Taxpayer Lang Ba Ang Dapat Bumoto?

Maganda ang argumento ng mga nagmumungkahi na yung mga taxpayers lang na mamamayan ng Pilipinas ang payagang bumoto tuwing eleksyon.

Pero parang maraming gagawing problema ito kesa solusyon.

miriam on nontaxpayer voters

photo source: philstar.com

Dapat sigurong linawin muna kung sino itong mga “taxpayers” na tinutukoy na dapat payagang bumoto.

Ito ba yung mga nagtatrabahong Pilipino na nagbabayad ng income tax?
Sila yung mga automatic na nakukuhaan ng buwis buwan-buwan sa kanilang sweldo.

Paano yung mga hindi automatic nakakaltasan ng buwis?

1. mga self-employed/negosyante
2. mga professionals (lawyers, doctors, accountants, engineers, etc)
3. mga blue collar job workers
4. mga freelancers o seasonal ang trabaho
5. mga OFW
6. at iba pa

Hindi ba sila dapat payagang bumoto hangga’t di sila nagbabayad ng buwis sa BIR?

Paano yung mga graduates na walang trabaho pero may pagmamahal sa bayan? Paano yung mga college students, housewife, kalolohan at kalolahan na walang mga trabaho? Hindi na ba sila pwede pumili ng lider na sa tingin nila ay makakatulong sa kalagayan ng Pilipinas?

Sabihin na nating yung mga disiplinado at walang palya sa pagbabayad ng buwis lang sa Pilipinas ang papayagang bumoto. Masisigurado ba ng Pamahalaan na hindi ibebenta ng mga ito ang boto nila?

no to vote buying and selling

photo source: cbcpnews.com

Mahirap i-regulate ang mga bumuboto sa kung sino ang magbebenta ng boto sa hindi. Ganunpaman, ina-assume ng ilan na ibebenta ng lahat ng mga non-taxpayers ang boto nila kaya dapat silang alisan ng karapatang bumoto.

Pero kung gagawing mas prangka ang usapan, ang gusto talaga nating bawalan bumoto ay yung mga nasa extreme poverty level na botante, ‘di ba?

Kasi sila ang pumipili ng maling kandidato.
Kasi sila ang hindi nakaka-alam ng edukadong paraan sa pagpili ng pinuno.
Kasi sila ang walang mga facebook at twitter accounts para malaman ang tamang pagpili ng iboboto.

Hindi ba’t ganun ang tingin natin sa kanila? Iyon ang tinutumbok ng mga mungkahing ito na “taxpayers” lang ang dapat bumoto, ‘di ba?

Paano natin madi-discourage kung ganun na bumoto ang mga kapus-palad at mahihirap?

Eh ‘di ‘wag nating payagan magpa-rehistro sa Comelec yung mga tumatanggap ng dole-outs ng gobyerno.

bawal na bumoto ang mahirap

photo source: dilg.gov.ph

Pero gusto ba talaga nating simulan ang pagbabawas ng karapatan sa mga kababayan nating mahirap? Nakahanda ba tayong lalong palawakin ang gap ng mga mayayaman at mahihirap?

Uunlad na ba ang Pilipinas kapag hindi na bumuboto ang mga salat sa yaman nating mga kababayan?

Para sa akin ay dapat na himukin natin na bumoto ang maraming Pilipino na ayaw magsiboto tuwing eleksyon.

  • Yung mga reklamo ng reklamo sa social media na hindi naman mga rehistradong botante
  • Yung mga 18 years old above na mga kabataang walang pakialam sa Pilipinas
  • Yung mga Pilipino (sa loob at labas ng bansa) na ayaw dumaan sa hassle ng pagpapa-rehistro at pagboto

Bakit hindi gawing madali, mabilis at walang aberya ang pagpapa-rehistro at pagboto sa Pilipinas?

Bakit hindi ipagbawal ng mga mambabatas ang religious endorsement para malayang pumili ang mga tao ng gusto nilang iboto?

Bakit hindi pagaanin ng gobyerno ang paraan para sa milyon-milyong mga OFW para makapagparehistro at bumoto?

Imbes na mag-isip tayo ng paraan kung paano mababawasan ang botante, dapat yata mag-isip tayo ng paraan para mas maraming mga Pilipino ang makaboto.

Hindi kayang bilhin at utuin ng kahit sinong pulitiko ang milyun-milyong matino at nag-iisip na mamamayang Pilipino mayaman man o mahirap.

Ano sa tingin n’yo? Please share hanggang umabot kay Sen. Miriam at kay Chairman Brillantes 🙂

Related Articles:

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , ,

16 replies

  1. hello, RP… salamat sa dalaw, sa like at sa pagkahabang comment, hehe. 🙂

    ey, gumawa me ng 3km comment re: this post. nawala, wah… 😉 saka ko na uulitin pag may time, huhu. hindi siguro yon meant, ahaha. warm regards sa yo, fall na ba ryan? nakapangginaw ka na? 😉

    • hello, ate san. ayus lang sana ang lagay mo d’yan. malamig na nga dito at umuulan na ng snow sa ibang lugar. sayang naman at hindi na-post ang 3km mong comment hehe pero salamat din sa pagbisita at pag-iwan ng comment 🙂

      • at nawala pala pati ang like ko sa post, nobayon? ahaha, nag-poli sci plus history kasi essay na ‘yon, nayamot siguro si g. wordpress, ahaha. nag-explain me, taxpaying as a function of citizenship, that originally, sa practice ng democracy, taxpayers lang sadya ang pwedeng maghalal and maihalal, hoho. also, that universal suffrage is a phenomenon na several decades old pa lang, in most countries. but then, once ibinigay na, in-institutionalize na ang karapatang bomoto sa bawat of age and capacitated na citizen, that cannot be taken back and away.

        ang dapat iwasan, ang tendency ng ibang namumuno to be too populist ang approach pag minsan, sa certain issues and policies. ang logic ng taxing powers ng gobyerno is para sa defense, admin, regulation, social services and transfers. the last two, para sa middle class and mahihirap. the last, para sa hirap na hirap (D and E segments), para i-reallocate ang opportunities from the haves to the haves not, ahaha. may politicians kasi, sobrang nagpapapogi sa D and E, kahit alam nang mali ang patakaran pag punto de bista na ng nakararami ang iku-consider, ipipilit pa rin. para lang bumango sa mga taong hikahos and in despair, yon…

        and, by the way, the poor are taxed also, indirectly, kapatid – sa pamasahe, sa processed goods na binibili, sa savings sa bangko, sa tolls (actually, levy ata ang tawag) pag nagluluwas ng mga gulay at produkto. basta may ina-avail ang taong products and services na dumadaan sa formal and documented economy channels (e.g. remittance transfers), somehow, nata-tax siya… so, depende sa extent ng participation nya sa formal economy ang share nya sa tax system, isa lang ang tax na idinedeclare and wini-withhold sa opisina, as among the many taxes that a person pays, bear or suffers, ahaha. pag magastos and maraming binibili or byahe ng byahe ang isang tao, marami ang tax na nakokolekta sa kanya ng gobyerno, hoho (kahit sabihin pang kokonti or wala syang declared tax na binabayaran).

        iyong mga nasa remote areas na mas barter system ang pamumuhay, sila ang outside the orbit or nasa periphery ng tax system. on the other hand, sila naman ang target ng cash transfers or charities ng gobyerno, ahaha. sila rin ang target na abutin ng mga ipinapagawang kalsada at tulay sa remote areas at bigyan ng cash subsidy, pag minsan, ahaha. paano ba? paano ko ipapaliwanag… cash economy kasi operates as a whole system, premised on the productivity of all or most of the members. parang ang logic, transitional ang non-performance ng ibang members and thus, isa-subsidize ng ibang performing, ahaha. basta, parang gano’n… hala, next time na uli, ituloy ko na lang minsan. pasensya na’t mahaba pa rin, hehe…. hi, RP. mag-jacket ka na pow… 😉

  2. sa tingin ko may punto naman si Sen Santiago.. Kung tutuusin ang halimbawa sa US hindi naman lahat bumoboto.. Ang punto doon, ang mga taong nagbabayad ng buwis ang kahit ano pa mangbuwis ay nagpapatunay na ikaw ay contributor para sa ikauunlad ng bansa, at sa makatuwiran ang nais mo din ay makitang ang pinaghirapan mong bayaran ay napunta sa isang magandang layunin. Ano ang koneksyon nito sa pagboto? Unang una ang pagbili ng boto ng mga kandidato ay hindi sa maliit na halaga lang.dahil nagbabayad ka ng buwis hindi ka papayag na ipagbili ang boto mo sa halagang 500 o mas mababa pa. pangalawa hindi na magiisip na kumuha ng mga babayaran na mga squatter dahil hindi naman nag babayad ng buwis ang mga low income earner. excepted sila. pangatlo, bababa ang budget sa eleksyon.
    pang-apat mababwasan ang kaguluhan dahil iilan lang ang boboto.

    pabor ako sa ganitong panukala dahil pag-nagbabayad ka ng buwis ibig sabihin contributor ka para sa ikauunlad ng bansa.

    • hello, mam binky, welcome back. wala na ko maiko-comment sa iyong comment, sinulat ko na lahat sa post yung point ko hehe 🙂

      • oo nga eh nabasa ko din kaya ako nagcomment..

        “Hindi kayang bilhin at utuin ng kahit sinong pulitiko ang milyun-milyong matino at nag-iisip na mamamayang Pilipino mayaman man o mahirap.”

        Nga ba talaga? bakit si Estrada nanalo sa Maynila gayung natanggal sya sa pagiging presidente? bakit sinasabing corrupt si Gng Arroyo pero patuloy pa din sya binoboto ng kayang mga kababayan Bakit napakarami pa ding pulitiko ang may kaso pero nanalo at nagkakapwesto.? Kung minsan kelangan nating mamulat sa katotohanan.

        ang mga mahihirap laging nakikinabang sa kaban ng bayan.. meron silang libreng pabahay, gamot at kung ano ano pa.. subalit ang working class ano nga ba ang nakukuha? ikaw bilang isang contributor sa ating bansa ano ba ang nakukuha mo sa gobyernyo?

        • hello ulit, ate binky. hindi ko ho alam kung bakit nanalo pa rin si erap sa kabila ng na-people power na s’ya ng mga tao dahil sa plunder. baka nga dahil ibinoto s’ya ng maraming tao na binayaran n’ya. baka naghakot sila ng mga bayarang botante mula sa ibang lugar.

          pero posible rin siguro na marami ang hindi bumoto. kung sigurong bumoto sila at si lim ang ibinoto nila, eh baka hindi nanalo si erap. ang konti lang po ng lamang ni erap nung nakaraang halalan.

          tungkol kay arroyo, kung bakit nanalo pa rin s’ya eh sa tingin ko kasi marami pa rin s’yang fans sa pampanga. sa tingin ko eh meron pa rin tayo nitong tribu-tribo mentality na as long na may ginawang maganda para sa mga constituents ang isang pulitiko, kahit mamamatay-tao pa s’ya o magnanakaw, iboboto pa rin s’ya ng mga nasasakupan nito.

          marami po sa mga bumuboto kay arroyo ang hindi bayaran. may mga pinag-aralan, may mga magandang trabaho, mga negosyante at may-kaya. hindi lang mahihirap ang bumuboto kay arroyo sa pampanga.

          tingnan na lang natin itong mga panatiko ni marcos. sinasamba po s’ya sa ilocos. hindi lang ng mga mahihirap kundi pati ng mga may-kaya at nakapag-aral (hindi naman po nilalahat). mananalo ang mga marcos kasi konti ang bumuboto sa kalaban ng mga ito (kung meron man).

          ang kahinaan po ng post ko eh wala akong nakitang statistics kung ilan ang eksaktong bilang ng mga nagpapa-rehistro at ilan ang mga bumuboto compared sa actual voting population. wala akong nakitang accurate na data sa internet.

          pero malinaw po sa mga report (bagamat walang specific data) na konti ang bumuboto sa loob at labas ng bansa. maging sa mga kilala, kaibigan at kamag-anak ko lang ay hindi lahat bumuboto dahil sa sobrang hassle.

          kung gagawin nating mga income taxpayers lang ang boboto, medyo hindi praktikal kasi papalitan dapat ang konstitusyon. tapos papalag ang commission on human rights, papalag ang mga pulitiko, papalag ang mga walang trabaho na gustong bumoto at papalag din sigurado ang mga aktibistang komunista.

          iki-criticize tayo ng national media, ng international media, ng asean at ng united nations for being anti-poor at discriminatory to the poor.

          mahirap na mahirap lang din po ang pamilya namin dati (ngayon ay mahirap na lang) pero hindi kami nagpabayad sa kaninumang pulitiko at hindi kami bumoto sa kung sino lang ang sikat. marami sa mga nag-iisip na mahirap ang hindi na makakaboto kung income taxpayers lang ang boboto.

          bagama’t ideally, kung mas mataas na ang employment rate at marami na sa mga tao mula 18 years old hanggang 70 years old ang nagbabayad ng buwis mula sa kanilang suweldo o negosyo, okay na siguro ipatupad itong panukala ni senator santiago (although siguradong andun pa rin yung resistance na binanggit ko).

          ang mga napakinabangan ko na po directly mula sa gobyerno ay:

          1. hindi na ako nagbabayad ng travel tax at boarding pass kapag umaalis ng bansa dahil OFW ako

          2. may discount ang aking mag-ina sa travel tax kapag umaalis sila ng bansa dahil dependent ko sila

          3. nakakuha kami ng hospital cost subsidy mula sa philhealth nung manganak ang aking misis

          4. nakapagtrabaho sa BPO industry ang aking mga kamag-anak sa tulong ng tesda

          5. discount sa amilyar sa lupa kapag hindi installment ang bayad

          6. calamity loan mula sa SSS

          so far yun lang po ang naaalala ko pero meron ding mga indirect (mga kilala ko ang nakatanggap ng benepisyo mula sa gobyerno)

          hindi naman po ibig sabihin nito na dapat na tayong makuntento sa klase ng patakbo ng pamahalaan tutal may napapakinabangan naman pala tayo. dapat pa rin nating gawing accountable ang pamahalaan sa mga kabulastugan nito.

          pero ang punto ko po ay hindi sagot ang pagbabawal sa mga mahirap na bumoto. ang dapat pong gawin ng comelec ay gawing madali ang pagboto para maengganyo ang mas maraming tao sa loob at labas ng bansa na bumoto.

          lol, nakagawa na ako ng isang buong post sa reply na ito 😀

  3. Kasama sa basic rights ang pagboto so hindi pwedeng may mga hindi pabotohin. ‘Yun nga lang marami nga talagang hindi nakakapagparehistro dahil sa sistema na rin. ‘Yung iba, sa city hall nagpapalipas ng magdamag, mauna lang sa pila kinabukasan. Sa panahon ngayon, kayang-kaya naman ng Comelec na pagaanin ang pagpaparehistro para di masyadong hassle sa taong-bayan, at sa kanila na rin. 🙂

  4. Ako nga po eh, gusto ko nang bumoto. Hindi nga lang po ako nakapagparehistro. :/ Anyway, mas maganda ngang madagdagan ang matitinong botante kaysa mabawasan ito, dahil lamang sa hindi nakakapagbayad ng buwis. Karapatan pa rin naman po nila yun, hindi ba?

Trackbacks

  1. Si Binay ang Magiging Pangulo sa 2016 « The Pinoy Site

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: