na pagpapatupad sa mga gun ban at illegal firearms

Sa dami ng matalino sa gobyerno, siguradong makaka-isip sila ng paraan para ayusin ang napaka-mapanganib na buhay sa Pilipinas.

Hangga’t hindi hinahanapan ng pangmatagalang solusyon ang kriminalidad at karahasan sa ating bansa ay asahan nating patuloy lang mamamatay ang maraming mga negosyante sa Pilipinas.

negosyante sa pilipinas 4

Ang mga news clippings na nakapaskil dito ay ilan lamang sa mga balita ng mga pinatay na negosyante para sa buwan ng Setyembre 2013.

Sana lahat ng mga biktima ng ganitong karahasan eh binibigyan ng full media coverage. Sana lahat ng mga kasong ito ay binibigyan ng 2 milyong piso na reward sa kanino mang makakapagbigay ng impormasyon para mahuli ang mga salarin. Kaya lang hindi. Pili lang ang mga nabibigyan ng atensyon para sa mabilisang paglutas.

Nuong Setyembre 20, 2013 lang ay isang buong mag-anak at mga kasambahay ang pinagpapatay sa isang subdivision sa Angeles City. Pinaghihinalaan na inggit sa negosyo ang motibo sa ginawang pagpatay. Wala pang nalalaman tungkol sa mga may-sala sa mga oras na sinusulat ito.

negosyante sa pilipinas 10

Ipagdasal po nating mahuli ang mga salarin sa mga kasong ganito at ayusin sana ng Pamahalaan ang peace and order sa ating bansa.

Photo Source:  Ang lahat ng mga news clippings sa itaas ay kinuha mula sa Pilipino Star Ngayon

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , ,

7 replies

  1. wala na talagang konsensiya ang karamihan.. nakakalungkot.

  2. wala akong macomment. Isang matinding buntong hininga na lang.

  3. actually, ang nakakainis karamihan sa pinoy ay yung kagustuhang yumaman agad… yung easy money.. yung di kelangan pagtrabahuhan ang kita… kaya maraming magnanakaw. Hindi ko naman masabing tamad dahil dun tayo kilala sa ibang bansa – hard working daw tayo. bukod dun, yung makapag-isip ka kung pano ka magkakapagnakaw, isa ng trabaho yun. kasipagan ding maituturing yun. masama nga lang.

    posibleng crab mentality rin ba yun? ayaw nating nakikitang nauungusan tayo ng kapitbahay natin? ewan ko…

    gusto kong magbiznes sa pinas dahil di naman tayo forever OFW…. pero sa totoo lang, yan ang kinakatakot ko sa atin… yung inggit…

  4. This is so depressing.

    You know, I notice that there is one character of Filipinos that is reprehensible……. ENVY. When we were looking for a house to buy, my parents saw to it there were no Filipinos in the neighborhood. The reason was this Filipino character…. ENVY. Correct me if I’m wrong.

    • with regards to envy, i believe that this is a human trait that knows no nationality or country or gender. i believe all humans are vulnerable to this. i’m sorry but i cannot agree that it’s a unique filipino character.

      i guess the culture, upbringing and environment of the person affects how he/she handles this feeling (of envy). and the kind of peace and order we have in the philippines is really not helping.

      however, branding filipino people in general as envious people would be unfair, at least in my opinion.

      although i do understand why your parents would want to avoid to be potential objects of envy of some filipinos 🙂

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: