Tag Archives: Political corruption

Anti-Political Dynasty Law? Asa Ka Pa!

Napanood ko ang napakagandang topic sa Failon Ngayon nuong October 20, 2012 tungkol sa mga Political Dynasties sa Pilipinas.

Nabanggit ni Ted Failon sa huli na bagamat merong bill na ginawa para pigilan ang paglaganap (pa lalo!) ng Political Dynasties eh matatagalan pa bago ito maisabatas dahil parang pumulot ng batong ipupukpok sa sarili nilang ulo ang mga mambabatas kapag ipinasa nila ang bill na ito.

Nasabi tuloy ni Ted Failon, “Maaaprubahan ba ang Anti-Political Dynasty Bill? Asa ka pa!” (actually, nalimutan ko na ang eksaktong mga salita, pero parang ganito 😀 )

political families ng pilipinas
The family that runs together, stays (in power) FOREVER

Ayon sa 1987 Constitution, Article 2, Section 26

Dapat seguruhin ng Estado ang pantay na pag-uukol ng mga pagkakataon para sa lingkurang pambayan, at ipagbawal ang mga dinastiyang politikal ayon sa maaaring ipagkahulugan ng batas.

(Source: 1987 Konstitusyon ng Pilipinas)

Pero dahil wala pang batas na nagbibigay kahulugan sa salitang “Political Dynasty”, walang pumapansin sa artikulong ito (kundi tayo 🙂 )

Ang House Bill No. 3413 o Anti-Political Dynasty bill na inihanda ni Cong. Teddy Casiño ay sumasaklaw mula sa Pangulo ng bansa hanggang sa Sangguniang Kabataan level. Ipinanukala ang bill nuon pang October 4, 2010 and my golly gee, 2 years na ang nakalipas, bill pa rin ito na pinagpepyestahan lang ng mga langaw.

Samantala, ang House Bill 5808 na ipinanukala nuong February 9, 2012 ay naaprubahang batas agad nitong September 12, 2012 (in 7 months!) at kilala na ngayon bilang Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175).

Sa mga napanood kong interview sa tv at nabasang balita sa internet, ang mga myembro ng political dynasty ay may pare-parehong sagot:

1. Hindi kami political dynasty
(kahit buong mag-anak silang nanunungkulan sabay-sabay)

2. This is our destiny
(wala na palang free will ang tao)

3. Wala namang masama sa political dynasty
(kapag na-corner na sila)

Kung nagmukhang summary ng episode ng Failon Ngayon tungkol sa political dynasty ang post na ito, tama ka, parang ganun na nga ito 😀

References:

Related Articles:

Advertisements

Kilusan Laban sa Katiwalian (Transparency International)

Ang Transparency International ay nakabase sa Berlin, Germany. Sinimulan ito nuong 1993 ng iilang mga tao lamang subalit lumawig ito at umabot na ngayon sa mahigit 100 na mga bansa sa buong mundo (kasama ang Pilipinas). Nilalayon nito na maging malaya ang mga bansa mula sa katiwalian ng pamahalaan, negosyo, pribadong sektor ng lipunan at pang-araw-araw na buhay ng mga tao.

Marami na rin itong nakamit na layunin gaya ng pagkakaroon ng international anti-corruption conventions, paglitis sa mga corrupt na lider at pagpapanagot ng mga kumpanya sa kanilang mga tiwaling pamamaraan.

Sa kanilang Taunang Ulat para sa taong 2011 ay nag-iwan ang Transparency International ng mga quotable quotes na masayang i-share (lalo na sa mga pinunong halal natin). Dagdag ding kamalayan ito para sa atin.

Applicable ang mga katagang ito sa lahat ng bansa na dumadanas ng katiwalian sa pamahalaan at sa pribadong sektor ng lipunan.

1. Corruption Never Won an Election Fairly

katiwalian sa eleksyon

2. Corruption Loves to Hear Excuses

convention laban sa katiwalian
3. Corruption is Afraid of the Truth

kaalaman sa mga tao sa pamamagitan ng impormasyon
4. Corruption Doesn’t Like to Compete Fairly

patas na kumpetensya sa negosyo
5. Corruption Only Has One Business Plan

katiwalian sa mga pribadong kumpanya
6. Corruption Only Protects Itself

katiwalian sa sandatahan
7. Corruption Thinks Justice Can be Bought

katiwalian sa hudikatura
8. Corruption Picks on the Weakest

pinapahirap lalo ng katiwalian ang mga mahihirap
9. Corruption Only Serves Itself

epekto ng katiwalian sa mga pampublikong serbisyo
10. Corruption Doesn’t Think About Tomorrow

epekto ng katiwalian sa kalikasan

Naniniwala ang Transparency International na may katapusan ang pamamayagpag ng katiwalian at nakakita sila ng mas maraming partisipasyon mula sa mga may malasakit na tao sa mga nakalipas na taon.

pakiki-isa ng mga tao laban sa katiwalian

Para sa kabuuang ulat at kung paano makatulong, narito ang link: TI Annual Report 2011