Bayolenteng Jokes, Hihigpitan ng MTRCB

Quezon City, Philippines – Hihigpitan ng MTRCB ang paggamit ng mga salitang bayolente sa mga palabas o programang may layuning mang-aliw sa pelikula at telebisyon. Partikular na nais higpitan ng ahensya ay ang paggamit ng mga “bayolenteng jokes”.

Ayon sa bagong regulasyon na ilalabas ng MTRCB, ilang maseselang mga salita na hindi angkop sa mga batang manonood ang nais nilang higpitan sa media. Ilan sa mga salitang ito ay may kinalaman sa mga karahasan kagaya ng “murder” (pagpatay), “robbery” (pagnanakaw), “arson” (panununog), “bombing” (pagpapasabog), at “rape” (panggagahasa). (Makikita ang kumpletong listahan ng mga salita sa MTRCB website.)

Napagpasyahan ng MTRCB na bigyan ng regulasyon ang paggamit ng mga bayolenteng salita sa pagpapatawa at/o ibang paraan ng entertainment na ipinapalabas sa telebisyon o pelikula bunsod na rin sa mga reklamong natatanggap nito mula sa maraming mga magulang.

Sinabi naman ng ahensya na hindi magiging saklaw ng regulasyon ang mga palabas o programang may kinalaman sa pagbibigay ng balita, dokumentaryo o informative ang format.

MTRCB Chairman Eugenio Toto Villareal

MTRCB Chairman Eugenio Villareal
(mula sa MTRCB fb page)

Sinabi ni Eugenio Villareal, Chairman ng MTRCB, “We should be sensitive to the feelings of people who have been victims of these kinds of violence. We should never take these things lightly. It will be very callous for us to even use these words as laughing matter.”

(Tagalog: Dapat tayong maging sensitibo sa damdamin ng mga taong naging biktima ng mga karahasang ito. Hindi ito dapat tratuhin ng magaan. Napaka-manhid naman natin kung gagawin nating katatawanan ang mga bagay na ito.”)

Pinag-aaralan ngayon ng ilang mambabatas kung paano pa mapapalawak sa radyo at mga babasahin ang regulasyon sa paggamit ng mga bayolenteng salita.

Ngayon pa lang ay inaasahan na ng MTRCB na ilang mga palabas, gaya ng Bubble Gang at Gandang Gabi Vice, ang magpo-protesta laban sa bagong regulasyon na ito.

************************************************************************

Sa kasamaang palad, ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Pantasya Balita

Tags: , , , , ,

11 replies

  1. sana nga mabawasan na ang mga ganyang salita sa mundo ng entertainment sa atin..

  2. pagdating sa tv, nakakabit na rin d’yan ang mga programa sa pagbabalita.. hindi ko man mahanap ‘yung magiging paraan ng mtrcb na “hihigpitan” nila ‘yung paggamit ng mga salitang “murder”, “robbery”, “rape”, etc sa mga news programs, sigurado naman akong may nakalatag na silang option pagdating sa usaping ‘to.. mainam para mabawasan ang hindi magandang pagsibol ng mga kabataang may kaaliwan din sa panood ng tv (hindi lang ako sigurado kung kasama ba sa listahan nila ng pinanonood ‘yung mga balita hehehe)..

  3. Para sa akin kasi ang pagjojoke ay pagshare lang ng malarong imagination or isang panaginip at pag sinabing “JOKE LANG” eh yun ang cue para magising ka… Maaaring malungkot ka kung dadamdamin mo or tawanan mo lang… Pero kadalasan sa mga dinadamdam ang panaginip eh yung mga superstitious lang… At dahil nga isang “panaginip” lang yan… Hindi yan totoo… Parang kathang isip lang at pawang gawa-gawa lamang.;)

    • joke nga lang pero may limit ang lahat ng bagay…hindi nakakatawa sa mga biktima ng krimen na gawing katatawanan yung krimen na na-experience nila. nagiging manhid yung lipunan natin kung hindi tayo papalag sa ganitong mga joke.

      kahit saang sibilisadong bansa siguro dalhin ang ganyang klaseng mga joke, walang matutuwa.

      sa japan, napakarami ng mga standup comedian pero walang gumagawa ng ganyang mga joke tungkol sa physical traits ng taong hindi kilala o kaya jokes tungkol sa anumang acts ng crime.

      • Pero sa tingin ko talaga, hindi lang dahil sa “rape” joke ang dahilan ng pagrereact nila kundi dahil siya si Vice Ganda na isang sikat na personality sa ibang channel… Yung Bubble Gang kasi eh dami din kalokohan at isa na diyan yung pagjojoke din nila about “rape”… pero baka din dahil 2 years ago pa yung mga naglabasang mga bubble gang skits eh baka nuon di pa ganun kaseryoso ang ganyang issue? hehe…

  4. My parents told us that Filipinos, especially those in the entertainment , make bad jokes. they make fun of people’s disabilities and physical features. If a person has cleft mouth ( ngo ngo ,is that what it’s called? ) he surely will be made fun of, and in fact, he will be called that as his name. he is called by the way he looks. I think that’s horrible. A fat woman will be called a whale to her face.

    • not all filipinos, but yes, some comedians think it’s funny to make fun of other people’s misfortunes in life or even the way they look.

      what’s more disturbing is making fun of heinous crimes. not everyone approves of this, and we see certain celebrities get criticized for this once in a while.

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: