Ang Misteryo ng Nawawalang Klase

Mahigit dalawampung taon na ang nakakalipas nung unang araw na tumuntong ako sa hayskul pero tandang-tanda ko pa rin hanggang ngayon ang misteryong bumalot sa araw na iyon.

misteryo ng nawawalang klase

Bago lang akong mag-aaral sa paaralang iyon kung saan ako magha-hayskul. Inilipat kasi ako ng nanay ko ng paaralan nung maka-away n’ya yung principal ng elementary kung saan ako nag-aral ng anim na taon.

Wala akong kaalam-alam sa bago kong paaralan.

Entrance test at enrollment lang kasi ang mga pagkakataon na nakapasok ako du’n bago nagsimula ang pasukan. Hindi rin ako nag-sightseeing sa loob dahil sa takot na maligaw (maliit pa kasi ako nuon, kaya feeling ko eh ang laki-laki nung eskwelahan).

Dahil wala akong masyadong alam sa pasikut-sikot sa loob ng bago kong paaralan, dumating ako ng maaga para sa unang klase namin sa araw na iyon.

Kung tama ang pagkakatanda ko, 45 minuto pa bago magsimula ang klase namin, nasa loob na ako ng paaralan. Sa tingin ko naman noon eh tama lang yung oras ng dating ko para matunton kung nasaan ang aking kuwarto.

Hindi naman talaga kalakihan ang paaralang iyon pero pakiramdam ko eh pumunta ako sa isang syudad kung magtanong ng direksyon sa mga taong nasasalubong ko. Kung naging mayaman lang kami at meron nang internet at iPad at Google Earth nuon eh hindi sana ako nahirapan tukuyin yung kwarto ko.

Ilang beses akong nagpabalik-balik sa direksyong itinuturo sa akin ng mga tao subalit wala talaga akong makitang mga estudyante sa kwarto ng una naming klase.

Masyado ba akong maaga?

Pero sa pinanggalingan kong eskwela, kalahating oras pa bago magsimula ang klase, meron nang mga estudyanteng naghihintay sa loob ng kwarto.

Kung hindi ako nagkakamali, SB-106 ang kwarto ng unang klase ko sa araw na iyon. Subalit sinuyod ko na ang SB-101 hanggang SB-110 nang ilang beses pero wala talaga akong nakitang estudyante duon.

Nagtanung-tanong pa ako at nagpa-ikut-ikot kung may iba pang SB-106 sa paaralang iyon pero isa lang ang direksyong itinuturo sa akin. Yung kanina ko pa binabalik-balikan na walang tao.

Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang oras ng klase subalit wala pa rin akong nakikitang ibang kamag-aral sa kwartong itinuturo sa akin.

Napaisip ako ng ilang bagay:

1. Mali ang tinanggap kong oras na umpisa ng klase
2. Nagkaroon ng announcement na postponed ang unang klase namin pero hindi ko alam
3. Mali ang kwartong ibinigay sa akin

Sumapit na ang oras ng klase at nasa labas pa rin ako, naghahanap ng kwarto.

Naisipan kong balikan ulit yung kwartong kanina ko pa binabalikan at sa laking gulat ko, meron nang mga tao sa loob niyon.

Isang guro na nagsasalita sa harap ng mga estudyante ang nakita ko mula sa labas.
Nagpasintabi muna ako sa guro bago ko inabala ang kanyang pagsasalita.

“Excuse me po…”, sabi ko.
“Yes?”, sabi nung guro.

“Ito po ba yung Science 101?”, tanong ko habang pinagpapawisan na sa init, pagod at pressure.
“Oo, ito nga.”, sagot n’ya.

Nakaramdam ako ng ginhawa ng marinig ko ang sagot na ‘yun at pumasok na ako sa kwarto sabay sabing, “Haaay, salamat!”

Nagtawanan ang buong klase. Unang araw ko sa paaralang iyon eh katatawanan na ako. Promding promdi kasi ang dating ko.

Hindi ko alam kung namaligno, naengkanto o napadaan ako sa isang time warp zone nung araw na iyon pero wala talagang tao dun nung pinuntahan ko na ilang beses at biglang napuno ilang minuto lang pagbalik ko.

Hindi ko na nalaman kung ano talaga ang nangyari nung araw na iyon.
Kaya memorable sa akin ang first day of highschool ko.

Hirap talaga kapag bagong salta.

Happy back to school days sa mga mag-aaral.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , ,

12 replies

  1. Ang sarap ng buhay estudyante…
    Kung pwede lang bumalik sa pagkabata (tatakasan pala ang buhay ng tumatanda) hihi

  2. kala ko halloween post eh.. ehehehehehe.. back to school pala…

  3. Nakakamiss talaga ang pagiging estudyante. Ibang-iba talaga ang sarap sa pakiramdam kapag dumarating yung mga pagkakataong walang pasok. ^_^

  4. Ako naman palaging late kaya di pa nangyari na naabutan ko ang classroom na walang tao 🙂 salamat sa blog naalala ko tuloy yung mga school days ko nung bata ako sarap balikbalikan

  5. is that true? It was a phantom classroom that you saw… that’s weird.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: