Aking Guro, Aking Bayani: Ano’ng Nangyari?

Update – Ayon sa FB page ng Hauteu, nagbaba ang DOLE ng return to work order sa mga nag-strike na teachers at dapat silang ire-admit ng school admi under same conditions bago pa nangyari ang strike. Tuloy pa rin ang petisyon ng mga teachers sa DOLE pero nagbalik na sila sa trabaho as of Oct. 7, 2013. Inabot ng total na 51 araw ang kanilang strike.

**********************************************************************

Ngayong October 5 ay ipagdiriwang ng Department of Education ang World Teacher’s Day na may temang “My Teacher, My Hero”.

Oo nga naman, dapat nga naman ituring na isa sa ating mga bayani ang ating mga guro. Kung tawagin nga sila ay pangalawang magulang natin (dahil ang eskwelahan ang sinasabing pangalawang tahanan). Lalo pa kung yung guro ay hindi nangibang-bansa, hindi nakapag-asawa at talagang idinedicate na ang buhay sa paghubog ng pag-iisip ng mga kabataan.

Namataan ko ilang buwan na ang nakakalipas sa isang mall yung HS teacher ko at binati ko s’ya. Akala ko eh nakalimutan na n’ya ko dahil halos 15 years na nung last kaming nagkita. Pero kilala n’ya pa ‘ko. Alam n’ya ring OFW na ako.

Sa libu-libong estudyante na dumaan sa buhay n’ya, nagawa pa n’yang maalala ang kagaya kong walang masyadong outstanding features kundi ang aking pagiging magandang lalaki (gwark).

Sa kasamaang palad, magse-celebrate ang ilan sa mga former teachers ko at iba pang mga teachers ng aking alma mater na may dala-dalang mabigat na tinik sa dibdib.

holy angel teacher's strike

As of October 4, ay 51 araw nang nasa strike (dahil sa hindi tamang pasahod) ang mga guro ng Holy Angel University sa Angeles City, Pampanga. Halos 2 buwan na inaabot ang standoff ng mga guro at administrasyon ng paaralan. Ang Department of Labor and Employment naman ay wala pa ring ibinababang resolusyon tungkol sa nasabing isyu.

Sa kasalukuyan ay parang tinitiis lang ng paaralan ang mga titser hanggang sa magsisuko ang mga ito sa pagod, gutom at kawalan ng panggastos. Nakikiisa na rin ang ilang pribadong sektor ng  syudad para iresolba ang isyu. Pero wapakels lang ang mga nakaupo sa kaitaasan (or baka meron hindi lang masyado halata).

Ang tema ng World Teacher’s Day ay “My Teacher, My Hero” pero heto ang mga teacher, nag-picket na sa harap ng DOLE, humihingi ng mabilis na resolusyon.

hau teacher's strike

Kung mafi-feature lang ito sa national news at mabibigyan ng full media coverage, malamang eh hindi na inabot ng ganito katagal ang pakikipaglaban ng mga guro.

Sa mga kinauukulan, pakitulungan naman po ang mga guro na maayos agad ang problemang ito.

Nakakahiya sa ibang mga paaralan. Nakakahiya sa mga magulang. Nakakahiya sa mga estudyante. Nakakahiya sa lahat ng mga kabataang nakikita ang mga pangyayaring ganito. Ganito ang kinahihinatnan kapag ginagawang business ang dapat sana’y basic rights ng tao.

Gayunpaman, ipinapa-abot ko po ang saludo at pagpapasalamat sa lahat ng aking mga naging guro at sa lahat na rin ng mga guro sa Pilipinas.

Happy Teacher’s Day!

Narito ang ilang mga larawan sa nasabing strike with permission mula sa Hauteu (union ng mga titser ng Holy Angel University). Marami pang larawan at detalyadong impormasyon sa kanilang FB page: We Support Hauteu

Related Articles:

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , ,

8 replies

  1. hello, RP… ay, do watch Maricel Soriano’s old movie, Mila. it is about a school teacher na kasama sa strike noong early 90s… happy weekend, kapatid. 🙂

  2. Public teachers salary now is 17k a month.. not bad compared years ago

  3. How much is the salary of a public school teacher there? My other said her sister, who was an elementary public school teacher got PhP 11,000 a month,15 years ago.

  4. Imbes na magdiwang sa inilaang araw para sa kanila, eto sila, naghihirap para makuha yung dapat ay kanila naman talaga. Aba, napakamanhid naman na nila. Para namang hindi sila naging estudyante; para namang hindi sila nakaranas na turuan ng kanilang mga guro. Kahit values man lang. -_-

    • Uhmm, anyway. Last year pa po ginamit yung temang yan sir. Akala ko rin po naulit, since walang ginagamit na bago, pero ang sabi po sa program ng school namin, “A Call for/of Teachers” daw po yung tema ngayong taon. Hindi ko nga lang po sigurado. 🙂

      • hello, kim. salamat sa info. chineck ko ulit at tama ka, “a call for/of teachers” na nga yung theme ng unesco pero yung ginamit ng deped para sa 2013 eh yung “my teacher, my hero” pa rin. heto ang link: Deped Celebrate Teacher’s Day

        pero isa pa rin nga ang mga teachers sa may mababang sweldo sa pilipinas kasama pa sa ibang mga importanteng trabaho gaya ng pagsasaka at pangingisda. sana mabigyan pa lalo ng pagpapahalaga ang mga guro natin.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: