Tag Archives: konstitusyon

Konstitusyon ng Bansa, Aamyendahan

Angeles City, Pampanga – Isusulong ng Kongreso ngayong taon ang pag-amyenda sa 1987 Constitution na siyang kasalukuyang umiiral sa bansa.

Ito ay kinumpirma mismo ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. nang siya ay inambush interview ng ilang mga reporter nang mamataan siyang nagkakape sa Starbucks sa Marquee Mall, Angeles City.

feliciano belmonte jr
(inquirer.net photo)

Ayon sa panayam, pagkatapos ng malaking panalo ng mga kaalyado ng Pamahalaan sa nakalipas na halalan, may kumpiyansa ang Pangulo na mababawasan na ang mga hadlang sa pagsulong ng mga bagong batas na aayos sa burokrasya ng bansa na dahilan ng malawakang katiwalian sa hanay ng mga nasa gobyerno.

Isa sa mga panukala para sa gagawing pag-amyenda ng konstitusyon ay ang pagrepaso sa kasalukuyang mga sangay ng Pamahalaan.

Narito ang mga panukalang pagbabago na nais isulong ng Pangulo:

1. Lansagin ang Sangguniang Kabataan at Baranggay System
2. Tanggalin ang Partylist System
3. Pag-isahin ang Kongreso at Senado
4. Tanggalin ang Office of the Vice President
5. Alisin ang Korte Suprema

(Ang detalye sa mga pagbabagong ito ay matatagpuan sa Official Gazette website.)

Sa bagong ayos na ito ng Pamahalaan, inaasahan ng Pangulo na mapapabilis ang pagpapatupad ng mga panukalang batas na tumutugon sa mga pangangailangan ng bansa. Gayundin, naniniwala ang Pamahalaan na napakalaking halaga ng salapi ang matitipid sa pagbabawas ng mga sangay na ito ng Pamahalaan.

Ayon kay Belmonte, naniniwala ang Malacañang na ito ang pagbabagong kailangan ng bansa upang tunay na maramdaman ng mga mamamayan ang umuunlad na ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon pa sa House Speaker, marami sa Kongreso ang sumusuporta sa panukalang ito ng Pangulo at naniniwala siyang aani din ito ng suporta sa Senado.

Nang tanungin kung ano ang gagawin ng Kongreso sakaling kuwestiyonin ito ng Korte Suprema, sinabi ng House Speaker na, “Sasabihin ko sa kanila na maghanap-hanap na sila ng ibang trabaho”.

**************************************************************

Sa kasamaang palad, ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.

Advertisements

Preamble of 1987 Constitution

Ito ang panimula ng kasalukuyang Konstitusyon ng ating bansa. Para bang panata para sa ating Konstitusyon.

Tagalog

Kami, ang nakapangyayaring sambayanang Pilipino, na humihingi ng tulong sa Makapangyarihang Diyos, upang bumuo ng isang makatarungan at makataong lipunan at magtatag ng isang Pamahalaan nakakatawan sa aming mga mithiin at mga lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan sa bawat isa, mangangalaga at magpapaunlad ng aming kamanahan, at titiyak para saming sarili at angkanang susunod ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan, ay naglalagda at naghahayag ng Konstitusyong ito.

English

We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society and establish a Government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution.

Republic of the Philippines 1987 Constitution Link:
Tagalog dito
English here

Mga Konstitusyon ng Pilipinas

Kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas:

Ang Konstitusyon ng 1987 ay inaprubahan ng 1986 Constitutional Commission nuong Oktubre 12, 1986. Ito ay hinatid kay dating Pangulong Corazon Aquino nuong Oktubre 15, 1986 at niratipika nuong Pebrero 2, 1987. Ipinahayag at ipinatupad nuong Pebrero 11, 1987.

Mga nakalipas na konstitusyon ng Pilipinas:

1. Ang 1899 Malolos Constitution
Inaprubahan ng Malolos Congress nuong November 29, 1898, isinauli ni dating Pangulong Aguinaldo nuong Disyembre 1, 1898 para maamyendahan subalit tinanggihan ng Kongreso; inaprubahan ng Pangulong Aguinaldo nuong Disyembre 23, 1898; ipinatupad nuong Enero 21, 1899.

2. Ang Philippine Organic Act of 1902
Isinabatas ng United States Congress nuong July 1, 1902

3. The Jones Law of 1916
Isinabatas ng United States Congress nuong Agosto 29, 1916.

4. Ang 1935 Constitution (Unang Bersyon)
Inaprubahan ng 1934 Constitutional Convention nuong Pebrero 8, 1935 at inayunan ng Pangulo ng Amerika nuong Marso 25, 1935, at niratipika sa pamamagitan ng plebisito nuong Mayo 14, 1935.

5. 1935 Constitution (Inamyendahang Bersyon)
Inamyendahan nuong Hunyo 18, 1940 at nuong Marso 11, 1947.

6. Ang 1943 Constitution
Inaprubahan ng Preparatory Committee on Philippine Independence nuong Setyembre 4, 1943 at niratipika ng KALIBAPI Convention nuong Setyembre 7, 1943.

7. Ang 1973 Constitution (Unang Bersyon)
Hinatid ng 1971 Constitutional Convention ang draft kay dating Pangulong Marcos nuong Disyembre 1, 1972; niratipikahan ng Citizens’ Assemblies nuong January 10-15, 1973. Ipinahayag at ipinatupad nuong Enero 17, 1973.

8. Ang 1973 Constitution (Inamyendahang Bersyon)
Inamyendahan nuong Oktubre 16-17, 1976, Enero 30, 1980, at Abril 7, 1981.

9. Ang 1986 Freedom Constitution
Ipinasinaya sa pamamagitan ng Presidential Proclamation nuong Marso 25, 1986.

Reference:
http://www.gov.ph/the-philippine-constitutions/