Mga Bagay na Dapat Asahan sa Pagiging OFW (Part 3/3)

Heto ang huling installment ng mga bagay na dapat asahan sa pagiging OFW.

7. Sapilitang Social Life

Malungkot ang mag-isa lalo na sa mga panahong ikaw ay may problema sa mga kaanak sa Pilipinas. Importanteng magkaroon ng mga kaibigan sa bansang iyong kinaroroonan. Maaaring native ng bansa ang iyong maging kaibigan pero mahalaga pa rin na magkaroon ng kaibigang Pilipino kung nasaan ka.

Importante sa isang OFW ang makahanap ng Filipino community. Mas madali makaka-relate ang Pilipino sa iyong kalagayan at magkakaintindihan pa kayo sa mga salitang gagamitin mo. Source din ang mga kaibigang Pilipino ng iba’t ibang tulong na kakailanganin mo sa iyong buhay OFW.

Ang masama lang minsan, kahit na mahirap na pakisamahan ang isang Pinoy ay napipilitan pa rin makipagmabutihan ang isang OFW sa kapwa OFW out of courtesy o dahil kailangan nila ang isa’t isa. Ang tawag dito ay pakikipag-plastikan. Pwede mong tibayan ang iyong sikmura at piliting sanayin ang sarili sa bagay na ito or pwedeng gumawa ka na lang ng blog at ibuhos ang lahat ng libreng oras mo dito.

8. Kagipitan sa Pera

Kung kagaya ka ng maraming OFW, isang malaking dahilan ng paghahangad na makapagtrabaho sa ibang bansa ay para kumita ng malaking pera. Okay ‘yan. Huwag ka lang magulat ‘pag nalaman mong kaakibat ng malaking suweldo ay mas maraming gastusin.

Dapat mong i-consider ang mataas na cost of living at efficient taxing system ng ibang bansa. Lalo pa kung mayamang bansa ang iyong pupuntahan. Kung hindi ka mag-iingat, tatlong taon ka na sa ibang bansa, wala ka pa rin naiipon.

Magtataka ka na lang kung saan napupunta ang pera mo.

Kaya kung hindi ka marunong mag-budget ng pera at ang iyong susuwelduhin buwan-buwan ay mauubos lang sa iyong mga personal na bayarin sa buwis, pagkain, tubig, kuryente, gas, pamasahe, bahay na tinitirhan at luho, tapos ‘di ka na makapag-remit ng pera, aba eh magtigil ka sa planong mag-buhay OFW.

Manatili ka na lang sa Pilipinas lalo na kung may trabaho ka na dahil hindi ka aasenso at ang iyong pamilya kung hindi ka marunong magbudget ng pera mag-isa.

barya-barya

ito ang matitira sa suweldo mo kapag ‘di ka nag-ingat…barya!

9. Epekto ng Ekonomiya ng Bansang Kinaroroonan

Kagaya ng maraming bagay sa ating daigdig na kung tawagin ay earth, hindi kasiguraduhan ng ticket sa mariwasang buhay ang pagiging OFW. Kahit saang mayamang bansa, kahit anong field ng expertise ay hindi immune sa salot na tinaguriang “recession”.

Maraming mayamang bansa at malalaking kumpanya na ang tinamaan nito. Maraming na-layout at nawalan ng trabaho. Karaniwan pa mandin sa mga kumpanya eh unang tinatanggal ang mga contractual at foreign workers kapag nagko-cost cutting sila ng workforce.

Poprotektahan muna nila syempre ang sarili nilang mamamayan bago ang ibang lahi. At ang mga OFW, gaano man kaimportante sa kanila ay hndi pa rin nila kalahi kaya out we go.

10. Pag-aalala sa Kinabukasan

Bilib ako sa mga tumatagal nang maraming taon sa pagiging OFW pero hindi ito kaya ng lahat. Bago ka maging OFW, maganda ring i-consider kung ano’ng plano mo pagkatapos maging OFW. Pero pwede mo ring isipin ang mga bagay na ‘yan kahit habang OFW ka na.

Maraming tanong na dapat kang sagutin para sa iyong kinabukasan kapag nagdesisyon kang maging OFW.

Babalik ka pa ba sa Pilipinas o hindi na?
Kung babalik ka pa sa Pilipinas, kelan?
Magkano ang dapat mong maipon para makauwi na sa Pilipinas?
Magiging negosyante ka ba?
Mamamasukan ka ba ulit?
Magagamit mo ba ang experience mo sa ibang bansa kapag namasukan ka sa Pilipinas?

Ang daming tanong pero okay lang ‘yan.

Boring ang buhay kung walang mga tanong na dapat sagutin.

Advertisements


Categories: OFW Layp

Tags: , , , ,

3 replies

  1. Ang tanong ko eh… Paano na ko pag-uwi?
    (Takot umuwi hihi)

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: