Panatang Makabayan

Ang pagsambit ng Panatang Makabayan ay ipinatupad na batas sa lahat ng mga paaralang publiko at pribado kung saan ang karamihan ng mga mag-aaral ay mga Pilipino. Ito ay sa pamamagitan ng Republic Act 1265 na naging batas nung Hulyo 11, 1955. Inimplement ang batas sa mga paaralan sa pamamagitan ng Department Order No.8 ng Department of Education na inaprubahan naman noong Hulyo 21, 1955.

———————————————————————–

Kasalukuyang Opisyal na Bersyon (Nov.2001 Revision)

Iniibig ko ang Pilipinas,
Aking lupang sinilangan
Tahanan ng aking lahi,
Kinukupkop ako at tinutulungang
Maging malakas, masipag at marangal
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan,
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas.

Orihinal na Salin

Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapaki-pakinabang
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang
Makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot
At nang buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino
Sa isip, sa salita at sa gawa.

Advertisements


Categories: Pilipinas Info

Tags:

5 replies

  1. pu****ina nung nakaisip, nagbago, at nagsulat ng panatang makabaya!! mga bobo!! sinira nyo ang diwa ng panatang makabayan!!

  2. Bakit pinalitan ang
    1. maligaya at kapaki-pakinabang (happy and useful) ng masipag at marangal (hardworking and honorable)
    2. Makabayan at masunurin sa batas (patriotic and law-abiding) ng makabayan (patriotic).
    3. Paglilingkuran ko ang aking bayan ng walang pag-iimbot
    At ng buong katapatan.
    Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino
    Sa isip, salita at sa gawa.
    ng
    Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan.
    Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas.

    Sagot ko: Para hindi makonsiyensya ang mga galit at tamad, sumusuway sa batas at okey lang maging makasarili, balimbing at hindi tapat.
    AMEN.

  3. hindi ko na kabisado ‘to.. habang binabasa ko naman, parang ako na lang ang nahiya para sa mga balasubas na mga pinoy na wala nang ginawa kundi magbigay ng sakit ng ulo at kahihiyan sa bansa..

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: