CY2015 ROSA Report at ang Karima-rimarim na Suweldo ng mga GOCC Officials

kahirapan sa pilipinas

mukha lang mahirap ang pilipinas pero mayaman talaga tayo, kokonti nga lang ang nakikinabang… (photo by: Alex Conrady)

Narito ang isang katibayan na hindi naman talaga naghihirap ang Pilipinas. Hindi lang ikinakalat ang yaman at iilang mga tao lamang ang nakikinabang.

Ang Commission on Audit (COA) ay naglabas ng kanilang 2015 Report on Salaries and Allowances (ROSA) ng ilang Government Officials kabilang na yung sa mga Government Owned or Controlled Corporations (GOCC).

report on salaries and allowances of government officials 2015

Ayon sa COA, ang report na ito ay:

2015 Report on Salaries and Allowances Received by Principal Officers and Members of Governing Boards of Government-Owned or -Controlled Corporations and of their Subsidiaries and by Secretaries, Undersecretaries, Assistant Secretaries  and Other Officials of Equivalent Rank of National Government Agencies

Ang report na ito ay for public consumption pero hindi masyadong pinapansin.

So, ano naman ang karima-rimarim dito?
Wait and see.

Makikita sa ibaba ang kinita ng ilang mga government officials para sa taong 2015 lamang (one year worth of income).

computation ng kinita ng mga govt officials

ito daw ang computation ng lahat ng kinita ng mga officials sa isang taon (coa.gov.ph)

Ayon sa COA, ang mga figures na ito ay:

The amounts herein listed are the grand totals of the salaries, allowances and other emoluments received by each official, the details of which can be found in Part VI – Details of Salaries and Allowances.

Pagkatapos mong makita ang mga suweldo ng mga taong ito, ikumpara mo iyon sa kung magkano ang lahat-lahat nang natanggap mo nang pera sa buong buhay mo.

Narito ang ilan lamang na listahan ng mga Ahensya at Officials nito na tumanggap ng limpak-limpak na salapi:

1. Development Bank of the Philippines

development bank of the philippines

2. Government Service Insurance System (GSIS)

government service insurance system

3. Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

bangko sentral ng pilipinas

4. Securities and Exchange Commission (SEC)

securities and exchange commission

5. Land Bank of the Philippines (LBP)

land bank of the philippines

6. Social Security System (SSS)

social security system

Ikaw? Magkano ang lahat ng kinita mo nuong taong 2015? Php 500,000? Php 300,000? Baryang barya lang ‘yun sa mga taong ito.

Narito naman ang RANKING ng mga officials na nagkamal ng kasula-sulasok na halaga ng salapi nuong taong 2015 lamang:
government officials salary ranking 2015

partial list (click to enlarge)

Ano ang silbi ng mga taong ito sa buhay natin? Hindi natin alam.

Hindi rin natin alam kung ano ang trabaho nila at ano ang ginagawa nila para tumanggap ng ganung kalaking halaga ng pera pero ang alam natin, kayang kumita ng ganyang halaga ang mga tao sa ating Pamahalaan sa kabila ng kahirapan ng ating bansa.

Ilan lang na sample ang mga ‘yan. Marami ka pang makikita kung ida-download at babasahin mo ang buong report.

Pero sa kabila ng pagkalaki-laking kinikita ng mga posisyong ito taun-taon, madadagdagan pa ito lalo dahil sa batas na ipinatupad ng dating Pangulong Aquino na nagtataas sa suweldo ng mga GOCC Workers.

Pasensya tayo at walang konsensya ang mga Government Officials ng mga nakalipas na Administrasyon. Pero sana, may gawin ang kasalukuyang administrasyon tungkol dito.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

43 replies

  1. buti na lang hindi ako nag babayad ng buwis maliban na lang kung uuwi ako ng pilipinas

  2. Panginoon patawarin mo po sila! kaya pala ang daming naghihirap..ganito ang ating president transparent talaga..

  3. Sna isa din ito gawan ng aksyon ng bagong administration, tangalin lahat ng mga government officials na corrupt, at pansinin din ang sobrang mahal na bilihin,dto sa saudi mura ang mga gulay lalong lalo na ang asukal nakapagtataka wla dtong taniman ng mga iyan lahat import tulad ng sibuyas bawang kamates nakapagtataka lang tlga,sna mr president isa ito sa tutukuan ninyo ng pansin

  4. Huh! Aalsa ang mga yan laban kay president, handahanda na tau wala ng atrasan mahati na tlaga ang pinas pg hindi yan titino mga iyan at lalong hindi ibalik nila ang mga perang iyan sa bayan.

  5. May relihiyon paba ang mga iyan .kunsabagay yung mga relihiyon hindi magkaisa.dahil sa sariling interes.magaganda cnasabi .kulang naman sa gawa.wala sanang gumagawa ng mali kung bawat relihiyon magbigay ng 15 milyon n ikapu.magkakaron ng skul .sa liblib n lugar.magkakatrabaho ang nagnanakaw.tulak.benta ng aliw.ang tanong cno ang mangungunang.relihiyon wala kc lahat cla magnanakaw din.wala clang pinag iba sa ibang tao sa gobyerno n makakapal ang mukha.kung sabagay paghuhukom sayo ng diyos ano ang nagawa mo sa kapwa mo.

  6. Tpos n po ang maliligayang araw nila!! Dumating na ang itinalaga ng Dios sa ating kawawang bansang Pilipinas! Aahon po tyo at babangon sa pagkakalugmok sama sama po tyong manalangin at sama sama po tyong sumuporta sa magandang adhikain ng ating Pangulong Rodrigo Duterte !! Kya pa Bangon Pilipinas !!!God bless us!!

  7. There are so many Senior Vice Presidents, Executive Vice Presidents and Vice Presidents! Why??

  8. Kailangan nila ng mahirap para may magsisilbi sa kanila at may maloloko sila, kaya ayaw nilang guminhawa ang mga pilipino. Naatim nila nakikitang maraming nagugutom, samantalang sila nakaupo sa opisina, naka aircon at sa harap ng computer, akala mo busy yun pala nag sosocial media at ang lalake ng sahod. Samantalang yun mga banat ang buto, nasa initan, pagod ang utak at katawan, kakapirangot ang sahod halos palimos nalang sa liit. Nasa ang hustisya ng human rights? Di pagpatay sa katawan ang atopagin nyo kundi pati ang patay sa pagkatao!

  9. Pnoy n co.did was throat-saving

  10. don’t worry mga kababayan ko jan sa pinas… nagtagumpay tyo sa pag halal sa mahal na pangulo rodrigo duterte… dama ko ang kanyang buong pusong pagwasak sa droga at corrupt na tiwali… so be patient mahaba pa panahon wag madaliiin maiaayos ni sir digong yan… sana pag uwi ko ng pinas mKita ko na naglalakad ang dalaga sa daan ng walang pangamba at ligtas sa pahamak.. at yan ang gagawin ng administrasyong DIGONG…
    #MABUHAY DU30

    FROM:EDUARD _TAIWAN

  11. ganito tayo inaapi ng mga tao na nasa pamahalaan kaya di tayo bumabangon…ang mga mahihirap lang ang lalong pinahihirapan samantalang napakaarogante na nagoopisina mga suplada pa pag lumapit ka…mahal na bagong pangulo…masilip po sana ninyo ito…isama nyo po kaming mahihirap para sa tunay na pagbabago ng ating bansa… mabuhay ang mga taong may maladakit sa kapwa at may takot sa diyos.. sa ngalan ng diyos ama…sa anak at sa diyos espiritu santo…amen

  12. Sigurado yan, may parte o comission si pinoy sa mga taong yan. Watta good strategy.

  13. Mga tarant*d*ng to. kami mga maliliit na negosyante na biktima ng yolanda bakit walang recovery sa amin yon pala nagpapalaki pala kau sa bulsa ninyo,,,,ang laki ng kinuha ninyo sa pera ng gobyerno samantalang naghihirap kami dito. put*ng ina n’yo

  14. Excuse me… Kapanahunan pa ni fvr nagtaasan ng mga sahod ang mga opisyales ng govt financial institution at di lang nakaraang administration… Kung illegal yan, simple lang, idisallow ng coa… Kung di ako nagkakamali ginawa yan para makakuha ng magaling, sana nga matino, at manatili sa gfi.. Taga gobyerno din ako… Alam mo ba sahod ng janitor o messenger jan….? Halos kalevel na ang titser, take note titser… Di lang opisyales ang mataas sahod sa mga gfi… Wag ipares ang gocc sa gfi.. Nasa by laws ng gfi yan na inamend kapanahunan pa ni fvr ang ibang salary scale…

  15. What a very impressive salary of the Principal Officers Governing Board of the Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs). May be this is depend upon the income of the corporations to compensate the Salary of the Principal officers and Rank and File Employees due to their Management skill
    and Hard work in running the Corporations.

  16. Sana bigyan ng pansin ng mga local official na bigyan ng pagkakataon ang mga tao na elligible..naka tuwa sana na nakapasa kase qualified ka with passing the Eligibility exam.but pag apply mo sa gov.di ka tanggapin kasi di ka parti nila..or political issue..sa Malakas lang..masakit..kaya pilit ka hanap ibang work or tambay..at sakit isipin na ang nag trabaho ang di mga elligible kase may kapit sila..sana bigyan ng pagkakataon ang nga elligibles.salamat

  17. Wla pa dito ang phic, LTO, BIR, pagibig at semi private na kunwari mga coop.. water districts, electric cooperatives etc..

    Part lang ito ng buong katotohanan..

    And the list is just the basic salaries wla pa yata mga honoraria per meeting nito.. at ibang un-labeled bonuses..

    Samantalang, we ordinary workers are limited to 30k per month sa higher positions.. malaki tingnan pero ang tax 35% plus VAT 12% sa lahat ng bibilhin mo mula sa natitirang sahod..
    53% nalang talaga ang capacity to buy mo.. so sa 30k.. 16k more or less lng talaga pera mo.. less sss./gsis. Pagibig, phic.. 10k nlng e budget mo talaga..

    • Good evening po sir eric… Pagpasensyahan nyo na po kung magbubutt-in ako kasi nagkamali po yata kayo sa inyong perspective sa aming taga BiR. Unana una po hindi po kami GOCC. Sumusuweldo lang po kami ng kagaya ng mga ordinaryong government officials. Kaming mga nasa rank and file na may SG 11 19k lang po. Sa mga officers namin im sure 50k to 60k cguro but not to the extent na milyong milyon po. Masakit lang po kasing isipin na kaming mga ordinaryong empleyado ng BIR ay nadadamay sa general na perception na corrupt at sumasahod ng napakalaki. Pagpasensyahan nyo na po ako. For you info lang po

  18. ito talaga ang dahilan kung bakit daming naghihirap sa ating bansa hindi na ayos at ma bigyan naman ng tama ang ibang nag hikahos sa buhay. kiso mataas ang kanilang tungkuling s governo ganun na din ang pag apaw ng kanilang kita sa kanilang tinatayuan sa buhay… Kaya Please Mr. President is you turned to locate this for your owned people republic of the philippines na nag bigay sa iyo ng kapanyarihan sana ma masulbad naman toh.. kaci subra-surba talaga… daming taong meron kakayahan na ma mapatakbo ang isang ahencia ng governo na di ganun kacing laking sahod….. daming matalinong ta-o sa atin. na hindi humihingi ng ganun sky- is the limit na sahod. to minimized the budget para naman maka bili tau ng Aircraft Carrier para sa ating bansa…

  19. Ganyan talaga,pag bulok ang namamahala. bulok din talaga ang maging sistima..pero akoy nag tataka? marami pa rin ang may gusto sa nakaraan,siguro sila lang yung nakinabang..uras na upang linisin ang bansa natin…

  20. PAANO HINDI TATA AS ANG SAHOD NG NASA MGA APOINTED NG ADMIN NG GOBYERNO SA SUBRANG LUHO SA KATAWAN KULANG PA AT GAGAWA PA NG PARAN UPANG MAKA GAWA NG PERA SA PAMAMGITAN NG RED TAPE O LAGAY MULA SA MGA TRANSACYION NG GOBYERNO ANO BA ANG MGA LUHO NA ITO ?? HALIMBAWA PAG LALAKI IMPLIYADO MAY ASAWA YAN ISA MAGKAKABIT HINDI LANG ISANG KABIT DALAWA PA O HANGGANG TATLO ASAWA YAN BAWAT ASAWA MAY BAHAY AIRCON TUBIG PAKOTSI DRIVER KATULONG SA BAHAY ANG MGA ANAK PA ARAL SA MGA MAMAHALIN UNUVERSITY PAGKAIN NATURAL DO ON YAN SA OPIS NG PINAGTRATRABAHU AN NAKA PAYROL KAYA LAGING KAPOS ANG ISANG IMPLIYADO KAHIT EXECUTIVE NA POSITION SA ISANG GOBYERNO . IBANG LUHO PERSONAL PAG PASOK SA SALON GUPIT PIDI CURE MANEY CURE KUNG GAWIN DALAWANG BISIS SA ISANG BUWAN. APAT NA ASAWA YAN PARIHO ANG LUHO . ANG 50,000 SAHOD SA ISANG BUWAN KULANG YAN SA DAMI NG BISYO NG ISANG IMPLIYADO

  21. MR. PRESIDENT PLEASE ????? THIS IS A VERY IMPORTANT CONCERN. HAVE FOCUS TO CORRECT THESE SALARIES OFTHE GOVERNMENT OFFICIALS OH GUSH MAS MATAAS PA SA MGA ELECTED OFFICIALS MAS MATAAS PA SA PRESIDENTE. NASAAN ANG LOGIC DIYAN. PLEASE APPROACH THEM IN A GOOD WAY.

  22. kaya nga tayo nagbabayad ng Buwis,, para masustenahan ang mga Sweldo ng mga Opisyal natin.

  23. Kagagawan ito ng political party favors na matagal ng nangyayari sa ating kaawa-awang bansa. Pawang mga kaalyado ng pangulo ang mga itinatalaga sa mga ahensyang ito na itinuturing na kabayaran sa suportang pinansyal sa kanyang kandidatura. Dapat nang baguhin ang lantarang corruption na ito ngayon na si President Duterte na ang kakaupo.

    • Seguro ang pumikrma ng bagong salary rates TANGA, di alam kung nilubog niya ang Pinas sa utang. Sana mabago ng bagong Presidente yan, para marami man lang maging projects pampaunlad ng bansa.

  24. Ito ang mga buwaya na walang gustong gawin kundi…. ” Tuklawin at lamunin ang maliliit na bagay na dadaan sa kanilang harapan”… Sila ang mga walang pusong nilalang ng Diyos na ibig nilang…. sila lang ang makikinabang sa bawat kasaganahan na ibibigay ng Diyos para sa LAHAT!!! Ka 70% of the people belongs to the bracket of poor and 30% belongs to the RICH AND FAMOUS..! Ano ang dapat gawin ng pamahalaan natin???? Well abangan ang susunod na kabanata..!!!!****##$$$###

  25. Sana isinama nyo rin ang mga walang puso sa SSS. Ayaw na ayaw nilang taasan ang mga pension ng mga hamak na pensioneer lalo na yong tumatanggap lang ng 1,200.00 monthly, ano po ba mabibili ng 40.00 daily cguro lason na lang ang mura, sana makonsencya naman cla.

    • Sir. Hindi naman po ang SSS ang nagdecide. Walang magagawa ang SSS employees kung iapprove or hindi iapprove mang presidente nang Pilipinas. Sa lahat nang agency ang SSS ang may puso. Isearch nyo po or magtanong kayo para malaman nyo.

      • Mga opisyales ng sss ang unang nagpahiwatig ng di nila pagsang-ayon sa pagtataas ng pensyon. Although ang presidente panot ang may final say sa desisyon, masasabing sila ang nagbigay ng “input” pra lalong maging matibay si panot sa paniniwala nya na malulugi ang sss kung hindi nya na-veto ung bill. Kasi nga naman ang lahat yata ng opisyales at empleyado ng sss ay hindi s sss ang membership nila ng knilang
        social insurance kungdi sa gsis.

    • @rhene, as per your request, isinama na rin po yung list ng ilang executives ng SSS na sumuweldo ng limpak-limpak na salapi nuong 2015…

    • korek k RHENE kulang pa pambili ng maintenance ng husband ko

    • Dapat kasi kung magkano ang minimum wage yun ang equivalent minimum wage

    • diyan ako inis na inis saSSS. ang pera na iyan sa mga contribution yan at hindi taxes. hindi dapat sila sumasahod ng malaki. Para may pension ang mga contributors, hindi para may pension ang mga managers. walang hiya kayo diyan.

  26. wala lang, ingit ako, kaso mga Presidente, Executive Positions yan a, hindi ba sa private mas mataas pa nga yan? at mga GOCC yan, income generating corporations yan at wala kinukuha (dapat) sa funds na galing sa taxes ng tao?, kung may driver dyan na sahod 5m, ayun mapipikon talaga ako dyan

  27. Dapat sa mga i firing squad sa luneta.kming mga karkarot na empleyado tulad ko P108,ooo lng ang gross income ko annually.ang kalahati nyan napunta sa tax sss con pag ibig at iba pang deductions.kulang na kulang kung iisipin mo.ang hirap ibudget.kya minsan ang iba nkakaisip ng magnakaw lalu na yung mga walang trabaho.sana nga magawan ng paraan ng ating mahal na pangulo ang problemang ito at ipinagdadasal namin na sana gabayan ng poong maykapal ang Pangulo natin para matupad nya ang kanyang mga pagbabagong ipinangako.

  28. Nakakagalit makita ang mga numerong yan lalo na kung alam mong naghihirap kang magtrabaho para may ibayad sa buwis (32% nga ba?).

  29. mayaman pala ang Pilipinas. kayang magpasweldo ng ganyan kalaki

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: