EDSA People Power 2

Parang alam ko na ang pakiramdam ng isang archaeologist na nakakahukay ng isang historical artifact.

Nung isang araw kasi na may hinahanap ako sa aking drawer eh biglang tumambad sa ‘kin ang isang lumang journal na gamit ko nung college. Hindi pa uso ang blogging nun pero nagba-blog na pala ako sa mumurahin kong notebook nuon pa man.

At isa sa mga isinulat ko duon ay ang mga kaganapan na naging dahilan ng EDSA People Power 2. Nalimutan ko na ang mga nangyari sa impeachment ni Erap at nalimutan ko na ring isinulat ko pala ang mga nangyari nuon.

edsa 2 for erap

edsa people power 2 journal

Heto ang nakasulat sa journal (pasensya na sa mali-maling grammar):

Jan. 20, 2001
8:00 P.M.

Well, it had to happen.

Tapos na ang gobyerno ni Joseph Estrada. Mami-miss ko ang araw-araw na impeachment trial na nag-uumpisa ng alas-dos ng tanghali at umaabot ng alas-otso ng gabi. Mami-miss ko rin ang mga anti-Erap rallies na napapanood ko sa TV. Pero at least, finally, hopefully, makakabalik na ang mga Pinoy (na concerned) sa mga normal lives nila.

Hindi man ako nakapunta sa Edsa Shrine o kaya sa Mendiola, natutukan ko naman ang mga pangyayari (mula sa puno’t dulo) sa TV.

Malungkot talaga ako at galit nu’ng hindi payagan ng 11 senators ang pagbubukas ng 2nd envelope na naglalaman ng dagdag na ebidensya laban kay Erap. Nag-walk out ang mga prosecutors, nagbitiw si Senator Aquilino Pimentel bilang Senate President, nagtipon ang mga tao sa Edsa no’n. January 17 noon.

Garapalang kinampihan nina Miriam Santiago, Juan Ponce Enrile, Gringo Honasan, Nikki Coseteng, Ramon Revilla, Tessie Oreta, Francisco Tatad, Robert Jaworski, Tito Sotto, Blas Ople at John Osmeña si Erap.

Ang pumayag na buksan ang envelope ay sina Loren Legarda, Sergio Osmeña III, Franklin Drilon, Renato Cayetano, Teofisto Guingona, Juan Flavier, Rodolfo Biazon, Ramon Magsaysay Jr., Raul Roco at Aquilino “Nene” Pimentel.

Nagbitiw kinabukasan ang mga prosecutors pero alam ko na bago pa sila nag-resign na tapos na ang impeachment. Kahapon ay nagsipagbitiw na ang mga militar (AFP, PNP) na pinuno. Wala nang sandatahan si Erap at kalahati na lang ang natitira sa gabinete n’ya. Nagsipag-abroad naman ang mga kakampi n’ya (Sotto, Di Chaves, Atty. Mendoza, Atong Ang).

Kanina, sumumpa si Gloria Macapagal Arroyo bilang ika-14 na Pangulo ng Pinas (malas talaga’ng no.13). Ganap na 12:00 ng tanghali s’ya sumumpa. Si Chief Justice Hilario Davide pa ang nag-administer ng oath. Kagabi pa pinagbibitiw si Erap pero ayaw talaga.

Binigyan s’ya ng deadline na hanggang 6:00 ng umaga kanina at pag ‘di pa s’ya bumaba ay pupunta ang mga tao sa Malacañang. Nagkaro’n ng mga tao sa Mendiola at may mga tao sa Edsa Shrine (araw-araw dumadami ang tao sa Edsa). Itinaboy ng mga anti-Erap ang mga pro-Erap.

Pero bago nakapag-oath si Macapagal-Arroyo eh nagkaro’n ng balitang nag-resign na raw si Erap. ‘Yun pala, sabi ni Angara, nag-declare na raw ang Supreme Court na vacant na ang position ng Presidency at hindi na nakuhang mag-resign ni Erap (pipirma na lang daw s’ya sa resignation letter).

Tapos sasabihin ng mga bata ni Erap na presidente pa raw s’ya at acting president lang si Arroyo. Sheesh. Umalis lang ang mga tao sa Mendiola nang mapabalitang umalis na si Erap sa Malacañang at umuwi sa bahay nila sa Folk Street.

I had to write this, man. This is history and I saw it happen.

– (my name)
8:35 P.M.

edsa people power 2

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , ,

14 replies

  1. ito ang tunay na “reporter’s notebook”. hehe.

  2. nice, pareho tayo sir, meron din akong maliit na notbuk, nakasulat naman ng chronological yung mga pagnyayari sa term ni erap hehehe. pati mga clippings ng front page ng major broadsheet naitago ko pa eheheh

  3. Sakto ang journal mo ah. Ganyan nga yung naaalala kong binalita nuon. May malaking TV sa student’s lounge namin nuon kaya updated kami. Mapa-school at bahay yan ang palabas.

    Kahit noon pa naman pala ay may potential ka nang maging journalist. Di mo man ito naging career, masasabi paring isa kang journalist in your own right.

    May ganyan din akong moment nung minsang naghalungkat ako ng old journals ko. Yung isa, requirement kasi kaya talagang todo ang pagpapaganda sa paghabi ko ng mga salita pero nakaka surprise parin. Yung tipong mapapaisip ka kung ikaw ba talaga ang nagsulat nito nuon. 🙂

  4. Ang galing ah! May picture pati ang journal entry. Hehe! Good job!

  5. ang galing mo na palang sumulat noon pa.. buti ka pa at naisulat mo yan.. parang nasaan ba ak onung mga panahon na yan? ahh busy ata akong naghahanap ng trabaho.. ehehehe..

    • salamat, pot. parang mas mabilis at mas maayos yata ako magsulat nuon kesa ngayong meron ng computer at “backspace” sa keyboard hehe

      naghahanap ka ng trabaho nung panahon na ‘yun? hmmm baka magka-batch tayo, naghahanap na rin ng trabaho mga ka-batch ko nung panahon na yun, ako nanonood ng impeachment hehe

  6. Kung yung iba mga crush nila yung nilalagay nila sa journal, ikaw ser edsa pp2 ang pinagkakaabalahan! Galing! Journalist ba kayo? 🙂

  7. wow, kapatid, you write so well for a college stude. and, you had a definite point of view as early as then… hellowwie 😉

    • hello, ate san, salamat. hindi ko inisip na maise-share ko ito balang araw.

      buti nadiskubre ko na may ganito pala akong sinulat, kung hindi eh nabaon na ‘to sa limot. uso pa mandin ngayon ang nagre-revise ng history.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: