Isang Linggong Sardinas

Nakatanggap ka ba ng relief goods ngayong panahon ng quarantine? Kung oo, congrats. Kung hindi, better luck next time. Hindi ka nag-iisa.

Kung nakatanggap ka ng relief goods at kagaya ng ilan, marami sa mga laman ng iyong relief goods ay mga delatang sardinas. At dahil saying naman kung hindi mo kakainin ang mga ito, kelangan mong maging creative para hindi ka magsawang kumain ng sardinas kung ito lang ang meron ka at gipit ka sa budget.

Narito ang ilang mga recipe na maaari mong subukan para tumagal ka ng isang linggo na puro sardinas ang ulam.

Lunes : Ginisang Sardinas

Ito ang pinaka-basic na lutong sardinas. Basta marunong ka mag-gisa, solve ka na. Pwede mo rin itong ipalaman sa tinapay o pandesal.

Ingredients: bawang, sibuyas, cooking oil at sardinas

Martes : Sardinas with Instant Pancit Canton

Wala na sigurong mas dadali pa dito. Magpakulo ka lang ng noodles, tanggalan ng tubig, budburan ng seasoning at lagyan ng toppings na sardinas.

Ingredients: instant pancit canton, tubig at sardinas

Miyerkules : Sardinas with Labanos

Sino’ng nagsabi na hindi masustansya ang sardinas? Mag-gisa ka lang ng bawang, sibuyas, kamatis at sahugan ng sardinas, may nutritious ulam ka na.

Ingredients: labanos, kamatis, sibuyas, bawang, cooking oil at sardinas

Huwebes : Sardinas with Ampalaya

Heto pa’ng isang masustansyang ulam na sinahugan ng sardinas. Ginisang ampalaya na may sardinas. Pampalakas sa mga anemic.

Ingredients: ampalaya, kamatis, sibuyas, bawang, cooking oil at sardinas

Biyernes : Sardinas with Patola and Miswa

Heto naman kung gusto mo ng may sabaw. Igigisa lang ang sardinas, kasama ang patola at lalagyan ng tubig at miswa noodles. Ayos ito pag maulan.

Ingredients: miswa, patola, bawang, cooking oil at sardinas

Sabado : Lumpiang Sardinas

Kung gusto mo ng something crunchy, heto ang bagay sa ‘yo.

Ingredients: wrapper, carrots, sibuyas, kamatis, bawang, cooking oil at sardinas

Linggo : Sardinas with Pasta

Kung feeling sosyalin ka, heto ang Instagrammable na lutong sardinas. Magpakulo ng pasta noodles at itabi ito. Mag-gisa ng sardinas at saka isahog ang pinakuluang noodles.

Ingredients: pasta, tubig, asin, bawang, sibuyas, cooking oil at sardinas

Napakadali, napakamura, at napakabilis gawin ng mga lutong ito. Kelangan mo lang mag-praktis mag-gisa and you’re all set. Enjoy!

*Note: Please check yung mga link ng mga pictures para sa mas detalyadong instructions 🙂



Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , , , , , ,

Comment na (wag na mahiya)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: