Gumala ako sa internet para maghanap ng gabay sa pagpili ng iboboto na nakasulat sa sarili nating wika pero wala akong nakita…kaya heto’t gumawa ako. Makatulong sana sa mga botanteng Pinoy ang mga simpleng gabay na ito.
Mga Gabay sa Matalinong Pagpili ng Iboboto
1. Alamin ang mga isyung mahalaga sa iyo
RH Bill, diborsyo, human rights, government transparency, katiwalian, kahirapan, unemployment, gun violence, mataas na crime rate, rural area development, pagkaubos ng kagubatan, polusyon sa kapaligiran, etc., etc., etc.
Magdesisyon kung ano ang usaping dapat bigyan ng pansin para sa iyo.
2. Gumawa ng listahan ng mga kandidatong napupusuan
Batay sa kanilang plataporma at paninindigang mahalaga sa iyo, gumawa ng listahan ng mga posibleng iboto.
3. Kilalanin ang iyong mga kandidato
– mag-attend ng meeting de avance
– panoorin ang kanilang debate at public discussion
– tingnan ang kanilang handouts
– panoorin ang mga non-partisan tv shows, radio shows, online sites na nagpapakilala sa kandidato
– bisitahin ang kanilang website o fan page
4. Makibalita sa background ng iyong kandidato
– isa-alang-alang ang mga puna/batikos ng ibang tao sa iyong kandidato
– alamin ang leadership background o karanasan sa pamumuno at/o performance ng kandidato
– ikonsidera ang sektor ng lipunan, pamilya o industriya na pinagmulan ng kandidato
5. Repasuhin ang listahan ng mga posibleng kandidato
Batay sa iyong mga nakalap na impormasyon, salain ang mga kandidatong nararapat sa iyong boto.
6. Bumoto
Sayang ang lahat ng paghahandang gagawin mo kung makakalimutan mong bumoto sa takdang araw.
Kumpara sa ibang bansa, mapalad pa rin tayong mga Pilipino sa pagkakaroon ng karapatang pumili ng mga taong magpapalakad ng ating pamahalaan. Huwag nating ipagwalang-bahala ang kalayaang ito.
References:
SmartVoter.org
Mahalo.com
Categories: Halu-halo
korek
Di pa ako botante… May hinihintay pa akong tatakbong pulitiko bago ako magparegister… Sa aking opinyon, kung registered voter ka, masmaganda talaga ang bumoto ka na para di mabigyan ng pagkakataon na gamitin ng isang mandarayang pulitiko ang slot mo… Iniisip ko nga na baka pwedeng markahan nalang lahat ng options para maging invalid kung talagang di mo alam kung sinong iboboto sa position kesa bakantehen. Basta para sakin, IBOTO LANG ANG MAIPAGMAMALAKING KAHIT KANINO NA KANDIDATO… yun tipong pag natapat ka sa isang debate kung sinong magaling na kandidato eh di ka kayang barahin…
hello, RP… pwede kaya yong sabi ni Cheese – senatorial lang at congressional ang bobotohan? di ko rin kilala ang mga tumatakbo sa council. the thing is, kinakabahan ako kung lalagyan nila (ita-tamper) pag binakante lang ang boto for the local positions (pwede pa bang i-tamper ngayong PCOS na ang balota? hehehe. mahirap maging aware bilang mamamayan, mahirap kumilatis ng kandidato, kapatid… 🙂
ayos itong mga payo mo.
tama na bomoto at maging matalino sa pagboto, hindi dahil lang sa kakilala at may ipinamudmod na pera.
palong-palo para sa darating na eleksyon. salamat sa mga payo ser!
baka senators lang iboto ko. di ko kilala yung mga local government sa amin. parang nitong malapit lang ang eleksyon sila nagparamdam.