Category Archives: Halu-halo

Pinag-ibayo na nga ang pwersa laban sa Illegal Drugs, may mga nagrereklamo pa rin?

Kapansin-pansin ang laman ng mga balita ngayon tungkol sa kabi-kabilang buy bust operations laban sa illegal drugs sa Pilipinas. Pati na yung pagkasamsam sa mga ready to consume drugs at pagkahuli o pagkapatay sa ilang mga drug pushers.

Ang dami na ring mga drug users at drug peddlers ang kusang sumuko at nangakong magbabagong buhay.

Wala pa sa puwesto si Duterte ay masigasig na ang mga kapulisan na sugpuin ang bawal na gamot sa Pilipinas. Hindi pa yata nangyari ang ganitong bagay sa kasaysayan ng bansa natin.

Dapat natin itong ikatuwa dahil at last meron tayong nakikitang determinasyon mula sa mga awtoridad na sugpuin yung pagkalat ng bawal na gamot.

Ang kaso, totoo talaga yung kasabihan na “You cannot please all people.” Kasi, meron pa ring mga nagrereklamo sa mga pagkilos na ito laban sa illegal drugs sa ating bansa.

illegal drugs philippines
mga nasamsam na drugs (rappler.com)
  1. Bakit ngayon lang?

    Nagrereklamo yung ilang grupo kung bakit ngayon lang daw ginawa ng mga awtoridad itong masigasig na pagtugis sa mga tulak ng bawal na gamot. Utang na loob naman. Maging masaya sana tayo at nakita pa nating nangyari ito. Dahil kung aasa lang tayo sa mga nakalipas na gobyerno, hinding-hindi na magiging masigasig ang mga kapulisan sa pagpuksa ng illegal drugs sa bansa natin kahit kailan. Kahit ngayon lang sila naging determinado gawin ito, ayus lang. Ang importante, naging masigasig na rin sila at last.

  2. Nagpapa-pogi lang ang kapulisan sa darating na bagong administrasyon

    Eh ano ngayon kung nagpapa-pogi? Eh di bigyan natin sila ng Mr. Pogi award at Mr./Ms. Philippines award! Ang importante masugpo nila yung drugs sa Pilipinas. Kung masusugpo ang pagkalat ng bawal na gamot at ang masamang epekto nito sa mga kabataan natin, hayaan na natin silang magpa-pogi ng magpa-pogi.

  3. Hindi naman hinuhuli ang mga big time drug lords, mga pipitsuging drug pusher lang

    Ilang weeks pa lang nagsisimula ang massive campaign laban sa illegal drugs, ang gusto eh big time drug lords agad? Excited? Buti nga kahit mga small time drug pushers ngayon eh hinuhuli na eh. Dati nga wala eh! As in, zero! Labas pasok lang sa kulungan o kaya eh pinapabayaan lang mag-operate ng drug business nila. Hayaan muna natin mag-warm up sa mga small time pushers ang kapulisan. Dahil kung seryoso talaga sila sa kampanyang ito, magle-level up din ang mga awtoridad at pupuntiryahin ang big boss. Parang yung mga game lang na nilalaro sa arcade o kaya PC. By stages ang pagpapatumba sa kalaban.

  4. Moro-moro lang ang ginagawang kampanya laban sa drugs

    Ang ibig sabihin ng moro-moro ay parang palabas lang. Kunwa-kunwari lang daw yung ginagawa ng mga awtoridad laban sa drugs. Eh kung may mga nagdududa sa ginagawa ng mga pulis, sumama dapat sila dun sa mga operasyon ng mga pulis. Manmanan nilang mabuti at obserbahan yung trabaho ng mga pulis. Sumama sila sa mga raid at sa mga imbestigasyon para mapatunayan nila at magkaroon sila ng basehan na palabas nga lang yung lahat ng ginagawa ng mga pulis.

  5. Kawawa naman yung mga drug pushers

    Eh di ampunin yung mga drug pushers! Pakainin natin ng masasarap na pagkain at patirahin sa mga magagarang tirahan. Mga buwiset! Ang dami ninyong arte!

Dapat nga imbestigahan kung talagang pinatatahimik lang ang mga drug pushers para huwag nilang ituro ang mga protektor nilang pulis, government officials o VIP sa lipunan.

Pero imbes na mag-reklamo tayo sa ginagawa nilang trabaho, dapat eh tulungan natin ang mga awtoridad para mas mabawasan pa lalo ang paglaganap ng illegal drugs sa bansa natin.

Advertisements

Realizations Pagka-Graduate ng College

pagka-graduate ng college

Sa lahat ng mga gumradweyt na sa pag-aaral sa eskwela, kumusta na? Okay ba ang real world so far? Kung ikaw ay isang bagong graduate, ilan sa mga ito ang mga mare-realize mo as you go on with life.

  1. Mas madali pala talaga ang buhay nung nag-aaral pa lang
  2. Hindi naman pala totoo yung “preparation for the real world” ang marami sa mga ipinapagawa sa eskwela
  3. Maraming importanteng bagay sa totoong buhay ang hindi itinuturo sa mga paaralan
  4. Maraming itinuturo sa paaralan ang hindi nagagamit sa totoong buhay
  5. Mas mahirap makahanap ng syota sa real life
  6. Mas mahirap manghingi ng pera sa mga magulang kapag di na nag-aaral
  7. Mahirap pala makaipon ng pera kapag nagtatrabaho na
  8. Mauunawaan mo palang pala ang value ng pag-aaral kapag tapos ka na dito
  9. Kung mabibigyan ka pala ng pagkakataon, gugustuhin mong mag-aral ulit
  10. Yung mga bestest buddies mo sa skul, pwedeng hindi mo na pala ulit makita (o napakadalang na lang kayo magkasama)
  11. Kahit ilang beses pa mag-set ng reunion, hinding hindi na pala makukumpleto ulit ang buong klase
  12. Mas maiintindihan mo pala ang sakripisyo at hirap ng mga magulang mo pag nagtatrabaho ka na rin (at nagka-pamilya na)
  13. Kung maraming weirdo sa loob ng eskwela, mas marami pala sa labas
  14. Akala mo yung titser mo na ang pinakamasamang tao sa buong mundo, lalagpasan pala siya ng boss mo sa trabaho
  15. Akala mo reject na yung serbisyo ng mga staff sa school ninyo, mas grabe pa pala yung mga nasa gobyerno
  16. Mas mahirap pala ipaglaban yung mga prinsipyo mo ngayong nasa real world ka na
  17. Hindi na masyadong looking forward to ang birthday mo taun-taon
  18. Dalawang buwan pa lang ang dumaan nung mag-graduate ka pero feeling mo 10 years na ang nakalipas
  19. Maiintindihan mo kung bakit walang nagbabago sa lipunan natin
  20. May pera ka nga, sobrang busy naman or may oras ka nga, wala ka namang pera

Ikaw, ano ang mga nadiskubre mo pagkatapos ng college? I-share sa comments section sa baba.

Submission of SOCE Deadline Extension: Parang Tamad na Estudyante Lang

wala pang soce
listahan ng presidentiable at mga senatoriables na hindi pa nag-file ng soce…

Parang tamad na estudyante lang si Mar Roxas pati na yung ibang mga kumandidato nung 2016 elections na nagpapa-extend sa deadline ng submission ng kanilang statement of contributions and expenditures (SOCE).

‘Di ba yung mga estudyante, kapag binigyan mo ng specific deadline na mag-submit ng assignment o kaya project eh maaasahan mong merong mga magsa-submit at meron ding hindi magsa-submit?

Karaniwan sa mga hindi nagsa-submit on time eh yung mga mahilig sa petiks at tamad na estudyante. Hihingi lagi sila ng deadline extension.

At bigyan mo man sila ng 1 week, o 1 month, o 1 year para mag-prepare, hindi sila magsa-submit on time!

Kung ano man ang dahilan ni Mar Roxas at nung iba pa eh hindi na importante. Hindi sila tumupad sa isinasaad ng batas (RA 7166).

Sec. 14. Statement of Contributions and Expenditures; Effect of Failure to File Statement. – Every candidate and treasurer of the political party shall, within thirty (30) days after the day of the election, file in duplicate with the offices of the Commission the full, true and itemized statement of all contributions and expenditures in connection with the election.

Dapat sana eh pinatawan man lang ng parusa ang mga hindi sumunod sa deadline. Ang paglabag sa batas ay hindi dapat i-tolerate kahit na kapartido pa sila ng kasalukuyang administrasyon.

Sigurado lang, mas dadami pa ang gagaya sa mga ito sa susunod.

Related News:

Paano Makapasa sa Pag-aaral Kahit Hindi Nangongopya

Masama ang mangopya. Kung hindi mo na alam kung bakit mali ito, basahin ito: Bakit hindi dapat mangopya sa klase

So, handa ka na bang pumasa sa pag-aaral nang hindi nangongopya? Narito ang ilang mga paraan ng pag-aaral na maaaring gawin ng kahit sinong kabataan (na gustong mag-succeed pero ayaw mangopya).

pag-aaral

Bilang isang dating estudyante at kasalukuyang part-time teacher sa isang unibersidad, narito ang ilang payo kung…

Paano makapasa sa pag-aaral kahit hindi mangopya.

1. Pumasok sa eskwela

Common sense. Kahit ano pa ang gawin mo, hindi ka papasa sa subject mo kung hindi mo ito papasukan. Kaya wag kang magbulakbol o magpatalo sa katamaran. Pasukan mo ang iyong mga subject.

2. Makinig sa oras ng klase (and take notes)

Isa sa mga pangkaraniwang sakit ng estudyante ang bigla na lang nagsasara ang pandinig sa teacher kapag nag-umpisa na itong magturo. Para kasing alien language ang salita ng mga teacher kaya ang sarap itong huwag pakinggan.

Pero subukan mo lang mag-effort na intindihin yung mensahe na gustong ipaabot ng alien speaking teacher mo at may mapapansin kang mga part na you actually understand! Then, write down on your notebook those parts na naintindihan mo.

Yung kadaldalan mong classmate, ‘wag mo na muna pansinin. Makakasama mo pa ‘yan pagkatapos ng klase kaya sa labas ng classroom n’yo na lang ituloy yung kung ano mang topic of discussion ninyo.

3. Review your notes

Tip: Kapag sa tingin ng titser ninyo, hindi kayo nakikinig sa pinagsasasabi n’ya, yung part na maraming hindi nakikinig ang mas malamang na ibigay n’ya sa quiz or test.

Bakit? Para ipamukha sa inyo na kayo ang may kasalanan kung bakit hindi ninyo nakuha yung test dahil wala sa inyong nakikinig.

So kung nakikinig ka at nagte-take pa ng notes, reviewhin mo yung notes mo bago mag-test or recitation and be amazed at the wondrous results of those efforts.

4. Magtanong sa teacher

Maraming estudyante, ayaw nagtatanong sa titser nila. Magtatanong yung titser, “Are there any questions?”. At nakakabinging katahimikan lang ang magiging response sa teacher. Pa’no kasi lahat gusto lang makauwi! Yung magtatanong, magugulpi kasi hahaba pa ang oras ng discussion!

Pero nagbabayad kayo (or kung sino man yung financer ninyo) para gawin nung titser n’ya yung trabaho n’ya. And you should demand satisfaction. Kung hindi mo naintindihan, magtanong!

Kung nahihiya kang magtanong sa harap ng iyong mga kaklase, patalikurin mo silang lahat! Este, magtanong ka sa teacher mo ng one-on-one na lang.

Maraming teacher ang nakaka-appreciate kapag nagtatanong ang estudyante. Lalo na kung may sense yung tanong nung estudyante.

Pero may sense man o wala, kung may hindi ka naiintindihan, magtanong! Pramis, hindi ka papatayin ng teacher mo pag nagtanong ka sa kanya.

Huwag ka lang magtanong kung kelan ikakasal yung matandang binata or matandang dalaga mong titser.

5. Mag-advanced study

Kung may module or syllabus or libro kayong sinusundan, malaki ang maitutulong ng advanced reading or advanced studying. Kasi naku-kundisyon nito ang utak mo sa paparating na delubyo este, panibagong subject pala.

Hindi masa-shock ang utak mong nag-iisip lang lagi kung kelan mawawalan ng klase kapag nag-advanced study ka. Mapapansin ka pa ng crush mo sa klase kasi ikaw lang ang makaka-intindi sa kung anu-anong pinagsasasabi ng titser mo sa harapan.

6. Maghanap ng lumang materials

Kung meron kang kilalang ahead sa iyo na pareho ang school at subject na kinuha, subukan mong arborin ang lahat ng kanyang mga test papers at notes.

Tip ulit: Nire-recycle lang ng mga titser yung mga previous materials nila. Take advantage of it. Hindi yun pandaraya. Ang pandaraya eh yung oras ng test at kung kani-kaninong sagot ang kinokopya mo.

Yung pag-gather ng lumang materials eh tinatawag na resourcefulness at kasalanan na ng titser yun kung tamad siyang palitan yung mga test questions na ibinigay n’ya for the past 10 years.

7. Mag-aral mag-isa

Kailangan mong mag-aral mag-isa kasi magulo kapag may kasama. Lalo na kung hindi mo pa gaanong naiintindihan yung subject. Lalo pa kung cute yung kasama mo. Sa mag-isang pag-aaral, maida-dissect mo ng maayos sa sarili mo kung ano yung mga hindi mo pa naiintindihan.

Sa pag-aaral mag-isa, pumili ng tamang oras at tamang lugar na conducive sa ‘yo ang pag-aaral. Kung nakakapag-aral ka ng mahusay sa bubungan ng overpass habang dumadaan ang mga trak, dun ka mag-aral. Kung saan ka kumportable. Wag lang pag naka-drugs.

Ayaw ni Duterte sa mga nagda-drugs. Lagot ka.

8. Mag-aral nang may mga kasama

Ang purpose nito ay para makapag-compare kayo ng mga hindi ninyo alam. Hindi para mag-inuman buong magdamag hanggang sa mawalan ka ng ulirat for three consecutive days.

Mas effective ang group study method na ito kapag math ang pinag-aaralan. Makakapagtanong ka sa iba nung mga hindi mo alam at makakapagbigay ka rin ng alam mo dun sa iba.

9. Ipagpaliban muna ang pagpapasarap sa buhay

Again, common sense. Wag kang mag-Vigan kung may test ka kinabukasan. Wag kang mag-absent para lang makipag-date on the day na meron kayong major quiz. I-postpone ang panandaliang kasarapan para sa maaliwalas na kinabukasan.

10. Humingi ng tulong sa taas

Dahil hindi natin magagalugad ang lahat ng sagot sa lahat ng tanong na maaaring ibigay ng iyong mga guro sa araw o oras ng eksamen. Lalo na kung gustong ipamukha ng titser na mangmang kayong lahat sa kanyang klase.

Humingi ng talino, sipag at disiplina kay Lord. Lalo na at desidido kang huwag mangopya para makapasa.

Kung tapat ka sa iyong responsibilidad sa pag-aaral, rest assured, may tulong kang tatanggapin mula sa itaas.

Related Articles:

Bonus

Ilang suggestion kung paano tumanggi makipagkopyahan sa iyong kaklase.

Habang nagte-test:

  1. Mag-mukha kang busy at problemado (yung parang hindi ka nag-aral)
  2. Magkunwari kang hindi mo naririnig
  3. Mag-focus sa iyong ginagawa at huwag mamansin
  4. Sabihin mo natatakot kang mahuli ng titser
  5. Sabihin mo nakakalat sa lahat ng lugar ang mga espiya ng inaaniban mong simbahan at kapag ikaw ay nahuli ay susunugin ka ng kongregasyon ninyo kasama ang iyong kakopyahan

Mga Bawal Dalhin sa Eroplano

Sa mga bibyahe papuntang ibang bansa at tanung ng tanong kung ano ang mga bawal dalhin sa eroplano, narito ang ginalugad na impormasyon tungkol sa kung anu-anong anik at abubot ang mga hindi dapat dalhin sa eroplano.

mga bawal dalhin sa eroplano
ilan sa mga bawal dalhin sa eroplano (source: ANA website)

Sa pagsakay sa eroplano, merong hand-carry (or carry-on) baggage at merong check-in baggage. 

Yung hand-carry ay yung bitbit mong bagahe na dadalhin mo sa loob ng eroplano. Yung check-in luggage ay yung bagahe na ipapakarga mo sa airline/airport staff bago ka sumakay sa loob ng eroplano. Mas malaki ito at mas maraming laman.

restricted items for airplanes
mga bawal isakay sa eroplano (JetStar Airways)
Mga halimbawa ng bawal dalhin sa hand-carry
  • all types of liquids or gel na sumusobra sa 100 ml (hair gel, alcoholic beverages, mga inumin, toothpaste, etc.)
  • mga nasisirang pagkain (isda, lutong ulam, prutas, etc.)
  • matatalim na bagay (kutsilyo, gunting, cutter, lagare, palakol, etc.)
  • flammables (lighter, spray can, gasolina, granada, flame thrower, etc.)
  • lithium battery (more than 2grams or more than 160Wh)
  • fireworks
  • weapons and ammunitions (baril, itak, bala, bazooka, etc.)
  • obvious na hindi papayagan (illegal drugs, chemical weapons of mass destruction, bangkay, etc.)
cebu pacific restricted items
Cebu-Pacific info tungkol sa mga bawal dalhin
Mga halimbawa ng bawal sa checked-in baggage
  • flammables and explosives (lighter, spray can, gasolina, granada, flame thrower, liquefied gas lighters, safety matches, lighter fuel, etc.)
  • liquids (alcoholic beverages, pintura, thinner, etc.)
  • lithium battery (any size)
  • electronic cigarettes
  • matatalim na bagay (kutsilyo, gunting, cutter, lagare, palakol, etc.)
  • fireworks
  • weapons and ammunitions (baril, itak, bala, bazooka, etc.)
  • obvious na hindi papayagan (illegal drugs, chemical weapons of mass destruction, bangkay, etc.)
airport policy on liquids, aerosols and gels
advisory tungkol sa mga liquids, aerosols at gels na nakapaskil sa naia 3

Para sa marami pang detalye sa kung ano ang pwede at hindi pwedeng dalhin sa eroplano, hanapin kung nasa ibaba ang sasakyan mong airline at i-click ang link sa website nito. Dadalhin ka ng link sa listahan ng mga ipinagbabawal dalhin sa kanilang eroplano.

Detailed restricted items information from different airlines:

restricted items on airplanes
info mula sa PAL website…

Tell Us Your BIR Corruption Experience Here

Nasaktan si outgoing Commissioner Kim Henares sa paratang ni Pangulong Duterte na isa sa mga pinaka-corrupt na ahensya ng Pamahalaang Aquino ay ang BIR (kasama ang Customs at LTO).

Read:

Gayundin, may kumalat pang balita na maraming BIR personnel ang maglulunsad ng mass resignation sa mismong araw na opisyal nang magsisimulang mamuno si Duterte sa bansa. Pero unfortunately, hindi daw totoo ang balitang ito.

Read: BIR denies newspaper report on mass resignation

Si Kim Henares ay either na “sinungaling” or “bulag” kung hindi n’ya talaga alam ang corruption na ginagawa ng mga tauhan niya. Para lang din siyang si outgoing na Pangulong Aquino na walang nakikitang mali sa kanyang administrasyon.

Bukod sa patotoo ng isang Facebook user, sang-ayon ang maraming Pilipino na corrupt talaga ang BIR.

mga korap na ahensya ng gobyerno

Heto ang halimbawa ng istorya ng corruption na personal kong nasaksihan. Ito ay nangyari nung 2015.

Nagkaroon ng violation ang kumpanyang aking pinagtatrabahuhan dito sa Pilipinas. Imbes daw na magbayad kami ng malaking halaga ng penalty, nanghingi ng bribe money ang BIR staff sa amin para sila na lang daw sa local office ang umareglo.

Pumayag ang mga Japanese bosses ko na magbigay para wala nang hassle at naisip yata nilang ganito talaga sa Pilipinas para hindi pahirapan ng BIR.

Lahat ng ito ay nangyari without my knowledge dahil HR at yung mga Japanese ang umareglo.

Tinawag na lang ng mga boss ko yung atensyon ko nung i-notify sila ng BIR office sa Manila about yung violation ng company namin. Meaning to say, hindi ginawa nung local BIR office yung sinabi nilang sila na ang aareglo. Tinanggap lang nila yung bribe money and walang ginawa sa violation namin.

Nagpadala ng “bag lady” sa office namin yung officer ng BIR Manila at nanghihingi ng 200,000 pesos para aregluhin yung violation namin para daw hindi kami maipasara. (Ang penalty sa violation namin ay hindi lalagpas ng 20,000 pesos at hindi subject for closure ng kumpanya.)

So, tinakot ng BIR officer ng Manila ang mga Japanese boss ko na ipapasara daw ang kumpanya namin pag hindi sila nakipag-areglo sa halagang hinihingi niya (200,000 pesos).

Nakiusap ako sa mga boss ko na huwag i-tolerate ito at kausapin muna namin ang attorney namin o yung mga ibang taga-government office na pwedeng makatulong sa amin. Pero hindi nakinig yung mga boss ko dahil sa takot na pahirapan kami ng BIR.

Nakipagtawaran yung boss namin, from 200k ay naging 130k yung suhol na ibinigay namin dun sa BIR officer ng Manila.

bir commisioner henares
outgoing BIR Commissioner Kim Henares

Another story ay yung narinig ko lang mula sa kaibigan kong accountant. Everytime daw na mago-audit ang BIR sa kumpanya nila ay dapat silang magbigay ng 7 figures (Millions of Pesos) na suhol para hindi sila pahirapan ng BIR. It is common practice daw everywhere.

So basically, tama nga siguro yung sinabi ni Henares na nadagdagan ang kita ng BIR. Pero at the same time, kumikita din ng malaki separately yung mga tauhan niya from bribe money.

Tapos magtataka pa tayo bakit hindi pa rin ganun karami ang nag-i-invest sa bansa natin. Maraming walanghiya sa BIR at sana totohanin na lang nila yung mass resignation na napabalita.

Kung may personal experience ka rin ng korapsyon sa BIR, please share sa comments section at baka sakaling mabasa ng susunod na BIR Commissioner.

Mga Trabahong Hindi Ginagawa ng Commission on Human Rights

walk of shame
inirereklamo ng chr ang walk of shame na ipinagawa ng mayor sa tanuan, batangas nuong may, 2016 (photo from: abs-cbn)

Wala tayong magagawa kung maingay ang Commission on Human Rights (CHR) kapag may mga kriminal na parang naaabuso ng mga awtoridad. Itinatag ng 1987 Constitution ang CHR para ipagtanggol ang karapatan ng lahat ng tao. Kabilang na rito ang karapatan ng mga lumalabag sa batas.

Masasabi nating ginagawa lang ng CHR ang trabaho nila kaya nagrereklamo sila kapag may mga drug pusher, magnanakaw, rapist o mamamatay-tao na naiinitan sa loob ng kulungan, o kaya eh hindi masarap ang kinakain.

Kaya lang, ang problema, sa lahat ng trabaho ng CHR eh para bang dun na lang sila nag-focus sa pagtatanggol sa mga kriminal.

Narito ang mga tungkuling dapat gampanan ng CHR na iniatang sa kanila ng Saligang Batas ng Pilipinas.

EXECUTIVE ORDER NO. 163 Section 3

The Commission on Human Rights shall have the following powers and functions:

•  Investigate, on its owner on complaint by any party all forms of human rights violations involving civil and political rights;

•  Adopt its operational guidelines and rules of procedure, and cite for contempt for violations thereof in accordance with the rules of Court.

•  Provide appropriate legal measures for the protection of human rights of all persons within the Philippines, as well as Filipinos residing abroad and provide for preventive measures and legal aid services to the under-privileged whose human rights have been violated or need protection;

•  Exercise visitorial powers over jails, prisons, or detention facilities;

•  Establish a continuing program of research, education and information to enhance respect for the primacy of human rights;

•  Recommend to the Congress effective measures to promote human rights and to provide for compensation to victim of violations of human rights, or their families;

•  Monitor the Philippine Government’s compliance with international treaty obligations on human rights;

•  Grant immunity form prosecution to any person whose testimony or whose possession of documents or other evidence is necessary or convenient to determine the truth in any investigation conducted by it or under its authority;

•  Request the assistance of any department, bureau, office or agency in the performance of its functions;

•  Appoint its officer and employees in accordance with law; and

•  Perform such other duties and functions as may be provided by law.

Source: Executive Order No. 163

Kung pagbabasehan natin ang mga report tungkol sa mga ginagawa ng CHR, masasabi nating protektor na lang ng mga kriminal ang CHR ngayon at hindi nito ginagawa efficiently ang trabaho nito na itaguyod ang pantay-pantay na karapatan ng lahat ng tao.

Dahil ang mga biktima ng mga kriminal, ang mga biktima ng mga sakuna, ang mga sibilyang naiipit sa digmaan, ang mga pulis at sundalong dumanas ng karumal-dumal na bagay mula sa mga kaaway, sila man ay may karapatan ding pantao.

Katungkulan din ng CHR na proteksyunan ang karapatang pantao ng mga taong ito. At ang hindi pantay na pagtatanggol sa karapatan nila ay malinaw na paglabag sa tungkuling iniatang ng batas sa CHR.

Pwede ba nating ipakulong yung mga taga-CHR dahil dito?

Hindi Dapat Payagan sa Kapulisan ang mga Maganda at Gwapo

Kilala mo na siguro si Police Inspector Sofia Loren Deliu ng Baguio. Kinuha siyang isa sa mga security team ni Pangulong Duterte. Naging Miss Earth Candidate din siya nung 2015. Heto picture niya.

beauty queen cop

Half Romanian siya kaya ganyan ang hitsura niya, mestisahin.

Heto pa ang isa niyang picture na naka-police uniform.

police inspector sofia deliu

Bagama’t magandang tingnan ang mga magaganda at pogi, hindi sila nararapat sa isang mapanganib at may malaking responsibilidad na trabaho kagaya ng kapulisan.

Ang mga pogi at magaganda eh okay sa entertainment business gaya ng pelikula, sports, variety shows, etc. Okay din sila sa mga propesyon kagaya ng pagtuturo, panggagamot, abogasya, ganun.

Pero hindi dapat sila payagang pumasok sa mga propesyon na may kinalaman sa peace and order. Bakit? Heto ang ilang mga dahilan.

mga babaeng pulis ng indonesia
ito ay mga kababaihang pulis ng indonesia at hindi katanggap-tanggap na ganito ang maging hitsura nila…
1. Tataas ang insidente ng petty crimes sa lugar na may cute na pulis

Out of curiosity eh baka maisipan ng mga law-abiding citizens na gumawa ng minor offences gaya ng overspeeding, jaywalking, littering, o kaya eh shoplifting. Kung alam nilang nakadestino nearby yung cute na pulis eh baka sadyain ng mga kumag ang magpahuli.

Magkakaroon ng breakdown of law and order sa mga lugar na merong magaganda at poging pulis!

pretty south korean police officer
ito si kim miso, isang police officer ng south korea. hindi dapat hina-hire ang mga gaya nito sa kapulisan…
2. Hindi makakapag-concentrate sa trabaho ang mga kasamang pulis

Ano na lang ang gagawin nung ibang pulis kapag merong maganda silang kasama? Magpapa-cute na lang sila ng magpapa-cute dun sa magandang pulis. Aba eh ano pang trabaho ang magagawa nila? Nakatuon na lang ang pansin nila dun sa kasamahan nilang pulis na mukhang artista!

Magkakaroon ng inefficiency sa kapulisan!

taipei police Huang Yichun
si huang yichun, isang taipei policewoman. dapat siyang sibakin na agad sa puwesto dahil sa kanyang hitsura…
3. Special favors at projects sa mga gwapo at magandang pulis

Kapag may maganda o poging pulis, sila na lang lagi ang pang-front ng kapulisan. Sila na lang lagi ang laman ng mga poster. Sila na lang lagi ang kinakausap ng media. Kapag nangailangan ng escort ang mga VIP eh sila na agad ang kukunin kasi, syempre, pulis na, attractive pa. Tapos syempre mabilis sila mapo-promote at mabibigyan ng mataas na sahod kasi baka mag-resign sila at mag-artista na lang. Mawawalan ng pang-Santacrusan ang Police Force.

Dahil sa mga special favors na ito, magkakaroon ng hindi pantay-pantay na tingin sa mga kapulisan!

japanese police woman
isang haponesang pulis na hindi dapat pinapayagang gumalagala ng kanilang pamahalaan…
4. Pag-aaway-away ng mga pulis dahil sa genetically gifted na pulis

Kung may ilang magaganda o poging pulis sa isang opisina o istasyon ng pulis, maaari siyang maging dahilan ng pag-aaway-away dahil sa selos. Lalo na kung dalaga o binata ang attractive na pulis, lahat ng kasama niyang pulis eh magko-compete sa kanyang atensyon.

Dahil sa mga attractive na pulis, magkakaroon ng pagkakawatak-watak sa hanay ng mga kapulisan!

austrian policewoman
isang babaeng pulis mula sa austria, ang hitsura niya ay hindi nararapat para sa police force…
5. Unnecessary additional danger mula sa mga pangit

Kapag may magaganda at pogi at lahat ng atensyon at biyaya ay tinatamasa nila, hindi malayong kamuhian sila ng mga kapwa nila pulis na pangit. Kasi, maiinggit sila sa mga may magagandang hitsura na pulis. Ang gagawin ng mga pangit eh bubuhusan nila ng asido ang mukha ng mga magagandang pulis.

Imbes na makabawas eh nagiging sanhi ang mga magagandang pulis ng karagdagang kriminalidad!

thai policewoman
ito si Anchulee Thirawongpaisan, isang thai policewoman. hindi rin siya nararapat maging pulis sa hilatsa ng kanyang pagmumukha…
6. Additional pressure sa the rest of the kapulisan

Kung magiging madalas ang pagsikat ng mga pogi at magandang pulis sa social media ay mape-pressure ang iba pang mga pulis na mag-ayos at maging kaakit-akit din sa madla. Marami nang iniisip na mas importanteng bagay ang ating mga pulis, hindi na nila kailangan ang karagdagang pag-aalala pa sa kanilang physical appearance.

Ang magagandang pulis ay nakakadagdag ng stress sa iba pang miyembro ng kapulisan!

pretty russian policewoman
isang russian policewoman na wala dapat sa kapulisan…

Narito ang ilan pang halimbawa ng mga pulis na hindi dapat pinapayagan ng mga Pamahalaan na maging miyembro ng kapulisan.

pretty chinese police woman
isang chinese police woman na hindi dapat naging pulis…

Sa paaralan pa lamang ay dapat nang i-discourage mag-pulis ang mga magaganda at gwapo.

pretty police woman norway
isang norwegian police, ano na lang ang mangyayari sa bansa natin kung ganito ang magiging hitsura ng mga babaeng pulis?
prosecutor general crimea
si natalya poklonskaya, prosecutor general ng republika ng crimea. hindi s’ya pulis pero nakaka-distract pa rin siya…

 

san francisco police
si police officer chris kohrs ng san francisco sa amerika. bakit kumukuha ng ganitong mga pulis ang amerika?

 

attractive cops philippines
si neil perez at si sofia deliu. mga halimbawa ng pulis na maghahatid ng problema sa iba pang mga miyembro ng kapulisan…

Paano Magka-Girlfriend

paano magka-girlfriend

This goes out to all my hommies who have sacrificed their lovelife all these years for whatever selfless reasons.

O ‘di ba? Gangster na gangster lang ang peg.

Paumanhin sa mga girls. This post is for the boys only. Pero kung ikaw ay girl at gustong makatulong sa isang boy na kilala mo, please refer this post to him.

Here goes.

Sa mga walang girlfriend na kalalakihan dahilan sa mga dakilang kadahilanan gaya ng pag-aaral nang mabuti, pag-una sa responsibilidad na tumulong sa mga magulang, kapatid o kamag-anak o paghabol sa mga pangarap sa buhay.

Para sa inyo  ito.

(Kung ikaw ay manyak, palamunin at salot sa mundo, wala akong pakialam sa ‘yo 😀 )

So, sa tingin mo ay handa ka nang pumasok sa isang relasyon. Pwede ka nang magka-girlfriend. Gusto mo nang magka-girlfriend. Nagpasya ka nang available ka na sa merkado (ng love market).

Kaya lang may problema.

  1. Hindi mo alam kung saan hahanap ng girlfriend
  2. Hindi ka marunong manligaw
  3. Wala kang nalalaman tungkol sa mga babae
  4. Hindi ka kagwapuhan

Sa tagal mong ginawang hindi available ang sarili mo, nagkaroon ka tuloy ng social disability.

Well, meron akong good news. May tip ako para sa ‘yo.

Pero bago ang lahat, may tanong muna ako na gusto kong itanong mo rin sa sarili mo.

“Bakit gusto mong magka-girlfriend?”

Ilan sa mga posibleng sagot sa tanong na ito ay ang mga sumusunod:

a) gusto mong pagbigyan ang iyong makamundong pagnanasa
b) nalulungkot ka or naiinip or wala ka nang alam gawin sa buhay mo
c) gusto mong mag-asawa at bumuo ng pamilya dahil sa a) or b)
d) meron kang specific na napupusuan na girl at sa tingin mo ay magiging kumpleto ang buhay mo kapag naging kayo

Kung ang dahilan kung bakit gusto mo magkaroon ng girlfriend ay a) or b) or c), meron akong bad news. Meron kang problemang hindi kayang solusyunan ng pagkakaroon ng girlfriend.

Try to fix that problem muna then get back here.

Para sa mga sumagot ng d), read on.

So meron ka namang good intentions kaya gusto mong magkaroon ng girlfriend. Kaya lang ay problema mo yung mga problemang nakalista sa taas. Well, heto lang ang solusyon sa mga problemang iyan.

Are you ready? Wag kang kukurap. Heto na.

Ang solusyon sa iyong problema ay…

LAKAS NG LOOB at KAPAL NG MUKHA

What, nagi-expect ka ba ng mas kumplikadong sagot sa mga problemang nakalista sa taas?

Ang tagumpay mo sa pagkakaroon ng girlfriend ay nakasalalay nang malaki sa dalawang bagay na ito.

LAKAS NG LOOB at KAPAL NG MUKHA

Maaaring may pera ka, may hitsura ka, may muscles ka, may ginintuang kalooban ka, may mga trophy at plake ka, etc.

Pero kung wala ka nitong dalawang bagay na ito, mas mabuti pang ipanata mo na lang na magiging celibate ka buong buhay mo.

LAKAS NG LOOB at KAPAL NG MUKHA

Dahil hindi naman mahuhulog sa mga palad mo ang babaeng iniirog nang ganun-ganon lang.

Kahit 21st century na tayo, kailangan pa ring ikaw ang mag-initiate dahil ikaw ang lalake.

Hindi iyon nakasulat na batas. Pero batas pa rin iyon ng natural world na dapat nating sundan whether we like it or not.

Ngayon, kung wala ka pang napupusuan na girl pero gustung-gusto mo na talagang makahanap ng girlfriend at potential na mapapangasawa at bumuo ng pamilya (dahil ayaw mong tumandang binata at gusto mong magparami ng lahi), narito ang ilang paraan para makita ang iyong match.

Mga magandang lugar para makakita ng potential girlfriend

1. Kapitbahay
2. Friend ng iyong kapamilya or kamag-anak or kaibigan
3. Paaralan
4. Church
5. Community organization
6. Trabaho
7. Kahit saang lugar na regular mong pinupuntahan at may nami-meet kang girls (sports club, suking salon, tindahan, etc.)

Sa mga lugar na nakalista sa itaas, may chance kang makilala ang personalidad nung babae. Meron ka rin pwedeng pagtanungan na nakakakilala sa kanya. Maa-assess mo ang iyong options.

Pero saan ka man magpunta para mag-hunting ng iyong forever, itong dalawang bagay pa rin na ito ang kailangan mo:

LAKAS NG LOOB at KAPAL NG MUKHA

Everything else will follow.

Dahil kung wala ang dalawang bagay na ‘yan, maaaring hindi na-meet ng nanay mo ang tatay mo at wala ka rin dapat sa mundong ito.

Bagong Pamahalaan. Bagong Simula. Baguhin na rin ang Pangalan ng Bansa

perlas ng silangan

Ngayong tapos na ang halalan at maliwanag nang magkakaroon tayo ng bagong administrasyon, umaasa rin ang maraming tao nang maraming pagbabago. Mga magandang pagbabago.

Atat na atat na kasi ang maraming Pilipino para sa pagbabago.

At para talagang maramdaman natin ang pagbabago, I suggest a name change. Palitan na natin ang pangalan ng Pilipinas.

Over 100 years nang malaya ang Pilipinas mula sa Espanya pero ang pangalan ng bansa natin eh nagpapa-alala pa rin sa ating Alipin Era.

‘Yang pagbabago ng ating pangalan ang magiging inspirasyon natin para sa bagong imahe, pagpapatibay ng ating identity, at pagpupunyagi para maging maunlad na bansa.

Para lang toothpaste na nagkaroon ng re-packaging dahil sa bagong formula (added Vitamin E and Calcium).

Narito ang aking mga propose na bagong pangalan para sa ating bansang Philippines:

1. Ang Nagkakaisang mga Pulo ng Pilipinas (United Islands of the Philippines)

O, ‘di ba? Parang United States of America lang ang dating. Pero “United Islands” tayo kasi ang lahat ng ating isla ay nagkakaisa para sa isang matatag na nasyon. Kaya lang, meron pa ring “Pilipinas”. May shadow pa rin ng ating past.

2. Maharlika

Sa pangalang ito ay ini-embrace natin ang ating dugong Malay, kung saan nagsimula ang ating lahi. Ethnic na ethnic ang dating kaya hindi mao-OP ang ating mga katutubong kapatid sa dulong Hilaga man o dulong Timog.

3. Malaya

Ito rin ay mala-ethnic ang dating pero mas ipinapa-alam nito na malaya na talaga tayo. Malaya sa mga dayuhan, malaya sa corruption, malaya sa violence, malaya sa kamangmangan, kahirapan at kung anu-ano pa.

4. Perlas ng Silangan (Orient Pearl)

Tinatawag nang ganito ang bansa natin pero mas maganda kung gawin na natin itong official para di na maangkin ng ibang bansa. Sa pangalang ito, mapapangatawanan natin ang maging pinakamagandang bansa sa buong Silangang bahagi ng daigdig.

5. Pilipinas

Ba’t pa nga ba tayo magpapalit ng pangalan? Gastos lang yan sa oras at pera. Ang dami-dami pang trabahong kaakibat ng pagpapalit ng pangalan ng bansa. Ayusin na lang natin ang bansang Pilipinas at gaganda rin ang image natin sa mga taga-ibang bansa.

Binalak na itong gawin nuon pero (mabuti na lang at) hindi natuloy dahil nga parang mas marami pa itong perhuwisyong magagawa kesa sa benepisyo.

Pero kung sa pagpapalit natin ng bagong pangalan eh maitatapon natin ang mga luma at nakakasira nating pag-iisip at kultura, aba’y magpalit na tayo ng pangalan ngayon din.

Mga Dahilan Kung Bakit Kailangan Mong Basahin ang Nobelang Dekada ’70

Ang Dekada ’70 ba ay isang nobelang kailangan mo lang gawan ng book review para makumpleto ang iyong requirements sa subject na Filipino o kaya ay Literatura para ikaw ay makapasa?

dekada 70 cover

Ang post na ito ay hindi isang book review na maaari mong i-copy + paste sa iyong takda at ipasa sa iyong gurong itatambak naman ito sa bookshelf hanggang sa matabunan na ng alikabok.

Ang post na ito ay magbibigay sa iyo ng mga dahilan kung bakit kailangan mong basahin (o basahin ulit) ang Dekada ’70.

Kababaihan

Ipinakita sa nobela ang ilang mga mukha ng kababaihan. Housewife. Asawa. Ina. Miyembro ng Kilusan. Survivor. Hindi lingid sa ating kaalaman na limitado lamang ang pwedeng gawin ng mga kababaihan noon lalo na sa kultura nating patriarkal, na ang mga babae ay para lang sa bahay.

Sa panahon ngayon na kung saan tanggap na ng lipunan ang mga babaeng may kani-kaniyang propesyon, hindi pa rin natin maialis ang kakaibang pagtingin sa mga babaing piniling maging housewives. Hindi lang naman mga babaeng may mataas na posisyon sa gobyerno o mga kumpanya ang may malaking silbi sa ating mundo. Mas malaki yata ang papel na ginagampanan ng ating mga housewives.

Iba’t iba man ang papel na ginagampanan ay dapat pa ring magkaroon ng pantay-pantay na pagtuturing sa mga kababaihan.

Kalayaan. Demokrasya.

Inilarawan sa nobela ang sitwasyon ng bansa noong Dekada ’70 hanggang sa unang mga taon ng sumunod na dekada kung saan tikom ang bibig ng mga mamamayan. Pili lang ang mga balitang inilalabas ng media. Pinapatahimik ang mga nag-iingay.

Bawat isa sa atin ngayon ay malayang nakapaghahayag ng ating saloobin. Isa itong pribilehiyong hindi tinamasa ng mga mamamayan noong Martial Law. Isang pribilehiyong hindi dapat sayangin, kungdi ay gamitin upang maging mga produktibong mamamayan.

Relasyong Pilipinas – Amerika

Ipinakita sa librong ito kung paanong patuloy ang panghihimasok ng Amerika sa ating bansa, kung paano sila nagpayaman habang pinalulubog tayo sa utang at kung nito pinatay ang kabuhayan ng Pilipinas – mga bagay na hanggang ngayon ay parang walang ipinagbago.

Katarungan, pagmamalasakit sa bayan at mga nakaraang hindi na dapat pa  maulit

Hindi lang si Rizal o si Bonifacio o si Luna ang nagbuwis ng buhay para sa bayan. Napakaraming naglaan ng buhay para sa kalayaan at karapatan ng bawat Pilipino na hindi nabigyan ng katarungan at hindi man lang nabigyan ng karampatang pag-alala. Marami sa kanila ay mga estudyante, manggagawa, magsasaka, guro at mga pangkaraniwang mamamayang tulad mo at tulad ko. Mga nakipaglaban para sa karapatan kapalit ng kanilang mga buhay.

Kung paulit-ulit tayong magkakamali sa pagpili ng maling lider ng bansa, paulit-ulit din tayong mawawalan ng pagbabagong ating inaasam.

Ika nga ng historian na si Ambeth Ocampo,

History does not repeat itself. We repeat history.

Ang Dekada ’70 ay hindi lamang isang librong pangkumpleto sa inyong requirements sa eskwelahan. Ang nobelang ito ay isang repleksyon ng ating malagim na nakaraan at kung paano marami sa mga pangyayari noon ay patuloy na nauulit-ulit pa hanggang sa kasalukuyan kahit ilang dekada na ang nakalipas matapos maisulat at mailimbag ang Dekada ’70. Kung hindi tayo kikilos bilang mga mamamayan ay magiging parang isang roleta na lang sa perya ang ating kasaysayan – umiikot nang walang katapusan.

Boboto Ka Ba?

Uy, musta na?
Ganda ng t-shirt mo ah.
Binili mo?

Hindi?
Gawa mo?
Ang galing ah.

S’ya ba yung President mo?

Ah oo nga.
Nakita ko nga sa newsfeed ko.

Grabe, todo suporta ka talaga sa kandidato mo ha.
Bilib ako sa ‘yo.
Wala akong tyaga sa ganyan eh.

Oo, yung selfie mo dun sa miting de avance n’ya, nakita ko nga.

Kuntodo attire ka nga eh, may banderitas, may pamaypay, may t-shirt, bag, bandana, etc.

Kala ko kung sinong international singer yung inattendan mong concert eh miting de avance pala.

Comments? Ah oo nabasa ko nga yun.
Yung nakipag-away ka dun sa nag-bash sa kandidato mo?
Haha angas mo nga eh!

Ano’ng oras nga pala punta mo sa presinto para bumoto?
Ah eh, sasabay na sana ako eh para may kasama ako sa pagboto sa Monday.

Ah, nag-volunteer ka para poll watcher kaya maaga kang pupunta sa presinto?

Ah okay sige, boboto ka na rin ba sa oras na ‘yun?
Hindi?
Bakit?

Hindi ka nakapagpa-rehistro?
Teka, ‘di ba one year yung palugit dun?

Hindi ka nakapunta dahil busy?
One year kang busy?

So, ibig mong sabihin, hindi ka boboto para sa kandidato mo?
‘Di mo naman alam na kakandidato pala s’ya?
So, kasalanan nung kandidato mo yung di mo pagpapa-rehistro?

Alam mo bang sa pamamagitan lang ng boto pwede manalo ang kandidato mo?

Oo nga, malaking bagay din yung nakakapagbigay ka ng suporta at kampanya para sa kandidato mo pero kung kayong lahat na supporters n’ya eh hindi naman pala mga registered voters eh ano’ng sense nun?

Paano ninyo masisiguradong mananalo ang kandidato ninyo kung ‘di n’yo naman pala s’ya kayang iboto?

Hinahangaan kita sa alab mong ikampanya nang libre ang kandidato mo pero mas matutuwa siguro ang kandidato mo kung maiboboto mo s’ya.

Oo, pwede ngang mahikayat mong bumoto sa kandidato mo ang ibang mga registered voters pero sa case ko, hindi effective ang kampanya ninyo.

Kasi registered voter ako at boboto ako sa Lunes.
Pero hindi kandidato mo ang iboboto ko.

mga kandidato sa pagka-pangulo 2016
may kandidato ka nga, kung di mo naman maiboto…nonsense!