Hindi Ako Boboto Ngayong 2013

Actually nung 1998 election pa ako last na bumoto. Hindi ko na na-update ang voter’s registration file ko mula nung naging OFW ako noong 2001 (baka may iba nang gumagamit sa voter’s identity ko ngayon).

So, mula 2001 hanggang 2010 elections ay hindi na ako bumoto pa ulit.
At hindi ako naging apektado. (Sa English, “I did not turn into affected.”)

Hindi na ako interesado bumoto mula noon.
Wala rin namang kwenta ang akala ko.
Nagrereklamo na lang ako ‘pag may mga iskandalo sa mga hinalal na pulitiko.

Kelan ko lang natanggap ang kahalagahan ng pagboto.

Oo nga naman. Pumapatay ng tao, magsisinungaling, manloloko, gagamit ng ninakaw na pera ang mga tiwaling pulitiko para makakuha ng boto.

In other words, masunog na ang kaluluwa nila sa impyerno, magkamit lang ng boto.

May kapangyarihan pa rin pala talaga ang boto ko…ang pinagsama-samang boto natin.

newzaroundus philippine elections 2010

eksena nuong 2010 elections…(newsaroundus.com)

Na-inspire ako sa mga bumoto noong 2010 na matyagang pumila, tiniis ang init, naghintay sa kung anu-anong delays at problema sa mga voting precincts gawa ng bagong sistema ng pagboto.

Nagtyaga sila noong nagpaparehistro pa lang at matyaga rin silang bumoto sa araw ng halalan.

Bumoto sila.
Nag-ambag sila sa pagbabago.

Ako, hindi.
Nagmamatyag lang ako kung ano ang mairereklamo.

Kaya ngayong 2013 ay ginusto ko bumoto.

Pero hindi pala pwede.
Dahil hindi ako nagparehistro.

Overseas absentee voting ang tsansa naming mga OFW para makaboto.
Pero hindi ako nagparehistro.

Wala akong magandang excuse.

Patawad po…

Sa buong Japan ay dadalawang lugar lang ang pwedeng puntahan para makapagparehistro. Yung isa ay halos 140km mula sa kinaroroonan ko, yung isa naman ay halos 640km.

Hindi gaya ng bansang Amerika, walang Registration by Mail system ang Philippine embassy sa Japan. Ewan ko sa ibang bansa, pero kelangan personal kang magpunta sa embassy sa Japan para lakarin ang pagpaparehistro.

Kung nag-leave ako ng isang araw sa trabaho at gumastos ng humigit kumulang 3000 pesos para magpunta sa embassy, nakapagpa-rehistro sana ako.

Pero hindi ako nagparehistro.

Hindi rin nagpaparehistro tuwing mayroong eleksyon ang daan-daang libong mga OFW na malalayo ang kinaroroonan sa Philippine embassy.

Sayang na mga boto.
Sayang na mga pagkakataon para maghalal ng pinuno.
Sayang na mga ambag sa pagbabago ng ating pamahalaan.

Dahil ‘di ako boboto ngayong 2013, heto ang ilan pang mga hindi ko gagawin sa susunod na tatlong taon:

♦ Hindi ko tutuligsain sa social media ang mga mananalo sa national elections
(anyway, who naman me to make tuligsa-tuligsa them?)

♦ Hindi ko babatikusin ang mga bumoto sa mga hindi ko gustong pulitiko
(at least bumoto sila, eh ako? nganga!)

♦ Hinding hindi ko na palalagpasin ang pagpaparehistro para sa 2016 elections

Samantala, sa mga susunod na tatlong taon ay heto ang aking personal resolution para makagawa pa rin ng mabuti para sa ating Inang Philippines:

♦ Ipagpatuloy ang blog na ito at magpost ng mga akdang kapaki-pakinabang
♦ Gampanan ang mga responsibilidad ko bilang OFW (remittances, government fees, taxes, etc.)
♦ Siguraduhing makapagpa-rehistro sa susunod na eleksyon

Ganun.

Sa lahat ng mga nakapagparehistro, please bumoto po kayo at please vote wisely.

Sa ating pamahalaan, sana ay magawan n’yo ng paraan para mapabuti ang paraan ng pagpaparehistro at pagboto ng mga Pilipino na nasa ibang bansa.

Siya nawa.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , ,

29 replies

  1. Okay, medyo late. haha.

    Botante na rin po ako sa 2016! Yaay, sabay po tayo. 😀

  2. nganga! ehehehehe… pwede kayang mag suggest sa philippine embassy dito sa japan na kung pwede ay kalapin nila ang mga email address ng mga pinoy na nandito sa japan, then padalhan nila ng email kung kailan, saan at paano makakapag parehistro para makaboto.. sa totoo lang, kulang ang information at oras na ginugugol ng embahada para sa mga ganitong kaganapan (pero hindi sila nawawala sa mga parties at gatherings na puro kainan at inuman).. dami k odin reklamo no.. ehehehehe mabuhay ka RP!

    • oo nga, di ko rin sila makitang nagbibigay ng announcement sa mga filipino magazine. ok yung suggestion mo kaya lang hindi gagawin ng embassy yun dahil masyadong matrabaho. pero at least man lang sana naglagay sila ng newsletter subscription service dun sa website ng phil embassy. para nakakatanggap tayo ng announcement via email kapag nag-subscribe sa updates nila.

      subukan kong i-suggest yun sa embassy. ewan lang kung pakinggan nila ako. subukan ko ring humanap ng filipino magazine dito para makapag-contribute din ako ng article tungkol sa pagboto.

      pwede ka rin palang gumawa ng nakakatawang article tungkol sa OAV sa japan dun sa column mo. ewan lang kung magustuhan ng editor yung ganung topic hehe

  3. Tulad mo, medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakaboto sa Pilipinas.

  4. hangga’t may nakikita akong kabalbalan sa sistema ng eleksiyon dito, anumang kapangyarihan ang taglay ng isang boto ko, reserba ko lang muna.. sayang lang eh.. hehehe

    • inirerespeto ko ang opinyon mo, jh. pero kung maghihintay tayong mawala ang mga kabalbalan ng eleksyon sa atin bago tayo magsiboto, baka hindi na tayo makaboto kahit kelan 😀 para sa akin, kung may kakayahan tayong bumoto, dapat tayong bumoto…

  5. may tumpak na milya-milyang punto ang blog post na ito. mabuhay!

    sa mga boboto ngayon, sana please lang tigilan na ng mga trapo, ang political dynasty at nagpapanggap na makabayan kuno puro hindi naman.

    natawa lang ako sa isang tumatakbong governor, nagpa-add sa primetime block eh local position naman at hindi pa sa metro manila. san naman kaya nya hinugot ang pera nya pang TV ad lang.

  6. ahahahhaha. alam mo sir, kabang kaba ako sa dami ng mga pulitikong nagbabangayan para lang sa puwesto..nakakapanghinayang kasi ang dami sana natin na pwedeng magluklok sa pwede sanang maging kinatawan natin sa pulitika..kung tutuusin ayaw naman na talaga natin niyan kaya lamang mas mahirap din naman yatang walang namumuno sa isang bansa ‘di ga?

    Sa mga nababasa ko at naririnig, mas maiboboto pa talaga ‘yong mga ano….kwan…arghhhh…ah basta…wag naman sana.

    • oo nga, nakakapanghinayang talaga yung napakaraming boto na may kakayahan sanang baguhin ang mga magpapalakad ng ating pamahalaan.

      nakakalungkot lang na hindi makaboto yung ibang mga gustong bumoto at ayaw na bumoto nung mga may kakayahang bumoto…

  7. Hahaha, ako rin RP, hindi rin ako nagparehistro para sa OAV, kaya cheer ko nlang yung mga frenships kong umeffort pumunta sa embassy hehe! 🙂

  8. Never pa din ako bumoto para sa National elections… pero sa 2016 boboto na ako lalo na pag tumakbo yung mga hinihintay kong tumakbo para sa presidential at vice presidential positions… hehe

  9. sayang naman sir di ka pala makaka-vote.

  10. Wow nasa japan ka isa sa mga pangarap kong bansa na puntahan ^^, gagawa sana ako ng blog about diyan pero parang naunahan mo ako ahaha at hindi rin kasi nagpaparehistro xD

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: