Magandang Course na Walang Math

Note: Ang artikulong ito ay inupdate nuong Mayo 8, 2020

Isang bisita ng blog na ito ang nagtanong sa akin dati kung ano ang magandang course na walang math. Last year pa n’ya itinanong sa akin ‘yun at ngayon ko pa lang sasagutin.

Ms. Kath, pasensya na sa late kong reply, heto na ang sagot ko sa tanong mo.

Wala akong alam na course na walang math.

Ayon.

Ang pagkakaalam ko ay meron at merong subject na math ang anumang kurso at least sa unang dalawang taon man lang ng buong kurso.

PERO!!!

Maraming trabaho ang hindi nangangailangan ng kaalaman sa math. At malamang ay madaling madali lang ang math subject nito sa kanilang curriculum.

Kung interesado kang malaman ang masasabi kong “magandang” trabaho na walang math, tuloy lang sa basa.

math quotes

andameng may ayaw sa math…

Kung hindi ka pa nakakapili ng iyong course hanggang ngayon, meron sana akong gustong isali sa listahan ng mga pinagpipilian mong course na walang math (or konti ang math). Baka gusto mong i-consider ang kursong ipapakilala ko.

Ang propesyon ng course na ito ay:

1)  may mababang competition sa job market
2)  high paying job (500 pesos per hour above)
3)  in demand sa pilipinas at sa ibang bansa
4)  kahit walang experience, makakapag-start agad mai-practice ang propesyon
5)  may significant contribution sa buhay ng tao
6)  flexible ang oras
7)  pwedeng kahit sa bahay mo gawin

Too good to be true? Siguro.

Ang tinutukoy kong course ay speech pathology.

speech therapist

Advanced Medical.net

Ang mga speech pathologists o speech therapists ay nagtuturo sa mga batang may speech development disorder na matutong magsalita. Tinuturuan nila ang mga bata na makipag-communicate. Pwede rin sila sa mga adult pero sa mas maraming sitwasyon ay bata ang kanilang inaasikaso.

Maraming dahilan ang speech disorder sa isang bata. Isa sa mga dahilang ito ang autism.

Isang malungkot na impormasyon ang ipinahayag ng Department of Health patungkol sa autism:

“In the Philippines, estimated cases of autism rose from 500,000 in 2008 to one million people at present…The number could be much higher since there are still a lot of areas in the Philippines not covered.”

(Source: Philippine Information Agency)

Bukod sa autism, may iba pang mga dahilan sa speech development disorder ng mga bata. Pwedeng developmental delay lang. Pwede din naman dahil sa hearing disorder at iba pang mga kadahilanan. Nakakadagdag ang mga dahilang ito sa dami ng mga kabataang may speech at/o communication disorder.

Kung ano man ang dahilan ng speech disorder ng bata, speech therapist ang gumagabay sa batang ito para matutong mag-express ng sarili sa pamamagitan ng verbal na pamamaraan.

Napakasakit para sa mga magulang ang hindi magawang makipag-communicate sa anak. Yung hindi nila makakuwentuhan ang anak. Yung hindi man lang nila matanong ang anak kung ano ang gusto nito o kung ano ang masakit sa kanya.

Merong mga magulang na naiirita sa mga anak na madaldal at makulit pero hindi lang nila alam kung gaano kabigat ang pighati ng mga magulang na napakaraming taon ng dinadala sa mga therapy session ang kanilang anak sa pag-asang balang araw ay masabi man lang nito ang sarili n’yang pangalan.

Ang speech therapist na makapagbibigay ng kakayahan sa bata na makipag-communicate ay isang hulog ng langit para sa kahit na sinong magulang.

Sa kasamaang palad, may malaking kakulangan sa bilang ng mga speech therapist ang ating bansa.

speech pathologist

kung mahilig ka sa bata, baka pwede sa ‘yo ang maging speech therapist…
(bilinguistics.com)

Habang dumadami ang kaso ng speech disorder (o child developmental disorder) sa ating bansa, lalong nagiging importante at scarce commodity ang mga speech therapist sa atin.

Pinag-aagawan ang available schedule ng mga speech therapist kung alam mo lang. Kaya kahit mag-set sila ng mga demands, nahihirapan silang tanggihan ng mga magulang.

(Dini-discourage po ang cold hearted practice na ito ng ilang speech therapist. Pwedeng bumalik sa kanila ang gawaing ‘yan balang araw.)

Hindi sila mababakante lalo na kung may reputasyon ang therapist na nakakapag-produce s’ya ng agarang resulta sa tini-therapy na bata.

Kung dadami lang sana ang mga speech therapist sa Pilipinas, mas maraming magulang ang hindi na kelangang pumunta pa sa malalayong lugar maipa-therapy lang ang anak. Malaki na ang gastos sa therapy sessions, dagdag pa ang transportation.

Sana rin ay makapagbigay ang Pamahalaan natin ng ganitong serbisyo sa mga kapuspalad nating mga kababayan na namimighati sa anak na may problema sa komunikasyon.

Sa kasamaang palad, ang speech therapy course ay ino-offer sa iilan lamang na mga universidad sa BUONG Pilipinas. Kabilang na dito ang:

1. UP Diliman
2. University ng Sto. Tomas
3. Cebu Doctor’s University
4. Dela Salle University

Nabanggit na rin lang ang child developmental disorder, maaari mo na rin sigurong i-consider ang mga kursong may kinalaman dito gaya ng Occupational Therapy at Child Developmental Neurology at mga kagayang course.

Napakakonti lang ng math nito (kung meron man). Pero kelangan mo ng passion para sa mga bata.

Good luck sa pagpili ng iyong course.

—————————————-

Iba Pang References:

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , , , , , , , ,

88 replies

  1. Sa totoo lang bookeepers at medical treatment ang gusto kong kunin kasama na ang tourisms pero salamat na rin sa suggestion mo at may kaalaman ako sa kursong sinabi mo at idadagdag ko ito sa pagpipilian ko.good luck at marami ka pa sanang matulungan.maaari kang maging public pr sa ibang mga tao.god bless

  2. ang hirap mamili ng course ayaw ko ng math huhu.

  3. Ano bang kurso na engineer na madali,malaki ang sahod at Hindi masyadong mahirap ang math?

  4. nagaaral po ako ngayon as a first year college semi finals nanamin at gusto ko ng lumipat ng school kase hindi ko gusto yung course na pinili ng mga magulang ko. So pag lumipat ba ako yung nacredit na grades ko na ang gagamitin kong requirements para sa ibang school na papasukan ko? Thanks po😊

  5. sir Resident pathriot paano mo na laman na itong subject na ito’y walang math .ikaw ba ay isang Speech Pathologist. Tanong ko ano- anung mga school ang umo-offer nito . At ano anong ang mga subjects nito . Kasali rin ba ito sa K-12 curricullum . tanong ko lang ulit tagalog at english ba ang pag-aaralan dito. Sir kung sakaling ito ang kunin ko kurso sa kolehiyo ano anung ang magiging trabaho ko.

  6. sir, residentpatriot, ask ko lang pwede pa rin kaya akong mag take ng speech pathology kahit na 35 years old na ako and male po ako e. hehe. thanks po.

  7. Hi, inaamin ko pong mahina ako sa mathematics thanks sa blog na ito nakatulong po ito sakin ittry ko itong course nato.

  8. Hi guys tanong ko lang po anung course po ba ang walang english?
    Simula elem. hanggang hidh school po kase ako ayan ang pinaka nahihirapan ako ewan ko ba kunv bakit?😔basta ayan ang ayoko sa laht ng subject! ask kulangpo sana kung meron bang course na walang english? tska ask kuna rin po paano po ba matutong mag english?

  9. hi po! 4 years ago ehh nakapag-enroll ako , bali 3rd year ko na sa accounting mngt. na course..kaso sa kalagitnaan ng first sem ehh nag-stop ako without dropping my subjects dun sa registrar..so for sure mga subjects ko na na-enroll that sem ehh kung hindi 5 ehh drop lahat nakalagay.. ano po ba pwede kung gawin dito? pag mag-shift ako ng ibang course ,makukuha ba yun lahat na subjects? or makukuha lang ehh yung mga subject na pwde sa panibago kung course?? ayoko kasi na mailagay yung mga subjects na yun sa t.o.r ko kasi nga madumi tingnan kung sakali..

  10. guys anong course ang madali lang…..at Hindi masyadong mahirap….

  11. guys, i just wanna ask, kung example, na-take mo na yung isang subject before, then may grade kana rin dun, tapos, nai-take mo pa sya uli, paanong magandang gawin, kailangan ko pa bang pasukan yung subject? And kailangan ko rin bang i-drop ang subject or hindi na? Tnx

  12. ano po ang kursong babagay po sa mga mahihiyain po na kagaya ko po.

    • bagay sigurong course sa mga mahiyain eh maging architect. konti lang ang taong kinakausap nung mga yun. drawing lang sila ng drawing. pwede ka ring maging comic book artist para nagdo-drawing ka lang lagi umaga hanggang gabi, di mo na kailangang makihalubilo sa tao.

      pwede ka ring tagalinis, o kaya hardinero, o kaya manunulat, hindi mo kelangang humarap sa mga tao. maraming available na trabaho para sa mga mahiyain.

      • “Architecture means art and sciences of designing and constructing of a building”. To clarify,gerald wag kang mag aarchitecture dahil puro defense sa mga proposals and projects. may “CLIENTS” po kami and hnd lng kme ngdodrowing dhil pnag aaralan at nireresearch namin ang isang structure bago ito maitayo, may mga laws po itong kaakibat, may math din po ito :3

        • ayan, umaangal si cole. hindi raw para sa mahiyain ang architecture.

          mag-ermitanyo ka na lang, gerald. umakyat ka sa bundok at duon ka na lang mamalagi para siguradong wala kang makikitang ibang tao 😀

  13. pano po ba kumuha ng coures na hindi gaanong mahirap patulong nga po pls..

    • humanap ka ng course na gusto mo para hindi ka masyadong mahirapan. kung wala kang gustong course, mag-2 year course ka na lang para hindi masyadong matagal ang paghintay mo maka-graduate. or wag ka na lang mag-college para hindi ka na talaga mahirapan.

      unfortunately, walang course na madali. depende lahat yun sa estudyanteng kumukuha ng course.

  14. _uhmf.anu kEa anG mabuTi knG kunin na cOurse pG Grade 11 kO,unG hnDi lnG pOh mhirap aT tsaka uaLanG MATH.
    d kc ako marunonG nG MATH,yn anG pnka haTe knG subjecT.

    pa2lunG nmn poh…plzzz.

    • kahit hate na hate mo ang math, kelangan natin yun para mabuhay at walang course sa kahit na anong course sa college ang hindi nagtuturo ng math. kelangan mo lang malaman ang mga techniques at tricks sa pagsagot ng mga math problems.

  15. maGkanO nmn poH anG xHod ?

  16. hindi po pala ako nag iisa sa school nmin marami nman dw ung mga shifter katulad ko.

    • hindi mo na kelangan kunin ulit yung mga nakuha mo nang subject. ipa-credit mo na lang yung mga units kapag nagpa-enroll ka next sem para ibawas na ng school sa mga required subjects mo.

      mabuti at hindi ka nag-iisang shifter, pero sana wag mo makasanayan ang mag-shift ng mag-shift dahil biglang ayaw mo na sa course mo. choose your course wisely and stick to it 🙂

  17. patulong lng po anu po ang dapat kong gawin kc hndi ko ngustuhan ang course ko ngaun tinatamad n po ako gusto ko magshift kaso d na pwedi sayang na ang gastos ano ang gagawin ko patulong po?

    • hello danica, salamat sa pagdaan mo dito.

      tama ka, hindi nga magandang ituloy yung course mo kung ayaw mo yan. aksaya lang ng pera, aksaya pa ng panahon mo. kung may chance ka pa lumipat sa darating na bagong semester, maganda sigurong kausapin mo ang mga magulang mo (or kung sino ang nagpa-paaral sa ‘yo) at sabihin sa kanila kung ano’ng kurso ang gusto mo talagang kunin.

      ang tanong lang ay kung hindi ka rin ba susuko sa kalagitnaan ng bago mong course. maganda rin siguro tingnan mo muna mabuti kung ayaw mo ba talaga yung kasalukuyan mong course o tinatamad ka lang. minsan kahit mga bagay na gusto natin eh kinatatamaran din nating gawin.

      kung tinatamad ka lang, walang ibang maipapayo sa yo kundi humanap ng inspirasyon na magsipag sa pag-aaral.

      so bago ka mag-shift sa bagong course, tingnan mo muna siguro kung ayaw mo talaga yung course o tinatamad ka lang mag-aral in general. maganda ring humingi ka ng payo sa mga guardians, teachers, councilors o sinumang sa tingin mo ay mapagkakatiwalaang hingan ng payo sa lagay mo.

      • talaga pong maling-mali ang napili ko kc impluwensya ng mga friends ko. buti nlang po may nakita akong blog na maraming coment d2. ano po ang gagawin ko itutuloy ko pba at kung mag shift ako pwedi pa po ba sa 2nd sem baka wala akong classmate nun?

        • kelangan mong mag-inquire sa school nyo kung pwede kang mag-shift as early as 2nd sem o baka next year na. pero kelangan mo ring ikunsulta ito sa guardians mo bago ka magdesisyon ng final. since alam mo na ang nararamdaman mo sa current course mo eh dapat mo na i-open up ito sa kanila para hindi sila mabigla.

          ihanda mo na rin ang sarili mo na posibleng wala kang magiging former classmate sa bago mong course kung magshi-shift ka nga.

          for the meantime, pagtyagaan mo na muna yang course mo at sikaping huwag bumagsak dahil magre-reflect yan sa transcript of records mo kapag graduate ka na at naghahanap ng trabaho.

          hindi ko isina-suggest na mag-drop out ka…

          • maraming salamat po sa advice nyo. nagtanong n po ako sa mga instructor sa eskwelahan nmin. pwedi nman dw po na mag enroll ako sa next sem marami nman daw na nag eenrol don kaso lng daw ituloy ko lng daw ung course ko ngaun kc gaya ng sabi nyo tama kayo baka tinatamad lng daw ako so itutuloy ko nlang po pagtyatyagaan ko nlang?

            • mabuti at hindi mo naisip mag-drop out 😀 tyagain mo na lang muna yang course mo ng ilang months baka bandang huli eh magustuhan mo pa yan at hindi mo na maisip mag-shift.

              • may nakalimutan lng po akong itanong s innyo kung sakaling mag shift ako sa nex sem tapos ung mga subject na naipasa ko na, kukunin ko paba sa bagong pasukan sa next sem o hindi na????????

  18. ask ko lng po ano po ba ung bs computer science major in information technology at ano nman po ung bs information technology ano pinagkaiba po nito??????????????????

  19. patulong naman po ung computer science ba may math ba yon kc di ko pa alam kung may math ba un kc ang napili kong cours patulong naman po salamat

  20. Oh tlga po? hehe sige sge po.. aabangan ko yan. maraming salamat po! 😀 😀 😀

  21. Hello po.. pwede po ba kayong magsuggest ng mgandang course ngayon? yung mdaling mahanapan ng work.. Wag lang po sana yung Accountancy/Engineering.. 1styear college na sna ako ngayon, kaso wla talaga akong maisip na course so nagstop nlang ako.sayang din kase yung pera if ayoko yung course ko.. Masscom sna ako, kso sabi nina mama wla daw mapapala dun.. gusto nila yung Event Management.. :'( ano ba yun? Patulong naman po please? I need you helps and Suggestions.. Maraming Salamat po..

    • Hello, Ash. Kung may pera din lang kayo, baka gusto mong kumuha ng Law. Pero hindi masama ang Accountancy o Engineering. hindi ito naluluma sa pagiging in demand. Hindi naman kelangan katakutan ang Math lalo pa kung masipag ka mag-aral.

      Pero kung sa tingin mo na magagawa mong mag-excel sa Mass Com, subukan mong makipag-negotiate sa iyong mga magulang. Gusto lang nilang masigurado ang magandang kinabukasan para sa ‘yo kaya ka nila dini-discourage sa kursong yun, lalo na kung konti lang ang alam nila tungkol dun o may masama silang impormasyon o karanasan sa Mass Com.

      One of these days, magpo-post ako ng article tungkol dito. Mag-subscribe ka na lang muna sa blog na ito para ma-update ka sa future posts 🙂

  22. Mental Abuse To Health, SO VERY TRUE. LOL! Hindi ako magaling sa math, hindi ko nga maalala kung pano ko naipasa ang Algebra hehe! Pero dahil nainlab ako sa Accounting, maluwalhating nairaos! 🙂

    Pero maganda ngarud ang kursong pinakilala mo sa taas RP, baka nga pwede pa kong maging estudyante, pramis. Medyo hirap pa rin kasi ako minsan mag express o magcommunicate, praktis / outlet ko ngarud ang pagbo blog… o baka may topak lang talaga ako, LOL!

    Yalla, sa mga interesado at may oportunidad mag-aral, gow mga kapatid! 🙂

  23. Nice post. Siguro nga inversely proportional sila – ang passion sa math at passion for kids. Haha. Math major ako e.. 😀

    • uy, hello mam kyako. so, math teacher ka ng highschool? tama ba? hindi ko paborito ang math pero engineering ang tinapos ko kaya di ko s’ya hate pero gusto ko ang mga bata. may mga kilala naman ako na ayaw sa math at ayaw din sa mga bata at d same time hehe

  24. mahilig ako sa mga bata since sa bahay namin, may 4 little pinsans at 3 little siblings ako 🙂

    interesting po ang course na’to…kaya lang, parang it’s too late na… apat na beses na akong nagpalipat lipat ng kurso…ayaw na akong payagan ng mama ko na mag transfer ulet.. pero ang gusto ko talaga, maging teacher ng kindergarten/ elementary . sigh

  25. RP, sa stage ni vince eh dahil papunta pa lang sya early adulthood malamang hindi nga pero pag nagsecond childhood na sya gaya natin magugustuhan na nya! hahahaha according to study ung mga mahilig sa komiks, games and fun are most likely to have a good time with kids.. 🙂

    • wahaha, kaya pala nae-enjoy ko ang mga kids, may mga pagkakapareho kami ng hilig. may part pala dapat tayong isip-bata para magustuhan ang mga bata 😀

      • simple lang kasi ang gusto ng mga bata diba? kelangan lang matyaga ka magpaliwanag.. or para magkaintindihan kayo make it in a form of stories.. children love games and stories. ang role natin taga kwento sila ang tagapakinig.. we are better in creating stories and the children in imagining the stories we created.. eh sa tutoo lang my children love to hear stories about me and my husbands journey in life.. how we survived the trials and how we triumph all the those battles.. ganun lang ung.. kaya magkwento ka lang ng magkwento about juan tamad and the gang basta in the end teach the moral lesson.. 🙂
        Namiss din kita in fairness kaya lang medyo busy kaya di na kakapasyal.. 🙂 sensya na kung naflood ang notifications mo.. ngayon lang nagka oras eh.. 🙂

        • ahaha, ganyan din ako dati sa mga magulang ko, gusto ko naririnig yung mga kuwento ng buhay nila.

          salamat sa muling pagbisita sa kabila ng iyong busy sched, sana makapag-post ka ulit nung mga maaangas mong words of wisdom hehe

          • nagbabalak at meron na mga nakaplano.. hirap lang kumuha ng momentum.. pag nakasingit.. babato ng mga one liner.. 🙂 paparamdam na buhay pa ako.. 🙂

            nabasa ko karanasan mo sa Japan.. DI na ba bumalik pamilya mo dun?

            • bumalik sila sa japan after 2 months pero umuwi ulit sa pilipinas last year (2012) dahil kelangan ng speech therapy ng aming anak. hanggang ngayon eh nasa pilipinas sila at medyo matatagalan pa bago kami magkasama-sama hangga’t hindi s’ya humuhusay sa verbal communication. umuuwi na lang ako 2 to 3 times a year sa atin depende sa ipon 🙂

              aabangan ko ang mga bago mong posts hehe

  26. Hindi ko hilig ang Math pero ang kurso ko ay di nauubusan ng Math subjects. Pero mas ayaw ko ang mga bata compare to Math! Hahaha! Very informative post . Thumbs up =)

  27. may math din sya!!. statistics.. wala naman atang course na walang math eh.. besides kung walang math paano mo makukwenta ang araw araw na gastusin? paano mo matutunan ang mag budget? ang magbilang ng araw kung kelan ka manganganak.. math is simple it is an application of everyday living. What makes math complicated is the person’s state of mind.. pag inisip mo na mahirap, mahirap talaga. But if you try to understand then you’d realize that it is easy. Problem solving is a way of life ika nga.. wag lang ung mga pang engineering na talagang sandamakmak ang mga equation, etc… anyways, balik tayo sa speech therapist.. naku, kelangan matyaga dyan, kung math di mapagtyagaan lalo na kaya ang bata? hay wala naman talagang madali sa mundo lahat pinaghihirapan. tama ba?

    • hello, ate binky 🙂 binaha mo ang notif ko ah hehe salamat sa muling pagbisita, miss you na ah hehe where have you been?

      wala ngang kursong walang math, liban lang kung vocational course o yung mga short term courses ng tesda ang kukunin. at wala ngang trabahong hindi pinaghihirapan. mga nagtatrabaho lang sa gobyerno ang may ganung privilege. ay, ano ba yung nasabi ko? 🙂

      • uy di rin a.. mahirap kayang magbilang ng pera.. ang magimbento ng mga kung ano anong organization hehehe.. mahirap din mag kwenta kung paano palalabasin na nagamit sa bayan ang perang binubulsa nila.. 🙂

    • ok lang naman ang math kung wlang algebra at trigo dba? XD XD

  28. wala naman akong problema sa math at hindi ako mahilig sa mga bata at graduate na ako kaya i’ll pass ahaha

  29. Sabi na nga ba nagkamali ako ng course. ):

  30. I love kids! Pero sa totoo lang mahirap nga ang ganyang profession… Kailangan mo ng matinding pasensya dahil nga iba ang condition ng bata…

    Siguro kung ang utak ko ay naka-wired para maging isang alagad ng medisina, sa malamang yan na ang kukunin ko… Or cosmetic surgeon… Hihihihi..

    • kelangan talaga dito ng natural at walang bahid ng pagkukunwaring pagmamahal sa mga bata para maging productive at tumagal for life…yun dun nga sigurong ang isa pang factor kung bakit kokonti lang ang kumukuha ng kursong ito.

      di ko alam na nasa medical field na rin pala ang mga nagme-makeup ngayon hehe yung action star na si jeremy renner daw (gumanap sa bourne legacy) eh dating cosmetic surgeon 🙂

  31. interesting kasi walang math.. pero mukhang challenging para sa mga katulad kong walang tiyaga.. hehehe

  32. Interesting na kurso kaso ang hirap din. Wala naman yatang madali kahit walang Math. Haha.

  33. 🙂 makatutulong sa mga bagong graduate na hindi pa nakapagdesisyon sa kurso.

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: