Mga Pwede Mong Gawin Habang Naghihintay

mga pwedeng gawin habang naghihintayNaghihintay ka bang makita o dumating ang iyong one true and perfect love? Well, bad news. Hindi tungkol dun ang article na ito.

Ang paghihintay na tatalakayin dito ay tungkol sa paghihihintay na ginagagawa nating lahat sa araw-araw nating buhay. Paghihintay sa pila, paghihintay sa kasama, paghihintay mabakante ang C.R., paghihintay sa trapik, etc.

Ang daming activity sa buhay natin ang involved ang paghihintay at kung aaksayahin natin ito nang walang ibang ginagawa kundi tumunganga, napakaraming oras at oportunidad ang inaaksaya natin.

Mas marami pang importanteng bagay sa buhay natin ang dapat nating ginagawa kesa magbayad ng tubig, kesa hintayin yung ka-eyeball mong dalawang oras lagi kung ma-late, kesa hintayin yung nanay mong magsukat nang magsukat ng mga sapatos na hindi naman nya bibilhin, at kung anu-ano pang mga paghihintay na kahit ayaw nating gawin eh hindi natin maiwasan.

Narito ang ilang tips kung paano maging produktibo habang naghihintay.

 1) Magbasa

readNasa sa iyo na kung ano ang gusto mong basahin; fiction, inspirational, self-help, textbooks, company/school report, email, text messages, love letter, etc. Magiging produktibo ang oras mo sa paghihintay kung magbabasa ka imbes na nakatunganga lang na naghihintay. Kung parte ng trabaho mo ang magbasa, pwede kang magdala ng ilang mga dapat mong basahin habang naghihintay. Mababawasan nito ang mga dapat mong gawing trabaho. Kung may mga messages ka rin na hindi pa nababasa, ito ang chance mong bawasan yung mga mensaheng matagal nang naka-stock sa cellphone mo. Ito rin ang chance mong bawasan yung mga librong matagal mo nang gustong basahin.

 

2) Makinig

listenBukod sa pakikinig ng music o balita, maaaring maging produktibo ang iyong paghihintay kung nadadagdagan ang kaalaman mo sa pinapakinggan mo. Subukan mong makinig para matuto ng bagong lenggwahe, mag-aral ng negosyo, mag-aral ng communication skills, logical thinking, etc. Marami kang pwedeng makuhang libreng impormasyon sa podcast o sa YouTube. Pwede ka ring mag-record ng mga in-attendan mong seminar, lecture o meeting at pakinggan ito habang naghihintay para ma-review ang mga natutunan mo. Siguraduhin mo lang na gumamit ng earphones para di makaistorbo sa iba. Pero syempre, kung nagmamaneho ka at mag-isa ka lang naman sa loob ng sasakyan, di mo na kelangang gumamit ng earphones.

 

3) Manood

watchPara maging produktibo ang iyong oras habang naghihintay pwede kang manood ng mga educational, instructional, informative, self-help o inspirational videos. Kung nagco-commute ka, siguraduhin mo lang na naka-earphone ka para di ka makaperwisyo ng ibang tao.

 

4) Magsulat

writeKung estudyante ka, blogger, author, writer, speaker, teacher o nasa anumang field na nangangailangang magsulat, pwede kang gumawa ng mga draft ng iyong sinusulat habang naghihintay. Kelangan mo lang ng panulat at masusulatan. Pagdating sa bahay, eskwela o pinagta-trabahuhan, pwede mo na itong i-finalize.

 

5) Check your checklist

checklistSinasabi ng ilang mga pag-aaral (link) na isa sa mga gawain ng mga taong matagumpay (successful) ay ang pagpa-plano. Habang naghihintay, tsekin mo ang iyong checklist ng mga dapat gawin. Kung wala ka pang checklist ng mga dapat mong gawin, gumawa ka. Pwede mong planuhin ang lahat ng dapat mong gawin sa isang araw, isang linggo, isang buwan, isang taon, limang taon, and so on and so forth. Then, ilista mo ang lahat ng dapat mong gawin. Habang naghihintay, pwede mo i-revise ang iyong checklist. Kapag nagpa-plano tayo ng mga gagawin natin, nababawasan ang mga oras na naitatapon sa mga walang kwentang bagay. Nakakagaan din ng loob kapag nakikita nating organized at alam natin kung anu-ano ang dapat nating gawin.

 

6) Mag-reklamo sa social media

magreklamoPinaghihintay ka ba nang matagal ng LTO, ng SSS, ng DFA, ng DPWH o ng anumang government agency? Trapik ba sa EDSA? Huminto ba ang LRT/MRT? Well, then take a picture at i-hashtag mo na ‘yan! I-bayan patrol mo, i-brigada mo, isumbong mo kay Tulfo, whatever. I-post mo na yang sitwasyon mo at baka sakaling matawag yung pansin ng mga kinauukulan at baka sakaling ma-pressure silang humanap ng solusyon. Kapag mas maraming nagre-reklamo sa Social Media, mas nae-engganyo mag-trabaho ang mga awtoridad. Kaya i-post na yang paghihintay mo.

 

7) Finish other pending tasks

other tasksKung may iba ka pang dapat tapusin o lakarin na pwede mo namang isabay habang naghihintay, gawin mo na ito. Kung may number ka at tingin mo ay matagal-tagal pa bago ka matawag, mag-paalam ka lang sandali sa mga kasama mo sa pila na babalik ka rin agad. Sa ganitong paraan, pwedeng umalis ka muna sandali sa pila para mag-grocery, magpagupit ng buhok, manood ng sine, magpa-massage, kumain, magkape, etc.

 

8) Text or call people

make callsKung lagi ka na lang nagdadahilan na wala kang oras kaya di ka nagte-text o tumatawag sa maraming mga tao, eto na ang pagkakataon mo. Habang naghihintay, kontakin ang nanay, tatay, tito, tita, lolo, lola, katrabaho, boss, kaklase, kaibigan, syota o asawa mo. Communicate with people during your idle time. Strengthen your personal relationships.

 

9) Exercise your brain

brain exerciseMagdala lagi ng sudoku, crossword puzzles, or installan ng games ang iyong smartphone o tablet. Nakakabawas daw ng risk ng Alzheimer’s disease ang regular na pag-ehersisyo ng katawan pati na rin ng ating utak (link). Stay sharp, men (and women).

 

10) Makipag-usap

communicateSubukan mong kausapin yung mga kasama mong mga nakapila. May mga impormasyon kang pwedeng makuha sa kanila. Impormasyon halimbawa sa murang bilihin, impormasyon sa mapagkakakitaang pera, o impormasyon tungkol sa mapapasukang bagong trabaho. Baka nga makilala mo pa yung future mong mapapangasawa kung makikipag-usap ka lang at lalawakan ang iyong network. Siyempre, mag-ingat ka ring wag mabiktima ng mga miyembro ng budul-budol o akyat-bahay gang dahil sa mga impormasyon maaaring i-share mo sa kanila. Tantiyahin mo kung sino ang kausap mo.

Gawing produktibo ang iyong mga oras nang paghihintay. Malay mo, sa kaka-absorb mo ng new knowledge tuwing naghihintay, baka umasenso ka sa buhay at di mo na kailangan pang maghintay sa mga hinihintay mo ngayon.

Saan-saan mo pwedeng gamitin ang mga suggestion na nakasaad sa itaas?

  • Habang nasa pila
  • Habang nasa loob ng sasakyan
  • Habang nagmamaneho
  • Habang may hinihintay na dumating
  • Anumang bagay na nangangailangan ng matagal na paghihintay

Gayahin natin si Mr. Bean. Isa siyang magaling na multi-tasker. Wala siyang sinasayang na oras 😀

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Halu-halo

Tags: , , , , ,

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: