Kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas:
Ang Konstitusyon ng 1987 ay inaprubahan ng 1986 Constitutional Commission nuong Oktubre 12, 1986. Ito ay hinatid kay dating Pangulong Corazon Aquino nuong Oktubre 15, 1986 at niratipika nuong Pebrero 2, 1987. Ipinahayag at ipinatupad nuong Pebrero 11, 1987.
Mga nakalipas na konstitusyon ng Pilipinas:
1. Ang 1899 Malolos Constitution
Inaprubahan ng Malolos Congress nuong November 29, 1898, isinauli ni dating Pangulong Aguinaldo nuong Disyembre 1, 1898 para maamyendahan subalit tinanggihan ng Kongreso; inaprubahan ng Pangulong Aguinaldo nuong Disyembre 23, 1898; ipinatupad nuong Enero 21, 1899.
2. Ang Philippine Organic Act of 1902
Isinabatas ng United States Congress nuong July 1, 1902
3. The Jones Law of 1916
Isinabatas ng United States Congress nuong Agosto 29, 1916.
4. Ang 1935 Constitution (Unang Bersyon)
Inaprubahan ng 1934 Constitutional Convention nuong Pebrero 8, 1935 at inayunan ng Pangulo ng Amerika nuong Marso 25, 1935, at niratipika sa pamamagitan ng plebisito nuong Mayo 14, 1935.
5. 1935 Constitution (Inamyendahang Bersyon)
Inamyendahan nuong Hunyo 18, 1940 at nuong Marso 11, 1947.
6. Ang 1943 Constitution
Inaprubahan ng Preparatory Committee on Philippine Independence nuong Setyembre 4, 1943 at niratipika ng KALIBAPI Convention nuong Setyembre 7, 1943.
7. Ang 1973 Constitution (Unang Bersyon)
Hinatid ng 1971 Constitutional Convention ang draft kay dating Pangulong Marcos nuong Disyembre 1, 1972; niratipikahan ng Citizens’ Assemblies nuong January 10-15, 1973. Ipinahayag at ipinatupad nuong Enero 17, 1973.
8. Ang 1973 Constitution (Inamyendahang Bersyon)
Inamyendahan nuong Oktubre 16-17, 1976, Enero 30, 1980, at Abril 7, 1981.
9. Ang 1986 Freedom Constitution
Ipinasinaya sa pamamagitan ng Presidential Proclamation nuong Marso 25, 1986.
Reference:
Philippine Constitutions – Official Gazette
Categories: Pilipinas Info
Leave a Reply